bc

[MONTEREAL SERIES4] The Cold Hearted WIFE (Catrione Del Prado Montereal)

book_age18+
2.4K
FOLLOW
7.6K
READ
one-night stand
HE
badboy
independent
drama
bxg
bold
soldier
campus
war
multiple personality
like
intro-logo
Blurb

Paano kung kailan napa sa'yo na ang taong pinakaminimithi mo siya namang pagkasuklam nito sa'yo?

Hanggang kailan mo kayang tiisin ang sakit? Hanggang kailan ka lalaban?

Habang buhay ka na lang ba magpapaka martir sa kanya? O mas madaling tanggapin ang katotohanang hindi kayo para sa isa't isa!.

**********

Paano kung kailan handa ka nang ipaglaban siya, saka ka naman naburado sa isip niya.

Ipapaalala mo ba kung gaano kapait ang naging samahan niyo sa nakaraan maalala ka lang?

O hahayaan mo na siya sa bagong taong nagpapasaya ngayon sa kanya?

chap-preview
Free preview
Ep. 1 Typhoon POV
"Bagyo a-anak ... H-H'wag mong pababayaan ang mga ka-kapatid m-mo" Hinihingal na pagkausap ni Nanay sa'kin habang mahigpit nitong hawak ang mga kamay ko. "Opo Nanay. Pangakong 'di ko sila pababayaan, magpahinga ka na Nanay." Mapait akong ngumiti at pinahid ang umagos nitong luha. "Sa..la..mat.. anak." Kasabay ng pagpikit ng malalalim niyang mga mata ang paghinto na rin ng kanyang hininga. " Nanay! " " Nanay! " Panabay na sigaw ng apat na taon at dalawang taong gulang kong kapatid. Iniwan kami ni Tatay ng magkaroon nang malubhang sakit si Nanay na nakuha sa mga lalakeng nakakaniig nito sa pinagtatrabaho'ang bar sa bayan. Sana'y kami sa hirap pero, mas lalo pa pala kaming maghihirap sa pagkawala ni Nanay, at naiwan sa'kin ang pangangalaga sa dalawa kong kapatid. "Kuya pa'no na tayo ngayon? Wala na si Nanay wala na rin si Tatay." Umiiyak na saad ng nakababata kong kapatid. Si Cloudy, na mas kilalang Ulap. Tatlong taon lang ang tanda ko dito. At sa edad na pito, ako na ang tatayong Ama at Ina sa kanila ni Rainy na dalawang taong gulang. " H'wag kayong mag- alala hindi kayo iiwan ni Kuya. Basta tulungan mo si Kuya ikaw ang mag- aalaga kay Ulan at ako ang maghahanap ng pagkain." Matatag kong sagot sa aking kapatid. Matapos mailibing ni Nanay sa tulong ng mga kapitbahay, nagsimula na ako sa pangangalakal. Maghapon akong nangangalkal sa mga dumpsite para lang may pambili ng makakain namin ng mga kapatid ko. Sa paglipas ng mga araw natuto kaming magtipid at magtanim ng iilang gulay sa paligid ng aming barong- barong. " Hi! Anong ginagawa mo?!" Napatingala ako sa batang babae habang nakatunghay ito sa'kin na namumulot ng plastic bottles dito sa ilalim ng tulay.. "Hindi mo nakikita? Namumulot ng plastic." "Ang sungit naman! Ako nga pala si Sam, ikaw anong pangalan mo?" " Bagyo." Napalingon ako ng humagalpak ito nang tawa. "Anong nakakatawa?" Inis kong tanong. "Sorry, ang bantot kasi ng pangalan mo eh!" Natatawang sagot nito. "Bakit mo pinupulot ang mga 'yan? Ikaw ba nagtapon ng mga 'yan?" Hindi ko na ito pinansin at nagpatuloy sa pamumulot ng mga bottles. " Marami kami n'yan sa bahay, gusto mo sayo na lang?!" Pangungulit nito nang ' di ko na pinansin pa. "H'wag na, baka magalit pa ang magulang mo." "Hindi 'yon, halika na Bagyo samahan kita sa bahay!" Sumunod ako dito at bumungad ang may kalakihan nilang bahay. Marami nga'ng nakaimbak na sako- sakong plastik pero hindi ko p'wedeng basta na lang kunin. "Papa! " Masiglang sigaw nito at sinalubong ang Amang pababa ng sinakyang taxi. "How's my princess?" "I'm good Papa. May new friend po ako, p'wede mo bang ibigay na lang sa kanya ang mga bottles d'yan Papa?" Nahihiya akong napayuko ng tumingin sa'kin ang Ama nito. Taimtim itong nakatitig habang naglalakad palapit. "Ilang taon ka na iho?" "Pito po." Nahihiyang sagot ko. "Bakit ka naman nangangalakal? Napakabata mo pa!" Bulalas nito. "Ahm, ulila na po kami ng mga kapatid ko kaya po ako nangangalakal." Napayuko ako ng bigla ako nitong inakay papasok sa kanilang bahay. "Mama, nasa'n ka!?" Bungad nito pagka-pasok namin sa kanilang bahay. Iginiya ako nitong maupo ng kanilang sala. Kahit pa napakadungis ko 'di ko makitaan ng pandidiri ang mga ito. Matapos naming nagmeryenda ay kinausap ako nito ng masinsinan kaharap ang anak at asawa. "Mama, siya si Bagyo. Ulilang lubos. Nakakaawa sila ng mga kapatid niya, naisip ko lang total maluwag naman d'yan sa taas eh, kung kunin na lang kaya natin sila." Pagkausap nito sa asawa. Abot- langit ang dasal kong sana'y pumayag ito at ' di nga ako nabigo dahil malugod kami nitong tinanggap ng mga kapatid ko. "Bagyo, Ulap, Ulan. Magmula ngayon, dito na kayo titira sa'min hah. H'wag kayong mahihiya sa'min, magsabi lang kayo kung may gusto kayo." Ani Tita Selena. Para akong nabunutan ng tinik na nakahanap kami ng pangalawang pamilya, sa tulong ni Sam. May karinderya sila Tita sa palengke kaya tumutulong ako sa kanila sa paghuhugas ng mga plato. Kahit sinasaway na nila akong hindi ko kailangan gawin ang mga 'yon ay nagpupumilit pa rin ako. Nahihiya ako sa kanilang kabaitan sa'min ng mga kapatid ko. Ayo'ko namang i-asa ang lahat sa kanila kaya palihim akong suma-sideline. Sa murang edad ko ay nagsimula akong maging kargador sa palengke. Malaya akong nakakapag ipon dahil libre ang lahat sa'min. Bahay, damit, pagkain, lahat binibigay nila Tita at tinuring kaming mga tunay nilang anak. DUMATING ang pasukan at laking gulat ko na ini- enroll nila kami ni Ulap kasabay ni Sam. Sobrang tuwa naming magkapatid dahil matutupad na namin ang pangarap namin paglaki. Ang maging Pulis, at Doctor. ******20yearslater****** "Congratulations Typhoon!" Papasok na ako ng bahay at bumungad sa'kin ang napakalaking tarpaulin ng pangalan at mukha ko! Nakangiting mukha ng pamilya ko ang siyang sumalubong sa'kin. Graduation ko ngayon at sa awa ng Diyos natapos ko ang kursong kinuha ko at napabilang sa top 5. Bakas ang tuwa sa mga mata nila Tito at Tita sa aking pagtatapos! Naluluha akong yumakap sa kanila isa- isa. "Salamat po Tito Nathan, Tita Selena. Kayo ang dahilan kaya ko naabot ang tagumpay na 'to. Kung wala kayo, wala kami sa kinaroroonan namin ng mga kapatid ko. Baka nga hanggang ngayo'y nangangalakal pa rin ako para may maipakain sa mga kapatid ko." Naluluha at taos pusong pasasalamat ko. "Hay! Ano ka ba naman anak, inalalayan lang namin kayo. Kayo pa rin ang umabot sa mga pangarap niyo. Dahil likas na masisipag at mababait kayong mga bata." Ani Tito na sinang-ayunan ni Sam at Tita. "Kainan na!" Napatawa kami sa matinis na boses ni Sam na may kasamang palakpak. "Ang takaw mo talaga!" "Hmpt!" Irap nito sa'kin at nagpatiuna nang pumasok sa bahay. Masaya naming sinelebrate ang pagtatapos ko kasama ang pangalawang pamilya namin. Kahit hindi nila kami kadugo ni minsa'y hindi nila pinaramdam sa'ming magkakapatid na hindi kami parte ng pamilya nila. Sobrang swerte namin na nakilala si Sam. Siya ang nagdala sa'min sa kanyang pamilya. At kahit nahahati ang atens'yon nila Tito Nathan at Tita Selena sa kanya dahil sa'min ay hindi ito nagreklamo o nanumbat. Tunay na kapatid ang turing nito sa amin at madalas ding side kick ni Ulap dahil magkaedad at schoolmates ang mga ito na first year college na sa susunod na pasukan. Akala ko wala ng makakasira sa masaya at matatag na pamilyang nakagisnan ko. Pero nagkamali ako. Umuwi si Tito ng probinsya nila at sumama sa mga kasamahang mangisda pero sa kasamaang palad tumaob ang bangkang sinasakyan nito. Na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
107.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
162.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
70.5K
bc

His Obsession

read
77.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
21.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook