11

402 Words
HINDI alam ni Nathaniel kung para saan ang halik na iyon. Ang alam lang niya, tila hindi niya magagawang umalis doon kung hindi niya iyon ginawa. Ang halikan ito sa pisngi ay huling segundo na nang maisip niya. Sa labi nito sana nais niyang halikan. Pero magdudulot ng malaking kumplikasyon iyon kung ginawa niya. Kahit nga ngayon ay hindi niya alam kung bakit tila mayroong puwersa na nagdikta sa kanyang gawin iyon. He just felt like doing it. Alam niyang nagulat si Hannah. Kaya naman kaysa magkaroon pa ito ng pagkakatong magtanong at hindi rin naman siya makakapagpaliwanag na mabuti, minabuti niyang umalis na at ni hindi na lumingon pa. Napapikit nang mariin si Nathaniel. Ilang araw na siya sa bahay na iyon sa San Miguel. Dati-rati, ang mga alaala nila ni Tatay Justo ang umaagaw sa daloy ng isip niya habang nagbubuo siya ng istorya pero ngayon, okupadong-okupado ni Hannah ang buong isip niya. Hindi iilang beses na naisip niyang balikan ito sa clinic. Pero siya rin ang pumigil sa sarili. At kung dati ay binubuksan niya ang kanyang cellphone sa pagkakataong hindi naman siya nagsusulat, ngayon ay unabis na hindi na niya iyon binuksan. Ayaw niyang matukso na tawagan si Hannah. Napakadali kung gusto niya itong kumustahin kahit sa telepono man lang. Cellphone niya ang ginamit nito nang tawagan nito ang Marga na iyon. Madali na siyang makakapagtanong kay Marga kung ano ang numero ni Hannah. Pero hindi nga niya ginawa. Hangga’t maaari ay umiiwas siya sa mga kumplikadong bagay. At alam niya, si Hannah sa simula pa lang ay isa nang malaking kumplikasyon. Hindi niya maitatanggi ngayon na nakuha ng babae ang kanyang interes. Pero hindi ganoon kadaling magpursige siya. Bagong panganak si Hannah. At natural, hindi ito makakabuo ng sanggol kung mag-isa lang ito. Kung naging mag-isa man ito sa sandali ng panganganak nito, hindi niya puwedeng bigyan ng kahulugan na wala na ring lalaking nakaugnay dito—na baka nga mamaya ay isa ring kumplikasyon sa buhay nito. Pero hindi pa rin niya maialis na isipin ito at ang anak nito. Kahapon nga na mamalengke siya, napadaan siya sa tiangge. May mga tindang gamit ng sanggol doon. Naalala niya tuloy si Maggie. Pero bago pa siya matuksong bumili ay naalala din niyang branded ang mga gamit nito na nakuha niya sa bag ni Hannah. Isa pa, gusto man niyang dumalaw pa ay nagdesisyon siyang huwag na lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD