Episode 2

3336 Words
After 10 years LYRA Pagod na pagod ako sa byahe kung kaya nakatulog ako pagdating ng bahay. Isang buwan ako sa Sydney para asikasuhin ang branch doon ng Vera Industries. Sa ngayon ay dalawa kami ni Migs na tumutulong na mag-asikaso ng negosyo. Dahil happily married na ito sa bestfriend kong si Maricar, Migs prefers working locally. Iwas sa byahe. Ako na single at workaholic ang palaging nabibigyan ng trabaho na kailangan ng international flight. I love my work. Bukod sa mahilig rin ako sa travels kaya okay lang. Pero minsan nakakapagod din. Sa isang linggo, may charity work akong pupuntahan sa lugar kung saan ay matagal na dumanas ng giyera. Isang school ang bubuksan para sa elementarya. And I am looking forward to this lalo pa at may mga bata. Naririnig ko ang mga ilang boses sa labas ng bahay. Naghahanda ang lahat para sa isang pagtitipon. May send off party ang mom para kay Mang Pinong. Ang long time driver namin na hindi pa man kami ipinapanganak ni Miguel ay kasama na ng dad noong binata pa ito. Maging ang mga pamilya nito ay imbitado. Sa loob ng maraming panahon ay nakakaharap na namin ang mga ito sa mga parties para sa household staff. Habang pababa sa hagdan ng mansyon, napansin ko ang pagbukas ng main door. Napalingon ako roon. My eyes landed on a face I haven’t seen before. Deep black eyes staring back at me. Chiseled face with strong defined features. Those full lips and strong features down to his broad shoulders. Nang bigla na lang sa mabilis na pangyayari, naramdaman kong dumulas ang aking paa at tuluyan na akong napatihaya at nahulog sa hagdan. Ramdam ko ang malakas na pagtili na nagpumilit na lumabas sa aking bibig. Pero walang lumabas na tunog. I closed my eyes and waited for the pain. There, on my butt, I felt the loud thump as soon as it hits a stair step. Madali kong iniabot ang isang kamay sa barandilya upang hindi ako tuluyang mahulog nang maramdaman ko na tila may sumalo sa aking ulo na malapit nang mauntog sa hagdan. Pigil pa rin ang hininga na hinintay ko ang sandali bago ko buksan ang aking mga mata. Tila naiwan ang aking diwa sa itaas ng hagdanan at nagsisimula pa lang bumalik sa aking katauhan nang unti unti kong naamoy ang presensya ng taong sumalo sa akin. Very masculine scent. Hmmmm... Warm, strong arms and body. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. The image of the face I was staring at was slowly getting clearer. Lalo ako napasinghap. “Okay ka lang ba? May masakit?” tanong nito sa akin. "Oh my God, he’s for real,” sa isip ko. Blinking fast as I convince myself this is not an illusion. “Lyra?” Nag-aalala na ang tono nito. At kilala niya ako. “Ummm... Except for my butt and bruised ego, I guess I’m fine...” Sagot ko. Napansin ko ngayon kung gaano kalapit ang mukha nito sa akin. The air from his nostrils fanning my face. His minty breath is a fresh aroma tickling my senses. At nakayakap na pala ako sa lalaking ito. I can feel electricity flowing in my veins. My conciousness aware of this man’s every fiber and body heat. Nakabawi na ang aking diwa na nagsimula akong luwayo at alisin ang aking mga kamay sa kaniya. “I-i’m sorry...” sabi ko sa kaniya. “Thank you for catching me... mister...” “Del. Hindi mo na ako kilala?” “Del? As in Del Razon?” gulat na tanong ko. Nakaupo na ako sa isang baitang ng hagdan. Del kneeling on one knee beside me. His one arm still around my back. His smile widened upon the mention of his name. Napalunok ako, keeping my unease inside me. I was just looking straight to his face. Ang laki ng ipinagbago nito. Well-defined muscles and very manly. He definitely transformed. He was an attractive teenager before. He is definitely an attractive man today. Suddenly, the past came flashing back. Ang huling beses na magkasama kami ay nang iligtas ako nito sa isang attempted assault. Nang magising ako mula sa pagkakainom ng drug-induced drink, wala na ito at tumulak na patungong Baguio para pumasok sa Philippine Military Academy. Mabilis ang reaction nang aking pagyakap dito. “Oh my God, Del.” Mahigpit ko itong niyakap. “I have never thanked you for helping me before.” Bakas sa aking boses ang emosyon na hindi ko rin inaasahang lumabas. I sensed his unease but I did not remove my arms around him. “And now, you saved me again. Thank you.” Lalo pa akong nagsumiksik dito. Hindi ko rin maintindihan bakit ganito na lang ang reaksiyon ko sa lalaking ito. I have never been physical with anyone specially after the bad incident from that time na iniligtas ako nito. “Ah... Lyra.” Bakas sa tono nito ang pagka-asiwa. I did not loosen myself and instead just looked up. His face looking down on me. A breathe separated our lips. I suddenly felt heat flow thru my body. Something I have not felt ever. And I can feel that he feels the same. Dahan dahan nito inilalayo ang sarili. Doon ako natauhan. “What is happening to me?” sa isip ko. Blood rushed to my cheeks out of embarassment. “Oh sorry.” At inilayo ko na ang sarili ko sa kaniya.. “No, don’t be. Hindi ko lang alam ano isasagot ko.” Sabi nito. A chuckle escaped my lips. “Just say ‘You’re welcome’ okay?” He chuckled back. “You’re welcome.” “You saved me twice, so I owe you.” “Lyra, it’s an honor. You don’t owe me anything.” Seryoso nitong sagot. “No, Del, it’s up to me to make it up to you someday. No arguments.” Matagal na katahimikan habang nakatingin lang sa akin ang lalaki. “Let’s go. Baka naghihintay na sila.” Basag ko sa katahimikan. Inalalayan ako ni Del na makatayo. At nagsimula na naming tinahak ang daan papunta sa kasiyahan. DEL Halos buong gabi ay hindi ko maipaliwanag kung bakit tila may radar ang katawan ko sa kung nasaan si Lyra. May tila magneto ito na humihila sa akin. Tulad ng paano umiikot ang mundo sa araw. Siya ang araw, ako ang mundo. Kusa akong napapalingon at sa bawat pagtingin ko ay naroroon siya. Hindi naging madali ang pagtago ko sa epekto ng pagdidikit ng aming mga katawan kanina sa may hagdan ng mansyon. Ang kaniyang mabining amoy hanggang ngayon ay nagpapagulo sa akin isipan. Ang kaniyang malambot na katawan na parang hinahanap ng aking katawan. There was so much tension and electricity between us. Kita ko sa mga mata niya kanina na hindi lang ako ang nakaramdam nito. The moment she hugged me and pressed her softness, something inside me softened and something in between my legs hardened. Kinailangan kong ibigay ang aking lakas upang payapain ang aking sarili kung hindi ay nakakahiyang maglakad na may bukol ako sa aking pantalon. Mula noon pa man, hanggang ngayon, ibang klase ang gayuma ng presensya ni Lyra sa akin. Ang paghanga ko na sinasarili ko lang. Una dahil sa sobrang taas ng respeto ko sa kaniya at sa buong pamilya Vera. Pangalawa, ang agwat ng estado naming dalawa. Isang prinsesa na mahirap abutin. Iyan si Lyra, ang heredera ng mga Vera. Malabo na magkaroon ako ni katiting na pag-asa sa kaniya. Sa programang inihanda ay ipinakita sa isang video presentation ang mga lumang litrato hanggang sa kasalukuyang pagtatrabaho ng aking ama sa pamilyang ito. May ilang pagkakataon na natatawa ang mga tao dahil sa mga lumang litrato. Maski na bata pa kami ay nakararating at nakakasama na kami sa mga ilang handaan sa mansyon kaya may mga litrato kami rito. Sa isang birthday party ni Lyra noong bata pa kami, andoon ang aming pamilya. Buhat ito ni inay habang nakatayo at ako naman ay kalong ng aking tatay na nakaupo sa katabi. Habang lahat sila ay nakatingin sa camera, ako ay nakatingala kay Lyra. Isang ebidensya nang aking napakatagal nang paghanga rito. Pero hanggang doon lang ang paghangang iyon. Daig pa namin ang langit at lupa. Nang matapos ang palabas, nagsalita ang emcee at tinawag ako upang magbigay ng ilang mga salita. Pagpupugay sa aking ama at pagpapasalamat sa mga Vera. “Let’s welcome, Captain Delfin Razon, Jr.” Pagpapakilala ng emcee. Patungo sa harapan ay tumayo si sir Mateo Vera upang kamayan ako. Gayundin ang asawa nitong si ma’am Lanie. Isa sa mga pinakamayayaman sa bansa ngunit napakabubuting mga tao. Iniabot ko ang aking kamay dito. At isang pagyakap naman ang isinalubong sa akin ni ma’am Lanie. Nang makarating ako sa entablado, tumingin ako sa mga taong naririto. “Magandang gabi sa inyong lahat. Sir Mateo, ma’am Lanie... Migs, Lyra.” tumingin ako sa direksyon ng lamesa ng pamilya. “Narito ako upang magpasalamat sa inyong pamilya, ang mga taong itinuring ang aking ama na kapamilya at hindi naiiba. Maging kami ng aming buong pamilya.” Tumingin ako sa aking mga magulang, “'Tay, maraming salamat sa mga ehemplo na ipinakita n'yo sa aming magkakaptid. Ang pagta-trabaho ng marangal at may sipag, tiyaga, at pagiging mabuting tagapagtaguyod na ama. Ang inyong mga ipinakitang kabutihan ang naging gabay naming magkakapatid upang piliin ang mga tamang bagay sa sarili naming mga buhay. Lubos ko kayong ipinagmamalaki. At proud ako na maging anak ninyo, na naitaguyod ng isang family driver at mabuting ama ng tahanan.” Tumingin ako sa aking inay, “'Nay, eto na retired na ang tatay. At dahil tapos na rin kaming magkakapatid, sana ay mag-enjoy kayo sa bagong yugto ng inyong buhay.” Sumenyas ako sa aking dalawang kapatid na pumunta rin sa harap. “Gusto rin naming ibigay sa inyo ang regalo na pinagtulong-tulungan namin tatlo.” Ipinakita sa screen ang isang bahay sa probinsya na may malawak na bakuran. Isang farm lot na matagal nang pangarap ng aming mga magulang. “At regalo din sa inyo ni Sir Mateo ang pickup truck na nakaparada d'yan sa may garahe.” Maluha-luhang lumapit ang aming mga magulang sa pamilya Vera. Sumunod na nagsalita ang ilang miyembro ng pamilya Vera at ibang mga kasambay na matagal din nakasama ng aking ama dito. It was such a happy night. Kalakip din nito ang isang lungkot sa likod ng aking isipan, na hindi na basta magku-krus ang landas namin ni Lyra Vera matapos ang gabing ito. LYRA Bilang representative ng charitable organization ng aming kumpanya ay narito ako ngayon sa isang elementary school upang pasinayaan ang pagbubukas nito at mamahagi ng mga school supplies na gagamitin para sa parating na pasukan ng mga bata. Bago magsimula ang pagpapasinaya ay nakahalubilo ko ang ilan sa kanila. Magiliw ang mga guro na inilibot ako sa mga silid-aralan kung nasaan ang mga bata ay binibigyan ng school kits na may libro, notebooks, at kung anu-ano pa. Ang hindi ko inaasahan ay ang pagdating ng gobernador na si Gov. Perez at ang kaniyang anak na si Santino. Halatang-halata ang tila pangre-reto ng matanda sa kaniyang anak. Pilit nito na itinatabi ang anak nito sa akin at ibinibida sa mga usapan maski hindi naman kaugnay dito ang topic. Tila naman sunud-sunuran si Santino sa bawat ipagawa ng kaniyang ama. Hindi rin maalis sa mukha nito ang naka-plaster na ngiti na tila aral na aral para sa mga camera at videos ng mga taga press. Suddenly, a familiar figure caught my attention. Nasa malayo ito pero hindi ko maipagkakamali ang tindig at parte ng mukha nito maski pa hindi nakarahap ng tuluyan ang lalaki. Lumapit ako sa isang naka unipormeng militar. “Excuse me...” agaw ko ng atensyon nito. He turned around. Suddenly everything stopped for me. His broad shoulders, his familiar handsome face, his scent, his presence. Del. It’s him. “Miss Vera.” sabi nito sa ma-awtoridad na boses nito. Doon nanumbalik ang lahat sa akin. The surroundings and everything else came back to my senses. “Del...” I called his name. Boses ni Santino na kanina pa nagpapairita sa akin ang biglang sumingit. “Lyra, mainit dito baka gusto mong pumasok muna sa isang classroom or doon ka muna sa van namin para malamigan ka sa aircon?” “Huh? E... okay lang ako dito.” Sabay lapit at hinagip ko ang kamay ni Del at bagkus ay inilapit ko pa ang katawan ko dito. Napatingin naman si Santino sa aming magkasalikop na mga kamay. “Del, babe, si Santino, anak ni governor.” Matamis na ngiti at sweet na tono ang ibinigay ko ke Del na nakatungo sa akin. Tila nabigla ito pero mabilis kong hinigpitan ang aking pagkakahawak sa kamay nito. Sinesenyasan na makisakay na lang sa sinasabi ko. Iniabot ni Del ang isa pa nitong kamay kay Santino upang makipag-kamay dito. “Capt. Del Razon, sir.” Alanganin na inabot ni Santino ang kamay nito. Nakikita ako sa di kalayuan na tila nakamasid ang gobernador sa amin. Lalo kong inilapit ang aking katawan kay Del nang mapansin ko na palapit na rin ang gobernador. “Babe ipakilala kita kay governor...” Wala nang nagawa si Del kundi tumango. “Governor, this is Capt. Del Razon, boyfriend and childhood sweetheart ko.” matamis na ngiti ang ibinigay ko sa matandang pulitiko. Halata sa mukha nito ang pagkabigla at pagka-dismaya. “Military pala ang nobyo mo hija? Bakit parang ang pagkakaalam ko ay wala ka namang nobyo?” Tanong nito. “Ay hindi po totoo yan. Highschool pa lang mag boyfriend na po kami ni Del. Nag-PMA kasi sya kaya nagkahiwalay kami ng matagal. At madalas siyang madestino sa malayo. Pero masyado din kasing private itong boyfriend ko dahil sa trabaho.” sagot ko. “Hindi ko alam na puede ka pala sumama sa lakad ng girlfriend mo? Hindi ka ba abala sa trabaho?” tanong ni Santino dito. Tila may nase-sense akong pagka dismaya sa tono ng tanong nito. “I’m actually on active duty today, sir. Nice to meet you.” Sagot nito tiningnan ang dalawang lalaki. Sumenyas ito nang bahagya na lumayo kami for privacy. Hinihila nito nang bahagya ang aking kamay na hindi bumibitiw sa kaniya. Nang marinig kong sabihin nito, “Babe...” at doon ako natauhan na sumunod kay Del. Nang bahagyang makalayo, “Lyra, I’m on duty now. VIP escort ang unit ko para sa pagpunta nyo dito.” “Oh okay. Sorry, kanina pa kasi ako naha-harass sa dalawang iyon e.” Sabi ko pero hindi ko pa rin binibitiwan ang kamay nito. Inilapit nito ang mukha malapit sa isa kong tenga. “Napansin ko nga, but I need to take a distance from you or baka malagot ako sa officer ko na parating ngayon. Napaka high profile mo kaya pati general papunta na dito. And I need to be on the lookout for danger. Okay?” Tila nagulat ako sa sinabi nito sa akin. Tumango ako ng bahagya. “Will I see you later?” Doon ay iniharap ni Del ang kaniyang mukha sa harap ng mukha ko, “Yes, sabay tayong babalik pauwi. You’re dad requested for me to be here.” Napasinghap ako hindi sa sinabi niya kundi sa sensyasyon ng pagkakalapit ng aming mga mga mukha. Mabilis nitong kinitalan ng halik ang gilid ng aking labi. Malakas nitong sinabi na tila sinasadyang iparinig sa mag-ama, “See you later babe. I’ll just be around.” My cheeks still burning at the sensation. Naramdaman ko na lang na nakaalis na ang kamay nito sa aking pagkakahawak. His broad shoulders at the line of sight walking away from me. Nang bigla itong lumingon at ngumiti ng bahagya sa akin. I got lost for a while to the fast beating of my heart. Ramdam ko ang pananabang ng pakitungo ni Santi sa buong programa ng pasinaya. Samantalang ang gobernador naman ay tila hindi sumusuko sa misyon nito na ireto ang anak. Hindi miminsan na nagpahiwatig ito kung gaano kahirap makipag-relasyon sa isang militar. Nang matapos ang programa ay inimbitahan pa ako ng mga ito upang sumama sa kanilang bahay o sa kapitolyo. I was to express my regerets when Del appeared. “Miss Vera, we should go.” si Del. “Captain, we are inviting Lyra here to join us for a meal. Hindi madalas mangyari na ang isang napakagandang pilantropo ay makarating sa aming lalawigan” ani ng gobernador. “Governor, we have strict orders to bring her back after the program.” si Del. “But it will be her decision if she wants to join us, right hija?” pagpupumilit ng pulitiko. “He’s right governor. I have to go back right away. Maybe some other time, marami rin lugar dito sa inyo ang gusto kong malibot when time permits.” Nakangito kong sagot ko at sunod ay tumingin ako kay Del. Itinuro nito ang sasakyan na naghihintay para sa akin. Nang makapasok ako ng kotse ay umusod ako upang makapasok din si Del. Ngunit hindi ito pumasok. Halata sa mukha ko ang pagtataka. “I’ll be following you from there.” At itinuro nito ang isang military vehicle. “Hindi ba puede na dito ka na? Akala ko sabay tayong babalik sa Maynila?” “I’m on duty. That’s the official protocal. Don’t worry, my eyes are on you one hundred percent.” Kumindat pa ito bago isinara ang pinto ng kotse. Nang makarating kami sa lugar kung saan naga-antay ang helicopter ng Vera Industries ay nasa kotse pa rin ako at hindi pinapababa. Nakita kong parating si Del at ang dalawa pang naka unipormeng military escorts. Binuksan ni Del ang pinto ng kotse at doon pa lang ako bumaba. “Let’s go. Make it fast towards the chopper, Lyra.” Seryosong sabi nito sa akin. “Okay... Is everything fine?” Tanong ko rito. “On three, we run. One, two, three” Sagot nito. And we ran towards the buzzing helicopter. Nang makaakyat kami ay inalalayan pa ako ni Del na magsuot ng safety gears. “What?” tanong ko muli sa lalaki nang nasa ere na kami. “There was a threat a few minutes ago kaya dito tayo sumakay. Doon sa binabaan mo kanina, is just a decoy.” si Del. Hindi ako sumagot. Bagkus ay nagtanong ito sa akin. “What?” Sinagot ko si Del nang tanong din, “Anong ibig mong sabihin?” “Wala ka bang ibang itatanong? Aren’t you concerned about your safety?” Tanong ni Del. “No. You’re here. It means I’m safe.” He did not say anything. His response was the flicker of fire I saw in his eyes. I found myself looking at those fire. Sa ilang sandali, I just grabbed his face. My lips searched his and gave him a kiss. Though he was surprised and hesitant at first, I felt the moment he responded back. Contrary to the size and built of this strong man, his kiss was gentle. Ako pa ang mas mapusok na inilapit ang katawan dito. Not minding the pilot sa harapan. It’s been years I’ve been crushing on this man and it took ten years bago kami nagkita. Hindi naman ako nabigo sa misyon ko at naging mapusok na rin ang sunod na paghalik sa akin ni Del. His tongue started to enter past my open lips. I can taste him and it just built the intense craving I have for him. Del started to move his face away from me. I felt the loss of his mouth. When I opened my eyes, his lips wet from my own lips, there was not just heat in his eyes. It was smoldering with need. Walang salita na umayos ito ng upo at tumingin sa harapan ng chopper. Wala namang reaksyon ang piloto. I felt it when Del reached for my hand between us and just held it for the rest of the flight.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD