LYRA
I'm so grateful for having my mom, bestfriend, and godmother to be helping me out on the wedding preparations. Ang stress ng pag-aasikaso, pag-aalala na malayo si Del, at ang paglilihi ay hindi magandang kumbinasyon.
Pero hindi pa rin maikakaila ang saya na nararamdaman ko ngayon. Del is like a missing puzzle piece who completed the picture of my life. And it seems the life we'll have will be other puzzle pieces that we'll continue to put together.
Mamaya lang dadating si Del matapos ang dalawang linggo nitong pag-alis. Sa dami ng nakapila naming itinerary para sa wedding preparations, nag-leave muna ako sa trabaho. Tanging ang aming rebuilding project para sa Marawi ang aktibo sa aking mga pang-araw-araw na gawain. Although mostly are coordination with my trusted and reliable staff, I still prefer to be engaged in the daily operations. Sana ay muli akong makabalik kapag mas maayos-ayos na ang pakiramdam ko at payagan na ako ni Del na bumiyahe.
Napagkasunduan namin na bagaman magarbo ang kasal sa dami ng mga imbitado na hindi maalis sa guest list, dapat ay personal ito sa amin. Hiniling namin na ang mga regalo ng bisita ay donasyon para sa iba't ibang proyekto na mahalag para sa aming dalawa. Lalo na para sa mga biktima ng gyera.
Tumunog ang aking cellphone. Ang dad tumatawag.
"Hi dad." bungad ko dito.
"Lyra, how are you feeling? Better?" paga-alala nito.
"Yes dad. Thanks to mom, she gave me ginger tea. Nabawasan ang pagduduwal ko."
"That's good to know, syempre ikaw ang bunso at paborito naming anak na babae." natatawa pa nitong sinabi.
"Dad... ako lang naman ang anak niyong babae. But I appreciate you and mom. Thank you..." eto na naman, emosyonal na naman ako. Ganito ba talaga ang buntis?
"Well, I called up to check on you and to ask you if finalized na ba ang guest list sa wedding reception?"
"Hindi pa naman po, why?" I asked.
Tumikhim ito, "Well, I attended an event with the president. Napag-usapan namin ang nangyari sa Marawi and... naimbitihan ko siya na dumalo sa kasal ninyo? I hope it's okay. Hindi ko na na-check ko muna sa inyo ni Del."
"It's okay dad. I know it's important for you and commander in chief ni Del ang pinapag-usapan natin, it should be okay." Naka-smile pa ako. Ang daddy ko talaga. A powerful and influential man, yet very humble and a gentleman.
"Thanks Lyra. Okay got to go. May photo op pa pala ito." Paalam nito.
Siya naman pagpasok ni mom.
"Mom, dad just invited the president of the country to the wedding. And it means, you may have to adjust the seating arrangements again..." I smiled at her.
"Oh, it's not a big deal, Lyra. You know your ninang Miracle is such an expert in events. Don't worry about it. Kami na ang bahala." nakangiti pa itong umupo sa tabi ko.
"Thank you mom... I love you. You know that right?" Lambing ko dito.
"Of course, hija. And your dad and I love you too." Niyakap pa ako nito.
"Thank you sa maayos niyong pagtanggap kay Del and sa suporta niyo mula umpisa."
"Masuwerte kami ng daddy niyo dahil biniyayaan kami ng mabubuting mga anak, kayo ni Migs. And Del is such an honoroble man. We are very proud to become his parents. At tiwala kami na hindi ka niya pababayaan at mamahalin ng tapat. Hindi lang yaman ang importante sa mundo, anak. Ang pera maaring kitain basta paghirapan. Ang makatagpo ka ng taong kabiyak ng iyong puso, hindi madali. And we're glad you found your heart's mate." mahaba nitong paliwanag. "Ang importante, masaya ka ba?"
"Of course mom, I am very very happy." I hugged her tighter.
DEL
"Sir, paano ba yan... magpapasakal ka na... este, magpapakasal na pala hehe." Entrada ni Kits.
Napangiti lang ako dito. Oo nga naman malapit na. Ang buhay na pinapangarap ko, ang makasama si Lyra bilang aking kabiyak. Sa hirap at ginhawa kumbaga.
“Eh, sir, sabihin mo lang kung maghahanda na ba tayo ng stag party. Yun may ano -“ at umindayog pa si Kits sa imaginary ba musika. Gumigiling pa ito.
Di ko napigilan na batuhin ito ng hand towel na malapit sa akin. “Ikaw talaga.”
“Biro lang alam ko naman na maski astig ka sa bakbakan, pagdating ke ma’am Lyra e siya talaga ang boss. Under ka kasi” Inambaan ko uli si Kits, “Understanding, di pa ako tapos kasi.”
“Puro ka kalokohan.” Nag-ring ang cellphone ko at si Lyra ang tumatawag.
“Babe” ngiting pa ako na sumagot.
“Hi Babe, tanong ko lang sana kung nakaalis ka na ba?” Si Lyra sa kabilang linya.
“Paalis pa lang. Kasama ko si Kits.”
“Yes! Baka naman puwede ka dumaan dun binilihan mo dati ng balut dyan malapit sa labasan ng kampo? Siguro anim na piraso.” Paglalambing pa nito.
“Ang dami naman ata nun. Pero sige ba. Paano kung wala pa? Kasi medyo maaga pa ata para sa balut, babe.”
“Babe kasi yun pinabili kong balut kahapon iba, mas gusto ko talaga ‘pag dyan galing. Ang sarap.” Kinikilig kilig pa ito na nagde-describe.
“Ah o sige ako na ang bahala. Antayin mo na lang ako dyan sa bahay. I love you.”
“Thank you babe! I love you.”
Tumingin ako ke Kits matapos ang usapan namin ni Lyra. “E may misyon tayo.”
“Yes sir!” Sumaludo pa ito.
Sumakay na kami sa kotse. Nang mag start na ako ng makina, “Operation Balut. Kailangan natin ng anim na piraso mula dun sa makalampas ng tulay. Naglilihi si kumander in chief, mahirap na. Nakasalalay dito kung outside de kulambo ako mamaya o hindi. Kaya dapat, mission accomplished ito.”
“Kayang kaya natin yang operation balut na yan, sir.”
Nakalipas ang halos tatlong oras imbes may Nichols ay nasa Pateros na kami ni Kits.
Pumasok kami sa isang kalye. Iniwan namin ang sasakyan sa kanto dahil masikip ang daan. Nang maka-katok kami sa isang pinto, “Magandang gabi po, dito po ba nakatira si Mang Goryo? Yun pong nagtitinda ng balot?”
“Opo dito nga po. Sino po sila?” Tanong ng batang babae na tila walong taong gulang. Nakatingala ito sa akin.
“Kailangan ko kasi bumili ng balut sana kung andito siya.”
“Tay! May bibili po ng balut.” Tumakbo na ito papasok.
May lumabas na lalaki. Nakatingin pa ito sa suot kong uniporme. “Colonel? Dumayo po kayo dito para sa balut?”
“Ganun na nga po. Kanina pa po kasi kami naga-antay sa puwesto nyo sa malapit sa kampo. Ang sabi po hindi kayo magtitinda ngayon.”
“Hindi nga ako nagtinda ngayon, sir. Kasi birthday ng anak ko, yun nagbukas sa inyo ng pinto.” Nakangiti pa itong sumagot. “Pero mayroon pong iba na magtitinda doon mamaya. Kaya nakakagulat na hinanap niyo pa ako.”
“Kung hindi nyo po kasi naitatanong, naglilihi yun mapapangasawa ko. Gusto yun balut na nabili namin dati sa inyo. Ayaw ng iba.” Paliwanag nito.
“Naku, buti na lang at meron ako dito iilang piraso nga lang. At hindi pa luto. Okay lang ba? Kasi puno rin ang nakasalang sa kusina ng panghandaan”
“Ayos lang po, Mang Goryo. Turuan na lang ninyo ako paano ba ang tamang pagluluto.”
“Ah, o sige kukunin ko lang. Iba talaga ang pagmamahal mo sa nobya mo. Akala ko tuloy kanina may nilabag na ako sa batas bakit may kumatok na mga sundalo dito sa amin.” Natatawa pa ito.
Nang makarating na kami ni Kits sa bahay. Mabilis na kinuha ni Kits ang balut. “Ako na bahala dyan, sir. Pumasok ka na sa loob.”
Tumango ako dito at nagpasalamat.
“Del! Welcome home, hijo.” Si mommy Lyra. Syempre mom or mommy na ang tawag ko dito.
Nagmano at nagbeso ako dito. “Mom”
“O siya, umakyat ka na at magpe prepre na kami ng dinner. Isama mo na si Lyra pagbaba. We’ll be done here in thirty minutes.”
“Okay po, mom.” Nagpa-alam na ako dito at umakyat.
Nang kumatok ako sa pinto, narinig ko si Lyra na nagsalita ng “Come in”
Nang makapasok at lumingon ito. Hindi ko napigilan na mahigit ang aking hininga nang makita ko itong muli. Ang aking si Lyra.
She jumped from the chair on her work desk. Sinalubong ako nito ng yakap.
Sinalo ko naman ito at sinalubong ng halik sa labi. She kissed me backed briefly.
“Kumusta na kumander?” Tanong ko dito.
“Don’t call me that. Ikaw talaga.” She blushed.
“Syempre dito sa bahay ikaw ang masusunod, kaya ikaw ang kumander.” Muli at hinalikan ko ang tungki ng ilong nito. I carried her and brought her to the bed. Nang nakaupo na kami at nanatiling magkayakap.
“Magpapalit muna ako, Ready na daw ang dinner in about teka,” tumingin ako sa relo ko, “twenty five minutes na lang.”
Tiningnan ko si Lyra na may ipinapahiwatig dito. Naglalaro din ang ningning sa mga mata nito na nahulaan ang mensahe ng aking tingin sa kaniya.
“Sige na nga. Attention na ba?l” Makahulugang tanong nito sa akin.
“Oo babe, kanina pagpasok ko pa lang naka attention na.” And then I started to remove my clothes.
LYRA
We just had dinner with mom, dad, and Kits ba bisita namin ngayon.
“Wow ang dami ng balut. Diba anim lang pinabili ko, bakit parang lampas sampu ata ito?” Parang batang nagbukas ng regalo si Lyra at tuwang tuwa sa nakita.
“Binili ko na lahat ng available, babe.” Sagot ni Del. Baka may gusto rin kumain dito e para yun anim sa’yo.” Paliwanag ko.
Ikinuwento pa ni Kits ang naging paghahanap namin kay Mang Goryo at tuwang tuwa ito sa kuwento na may birthday party pa pala sa bahay na iyon.
Habang nagkukuwentuhan naman ay iniinom ni Lyra ang sabay ng balut.
“Mauubos mo ba yan, Lyra? Baka tumaas ang blood pressure mo sa dami niyan?” Tanong ni dad.
“Ah dad, yun sabaw lang naman ang gusto ko, pero si Del ang kakain nung sisiw. Nakakaawa kasi, diba fetus yun? I cannot imagine eating a “baby duck” while I’m also having a baby.” Nahimas ko pa ang tyan ko na hanggang ngayon ay flat pa rin sa paningin ng karamihan.
“Ha? Ako ba? Andami niyan babe.” Atubiling sagot ni Del. Walo na ang nabuksan kong balut kaya yata ito naga-alala.
“Andyan naman si dad at Kitsz baka puwede niyo tulungan si Del?” Pinalambing ko pa ang tono ko.
“E sir, sige na, dalawa lang kayo ko itulong kasi nahihilo na ako pagtapos ng dalawa.” Tugon ni Kits kay Del.
“Isang dakot na sili ang kinakain sa training, tapos dalawang balut ka lang?” Gulat na tanong ni Del kay Kits.
“Dalawa lang din kaya ko.” Si dad naman na tawa pa ng tawa. “Grabe mga pinaglihian ng mommy niyo dati, tapos kambal pa kayo kaya doble rin sa pahirap. Di ko akalain, sa anak ko mismo kasali ako sa task.”
“So apat na lang sa akin.” Nahihintatakutan pa rin si Del.
“ Sige na sir. Pampalakas yan ng tuhod. Lalo pa, matagal kayong nawala.” Pagbibiro pa ni Kits.
Biglang may komosyon na dumating na rin si Migs at Maricar na naka sports attire. Nag jogging ang mag-asawa sa subdivision. Dito rin sa subdivision ang bahay ng mga ito.
“What’s up? Bro you’re back!” Bati ni Migs.
“Abot pa ba kami sa desset?” Si Maricar.
“Balut ang dessert, apparently ng mga lalaki. At nang buntis. But I prepared something else for us.” Mom chimed in. At pinakuha nito ang dessert sa kusina.
“‘Migs, dalawang balut sa’yo ha?” I heard Del ask for help.
“Ano? Tatlong beses na ako dumanas ng ganyan sa asawa ko. Kaya pass ako dyan. Hindi ko nga alam kung ngayon parang may laman na uli kaya medyo cranky si Care.” Ginamit nito ang lambing na tawag sa asawa.
Sabay sabay naman kami napatingin kay Maricar. “What? No! Well, we don’t know yet.” Parang nahuli ito sa pagkabigla nang lumipat ang atensyon ng lahat sa kaniya.
“Hey! If ever, then an additional member of the family is always welcome right?" Salo ni Migs sa asawa. "At ikaw Del, humabol ka."
Tumingin si Del sa akin, "Kumander, lalaban ba tayo? Sabihin mo lang. Apat na balut ito. Puede ba mabuntis uli ang buntis na?" Nagtaas baba pa ng kilay ito sa akin. Alam naman nito ang sagot sa sariling tanong na hindi. But they're in for a surprise sa aking announcement.
"Lalaban tayo colonel." And then I went around the table sa mga taong malalapit sa amin ni Del. "Because apparently, we're having twins!"
Maricar shrieked and ran up to me. "Congratulations sister!" My mom was teary eyed and my dad laughing. Gayundin si Kits. Habang sina Migs at Del, parang natigilan sa announcement ko.
I laughed and with tears in my eyes. Tears of joy.
"Thank you for making me very happy."
Inilapit ni Del ang sarili and hugged me.