bc

Araw Gabi: Lance and Andeng

book_age18+
8
FOLLOW
1K
READ
goodgirl
drama
bxg
first love
like
intro-logo
Blurb

Singer songwriter and famous celebrity, Lance Rios, came out of a well publicized split with his also famous celebrity ex-fiancee, Angel David. After the successful series of concerts nationwide and abroad, Lance discovered that Angel has been cheating on him with a co-actor from her recent movie. He went away for a much needed break but met an accident.

His mother and grandfather sent him a physical therapist, Andeng, who upon seeing her has awakened his senses. She seem unaware of her beauty and charm.But due to a deep hearbreak, he doesn't want to get emotionally involved. But he can sense she wants him too.

Will she walk away fixing him but with a broken heart?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"I am just a girl, standing in front of a boy, asking him to love her..."  "Grabe talaga nakakakilig sobraaa!"  Halos pilipit na si Andeng sa kakiligan habang pinapanood ang paborito nitong romantic comedy movie na Notting Hill sa kaniyang tablet. May isandaang beses na yata nitong napanood ang naturang pelikula. Pero hindi siya nagsasawa na paulit ulit itong panoorin. Bukod sa paborito nito ang mga artista na gumanap, gustong gusto niya ang istorya nito.  Isinara ni Andeng ang kaniyang tablet. Sa loob ng cover nito ay makikita pa ang ilang pictures ng mga artista na nakadikit sa loob nito. "Andeng, pasok ka na daw sa loob." Tawag pansin ng isang kasambahay kay Andeng na noon ay naghihintay na tawagin para sa physical therapy or PT session ng kaniyang pasyente. Sa napakalaking mansyon na iyon ni ay may isang kuwarto na tila hospital room kunsaan silang mga medical team nito ay pinapapunta. Pero ngayon ay sa ibang direksyon siya dinala ng kasambahay. Umakyat sa engrandeng hagdan patungo sa isang malapad na pasilyo ay nilampasan nila ang mga nakasaradong pinto sa magkabila ng dinaanan. Sa dulo nito ay ang isang malawak na terasa kung saan ay kita ang kabuuan ng hardin at ang malaking swimming pool. "Upo ka muna rito, antayin mo sila," wika ng kasambahay. Umupo si Andeng sa isa sa maraming upuan na nandoon. Ninanamnam nito ang kagandahan ng mga halaman at puno sa tanawin nang maramdaman ang pagdating ng ilang mga tao. Sa tatayo si Andeng para magbigay galang kay Don Jaime na nakaupo sa tulak na wheelchair ng care giver, sumenyas ito sa kaniya na muli siyang umupo. Kasunod niyon ay isang napakagandang babae na bagaman may edad na ay tila mukhang artista. Pamilyar ito sa kaniya pero hindi niya mapagsino ito. "Umupo ka, hija. May pag-uusapan tayo." Sabi sa kaniya ni Don Jaime. "Don Jaime, may therapy po kayo ngayon." Paala nito sa matanda. "Oo nga, pero hindi na ikaw ang gagawa niyon." sagot nito. Nagulat si Andeng sa sinabi ng matanda. Naaala lang niya nung isang linggo na pumunta siya dito ay magkasundo naman sila at giliw na giliw pa ito sa kaniya. "B-bakit po? May nagawa po ba ako na hindi niyo nagustuhan?" Naga-alalang tanong ni Andeng. "No, don't worry. Wala, in fact malaki ang tiwala ko sa iyo at alam kong magaling kang therapist kung kaya may ipapakiusap sana ako sa iyo." Naguguluhan pa rin si Andeng dito, "Ano po iyon?" Tumingin ang matanda sa babaeng nakaupo sa tabi nito. "Hija, Don Jaime has all good words for you. Kung kaya hiling sana namin na tulungan mo kami para sa physical therapy ng anak ko. He recently got into a watersports accident. Matapos ang confinement, he wanted to stay away. But he needs to have a physical therapy." Paliwanag nito. "Wala pong problema, ma'am. Don Jaime, nasaan po ba siya?" Tanong ni Andeng. "Yun ang isa sa gusto naming hilingin sa'yo sana. He is staying in Puerto Galera in a private resort. Ang sabi ng doctor baka abutin ng tatlong buwan  ang therapy na kailangan nito. And he refuses to go back here in the city," si Don Jaime. "Kailangan po natin itong ipaalam sa ospital kung ganun, para makausap din ang manager ko," tugon ni Andeng. "Well Andrea... is it okay to call you in your name?" Tanong ng babae. Tumango naman si Andeng.  Sunod nito ay ang pagpalabas ng babae ng buntong-hininga.  "This has to remain confidential. My son has recently went through a lot of controversies and he doesn't need anymore news coming out." Naluluha na ang babae at hindi nito naituloy ang sasabihin. Isinunod ng matandang Don ang dapat na sasabihin nito. "Hihilingin namin na magtrabaho bilang private therapist at hindi ito dapat malaman ng iba. We will double whatever salary you are getting. Alam kong nagi-ipon ka para sa pagkuha mo ng medisina, malaking tulong ito." "A-ah, Don Jaime..." nabibigla ako sa mga sinsabi nila. Hindi ito basta madaling desisyunan. Nagta-trabaho ako sa pinakasikat at pinakamagaling na ospital ng bansa. Sa hirap makapasok dito, daig pa sa butas ng karayom ang  pinagdaanan ko makuha lang ako. Nang maramdaman ng matanda ang paga-alinlangan niya, "I will cover your medicine tuition fee, Andrea. Please, I'm asking you for my grandson's sake." Ramdam ni Andeng ang emosyon nito sa pakikiusap. Hindi niya rin inakala na ito, si Don Jaime Lacson, isa sa pinakamayaman sa bansa, makikiusap sa kaniya. Nang makabawi si Andeng sa pagka-bigla. "Ma'am, Don Jaime, hindi naman po sa pera lang ang kailangan para pumayag ako pero, hindi po bastang hirap ang dinanas ko makapasok lang sa ospital na pinasapsukan ko ngayon. At matagal ko itong pinangarap." Sumagot naman ang babae, "Don't get us wrong hija, hindi namin tinatapatan ng pera ang mga sinabi mong iyan. It's just that we are desperate at this point. Kung hindi maagapan ang kalagayan ng anak ko, baka magkaroon ng lifetime impact sa kaniya ang aksidente at hindi makalakad ng maayos. His mobility on his shoulders are also affected. Baka hindi niya magawa ang maraming bagay ng normal. And he's till young. With a broken spirit, wala itong gana na tingnan ang kaniyang kalagayan." Nang walang isinagot si Andeng sa mga ito, naramdan niya ang pag-abot ng babae ng kaniyang kamay. "Please, Andrea, help us." Kita ni Andrea ang desperasyon sa mga mata nito. Isang ina na nakikiusap para sa kaniyang anak. Tulad ng kanilang ina, alam niya kung gaano ito mag-alala sa kanila tuwing may nararamdaman silang magkakapatid. Andeng inhaled deeply and closed her eyes to quickly think. "Hindi ba ito naman ang misyon mo bilang healthworker, ang makatulong? Bakit hindi?" Tanong niya sa sarili. "Sige po, kailan po ba ako magsisimula?" sagot ni Andeng. Nagulat na lang ito na biglang yakapin ng babae. "Thank you, Andrea." At sa boses nito na puno ng emosyon. Hinayaan niya na yumakap ito sa kaniya. Habang napapatingin naman siya sa matandang lalaki na nakangiti sa kaniya at patango tango. "Salamat, hija." Sabi pa nito sa kaniya. Alanganing nginitian lang ni Andeng si Don Jaime. Nang bitawan siya ng babae, "Sorry, I didn't mean to startle you like that." "O-okay lang po. ma'am. Kailangan ko po ang medical reports ng pasyente para mapaghandaan ko rin ang program niya. At ang doctor niya para makausap ko." Iniabot ng babae ang isang folder sa kaniya. "We have private doctors working on him. Eto ang files na lahat na kakailanganin mo." Binuksan ni Andeng ang folder. Bukod sa medical reports ay ang ilang litrato ng lalaking nakaratay sa ospital. Naniningkit na sinipat ni Andeng ang litrato. Hindi siya nagkakamali, maski pa may mga pasa at sugat din sa mukha, benda sa katawan at ulo nito, hindi maikakaila ang guwapo nitong mukha. Tiningnan niya ang sa file ang pangalan ng pasyente. "James Lance Lacson... Ang laki ng resemblance niya kay Lance Rios. Yun pong ultimate multimedia royalty sa showbiz." Nabanggit ni Andeng na tumingin pa sa mga kaharap. "Yes, he is Lance Rios, his stage name. His legal name is James Lance Lacson." Nagulat man, hindi napigilan ni Andeng na mag-react. "Ibig sabihin kayo po si Belinda Rios, yun sikat na news anchor nung araw?" Tumango ito. "Tulungan mo kami Andrea na gumaling siya. He is my one only grandson. He is a Lacson." Seryosong dugtong ni Don Jaime.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.9K
bc

His Obsession

read
104.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
177.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.7K
bc

The naive Secretary

read
69.9K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook