The same
Kinabukasan ay maaga akong nagising para tiningnan ulit ang anak. When I felt her skin, napabuntonghininga na lang ako dahil mataas ulit ang lagnat niya.
She slowly open her eyes. “Mommy, my head's hurts and mouth is dry…”
I bit my lips as my heart race. I saw her eyes are swollen. Wala namang ganoon kagabi! Sinapo ko ang mukha niya.
“We’ll go to the hospital for check up. I’ll just prepare you a breakfast tapos aalis tayo agad."
She nodded and closed her eyes again. Halata na wala siyang gana. Wala sa sarili na kinuha ko ang cellphone at nagpadala ng mensahe kay Cade.
Ako:
Her eyes are swollen and her nose is itchy and mouth are dry. We’ll to go the hospital after we ate breakfast.
Kagaya kagabi ay nagulat ako dahil mabilis siyang nag-reply.
Cade:
It's allergy. Nandito pa rin ako sa hospital, pumunta kayo para ma-check up siya.
Ako:
Okay. Thank you.
Cade:
You're welcome, Keira. Text me again once you're here.
Nag-reply lang ulit ako sa kanya ng okay bago nagpahanda kay Yaya ng almusal namin. Habang ako naman ay hindi mapakali habang inaayos ang dadamitin ng anak.
She's awake now pero matamlay. Her eyes are swollen which scared me more kaya mas nagmadali ako sa pag-aayos.
Ngayon lang siya nagkaganito. Kung allergy talaga ang meron siya, ngayon ko lang malalaman ‘to. Hindi sakitin si Izzie. This is the first she has a fever like this and it's making me anxious.
“Mommy, nandoon ba si daddy?" Matamlay na tanong niya.
Tumigil ako sa ginagawa at tumingin sa kanya. Suminghap ako at dali-dali na pinuntahan siya sa kama. I cupped her cheeks before I nodded.
“Yes, baby. He texted last night. Tapos ngayon ang sabi niya, may duty pa rin siya. I’ll text him again when we get there para malaman niya."
Ngumiti siya pero hindi abot tenga. Mas lalong bumigat ang dibdib ko. She wasn't feeling really well and it broke my heart.
I sniffles and hugged her tightly. Ramdam ko ang init ng katawan niya kahit na may jacket siya. I kissed her forehead.
“Your daddy said, it's just an allergy… you’ll be okay, my baby.”
Nang tinawag kami ni Yaya para kumain ay binuhat ko si Izzie. We ate our breakfast pero hindi niya naubos ang sa kanya.
She pouted. “Wala po akong gana..."
Suminghap ako at tumango. Tumingin ako kay Yaya na palapit kay Izzie.
"Kailangan mong kumain, anak,” ani matanda sa bata. "Para mawala ang sakit mo.”
Nakagat ko ang labi at hindi mapigilan na maiyak. Sa totoo lang hindi ko alam ang gagawin ngayon. Luckily, Cade texted me last night dahil kung hindi ay baka nag-panic na ako ngayon.
Pigilan ko ang luha ko at kinalma ang sarili. This is useless right now. I shouldn’t be crying. I need to be strong and think about my daughter.
“Yaya, pakipunasan na lang siya kung ayaw na niya talagang ubusin ang pagkain niya. Tapos nakahanda na ang bag niya sa kwarto ko pati ng dadamitin niya. Bring it here para makaalis na."
Tumango ang matanda at kinarga si Izzie. "Okay, Ma’am. Maghanda na rin po kayo.”
Tumango rin ako. “Ako ng bahala rito sa mga hugasin."
Umalis ang dalawa habang ako naman ay hindi na rin maubos pa ang kinakain. Now, I understand those parents everytime their children are sick. Hindi mapakali, kahit ikaw ay hindi makakain, nakakatakot at puno ng pangamba ang puso mo.
That is exactly what I’m feeling right now. Lalo na’t ito ang unang beses na nagkasakit ng ganito si Izzie. I thought she’s healthy and I took care of her really well. Hindi ako nagpabaya simula noon.
Siguro talaga ganoon lang. People get sick, so are children. Kahit anong pag-iingat natin sa mga anak natin, talagang magkakasakit at magkakasakit sila. It's just a matter of when. At kailangan matatag ang loob mo kundi'y mas lalo ka lang mada-down.
I took a deep sighed. I texted Diego and Steffie. Nag-aalala rin sila pero sinabi ko naman na pupunta kami ng hospital. They're going to visit later.
Diretso agad kami sa Del Fuego General Hospital. I was the one who droved the car while Izzie's with her Yaya in the back seat.
Sa pagdating namin sa hospital ay tinext ko muna si Cade na nandito na kami. I was waiting for his reply pero wala akong natanggap. Nakagat ko ang labi at lumabas na kami sa kotse.
Diretso kami agad sa clinic nila. Their clinic looks like an emergency room but with less people. There's a light blue hospital bed at doon ko pinahiga si Izzie.
“Is Cade here?” Tanong ko sa isang nurse na naka-light yellow ang scrubs uniform.
"Dr. Del Fuego is currently in the O.R right now. Do you want me to page him?”
Tumango ako agad. "Yes, please. Ang sabi niya, siya ang magc-check up sa anak ko...”
Ngumiti ito at tumango. "Okay. Just wait here pero kung matatagalan po siya sa surgery niya, ipapa-assist ko po kayo sa ibang doctor.”
"Okay lang din.”
"I’ll go page him right now.”
Umalis ang babae. Lumingon ako kay Izzie na nakahiga sa hospital bed. She's awake pero tahimik lang.
"Baka matagalan ang surgery niya. I won't going see him.”
Umiling ako sa anak. "Baka rin mataglaan tayo rito kaya baka magkita kayo.”
She nodded. "I want to see him, mommy.”
Suminghap ako at pinigilan ang sarili na huwag umiyak. Hinaplos ko ng marahan ang buhok niya.
"I’m telling you, he’ll come here as soon as he's done to his surgery,” I whispered.
I don't want to her give hope pero umaasa rin ako. Cade will be here later when he's done. I know because I can feel he really care for my daughter— our daughter.
Kung hindi lang siguro mahirap ang sitwasyon ay sasabihin ko na sa kanya ang totoo. Maybe, it's really the right time to tell him. After all, I’m being unfair to Izzie… especially to him. May karapatan din siya sa anak niya at parang pinigilan ko ‘yon dahil sa sitwasyon.
I mean, I don't want to do that but I don't have a choice. May takot pa rin kasi ako na i-reject niya si Izzie. And I still haven't know the situation of his daughter.
Nakaabang ako sa entrance ng clinic at hinihintay na pumasok sa pinto na 'yon si Cade. We waited for a few minutes when a woman who has the same color of his eyes entered. Ginala niya ang mga mata sa paligid at huminto nang magmata ang mga mata namin.
She smiled before she walks towards us. Pinagmasdan ko siyang mabuti, siguro magkasing tangkad lang kami.
She has a pale white skin, mas kulay gatas nga lang ang balat niya. Sa paglalakad pa lang niya'y sobrang mabini na. She's like a goddess with her light blue scrubs uniform and white coat.
“Are you Keira?"
Tumango ako. “Yes."
“Dr. Del Fuego is in O.R right now so he can't assist for the meantime but he sent me here to check up on your daughter. I am Dr. Fely."
Napangiti ako. Umayos ako ng tayo.
“Mataas ang lagnat niya kahapon pa pabalik-balik. And she has a dry mouth plus her eyes are swollen."
She nodded. She smiled at her softly.
“Hi, I’m Dr. Fely and I’m going to take a good care of you today, okay?"
Marahan na tumango ang bata sa kanya. “I’m Izzie and my nose is itchy."
Fely smile at her sweetly. "You have a pretty name. Just like you…"
Izzie plastered a smile on her lips. “You're very pretty, too."
“Thank you… let me check you up now."
Mula sa bulsa ng puting coat niya'y kinuha ang isang penlight. She started checking Izzie's eyes first.
"Open your mouth for me, Izzie,” malambing na sinabi niya.
Sinunod niya ni Izzie. She checked her mouth also pagkatapos ay kinuha niya ang nakasabit na stethoscope sa leeg niya. Sinuot niya ang stethoscope sa tenga niya at dulo no’n ay dinampi niya sa dibdib ni Izzie.
“I want you to breathe for me, okay? Nice and slowly…”
And Izzie obeyed her again. Tatlo beses na huminga si Izzie. Pati sa likod ay pinakinggan din niya ang paghinga nito. Nakatingin lang ako sa kanya na sinusuri si Izzie.
Tumango siya at tinanggal ang stethoscope. Muling niyang sinabit ‘yon sa leeg niya bago tumingin sa'kin.
“It’s allergy, Ms. Senvaños… must be an allergic rhinitis. Does she exposed to some kind of pollen, dust especially animal?”
“I touched stray cats when Yaya Mercy took me outside. She’s cute…” si Izzie ang sumagot.
“Is that a bad thing?" Kinakabahan na tanong ko.
Wala akong ideya sa sinasabi niyang allergy.
“Allergic rhinitis, or hay fever, is an allergic reaction. It's caused by an allergen, such as pollen, dust, mould, or flakes of skin from certain animals. It's a very common condition. Let's do a IgE test to make sure.”
"Then, let's do that.”
"I’ll come back to you as soon as I get the result.”
Mabilis na sinagawa ni Dr. Fely ang sinasabi niyang test. Ako naman ay nakamasid lang. Nang matapos siya, umalis din siya. Tumabi naman ako kay Izzie sa kama niya.
“Is dad gonna be here later?" She asked in a low tone.
I caressed her hair. “Yep. He’ll be here later… after his surgery. Let's just wait.”
"Sabi niya may regalo siya sa akin. He didn't gave it to me after he left.” Tukoy niya noong huling magkikita nilang mag-ama
Nakagat ko ang labi. Hindi ko alam ang isasagot sa kanya. Suminghap ako at binasa ang labi.
"I’ll ask him…"
She nodded and closed her eyes. Siguro'y dahil sa nararamdaman ay nakatulog siya. Ako naman ay tinawagan sila Diego at Steffie. Papunta na raw sila rito.
Habang hinihintay ang result ng IgE ni Izzie ay nakita kong nag-pop out ang pangalan ni Cade sa screen ng cellphone ko. Umayos ako ng upo at binasa ang text niya.
Cade:
How is she? Lumabas na ba ang IgE niya?
Napakunot ako ng noo dahil alam niya. Maybe, Fely told him.
Ako:
I’m still waiting for it.
Cade:
Kakatapos lang surgery ko. Pupunta lang ako sa pamilya ng pasyente tapos diretso na ako diyan.
Hindi ko alam pero gumaan ang pakiramdam ko. Nagtipa ako ng reply sa kanya.
Ako:
Okay. Thank you again.
Mahigit kalahating oras din siguro ako naghintay nang makita ko si Cade at Fely na magkasamang pumasok sa clinic.
Suot niya ang dark blue scrubs uniform at white coat. At may scrubs cup pa siyang suot. Dumiretso sila sa akin. Si Fely ay may hawak ng papel na siguro’y resulta.
Tumayo ako. Cade's gazed went from me to Izzie whose still sleeping. Nakita ko ang sobrang pag-aalala sa mga asul niyang mata. Guilt ripped through my system.
“It is an rhinitis...” ani Fely.
Tumango si Cade at tumingin sa akin. "Don't worry, we’ll describe you a antihistamines to prevent from her allergy.”
Para akong nabunutan ng tinik. Thanked god, it's nothing serious.
"Thank you.”
A saw small smiled plastered on his lips. "Mabuti na lang at dinala mo siya agad dito. Sometimes, it can be dangerous especially she's a child. Kaya mabuti kung umiwas siya sa mga hayop, especially cats or dogs.”
Nakangiti akong tumango. "I’ll take note of that."
Ngumiti si Cade at muling tumingin kay Izzie. Nawala na ang pag-aalala sa mukha niya. He's faced light up a bit.
“We’re the same,” malumanay na sinabi niya.
Tumititig ako sa kanya na naguguluhan. He stared at me like he was hoping for something.
“I have the same allergy as her…”
Napaawang ang labi ko. Gusto ko mang hindi mag-iwas sa kanya ng tingin ay hindi ko nagawa. Para akong natunaw sa sinabi niya.
"Lahat naman ng tao nagkakaroon allergy,” ani Fely.
Cade nodded but I can see the hope and sorrow in his eyes. Kinabahan ako bigla.
“Yeah… I know. It reminds me when I was young... we have the same allergy..."
Ngumiti siya ng malungkot ngayon. Parang lahat ng pag-asa sa mga mata niya'y nawala. Bumigat ang pakiramdam ko.