NANATILI pa ako ng ilang araw sa hospital at si Catrione ang nangalalaga sa akin. Hindi nga ito umalis ng tabi ko at napagkasunduan naming magsimulang muli, walang pilitan at malayang ipakita kung ano talaga kami para mas makilala namin ang isa't-isa. Naging mabilis ang pag-recover ko at naka-uwi rin kami sa kanilang hacienda. Dito kami tumuloy para rin daw maka-exercise at makalanghap ako ng sariwang hangin. Naka-leave pa rin naman ako sa trabaho hangga't hindi ako fully recovered. Nakakaya ko nang tumayo pero may saklay pa rin akong nakaalalay sa akin. Hindi naman ako pinapabayaan ng asawa kong maglakad mag-isa dahil natutumba ako. Kumuha rin sila Mommy Liezel ng therapist na siyang katuwang ni Catrione para mapadali ang paggaling ko. NAMAMANGHA kong inililibot ang paningin sa nap

