MABILIS lumipas ang mga araw kasabay ng pagpapagaling ko. Napaka-maasikaso ni Catrione sa akin sabayan din ni Kuya Loyd na therapist ko kaya ngayo'y nakakalakad na ako ng walang saklay pero paika-ika pa rin. Nakumpirma din naming nagdadalang- tao nga ito tatlong buwan na kaya't nakakasiguro akong akin ang dinadala nito. May tiwala naman ako sa asawa ko kaya wala akong agam-agam na hindi akin ang pinagbubuntis nito. Nakakatuwa nga dahil ako talaga ang pinaglilihian nito! Lagi itong nakadikit sa akin kahit pa sa banyo! Palagi rin itong naglalambing ng mga luto ko, ang sabi naman ni Nanay Claudia ay normal lang ang mga kakaibang kinikilos nito dahil ganu'n daw talaga ang mga naglilihi. Hindi maintindihan, 'yong iba pa nga raw ay mas malala at maselan. Mabuti na lang hindi ganu'n ang sitw

