Episode 13

3466 Words
DEL Isang linggo na ang nakakaraan mula nang umalis ako upang pangunahan ang airborne squad sa bayan ng Marawi. May ilang araw na itong nagaganap at nagkaroon ng ground battle sa pamumuno ng pulisya at army. Ngunit dahil sa lawak ng operasyon ng mga terorista, pinilit nitong sakupin ang buong bayang bilang hostage. Nagsimula ito nang kidnapin nila ang dalawang negosyente para sa ransom. Iyon pala ay simula ito ng malawakang plano ng mga ito na sakupin ang probinsya. Pinasabog ng grupong Basco Brigade o BB. Maraming mga pinta ng logo ng BB ang naka bandalismo sa buong syudad matapos ang mga pagsabog. May mga itim na watawat din na inilagay ang mga ito sa mga lugar na pinasok ng mga ito. Nabalita na rin sa media ang kaguluhan at marami sa mga sibilyan ang inilikas na sa kalapit na mga bayan. Ang base ng strategic operations ay nasa Iligan. Matapos ang aking trabaho at surveillance sa ere, sunod akong pupunta roon para sa mga intelligence at command center. Pero sa ngayon ay kailangan kong sumabak sa airstrike operations na ito. Mula sa itaas sakay ang sa isang air fighter jet ay kita ko ang tinamong pinsala sa bayan na ginawa ng mga militante. May isang gusali kung saan ay ilan araw nang hindi mapasok ng ng mga tao ground kung kaya papatamaan na ito ng bomba at ito ang trabaho ko ngayon. Nang makita ko ang target, sinipat ko na ang mga controls para masiguradong ito ang tatamaan at hindi mimintis sa ibang lugar na baka may madamay na mga sibilyan na hindi pa rin nakakalikas. Umusal ako ng maiksing dalangin para sa bayan nag pakawalan ko ang bomba. Isang malakas na pagsabog ang sumunod. LYRA Natitiyak ko na sa balitang pinapanood ko ngayon sa night news ay ito ang sinabi ni Del na pupuntahan niyang misyon. Hindi ko akalain na ganito pala iyon ka delikado. Isang linggo nang bakbakan at kita sa mga video footage kung gaano na ang mga pinsala sa naturang lugar. I felt my hand shake when I lifter the glass of water. Hindi ko na iyon itinuloy at bagkus ay ibinaba na ang braso. Bumukas ang pinto ng aking silid. My mom came in and went beside me. "You want me to turn it off or you want to watch it?" I heard mom ask me. "I need to see it and watch it." "Okay, I'll be here with you." Tumabi sa akin ang mom at dumantay ako sa kaniyang balikat. I felt her arms around my back comforting me. DEL Ikatlong linggo na, hindi pa rin natatapos ang kaguluhan. Hindi inaasahan na kalat na kalat na ang impluwensya ng mga militante at maging ang mga dayuhang naririto sa lugar ay mga miyembro ng mas malalaking grupo ng terorista. Ito na ang pinaka-malawak na military operations na hinarap ng bansa sa nakalipas na mga dekada. Maging ang tulong ng malalaking hukbo sa ibang bansa ay kausap na ng mga opisyal para sa malawakang operasyon. Kailangan ng mas agresibong pag-atake kaya ako ngayon ay sasabak para pangunahan ang isang grupo na papasok na muli sa ground zero. Sa mismong sentro ng bakbakan kung nasaan ang mga lider ng BB.  Naghahanda na kaming umalis mula sa base ay sasakay sa aming truck nang tawagin ako ni General Bernardo. "Sir!" Sumaludo ako dito. At sumaludo rin ito. "Razon, lumabas na last week ang order ng promotion mo, congratulations, colonel." "Salamat, sir." sagot ko dito. "But for today, you're mission is the same, protect this nation. Honor. Duty. Valor. Mag-iingat kayo at gabayan kayo ng Panginoon." "Sir, yes, sir!" at muli akong sumaludo dito.  Hinawakan nito ang balikat ko at mahina ang boses na sinabi, "Del... Mr. Mateo Vera called me bago ako pumunta. Ang kanilang kumpanya ay magpapahatid ng tulong sa mga sibilyan na lumikas na nasa relocation sites dito sa Iligan. I suggest magpadala ka rin ng mensahe sa kanila." LYRA It's been four weeks since umalis si Del. I insisted sa pamilya ko na sasama ako sa grupo na magdadala ng mga tulong para sa mga displaced civilians na apektado ng labanan sa Marawi. Siyempre tutol silang lahat. But my parents understand where I'm coming from. Gusto ng dad na samahan ako pero hindi ako pumayag para na rin sa seguridad nito. Isa pa, ako ang head ng corporate social responsibility ng kumpanya at ang isa sa mga misyon namin ay matulungan lalo na ang mga bata na lumikas at ngayon ay bukod sa mga walang tirahan ay tumigil sa pag-aaral. Isa pa, Del is an officer and he should be there in Iligan. Ang balita ko andun ang base ng karamihan sa mga opisyal. Even the government agencies na naga-asikaso ng relief operations ay doon din naka sentro. Just last night nang naga-ayos ako ng mga damit at gamit ko para maghanda sa pagpunta doon, I noticed the unopened sanitary napkins in my bathroom. My menstrual period should have been two weeks ago. Nangyayari din naman dati na nade-delay ang period ko lalo kapag madalas ako bumiyahe at stressed. But it was before I had s****l relations para hindi ko isipin na baka buntis ako. This morning, I asked my assistant Brea to get me several pregnancy test kits and be discreet about it na huwag muna sabihin sa pamilya ko or kanino man. I am now sitting here inside the bathroom bago ako umalis patungo ng Iligan. Waiting for the third test kit results. Tumunog ito and indicated the results. Kapareho sa unang naunang dalawang tests, it says one thing. Del and I made a life inside me.  We are pregnant and will soon be parents. Baon ang balitang ito, lalong tumindi ang pagnanais ko na makaalis agad at makita si Del. In more or less two hours, I will be in Cagayan de Oro and take a chopper to Iligan. I can't wait to see Del.   DEL Andito kami sa isang dating commercial building. Isa ito sa mga sikat na lugar na sentro ng komersyo sa Marawi. Pero ngayon ay para itong ghost town. Eksena na sa mga pelikula nakikita kung saan ay puro sirang gusali, pagyanig kada may sumabog na bomba o granada. Mga palitan ng putok sa iba't ibang lugar. Ilang daan na ang nabalitang patay sa mga militante at ilang libo na ang mga sugatan sa bawat kampo maging mga sibilyan. Dapat matapos na ito ngayon. Masyado nang malaki ang pinsala at madami na ang  mga nagsakripisyo ng buhay. Dito sa apat na palapag na gusaling ito ay sinasabing ang lider ng BB ay namataan. Sa dami ng mga militante na nasa basement, walang makapasok dahil sa pinapaulanan ng bala kapag pumapasok sa maski anong parte ng ground floor o basement. Matapos kong pag-aralan ang sitwasyon ay nabuo na ang plano. Kung kaya isang grupo ng mga special operations ang sasabak dito at ako ang kanilang lider. Ang malaking grupo ay magpapakita na aatake mula sa pinaka obvious na daanan. Pero ang natitira sa amin ay mangggaling sa mula sa katabing building. Lilipat ang grupo papuntang rooftop at tatahakin ang fire exit na papunta sa basement. Habang ang kalaban ay abala sa pakikipag bakbakan sa nauna naming grupo, sosorpresahin namin ang mga ito. Mabilis na gumalaw ang lahat. Nagsimula na ang palitan ng putok ng mga militante at una naming grupo. Senyales na ito na kami ay mabilis ngunit tahimik nang lilipat sa rooftop. Naghiwa-hiwalay kami para sa dalawang fire exit na nasa building.  Nagsimula na kaming umusad pababa mula sa roof top. Naka focus ako at alerto sa bawat radyo ng ibang grupo na naririnig ko sa aking earpiece. Ang kasama naming pumasok sa building na nasa kabilang fire exit ay may kapalitan ng putok nang makarating sa tapat ng ground floor. Habang ang grupo na kasama ko ay patuloy na walang ka enkwentro. Kailangan namin matantya ang sitwasyon kung sapat na sumugod kami o dapat namin hintayin ang kabilang grupo. Sila ang gagawa ng hakbang para mabuksan ang basement entrance at makapasok mula sa labas ang iba naming kasamahan. At dahil nabigla ang mga militante na may mga nakapasok na, nahati ang kanilang atensyon. Doon na kami sumugod. Palitan ng nakabibinging mga putok. Sa isang tabi ay may mga babae at bata na pilit ikinukubli ang mga katawan upan hindi tamaan ng bala. Ang mga bata ay may ilan na rin na umiiyak at nagtatago sa mga babae na tila mga ina, tyahin, o ate ng mga ito. Tila ang mabilis na pangyayari ay napakatagal sa pakiramdam. Sa maraming palitan ng bala minsan ay may bigla na lang tatamaan at bubulagta. May isa na rin sa kasamahan ko ang tinamaan na ngayon ay nakahiga sa semento. Bagaman buhay ito, dapat itong maikubli at baka mapuruhan pa. “Cabral, cover me, kukunin ko si Gomez.” “Yes, sir.” Kumuha ako ng tyempo at dumukwang palapit kay Gomez. Sunod sunod na dating ng bala ang pinaluan ng kalaban sa aking panig. Nang makalapit kay Gomez ay hinila ko ito para maikubli ang katawan sa isang panig na may pader. Makipot lang iyon kung kaya limitado ang galaw naming dalawa. Importante ay maikubli ito muno. Naramdaman ko na may umaagos na dugo mula sa aking kaliwang balikat. Mukhang nadaplisan pa ata ako. Pero malayo yan sa bituka, kailangan lumaban at tapusin na itong giyera. Sa aking mikropono ay tinawag ko ang unang unit na nanggaling sa labas. “Bravo, this is Alpha, may opening sa south side, hatiin ang grupo na may pumasok doon. May mga sibilyan, karamihan ay mga babae at bata. I repeat, may mga sibilyan.” “Roger, Alpha!” At narinig ko na ang instructions ng kausap ko na naghiwa-hiwalay na ang mga tao. Lalo pang nagulat ang mga kalaban. Ang ilan dito ay pinilit pang lumaban ang iba naman ay itinapon na ang baril at nagtaas ng mga kamay. Nasupil nmin sila at ngayon ay tuluyan nang nakapasok sa hinihinalang pinagtataguan ng lider ng BB. Nang mapag-sino ang mga naroon ay ang ina, asawa, at mga anak nito ang naroroon. Ngayon ay tinitingnan pa kung isa sa mga nasawi si Basco, ang kanilang lider. Sa gyera walang panalo kumbaga. Bagaman may mga sugatan sa aming tropa at maraming nasawi sa mga militante, hindi ito maituturing na masayang panalo. Sino ba naman ang matutuwa na makita ang mga nakahandusay na katawan na tila mga binatilyo pa lamang ang ilan sa mga ito. Mayroon ding mga babae, at ang ilan ay matatanda. Kung tama man o hindi ang kanilang ipinaglalaban, sino ako para humusga? Pero ang sinumpaan kong tungkulin ay ipaglabang ang bayan. Protektahan ito at ang kapayapaan. Mas mahirap kapag ang kalaban ay kapwa ring Pilipino. Kaya sa ganitong karahasan, walang nananalo, lahat ay talo. Nagsimula na kaming magprepara ng pag-alis sa gusaling iyon. Nai-report ko na rin sa command base na matapos ang masusing pagsiyasat sa mga labi ng militante at sugatan at wala dito ang katawan ni Basco. Maging ang mga kaanak nito ay walang magsalita kung nasaan ang kanilang lider. Lumapit sa akin si Cabral, “Sir, bago sana tayo bumalik, patingnan nyo na muna ang sugat nyo. Ayos na ang mga tao walang casualty, walo ang sugatan, isa doon ang malala si Gomez, at ang pang walo na lang ang hindi pa nagagamot.” “Unahin na kamo yun pang walo. Connect tayo sa base para sa mga kaanak ni Basco. Ang ina, asawa nito at mga hindi menor de edad ay baka dalhin sa headquarters.” Sagot ko dito. “Sir, kayo na ang pang walo, ilan oras na rin kaya dapat malapatan ng first aid at baka maimpeksyon ang sugat ninyo.” Kulang na lang ay hilain ako ni Cabral para pumunta sa medic base sa itsura nito. Tama naman ang sinasabi nito. At kung magka ganun nga, mas mahirap na hindi ako nasa maayos na kalusugan dahil hindi pa rin nahahagip si Basco. Pumunta na ako sa medic at hinubad ang aking suot na pang itaas. Ngayo na nakalabas ito at ginagamot ay saka ko lang naramdaman ang sakit. Pero mas umaandar ang utak ko sa isipin na hindi pa rin ito tapos. Pinapabalik na ako sa command center para sa debriefing at sa ilan pang intelligence reports na kailangan naming busisiin. Hindi ko napigilan ang na mapamura sa sakit nang lagyan ng gamot ang aking sugat. Bukod doon ay mas patungkol ko sa demonyong si Basco ang galit na lumabas sa aking bibig. Sa dami nang buhay na nadamay at bilyon nang halaga ng kabuhayan na nasira, dapat itong magbayad sa batas.   LYRA Kahapon nang dumating ako sa Iligan at libutin ang ilan lang sa mga evacuation centers, hindi ko mapigilan na makaramdam ng matinding emosyon sa sinapit ng mga nadamay sa kaguluhan. Lalo pa sa mga bata. Ang mga ina na luhaan na nagku kuwento kung gaano kahirap ang sinapit nila para makalipas. Ang walang kasiguraduhan kung may babalikan pa silang mga kabuhayan. Mayroon din mga bata na nagku kwento kung gaano sila nailigtas ng mga sundalo na makaalis sa mga pagsabog. I can’t help but feel proud that Del is a man in uniform. Na isa ito sa mga taong handang magbuwis ng buhay para sa iba. Maski tumigil ito sa trabaho ay siguradong mabibigyan ito ng trabaho ni dad o di kaya ay magsimula ng negosyo niya kesa sa lagi itong nasa kapahamapakan. Hindi ko napigilan na himasin ang aking puson kung saan isang bagong buhay ang nabubuo at parte nito si Del. “Baby, your dad is a hero.” Bulong ko dito. Pero ngayon ay tanghali na at hindi ko pa rin alam kung nakabalik na ba si Del. Ang balita ko ay nasa gitna ito ng operasyon nang dumating ako kahapon. Napakaraming dasal na ang aking nasabi sa kada-oras na na lumipas. Ikalawang araw pa lang pero parang dalawang buwan na ako naghihintay mula kahapon ng balita. Ang isang empleyado ng Vera Corp na taga-Iligan, si Lui, ang isa sa mga kasama ko dito sa aming voluntary mission. “Ma’am, nagpaabot ng balita si General Bernardo, parating na raw po si sir Del at nasabihan na narito kayo.” Si Lui. Tumango ako dito. Walang salita na lumabas sa aking bibig. Bukas ay nakatakda na akong umuwi. Hindi pumayag ang dad na mag extend pa akong muli dito. Dapat nga ay ngayon na ako uuwi pero hindi ako pumayag hangga’t di ko pa nakikita si Del. Maya-maya pa ay may pumasok sa kuwarto, akala ko ay si Lui itong muli. But i was Del. Parang tumalon ang puso ko nang makita ito. May mga balbas at bigote na ito. Kita rin sa mga mata nito ang pinagsama samang emosyon - paga-aalala, galit, pangungulila, at tuwa.  "Del! Babe!" Hindi ko na napigilan na tawagin ito at mabilis na lumapit at yakapin ito. He hugged back and even kissed my temple. His familiar hard body against me, the reality na ito ay nasa mga bisig ko ngayon matapos ang ilang lingo na gyera ang nakikita ko lang sa telebisyon brought sobs and tears. "Oh, tahan na. Bakit ka andito? Delikado na andito ka, Lyra." Tanong nito na nahimigan ko ng konting pagkastigo. "Aren't you happy to see me? Hindi mo ba gusto na makita ako? I'm so worried about you." Tanong ko rito. "Syempre masaya ako na makita ka. Pero hindi ako umalis para pumunta lang sa opisana at mag business trip at puwede ka dumalaw maski anong oras, Lyra." Kumawala na ito sa yakap ko at sumandal sa pader. "Del, we took all necessary safety precaution and clearance. Isa pa yun foundation is here to help displaced civilians. Ako ang head niyon sa Vera Corp kaya ako nandito ngayon." Paliwanag ko. "Alam natin pareho na hindi ka kailangan na naririto Lyra. Maari niyong ipadala lahat ng tulong at ipamahagi sa social welfare ang lahat. Hindi mo kailangan na pumunta sa delikadong lugar para sa foundation." Totoo naman ang sinabi nito. "Oo hindi ko kailangan na sumama. Pero andito ako ngayon dahil sa'yo." Natawa ito ng bahagya at napailing. "Lyra, ilan sa mga sundalo dito ang dinadalaw ng asawa nila o kaya katipan habang nasa gyera. Alam mo ba?" Umiling ako. "Wala. Kasi ikaw ay isang heredera na may kakayanang lumipad ano mang oras para sumugod sa delikadong lugar at dumalaw. Hindi porke't may paraan ka makapunta dito ay tama na pumunta ka." Kasunod na sabi nito. "Isa pa, akala mo ba ay maganda para sa akin na alalahanin din ang kalagayan mo dito. Ang isip ko, okay ka doon sa Maynila, nasa bahay ka, maayos ka. Hindi yun kahapon ka pa pala dito at baka mapahamak pa. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may mangyari sa'yo, Lyra." Dugtong na litanya pa nito. Malamang na galit nga ito dahil hindi naman mahabang magpaliwanag si Del. Wala akong maisagot. Mukhang wrong din timing na sabihin ko dito ang tungkol sa pagda-dalang tao ko. Get your bags now. Uuwi ka na. Ipinatawag ko na ang piloto mo at tinawagan ko na si Migs na pabalik ka na. Nagsimula na itong gumalaw para kunin ang ilan kong gamit at ilagay sa bag sa kama. Nakatungo ito ngayon sa kama at inaayos ang mga gamit ko pabalik sa overnight bag. "What? No!" Nabigla ako na hilain ang balikat nito para pigilin sa ginagawa. Napangiwi naman ito at napasinghap na tila ay nasaktan. Napahawak si Del sa kaniyang balikat. Blood started to stain his left shoulder. "Oh... Del, I'm s-sorry. Anong nangyari? You have blood." natataranta ako sa nakita kong dugo nito. Tiim-bagang na muli itong nagsalita at ipinagpatuloy ang ginagawa. "Oo nasa gyera kami dito. Kaya hindi biro ang mga nangyayari. Iba ang nakikita sa TV, Lyra. Iba ang totoong buhay. Please, umuwi ka na." Nang hindi ako sumagot. Tumayo ito at tumingin sa akin. "I never planned on acting on my attraction for you. Hanggang sa umusbong na ang damdamin ko na mahalin ka ng tuluyon. Maybe it's wrong na ginawa ko iyon dahil andito ka ngayon. Nasa kapahamakan."  Medyo nailing pa ito. "At hindi ka basta kung sino lang. Isa kang Lyra Vera. Sino ba naman ako para mapansin mo? Hindi ko alam kung kailan matatapos itong gyera na ito. Pero hindi ko rin alam kung ito na ang huli. Ayoko na malagay ka na naman sa ganitong sitwasyon. Kaya baka mas mabuti habang nasa byahe ka pabalik sa perperktong mundo mo Lyra, pag-isipan na rin natin ang relasyon na ito. You deserve more. Someone more than me." Sinukbit nito ang bag ko at hinawakan ang aking kamay at inakay ako na parang bata palabas sa hotel. Ang helipad nito ay nasa open ground sa labas. Nang makalabas kami ay umaandar na ang elesi ng chopper na magbabalik sa akin sa Cagayan de Oro. "Go!" Tumingin din ito sa security na kasama ko at iniabot ang bag ko sa isang assistant na nauna nang tumakbo palapit sa chopper. "Del. I-i don't mean to sneak on you like this..." "Just go, Lyra. At pag isipan mo ang mga sinabi ko. Good bye." Mahinang sabi nito. Sa malapitan ay lalo kong nakita ang dugo na ngayon ay nag-mapa na sa balikat nito. Feeling hurt and hormonal na dahil na rin sa pagbubuntis siguro, hindi ko na mapigilan na makaramdam ng sama ng loob dito. "Major Delfin Razon, Jr. anong akala mo sa pag-big? Hindi ito parang audition o kaya job application na may qualifications." Naiinis na ako na naluluha sa frustration sa lalaking ito. "When has it been a sin to be born rich? Kasalanan ko ba na ipinanganak ako na may pera ang mga magulang ko? And that it disqualifies me from being loved by you? Kung ganyan ang paniwala mo, wala na akong magagawa. Humanap ka ng babae na papasa sa qualifications mo at sana maging masaya kayo. Huwag na huwag mo akong iimbitahan sa kasal mo dahil ngayon pa lang, ang RSVP ko sa iyo, hindi ako pupunta. This is good bye." With my heart breaking into pieces, hindi ko ipinakita sa kaniya habang naglalakad pagbalik sa naghihintay na helicopter. Pinigil ko ang mga luha na nagbabadyang tumulo. But when I turned away from him, hindi ko na napigilan. Tears blurred my eyes. The roaring sound of the helicopter drowing all the sounds pero hindi ko ito naririnig. Ang tanging pagkawasak ng puso ko ang malakas sa aking pandinig. "Lyra!!! Lyra!!!" That's when I heard him calling me. I turned around and looked back. Del was running towards me. Ang mga braso nito telling me to come back to him. Then I felt my body being pushed down to the ground. Isang malakas na pagsabog. Pilit kong iniangat muli ang aking ulo. Blurred with tears, I saw Del's face. Then darkness fell.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD