Number
Napatango ako. “What it is?"
He stared at me softly. Halos mapasinghap ako sa paraan ng pagtingin niya sa'kin. He stares at me like he was memorizing every part of my face.
“You're beautiful today…”
I could feel my cheeks burn.
"Thank you.”
Napalabi siya bago nilagay sa bulsa ng jeans ang mga kamay. He then shifted his weight.
"May gagawin ka ba pagkatapos?” Mabagal na tanong niya.
Suminghap ako bago tumango sa kanya. “I’ll go home straight… may sakit kasi si Izzie.”
Nakita ko na natigilan siya. Ang pag-aalala sa mga asul niyang mata ang sumunod kong nabasa sa mukha niya.
"S-she’s sick? I-Is she okay?” He sounded worried which somehow I’m glad.
Because it means, somehow he cared. Kahit na hindi niya pa alam na anak niya si Izzie ngayon, nag-aalala siya sa bata. He's worried about her… I think that's a good sign, right?
Tumango ako. “Nilalagnat lang pero sabi ni Mercy kanina, bumaba na kanina."
Suminghap ulit siya at binasa ang kanyang labi. He clicked his neck and sighed.
“Once her temperature rises again, make sure to go to the hospital. I’ll check her up… uso ang lagnat ngayon kaya maganda kung maaganap agad…”
Ngumiti ako. "Okay… I’ll do that…" sagot ko.
Tumango siya at marahan akong tiningnan. I don't know what's with him today. Earlier he looks mad and right now, he looks at me worriedly at bakas din ang pagkabalisa niya.
“D-do you have something to tell me?"
He bit his lips again. He looks hesitant right now which made me curious. Parang noong nakaraang linggo lang.
I saw his adams apple move. Nagtaas ako ng kilay sa kanya at hinintay siyang magsalita. Mukha siyang nahihirapan at hindi mapakali.
"I-I’m…" he sniffles and cleared his throat. “A-ahm… I’m as—”
He was cut off when I heard a beep from his jeans. Kinuha niya ‘yon agad at pansin kong pager niya ang tumutunog. I saw his eyes closed firmly and his jaw clenched.
"I-I think there's an emergency…" ani ko.
Muli siyang tumingin sa:kin. Ngayon naman nakita ko ang lungkot sa mukha niya.
“9-1-1." Umigting ang panga muli. “I have to go."
Now, he looks disappointed and angry again. Nagsalubong lang kilay ko pero tumango lang ako. Tumalikod na siya at nagsimula na maglakad palayo pero tumigil din hindi kalayuan.
He turned his head to me with his eyes… and his deep blue is sad and intense.
Mariin niyang pinikit ang mga mata at dali-dali na kinain ng hakbang niya ang pagitan namin. Umiigiting ang panga niya na mas kinakaba ko. He stopped in front me and stared at me with his sharp eyes.
“Babawi ako. Pangako ‘yan, Keira… babawi talaga ako…”
He then, left.
“What was that?"
Napalingon ako kay Diego na naniningkit ang mga mata sa'kin. Suminghap ako at umiling sa kanya.
“I don't know…”
Naglakad ako at sumunod naman siya sa'kin. I saw Elle followed Cade. Umiling ako ulit at inihanda na ang sarili sa shoot.
"Cade is acting weird today,” bulong ni Diego.
"Yeah… and he's freaking me out."
He chuckled. “Baka nahihiya sa’yo?"
Umirap ako sa hangin. “Para naman saan?"
“Well, iyon ang hindi ko alam pero pansin ko para siyang ilang tapos galit at nahihiya sa’yo."
Hindi ko tuloy mapigilan na isipin ang nangyari kanina. Dalawang beses na niya ako tinatanong kung anong gagawin ako pagkatapos ng trabaho ko. And he seemed he wants to talk to me but he was hesitate to ask me. And that is weird!
Anong pinag-aalinlangan niya? If he wants to talk to me then, just say it, though. Bakit parang nahihiya pa siya?
“We’ll start in 15 minutes!” Rinig kong sigaw.
Lumapit si Elle sa gawi ko. Inaayos lang ng kaunti ang buhok ko habang hinihintay na mag-resume ulit ang photoshoot.
"May sinabi sa’yo si Kuya?” She asked in a curious tone.
Umiling ako. "Wala naman pero parang meron yata siyang gustong sabihin sa'kin.”
Nanliit ang mga mata niya at ngumisi pagkatapos. Suminghap ako sa kanya.
"Is he mad at me? Or is there something wrong with my pose today? He seemed mad. Iniisip ko tuloy na baka ayaw niya sa mga pose ko.”
She scoffed and shook her head. "Yeah, he's mad today. May nasabi lang ako sa kanya.”
"Ano ‘yon? Sa akin ba?”
Now, I couldn't help but asked her. Kanina pa kasi talaga ako nababahala sa kanya. He's looked very mad and it's getting on my nerves! Feeling ko dahil sa akin bakit siya ganoon ngayon.
Tumawa siya. I glared at her. Ngumisi lang siya.
“Don't worry. He’ll never be mad at you. And you did great today... he liked it."
“Talaga?"
She smirked. “Yep. Talagang bad mood lang siya lalo na’t may emergency sa hospital."
"Oo… sabi niya 9-1-1.”
"Pag ganoon, ibig sabihin may malaking aksidente. Baka matagalan pa ‘yon kaya tuloy na natin.”
Napaawang na lang ang labi ko bago tumango sa kanya. May lumapit sa'min na staff at kinausap siya. May ipakita ito sa kanyang papel at binasa naman niya ‘yon.
Elle frowned while reading those papers. Mukhang importante at gusto ko sanang umalis na ngunit may gusto pa akong itanong sa kanya. I want to clear my head right now especially I find Cade being weird today.
And Steffie was right. He was always been active in my photoshoot. Noong nasa US pa ako, ang CEO ng kompanya na may hawak sa'kin ay palaging wala naman sa mga shoots ko… but Cade, palagi siyang nasa mga shoot ko and it's bothering me.
Is that how he works here? Kahit sa ibang model ng Florence ay ganito rin siya? Kasi wala akong nababalitaan na ganoon. May kasabay din naman akong may photoshoot ngayon, pero buong oras ay nandito lang siya.
Lumingon sa akin si Elle. Tumuwid ako ng tayo. Tapos na pala siyang kausap ang lalaki.
“May lakad ka pa ba next month bukod sa launching ng products mo?” She asked.
"Wala naman na. I’ll be focusing on Izzie after the launching of my products. Pasukan na kasi kaya kailangan maturuan ko rin siya."
Her smiled brightened. "Great! Birthday kasi nila Kuya sa susunod pa naman na buwan. Kailangan available ka sa araw na ‘yon.”
"O, really? Of course, I will come.”
She giggled. "Yes! Sabihan na lang kita kung saan ang place. You know my family, they keep their privacy to the public.”
Tumango pagkuwan at suminghap. I bit my lips and pursed it after.
“Elle…”
“Hmm?"
Napalunok akong nakatingin sa kanya. Nanliit ang mga mata niya na tumititg naman sa'kin.
“Say it, Keira."
Binasa ko ang labi. “Ganito pa talaga si Cade sa mga models dito?"
Nagsalubong ang kilay niya. “What do you mean?"
Suminghap ako ulit at tinagilid ang ulo.
“He was always present in my shoots. Pangalawang beses na ngayon na nandito siya… ganoon ba talaga siya? I mean he’s a busy person. He's a CEO and a surgeon kaya hindi ba siya nahihirapan? Is that how he works? Pinapanood niya ang mga models? Ganoon siya ka-hands on?”
Nakagat ko na lang ang labi sa mga sinabi ko. I could feel my cheeks hitted. Nahihiya ako pero gusto ko talagang malaman dahil hindi matatahimik ang utak ko.
Elle laughed which made me frowned. Napatitig ako sa kaibigan na natatawa. Naningkit ang mga mata ko sa kanya.
“Elle!"
“Keira…" umiling na ngumingisi. “Bothered ka sa presence ni Kuya?"
Agad akong umiling. “Hindi, a? I’m just curious!"
Lumawak ang ngisi niya bago umiling. "I don't want to say anything so, let's just say na ganoon na nga…”
Mas lalong naningkit ang mga mata ko. Anong klase explanation ‘yan?
"Are you serious? Is he for real?”
She flicked her tongue. "Keira, hayaan mo na siya mismo ang magsabi ng totoo sa’yo. I don't want to meddle between the two of you at ayokong pangunahan si Kuya.”
Nagsalubong ang kilay ko sa kaguluhan sa kanya. Ngumiti lang siya ng marahan.
“Basta… magsasabi rin ‘yon sa’yo. Nahihiya lang siguro…”
That made be bothered even more. What does she mean by that? Nahihiya? May gustong sabihin? Si Cade? At ano naman ‘yon?
Imbis na malinawan ako, mas lalo pa akong naguluhan ngayon. Sana pala hindi na lang ako nagtanong sa kanya dahil mas lalo lang niyang pinagulo ang utak ko.
Cade is really mysterious, huh? Wala man lang ako alam na bago tungkol sa kanya ngayon. All I know is that there's a woman named Lilliene (na baka asawa niya) and there's this Allison whose very sick. He said it na anak niya si Allison. So maybe Lilliene is his wife?
So far, that's all I know about him. I wanted to know because he's the father of my daughter kaso ang hirap niyang basahin. He's very a private person and I don't want to ask baka mapagkamalan pa niya akong nanghihimasok sa buhay niya.
I sighed.
“Tanungin mo kaya si Elle kung sino Lilliene?" Diego suggested as we're on our way home.
“Nakakahiya…”
"Kasi alam mo, Keira, sa totoo lang. Duda talaga ako na may asawa’t-anak na siya,” ani naman Steffie.
"Then, who's Lilliene and Allison? And he said it, anak niya si Allison. Sa bakas pa lang ng takot niya noong sinugod sa hospital ang bata, alam mo malapit na sa kanya.”
"Baka kamag-anak?” Nakakunot ang noo ni Diego.
Suminghap ako at napasandal sa likod ng upuan. "Ewan ko.”
"A, basta ako duda ako na may pamilya na siya. Hindi halata, e.”
Nakarating kami sa penthouse na gabi niya. I saw Izzie in our living room. Agad akong lumapit sa kanya at sinapo ang noo niya.
"Are you okay now?”
Pinakiramdaman ko ang balat niya. Bumuntonghininga ako dahil may sinat pa rin siya.
"Kaunti na lang po ang lagnat ko.”
Tumingin ako kay Yaya Mercy na nasa isahang sofa.
"Tumaas ba ulit ang lagnat niya?”
"Oo, Ma’am. Kaninang hapon, pero bumaba ulit tapos ngayon medyo tumaas na naman. Kakainom lang niya ng gamot.”
I sighed.
"I’ll take a shower now and let's go sleep now.”
Walang gana na tumango ang anak ko. My heart feels heavy right now. Hindi sakitin si Izzie noong nasa states kami. Bihira lang din siyang dapuan ng lagnat kaya ngayon medyo kinakabahan ako sa sitwasyon niya.
Nang matapos akong maligo ay diretso kami agad ni Izzie sa kwarto ko. Tiningnan ko ang balat niya at sinuri kung may kakaiba roon. Laking tuwa ko dahil wala naman.
"Hindi ba masakit ang ulo mo?"
Umiling siya. "My nose is itchy... and my mouth kinda dry." aniya
Maybe it's allergy? Pero ngayon lang nagkaganito si Izzie. Bumuntonghininga ako bago inayos ang pantulog niya.
“If this goes worse tomorrow, we’ll go to the hospital, okay? Iyon din kasi ang sabi ng daddy mo kanina."
Kuminang ang mga mata niya. “Really?"
“Yes, baby. He said, he’ll check you up."
Tumango siya. “Okay. I just hope this is nothing serious. I don't want you and him to worry."
Napangiti ako. I kissed her forehead before I tucked her in. Pinatulog ko muna siya bago ko kinuha ang laptop. Kailangan ko lang ayusin pa ang trabaho ko bago matulog.
I emailed Mr. Chavez and Mr. Fuentes para sa pagpapatayo ko ng building. After I checked my other email, I turned off my laptop. Nilagay ko ‘yon sa nighstand table nang umilaw ang cellphone ko.
Kinuha ko ‘yon at binasa kung sino ang nag-text kaso unknown number. Kumunot ang noo ko bago binabasa ang mensahe.
Unknown number:
Hi! This is Cade. I got your number from Elle. I just wanna ask if Izzie is okay now?
Napaawang ang labi ko sa gulat. Nilingon ko si Izzie na mahimbing nang natutulog. Sinapo ko ulit ang noo at naramdaman na maniit pa rin siya.
I bit my lips before I typed a reply to Cade.
Ako:
She still has a fever. And she said her nose is itchy and her mouth is dry.
Mabilis siyang nag-reply na kinangiti ko.
Cade:
It must be an allergy. Go to the hospital tomorrow para sa check up. I’ll be there.
Hindi nawala ang ngiti ko ng sabihin sa kanya ang ‘okay.’ Masaya lang ako na malaman na ganito siya kay Izzie.