Episode 16

484 Words
DEL Isang magarbong kasalan. Ang importante para sa akin, andito ang lahat ng pinakamalalapit na mga tao sa amin ni Lyra. Bilang opisyal, pinayagan ako na magkaroon ng isang military wedding kung kaya nakasuot ako ng formal uniform. Ang aming mga magulang, kapatid, mga pamangkin. Ang mga taong malalapit sa amin, ang pamilya Cruz- ninong Iggy at ninang Miracle. Sina Kits, Reese, ang mga kaibigan ni Lyra. Ang mga opisyales na boss ko sa trabaho. Maging ang commander-in-chief, ang presidente ay naririto. Ang higit kong ipinapagpasalamat sa lahat, ang babae na nasa aking tabi, si Lyra. Sa harap ng Diyos, ng aming mga mahal sa buhay. At dahil high profile ang mga Vera, maging ng buong bansa ay alam ang masayang okasyon na ito ng aming buhay. Ako na ang pinaka masuwerteng lalaki na biyayaan ng taong lubos na nagmamahal, umiintindi, sumusuporta, at nagtitiwala sa akin. Bumukas ang mga pinto ng simbahan. Si Lyra. Ang babaeng aking pinangarap. Ngayon ay aking ipinapanalangin. Na ito ay biyayaan ng lakas at kalusugan para sa mahabang panahon naming pagsasama bilang mag-asawa. I'm marrying the heiress. Maski pa nga ang suot nitong sapatos ngayon ay halos kasing halaga na ng kalahating taon kong suweldo, tanggap ko na ito ang kaniyang pagkatao. Ipinanganak sa karangyaan. Pero itinadhana para sa akin. Maski kailan hindi nito at ng pamilya nito ipinaramdam ang mas nakakahigit na estado ng mga ito sa buhay. Ramdam ko rin ang bukal sa loob na pagpapakita ng mga ito kung gaano nila binibigyan ng halaga ang aking tungkulin bilang sundalo. Ang dalawang buhay na nasa sinapupunan ni Lyra, ang aming kambal. Hiling ko na mapalaki namin ang mga ito at kung sakali man, ang mga sususod pa naming mga anak, na may pananalig sa Panginoon, mabubuting tao, at mapagmahal sa pamilya. Ano pa ba naman ang mahihiling ko sa buhay? LYRA Today, on our wedding, my heart is swelling with pride and love. Looking at the man I am about to marry. Lumaki sa pamilyang may mabubuting loob. Matindi ang pagmamahal sa bayan kaya handang itaya ang dugo at buhay para dito. Mabuting anak at kapatid. Mabuting kabiyak sa buhay. Maski pa lumaki kami na magkaiba ang estado sa buhay, pinagdugtong naman ito ng iisang tadhana. Si Del ang kabiyak ng aking puso. Wearing his formal uniform as an officer. His pins and medals from various heroic accomplishments. I'm marrying my knight in shining armor, my prince, and protector. The man I love. What else can I ask for, now that I have everything? I just pray that Del will always be safe and come home safe and sound. Hindi ko kayang hilingin na itigil nito ang tungkulin bilang isang sundalo. Para ko na rin ipinagkait dito ang kaniyang kasiyahan. I've been called so many names, heiress, heredera, socialite, princess, billionaire. At marami pang iba. But above all, I'm so proud to be called a soldier's wife.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD