“NAG-TEXT si Mama. Tulog na daw si Maggie. Bukas na lang daw nila ihahatid sa bahay,” sabi niya kay Nate. Tapos na ang party ni Dio at naroroon na sila sa kotse. Hindi naman bagong bagay iyon. Lately ay nahihiram na ng parents niya si Maggie kahit overnight. Pumapayag naman siya dahil stable na ang tulog ni Maggie sa gabi at wala siyang dapat ipag-alala. “Okay,” ani Nate. Mayroon itong inabot sa kanya. “Open it,” nakangiting utos nito sa kanya. Siyempre ay singsing ang inaasahan ni Hannah na makita sa maliit na velvet box. Pero nagulat pa rin siya nang pagbukas niya ay isang pares na singsing ang nakita niya. Simple lang ang dalawang singsing. Halos kamukhang-kamukha niyon ang singsing sa pelikulang Lord of the Rings. “Wedding band ito,” sabi niya. Tumango si Nate. “Pati wedding ring

