Episode 14

2530 Words
DEL Napakasakit para sa akin bitawan ang mga salita na itinataboy si Lyra. Pero ito para sa akin ang mas makakabuti para sa kaniya. She's still at the prime of her life and kung makaka-move on it mula sa lahat ng ito kaagad, mabuti pang ngayon na. Sa bakbakan hindi ako basta basta sumusuko, pero pagdating kay Lyra, isinusuko ko na ang laban. Umpisa pa lang naman ay talagang dehado na. Mali pa ata na sinimulan ko ito. At ako ang may kasalanan. Ramdam ko ang galit niya sa mga iniwan nitong salita pero mas mabuti na iyon. Tumalikod na ito at nagsimulang umalis patungo sa helicopter. Nang may nakita akong isang pigura mula sa may bakanteng lote sa di kalayuan. Nagtaas ito ng bandila ng BB at hinubad ang jacket na nakabalot dito. Nagsimula itong tumakbo palapit sa kung saan naroroon ang helicopter. Madali kong binunot ang aking baril at tumakbo patungo kay Lyra. "Lyra!!! Lyra!!!"  Gamit ang isa kong kamay ay kinawayan ko ito na bumalik. May ilan na ring mga sundalo at pulis ang nakakita sa lalaking may bandila. Binuksan nito ang suot na jacket at kita na armado ang katawan nito ng bomba. Nagsimula nang mapalibutan ito ng mga militar. May tumakbo rin sa lugar kung saan ito nanggaling. Lumingon si Lyra sa akin. Hilam ng luha ang mga mata nito. Tila nagtataka bakit ko ito tinatawag. Nang dagli ay huminto ang armadong lalaki nang mapansin nitong marami nang naka-umang na mga baril mula sa mga alagad ng batas.Tumingin ang lalaki sa langit at sumigaw. Sinimulan nito ang trigger ng bomba. Isang malakas na pagsabog. Hindi pa nakatulong na ang elesi ng helicopter ay umaandar na kaya lalong malakas ang hangin. Nakita ko kung paanong si Lyra ay itinulak ng malakas na puwersa pababa sa lupa. Pinilit pa nitong itaas muli ang ulo. Tumakbo ako sa direksyon nito. Maya-maya pa ay maririnig na ang mga nagliliparang helicopter at mga military truck sa direction na pinanggalingan ng suicide bomber. May natagpuan doon at ngayon ay sinusupil ng mga ito. Dumiretso naman ako para daluhan si Lyra na tila ay walang buhay na nakadapa ngayon sa lupa. Abot-abot ang kabog ng aking dibdib sa isipin na baka wala na itong buhay. Ang huli naming sandali ay naga-away pa kami. May sirena na ng ambulansya na naririnig ko sa di kalayuan. "Lyra... babe. Diyos ko, Lyra." Hindi ko ito basta ginagalaw pero sinisipat ko ang kalagayan nito kung maaari na itong buhatin. Umungol ito nang bahagya. "Salamat po, Diyos ko." bigla kong naibulong at sinimulan ko itong buhatin. "Del? May sumabog..." bulong nito. "Oo, may masakit ba sa'yo?" "Parang nabingi ako... and my wrist. Ouch." Napangiwi pa ito nang igalaw iyon. "Sige bubuhatin kita." Iniangat ko na si Lyra at nagsimulang maglakad pabalik sa entrada ng hotel. Sinasalubong kami ng mga medical staff mula sa ambulansya na may dalang stretcher. Naramdaman ko na lang ang panginginig ng mga kamay at braso ni Lyra at ang impit nitong pag-iyak habang nakasubsob ang mukha nito sa aking balikat. "Del... our baby. I hope nothing bad happens to our baby."  Mahina nitong sinabi sa pagitan ng pag-iyak pero malinaw kong narinig. Nasa tapat na namin ang medical staff at pinapababa na sa akin si Lyra para ma check ito. Hindi ko pa rin ito ibinababa. "Sir... ano po ang kalagayan ng pasyente?" Tanong ng isa sa mga ito. Dahil alam ng mga ito na may medical training kami kung kaya may kaalaman kami na magsabi dito ng estado ng biktima. "Lyra Vera, 31 years old. Possible wrist injury. Posibleng may noise-induced hearing loss." Ibinaba ko na si Lyra sa stretcher. Holding her hand and looking at her. Idinugtong ko, "She's pregnant." "Okay sir, dadalhin namin siya sa ospital. Meron po bang puedeng sumama sa kaniya?" Hindi ko inaalis ang tingin ko kay Lyra. Pinapahid ng isang kamay ko ang luha nito at patuloy pang dumadating na luha. "Sasamahan ko siya. Isama na natin yun pilot nila at Brea. Baka kailangan din sila ma-check" si Lui ang isa sa mga coordinator nito sa volunteer program. Palapit na rin ang mga ito na sinundo ng hotel car mula sa chopper na ngayon ay nakahinto na. "Ma'am! Oh my God. Are you okay?" Mabilis lumapit si Brea na hinahabol ng isang medical staff. "Samahan nyo sya sa ospital. Subukan kong sumunod kaagad. I need to join my unit now." Utos ko sa mga ito. Muli akong lumingon kay Lyra. "Babe, I'm sorry. Duty calls..." Hirap ang loob ko na iwan ito ngayon lalo pa sa kaalaman na may dinadala na ito sa sinapupunan. Ang bunga ng aming pag-ibig. Pero hindi nga ba at ito ang istorya ng bawat kawal? Bayan muna, bago ang sarili. Pigil ko ang emosyon na humakbang ako ng isa palayo sa stretcher nito. Hawak pa rin ang kamay nito. Ang isa ay nitong kamay ay namamaga na at binalutan ng yelo. Sinimulan nang ilayo ang stretcher at isakay ito sa ambulansya.  Si Brea at ang piloto ay sa kabilang ambulansya isinakay. Nanatili akong nakatayo at nakatingin dito. Siya nakatingin din sa akin hanggang sa makasakay na si Lui kasama nito. Hanggang sa isara na ang mga pinto at palayong dinala si Lyra papunta sa ospital. Sumakay na ako sa service car na naga-antay sa akin at tinahak namin ang papunta sa bakanteng lote sa may kakahuyan. LYRA "Yes, dad. I'm fine. Just a wrist sprain. You don't need to get me from here. Babalik na lang kami ni Brea." sagot ko kay dad na nasa video call ngayon. Nasa observation room pa rin ako dahil bukod sa bali ko sa kamay ay wala naman iba pang injury sa akin. Si Brea ay ganun din. Pero kailangan ako matingnan ng isang OB Gyenecologist dahil sa pagbubuntis. "Lyra, hindi kita masisi bakit gusto mo pumunta dyan. Pero this time you have to go back." "Yes dad. Mom, stop crying. Eto lang o." At itinaas ko pa ang kamay ko na naka bandage." Pilit na ngumiti. "Make sure you don't leave the hospital na hindi nila na check lahat, Lyra." si mom. "Uhm, they're still keeping me for a while for observation. And... maybe it's not a good time to tell you now..." nagdadalawang-isip pa akong aminin sa mga ito ang kalagayan ko. "What? Oh my God, what happened na hindi mo sinasabi, Lyra. Don't downplay the bombing, the chopper's tail was destroyed for Pete's sake. I saw the pictures." Tumataas na ang boses ng dad. "I need to see an OB. I am pregnant." mabilis ko nang sinabi sa mga ito. Halatang natigilan ang dad. Kung kaya si mom ang nag-take over sa screen. "Oh honey, I'm sorry we're not there for you." "Uhm, mom the doctor is here. I'll call you back right away kung ano ang update. Okay?" Pinatay ko na ang telepono at tumingin sa doktor na pumasok sa kuarto. ONE WEEK AFTER DEL Nagdeklara ng martial law ang gobyerno sa Mindanaw. Bagaman nahuli na si Basco na siyang pasimuno rin ng bombing sa hotel nang paalis na si Lyra, ang kapatid nitong lalaki na ikalawang lider ng grupo ang nahuli ng aming grupo na nasa kakahuyan nang araw na iyon. Sa Palawan pa lang ay tina-target na nila si Lyra upang kidnapin. At dahil hindi nila iyon nagawa, nang mabalitaan nila na nasa volunteer work ito sa Iligan ay nakaplano na nila itong kidnapin nang sa hindi inaasahan ay makita itong paalis nang wala sa inaasahan. Sugatan ang kapatid ni Basco at nagpanic kung kaya ang isa sa mga tauhan nito ay sumugod na may suot na bomba. Tatakutin lang dapat nito ang grupo ni Lyra para madali nila itong makuha. Hindi nila inaasahan na maraming sundalo ang biglang naglabasan at mapalibutan ito. Balak nilang gamitin sana ngayon si Lyra na pang barter kapalit ng kanilang mga pamilya na kailan lang ay aming nadakip sa commercial building. Dinala ang karamihan dito sa headquarters sa Maynila nang gabi rin na iyon. Madali narin nasupil si Basco nang matagpuan ito sa isang liblib na barangay at sugatan. Ngayon ay kakauwi ko lang muli. Nag-meeting kami nina General Bernardo para sa  ilang pang usapin sa patuloy na seguridad sa Marawi at ang rebuilding efforts na gagawin para dito.  "So, colonel, anong plano mo, personally?" tanong sa akin ng heneral. "Sir, ang una kong plano ay makausap si Lyra. Siya ang magpapasiya kung ano ang susunod na gagawin. Siya ang mahihirapan sa sitwasyon namin kaya ipapaubaya ko sa kaniya ang pasya." Sagot ko dito. "You can always consider a re-assignment Razon. Isa pa, ang napakarami mong karanasan sa field ay makakatulong sa special ops training natin at dito ka na mababase mas madalas kesa kung saan saan." Tumango ako sa tinuran nito, maganda nga rin na plano iyon. Pero sa ngayon, ang makausap si Lyra ang dapat kong gawin. "Yes, sir. Salamat sa inyong payo." "Kapag hindi ka pa magdesisyon, hindi na advise gagawin ko nang order." Biro pa nito. Nagpaalam na ako dito. Tinawagan ko na rin si sir Mateo para sabihin dito na nakabalik na ako at nagpaalam na pupunta sa kanilang bahay matapos ang aking trabaho. Habang daan ay hindi ko mapigilan na mag-isip. Napakalaki ng kasalanan ko kay Lyra. LYRA Dumating si Del. Pero andito ako ngayon sa kuarto at medyo nahihilo pa. Sino ba kasi ang nagpauso ng morning sickness? Pero gabi na ganito pa rin ang pakiramdam ko. Nahihilo, naduduwal. Nangangasim. Ilan sandali pa ay may katok ako na narinig. Nakapikit pa ako para kontrolin na naman ang parating na daloy ng pagduwal.  "Come in." I croaked. "Lyra, Del is here. Pinaakyat ko na at mukhang hindi ka rin naman makakababa.' "Thanks, mom." "You're welcome, hija. Pagdating ng dad mo magpapahanda na ako ng hapunan." she added. Tumango lang ako at pumasok na si Del nang umalis ang mom. Isinara nito ang pinto ng aking kuarto at lumapit sa akin. Ibinaba nito ang dalang bag sa paanan ng kama at umupo sa aking tabi. He gathered my hands. Hawak nito ang kanan kong kamay. "Masakit pa ba?" Hindi ko napigilan ang luha na tumulo. "Yes..." Pero hindi ang kamay ko ang tinutukoy ko. "I'm sorry." And he hugged me. "I'm sorry, Del." And then I cried some more. "Okay na ba ang balikat mo?"  I asked nang makailang sandali. "Oo, tuyo na ang sugat." Maikling sagot nito. Medyo napatawa ako ng konti sa gitna ng mga luha. So typical of him. "What?" tanong nito. "Wala lang, ang tipid mo sumagot talaga. Kaya nung mag litanya ka sa Iligan, na-shock ako." I said. Inilayo ni Del nang bahagya ang sarili. "Lyra, mahirap sa akin na sabihin ang mga bagay na iyon na halos ipagtabuyan ka. Akala ko mas makakabuti para sa atin na kalimutan ako. Pero hindi ko pala kaya." "Dahil sa baby..." I whispered. "No. Nang makita kong tumumba ka mapatos ang pagsabog at naisip na baka iyon na ang huling oras na makita kita, natakot ako. Hindi ko kaya Lyra na mawala ka sa akin. Mahal na mahal kita." He planted a soft kiss on my lips. I felt so cherished. "Ang hirap sa akin na hayaan kang lumayo nang dadalhin ka sa ospital pero hindi kita masamahan. Iniisip ko na matindi na siguro ang galit mo nang magpaiwan ako. At hindi iyon ang unang beses na mangyayari iyon, Lyra. Kaya sa iyo ko pinapaubaya ang desisyon. Kung tatanggapin mo ba ako at ang aking trabaho o hindi? Hindi ko kayang iwan ang tungkulin ko, Lyra. Kung anuman ang desisyon mo, maiintindihan ko at tatanggapin." Mahaba nitong paliwanag na nakatingin sa akin. "Del, seeing those displaced families. Lalo na ang mga bata. Lalo ko naintindihan ang misyon mo. Ang ipinaglalaban mong tungkulin and I cannot take it away from you. It's unfair to make you choose me." Hinaplos ko ang mukha nito. "Del, I love you so much. And now, I love you even more and am very proud of you. Ang ama ng magiging anak natin ay isang mabuting tao. I need you in my life." Hilam na ng luha ang aking mga mata with my heart swelling with much love for this good man. Del held my face and planted a soft kiss. "Salamat, Lyra. I love you." He was cuddling me at hinimas nito ang puson ko. "Kumusta na ang baby natin?" "Pinapahirapan ako ng paglilihi ko pero okay naman si baby." I answered. "Thank you babe for going through all these. Pero ang hiling ko lang, huwag na huwag kang susugod sa panganib uli."  "Oo, hindi na mauulit. I trust you and tama ka, I should've stayed here until mas maayos na ang sitwasyon. I have placed our baby in danger too at dumagdag pa sa problema mo doon." pag-amin ko dito. "Lyra, may dalawa pa pala akong sasabihin."  I remained silent and waited for him to talk. Lumayo ito at umalis sa kama. Lumuhod ito sa aking harap at inilabas ang isang kahita. "Lyra, ikaw lang ang babaeng mahal ko mula noon, ngayon, at kailanman. Ang panaginip ko na hindi ko akalaing magiging katotohanan. Napa suwerte ko nang tanggapin mo ako sa iyong buhay. Wala na akong mahihilin pa sa buhay kung tatanggapin mo ako bilang iyon kabiyak. Will you do me the honor of becoming Mrs. Lyra Vera-Razon?" Ibinaba ko na ang aking mga paa sa kama at inabot ang aking kamay. "Yes, Del. I'm going to marry you. I love you, babe." Del placed the ring on my finger and reached for me to kiss me.  "Thank you babe. Buti pumayag din ang daddy mo nang makausap ko siya kanina. Sabi niya, it's up to you."   "What? You asked my dad first?" "Oo tapos ang mommy mo rin kanina. Kaya siguro pinayagan na ako umakyat dito." he chuckled. "Paano pala kung hindi ako pumayag?" Biro ko dito. "Nung una, sabi ko sa sarili ko, hahayaan kitang magdesisyon at kung ayaw mo wala ako magagawa. Pero hindi ko pala kaya, babe. Handa ako mag-strike at mag camping sa garahe nyo hangga't mapapayag kita. Pero dahil pumayag ka na, baka puedeng dito na lang hindi sa garahe." "Malakas ka naman kay dad and mom, siguro naman papayag sila na dito ka kasama ako." I said. "Kailangan ko pa rin bumalik sa Marawi dahil na rin sa martial law. I already asked them kung puede na tuwing uuwi ako ay makasama ka dito sa inyo. Sa pagbubuntis mo, ayoko na wala kang ibang kasama. Dito sa inyo siguradong maalagaan ka habang nasa malayo ako. " "Pag-isipan mo na rin kung pagka-kasal ba ay gusto mong bumukod na tayo agad o dito tayo titira sa inyo? May naka-line up sa akin na officer's housing sa kampo. Malaki iyon puede natin puntahan kahit kailan. Kasi Misis, na promote na po ako bago pa ang gyera." "Oh, and I called you Major in my goodbye speech." Biro ko dito. "Iko-correct nga sana kita, pero galit na galit ka na e." Pang-aasar pa ni Del. "Ikaw talaga, lagi mo ako inaasar. Maghanap ka ng hilaw na mangga para naman may pa consuelo ka, colonel." lambing ko dito. "Aye, aye, ma'am" And I felt life is good.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD