Episode 3

2606 Words
LYRA The next day, ni isang salita ay wala man lang akong narinig kay Del maski isang tawag o text. Nang makarating kami sa building ng Vera Industries, pumunta ito sa opisina ng dad at hindi manlang ako nito binalikan. Ni hindi ko alam ano ang contact number nito. He knows where I live, saan ako nagta-trabaho. Kung pareho kami ng nararamdaman sa aming muling pagkikita, hindi ba ito gagawa ng paraan para magkausap kami? Hindi na ako nakatiis na lumapit kay dad. I just have to know how to contact Del. “Dad, mind if I get Del’s number? May kailangan lang ako itanong sa kaniya.” I asked my dad. “Oh, wait 'eto... teka.” Kinuha nito ang cellphone niya at idinikta ang cellphone number sa akin. “Naikuwento ni Del na may tagahanga ka sa school event mo.” May halong panunudyo ang tono ng aking ama. “Please dad...” I even rolled my eyes at his statement. “Why the heavy security? War was over and rebuilding na ng community and it seems peaceful there.” Nawala ang pagbibiro sa awra ng aking ama. “I wanted to make sure na walang masamang mangyayari sa iyo roon. I requested for VIP escort from the marines at buti na lang doon din naka-assign si Del.” “And the decoy?” tanong ko. “We received a report na may grupo na posibleng kumidnap sa iyo. It may not be a serious threat pero hindi natin maari itong balewalain. I should’ve gone instead of you. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko if may nangyari sa iyong masama.” DEL Kagagaling ko lang sa ilang rounds ng pagtakbo sa loob ng kampo. Matapos mag shower at magpalit ng damit, noon ko lang muling nahawakan ang cellphone ko. Isang missed call at text mula kay Lyra. Oo naka-save sa akin ang number niya. Ibinigay ito ni sir Mateo nang kausapin ako nito na mag VIP escort para kay Lyra. Ilan beses ko pinag-isipan kagabi kung tatawagan ko si Lyra o hindi. Matapos ang mga nangyari nang muli kaming magkaharap, may bagay na namamagitan sa amin na hindi namin pinag-uusapan. The attraction we have is palpable. But I cannot entertain the idea of Lyra in my life. Sa buhay ko na parating nasa bingit ng kapahamakan hindi magiging madali ito para sa kaniya. Oo, maraming mga sundalo ang may mga nobyo o nobya na maayos ang pagsasamahan maski mahirap ang setup. Pero si Lyra? No, it can’t be. Tinatanong nito kung anong oras ako puede makausap o kung puede ko siyang tawagan. Inilagay ko sa bulsa ang aking cellphone at patuloy nang umalis. May bago akong assignment at hindi ko alam kung makababalik ako ng buhay o hindi. I don’t want to drag Lyra into a kind of life na parating nag-aalala. At kung magkaroon man ng pag-asa na maging kami, hindi ko maaring iwan ang trabahong ito. AFTER 5 YEARS Pinipilit ng bata sa aking tabi na abutin ang laruan. Nasa isang toy store ako para bumili ng laruan. Birthday ng inaanak ko at naghahanap ng panregalo. Nang abutin ko ang laruan at ibigay sa bata, nagpasalamat ito at tumakbo. Sinundan ko ng tingin ang pag-alis nito. Nakapagtataka na wala itong kasama manlang na mas nakatatanda. Nang makalapit ito sa isang babaeng nakatalikod, biglang sumulpot din ang unipormado nitong yaya. Doon ang biglang paglingon ng babae na nilapitan ng bata. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala na napalitan ng relief nang makita ang bata. She even knelt down beside him. Naramdaman ko na lang na tumingin ito sa aking direksyon nang ituro ng bata. Surprise registered on Lyra’s face when our eyes met. And then my feet suddenly went towards the beautiful face looking at me. “Hi...” narinig ko ang sarili kong sinasabi kay Lyra. Hindi naman ito sumagot. “Mama, he helped me get this car. I said thank you.” Sabi ng batang lalaki. “Oh, that’s good, Ralph.” Sagot nito sa bata. Parang natilihan ako na marinig ko ang itinawag dito ng bata. Okay, pinili ko ito years ago. So dapat maging masaya ako para kay Lyra. Halos hindi ako makahinga. Pero nang makita kong sa tatayo na si Lyra ay inilahad ko ang aking kamay para tulungan itong makatayo. A sudden jolt of electricity sparked when our hands joined. Pinilit kong pumormal at batiin din ito. “Lyra...” tumikhim ako ng bahagya nang tila may bumabara sa aking lalamunan. “Nice to see you.” “Yeah, you too, nice to see you.” nang makabawi sa pagkabigla, “This is Ralph, by the way.” “Hi, Ralph.” “Hi. Do you know my mama? Are you a friend?” “Yes, I know her.” Napatingin naman ako kay Lyra at saka ko idinugtong, “We are friends from way back.” “Okay! I’ll leave. I want more toys!” sabay alis nito na sinundan ng yaya. Naiwan kami ni Lyra. Binasag nito ang matagal na katahimikan. “So, toy store? What brought you here?” tanong niya. “Ahhh, birthday kasi ng inaanak ko. Naghahanap ako ng panregalo.” “May nakita ka na ba?” Tanong nito. “Madami. Sa dami, ang hirap pumili. Maybe you can help me?” “Okay. Let’s see.” Umikot kami ni Lyra sa toy store at pumili ng ilang regalo matapos kong sabihin ang profile ng aking inaanak. Nang makalabas ng toy store, nasa stroller na si Ralph na tulog na tulog habang tulak tulak ng yaya. “Napagod siguro si Ralph,” mahinang sabi nito. Bumaling ito sa akin. “So, paano... I need to go. Ingat.” “Thank you sa pagtulong mo rito.” Itinaas ko ng bahagya ang paperbag ng napamili ko. “You’re welcome.” sagot nito at dahan dahan nang lumayo. Nanatili akong nakatayo habang pinapanood ko ang pag-alis ni Lyra. Lalo pa itong gumanda sa nakalipas na panahon. Ang sandali na pag-ikot namin sa toy store, hirap na hirap ako tuwing natutulala na panoorin siya habang nagpapaliwanag ng iba't ibang klase ng mga laruan. Ni hindi ko nga maalala ano ang binili ko sa totoo lang. Basta kasama ko siya nang magbayad at maghintay sa pagpapa-balot nito. Naramdaman ko na lang sa aking tabi ang paglapit ni Reese. Kasamahan ko sa trabaho na bumili rin ng regalo sa kabilang store bago kami tumungo sa binyagan. “Tara na baka ma late pa tayo.” Pag-aaya ni Reese. Naglabas ako ng hangin matapos ang malalim na paghinga. “Delfin Razon, Jr. Wala kang karapatan makaramdam ng maski ano. Pinili mo s'yang layuan noon.” kastigo ko sa aking sarili. LYRA Nakahinto ang kotse sa harap ng isang five star hotel pero hindi pa rin ako bumababa.v Kanina sa mall, I looked back to take another glimpse at him... of Del. He was walking away with another woman by his side. Bukod sa pagkabigla, the pain of rejection from him resurfaced. But seeing him with another woman was a different level of pain. Hindi na dapat pa akong nagpapa-apekto sa lalaking iyon. It has been years since I last saw him. He deliberately ignored me. Siguro nahihiya lang siya na ipahiya ako dati kaya minabuti nito na ignorahin ang aking tawag. Oo we shared a kiss that I thought meant something for him. Pero wala naman pala sa kaniya. Parang may piga sa puso ko ang hatid ng mga alala-alang iyon. “Ma’am, nandito na po tayo.” sabi ng driver na nagpabalik sa aking diwa. Bumaba na ako ng kotse. Ralph still with me. We went to the direction of the ballroom kung saan gaganapin ang party. First birthday ng anak ng classmate ko nung highschool. Isinama ko si Ralph, ang pamangkin ko dahil walang pasok sa school. Isa pa, alam kong matutuwa ito sa children's party. In a sense, parang mini-reunion na rin ang mangyayari dahil marami sa batch namin ang imbitado ngayon. "Lyra, thanks for coming!" Pagbati ng classmate kong si Adele na siyang hostess ng party na ito. Anak niya si Liam ang may birthday. Nagbeso kami at nagbatian. Maging ang ilan pang mga kaklase ko ay naroon na rin. Dahil may iba pang mga bisita na kamag-anak at ibang mga kaibigan sina Adele, naiwan kami sa mesa. Nakita ko na si Ralph ay nasa face painting booth kasama ng yaya nito. Karamihan sa mga kaklase ko ay may mga dala nang mga sariling anak o di kaya ay buntis na. "So, Lyra. How about you? Any wedding bells soon?" Tanong ni Sophie, isa sa mga kaklase ko. Ngumiti ako sa mga ito, si Sophie, Michelle, at Rhoda. Ang mga kaklase naming mga lalaki ay nakatayo sa di kalayuan nagkukumustahan din. "Oh, no. No bells for me, wedding or otherwise." Tipid kong sagot. "Your brother has three kids. Sabagay maaga silang nagsimula ni Maricar." si Michelle. Hinihimas nito ang tyan na ilan buwan nang buntis. Rhoda leaned and asked me, "The question is... if you have a significant other..." Hindi nito natapos ang sasabihin. Napatingin ito sa aking likuran. Sumunod na rin na tumigin sina Sophie at Michelle. Doon din ay lumingon ako at tumingala sa taong nasa likuran ko. "Lyra..." si Alden. Ang isa sa mga schoolmates namin noon. Ang lalaki na siyang sinasabi na nagpasok sa akin sa kuwarto minsang nasa pool party kami. Wala akong naalala sa lahat ng nangyari. Nalaman ko na lang ang detalye nang magising na ako sa bahay. "Can we talk?" si Alden. "Somewhere more private. Maski dyan lang sa mas tahimik." "Sure..." at tumayo na ako at sinundan ito. "Lyra, we never got to talk before. And seeing you enter the room, hindi ko alam kung lalapitan kita o hindi." Hesitancy evident on his voice. Wala akong maisagot sa sinabi nya. Nakatingin lang ako kay Alden. "I'm sorry, Lyra. I have never touched alcohol or any party drug since that incident. Hindi na kita nakausap. Your dad wanted to file a case buti napag-usapan nila ng parents natin. Basta huwag lang ako lalapit sa'yo. I don't know if this counts... pero it's been 15 years and I just want to apologize really. It's always bothered me na hindi ako nakahingi man lang ng tawad sa iyo. The incident has always crept up guilty feelings inside me." mahabang turan nito. "Alden, I don't know what to say. But I do appreciate your apology." Sagot ko dito. Ngumiti ito sa akin at sa aktong kukunin ang aking mga kamay ay biglang may humapit sa aking baywang. I turned my eyes to the strong body enveloping me. "What the hell? Hindi ba at pinagbawalan kang lumapit kay Lyra maski kailan?" Del hissed. Enough for us to hear him and the anger in his voice na hindi nag-aakit ng atensyon mula sa iba. Nagulat ako na bigla na lang itong sumulpot. Bakas ang pagkagulat sa mukha ni Alden na nakatingin kay Del. "I'm just here to apologize when I saw her." Paliwanag ni Alden. "Apology done. Huwag na huwag ko lang malaman na lumapit ka uli kay Lyra..." Humihigpit ang pagkakahawak ni Del sa akin. Nanatili akong walang masabi. "Del, please... let me talk to Alden." Hinawakan ko ang kamay niya na nasa baywang ko at mahinang itinulak ito. With eyes pleading, inalis ni Del ang kamay niya sa akin. Mataman na nakatitig kay Alden. "Major Delfin Razon, Jr. tandaan mo yan pangalan na yan sa susunod na pumasok sa utak mong lumapit kay Lyra." maigting na bulong nito kay Alden. Sapat na marinig ko. Lumayo man ay iilang hakbang lang itong lumakad mula sa amin. Daig pa nito ang toro na umuusok ang ilong sa pigil na galit. "Alden, I forgive you. Just live a good life." I smiled to him and reached his arm. Maluha-luha ang guwapo nitong mukha na nakatingin sa akin. "Thank you, Lyra." Sa aktong lalapit ito at yayakapin ako ay biglang lumapit na muli si Del. Hindi na itinuloy ni Alden and paglapit. Tinitigan ito ni Del kung kaya nagpasya nang lumayo. Looking at Del, "I need some air." Lumakad ako palabas ng bulwagang iyon. Ramdam ko ang pagsunod nito sa akin. Huminto ako sa paglalakad. "Alone, Del. I need sometime alone." Huminto ito. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Nakarating ako sa rest room at nagkulong sa isang cubicle. Hindi ko napigilan na lumuha. Dahil ba sa muling paghaharap namin ni Alden? O dahil sa pagsulpot muli ni Del? Wala akong maalalang detalye sa mga naganap na insidente na sinasabing attempted s****l assault fifteen years ago. For all I know, we were just rowdy teenagers. At dahil sa mga maling desisyon, naganap ang mga ganoong bagay. I'm just thankful Del saved me. Eto na naman si Del. Ang pagkikita namin kanina sa toy store ay nagbukas ng maraming magugulong alaala. I have dated in the past but was never in a committed relationship. Parang lagi akong may hinahanap. Nang magkita kami ni Del five years ago and we shared that kiss in the chopper. We held hands. I felt the connection. Akala ko ito na. He's the one. But he left and ignored me. Tapos ngayon magpapakita siya uli. Patuloy kong pinapahid ang mga luha na patuloy na dumadaloy sa aking mga pisngi. I busied myself with work. Covering for the insecurity caused by his treatment of me. How dare him. Ngayon ko nararamdaman na mas sa kaniya ako nagagalit kesa kay Alden. Hindi ko na napigilan ang luha na kumawala sa aking mga mata. Mga luha para kay Del. The person who has always been there to save me, but never there for me. I should close this chapter of my life. Matagal ko nang hinayaan na minamanipula niya ang buhay ko ng hindi ko naramdaman. Imbes na nage-enjoy ako na may lovelife, na sana buntis o may anak na rin ako tulad ng mga classmates ko, hinayaan ko na lumipas ang mga panahon dahil sa kaniya. Gathering myself, lumabas na ako ng cubicle at inayos ang sarili ko. Nang makalabas sa cubicle, nakita kong naghihintay si Del sa dulo ng pasilyo. Humarang ito sa daan. "Why bother to shed tears for that bastard?" galit na turan nito. I looked straight to his fiery eyes. "You're right, why bother shed tears for a bastard? My tears weren't for him but for you. From today, I'll be living my life for me and move on from you." "Anong ibig mong sabihin na ako? I left dahil hindi tayo para sa isa't isa. And besides may pamilya ka na. Ralph seems to be a good boy." "Si Ralp ay anak ni Mateo. Pamangkin ko. Kung hindi ako nabulag na maghintay sa'yo, sana may anak na ako na tulad niya." Nanggigigil na ako sa lalaking ito. He was just staring back at me with questioning eyes. I stared back right at him. "If you'll excuse me Major Razon, I have a life to live away from you from this very second. And never bother to come near me again." I left him speechless. Bumalik ako sa party. I joined the table again and luckily walang nagbukas ng usapin tungkol kay Alden. Nakikita ko sa sulok ng aking mga mata na nasa ibang mesa si Del at ang kasama nitong babae kanina. Base sa mga galaw ng babae ay mukhang hindi lang sila magkaibigan kundi may namamagitan sa dalawa. Kaya naman nang may lumalapit na mga kaibigan at kakilala naming mga lalaki na nagpapahiwatig ng interes sa akin, I smiled back and opened myself to the possibilities. Time to move on. Time to open myself to others.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD