Kabanata 12

2233 Words
Tonight “Kuya, wala ka bang importanteng lakad ngayon? Kahapon ka ba naka-duty," ani Fely. Cade did not move. Nakatingin lang siya kay Izzie na natutulog. Ako rin ay hindi mapakali sa mga nalaman ngayon. They have the same allergy! His eyes. Lahat ‘yon paulit-ulit na tumatakbo sa utak ko. At mas lalo akong nagi-guilty ngayon. Tumingin sa’kin si Cade. Napasinghap ako at umayos ng tayo. “Kanina pa siya tulog?" He asked slowly. Tumango ako. “Hmm… do you want me to wake her?" Umiling siya agad. "Huwag na. Let her sleep…" The sorrow of his eyes are still there. Napalabi ako at mariin na pinikit ang mga mata sa mga iniisip ko ngayon. Hinayaan ko siyang titigan si Izzie habang mahimbing na natutulog. He looks calm and peaceful right now while staring at our daughter. Kumikislap ang mga mata niya at bahagyang nakangiti. Lihim ako bumuga ng hangin habang nakamasid lang sa mag-ama. I want to wake up Izzie because she's been asking for her dad, but seeing Cade like this… it softened my heart. It makes me calm too. Si Dr. Fely naman ay nakakunot na ang noo habang nakataas ng tingin kay Cade. She looks confused and just like him, nakatayo lang din siya. Tila ba hindi alam ang susunod na gagawin. I’m silent. Ganoon din sila. Si Cade ay hindi natinag, naputol lang ‘yon nang tumunog ang pager nila. Sabay nilang kinuha ‘yon. “It's Mrs. Dela Cruz!" Bulaslas ni Dr. Fely na nanlalaki ang mga mata. While Cade stayed calm as he looks at her. “Stay here. Ikaw nang magbigay ng gamot ni Izzie. And wait for her to wake up before they leave.” Mas lalong nanlaki ang mga mata ni Dr. Fely. Kaya lang, halata ang disgusto sa mga sinabi ni Cade. "What?” She growled. "She's my patient!” Cade sighed before he grabbed her by hands. Lumayo sila ng kaunti sa’kin at nakita ko na may sinabi si Cade. Dr. Fely widened her eyes more and turned her head to me. Napalunok naman ako ng makita siyang ngumisi at tumango. “You owe me one, Kuya!" Pilyang sigaw niya. Tingin ko’y sinadya niya talaga ‘yon. Cade just nodded before he ran towards the exit of the clinic. Si Dr. Fely naman ay lumapit ulit sa akin. “I’ll manage here. Sumunod ka na. Mukhang emergency…” ani ko. Ngumiti siya ng matamis saka umiling sa’kin. "Kayo muna. Susunod na lang ako.” "Sigurado ka ba?” "Yep. I’ll just scrub in later… pagkatapos ko sa inyo. Utos iyon ng attending ko." Nakagat ko ang labi. “Is Cade your cousin?" I couldn't help but ask. Tumango siya. “Yes…” That's why she looks like him. Sa mga mata pa lang ay Del Fuego niya. Napatango na lang ako. "Ibibigay ko sa’yo iyong gamot ni Izzie. Then, you can leave when she wakes up.” "I can wake her up right now…" Umiling siya. “Huwag! Utos ni Kuya kaya mabuti pang sundin natin… baka mapagalitan ako, e.” Nagsalubong ang kilay ko. Ngumisi lang siya sa akin. Now, I remember her. Siya iyong tumawag kay Elle noong magkasama kami noong nakaraang linggo. "Please, Ms. Senvaños, just let Izzie sleep. She needs it. Ayokong mapagalitan ulit ni Kuya…” ngumuso siya. Saglit ko siyang tiningnan bago ako napangisi. Hindi ko alam bakit. Cade really cares for Izzie and that's for sure. Hindi ko alam kung may nararamdaman ba siya kay Izzie. Lukso ng dugo o kung ano, pero siguro meron. “Takot ka kay Cade?" Tanong ko ng nakangisi. She pouted. “He's my attending and he’s really scary… maraming may takot sa kaniyang intern dahil masyado siyang strict.” Napaawang ang labi ko. Cade is one of the best cardiothoracic surgeon in the world. Ganoon siguro siya ka-hands on sa trabaho niya lalo na’t nagliligtas sila ng buhay. “He's that scary?" I asked her again. I’m curious right now. At sa tingin ko’y maganda rin na magtanong na ako para kahit papaano ay may malaman ako tungkol sa kanya. Dr. Fely nodded. “He's scary. Kahit na pinsan niya ako, everytime I did mistake especially in the O.R, para siyang gradana kung pumira. Malakas, nakakatakot at masasaktan ka talaga." Napangisi ako. Now, I started to imagine him. Naka-scrubs suit at nasa loob ng O.R. I’ve never been to an O.R before, so I don't know what's in there besides na may inooperahan na pasyente. Cade is really that amazing surgeon? "He looks nice to me…" Napatingin kaming dalawa sa nagsalita. Nakita ko si Izzie na gising na at marahan lang na nakatingin sa amin. “You heard?" She nodded and look at Dr. Fely. "He’s nice and I bet a good man, too.” Tumawa si Dr. Fely sa bata. Umangat ang kamay nito at napunta ‘yon sa pisngi ni Izzie. She slightly pinched it. "Yep. Kuya Cade is good man. He's a badass when he's inside the O.R but he has the softest heart.” ani Dr. Fely. Izzie smiled sweetly. "I know… you look like him." “I’m his cousin. I’m Dr. Felicia Yvonne Del Fuego." Doon ko lang na realized na nay pangalan pala ang white coat niya. On the right side of coat, nakaukit doon ang pangalan ng hospital nila at ang logo nito. On the left side, you can see her full name. Felicia Yvonne Del Fuego, M.D Kuminang ang mga mata ni Izzie. “I knew it! You have the same deep blue eyes!" Tumawa si Dr. Fely. “You too. We're the same! You have a beautiful eyes just like us…” She stopped. Nagsalubong ang kilay niya at marahan na tiningnan si Izzie. Halos kumabog ang puso ko sa paraan ng pagtingin niya sa bata. While Izzie just smirked at her. She suddenly looks confused. Tila ba may tumatakbo sa isip niya pero hindi lang niya makuha kung ano ito. At hindi ko rin alam bakit napangisi ako. Izzie looks like a Del Fuego. Halos nakuha niya lahat kay Cade. Ilong, labi, at kulay ng mga mata. Hindi ko lang alam bakit hindi ‘yon nahahalata ni Cade o ni Elle… or maybe they did? Nakakunot pa rin ang noo ni Dr. Fely habang paalis na kami. Diego and Steffie are here also. Sakto lang na paalis kami sila dumating. And when we get home, sinabi ko sa kanila ang lahat ng nangyari. Izzie is in her room, sleeping again. Kasama niya si Yaya Mercy habang nasa kusina kaming magkakaibigan. Malakas na tumawa si Diego at Steffie habang nakaupo sa high chair ng counter table sa sala. Ngumisi ako sa kanila. “Iyan din ang iniisip ko dati pa. Izzie's just like them pero parang wala silang ideya." ani Steffie na natatawa. “Kinakabahan ako kanina, pero hindi ko rin mapigilang hindi ma-curious kung curious din ba sila kay Izzie." “I bet they did… siguro’y hindi lang alam kung papaano." Steffie shook her head. “That's why you need to talk to Cade as soon as possible, Keira. Nagtataka ‘yon panigurado…” I remember Cade earlier. The way he looked at Izzie. There's a hope and sorrow in his eyes. Tumango ako. “I’ll talk to him. Tatapusin ko lang iyong kailangan kong tapusin para sa soft launching ng products ko tapos kakausapin ko na siya tungkol sa anak namin.” Maybe this is the right time to talk to him. The right time para malaman niya ang tungkol sa anak namin. Ayoko ng maraming iniisip at ayokong maging unfair sa kanya. If he wants to be with Izzie and accept her, then, that will be good. Para sa anak ko at sa kanya. Pero kung baligtad naman… at least I got to tell him the truth. Nasa kanya lang kung anong magiging sagot. “That's a great idea, Keira. Para rin magkaroon na ng time iyong mag-ama.” Umupo ako sa tabi nila at suminghap. Ngumiti ako ng marahan. "Ayoko na ring maraming iniisip. That's up to him whether he rejects Izzie or accept her. Lalo na’t may pamilya siya.” Saka ko na rin iisip ang susunod na gagawin pag nagkausap na kami. Kung kailangang pati pamilya niya'y kausapin ko, gagawin ko para sa anak ko. I get it that Allison needs him but Izzie needs him too. Diego raised his brows. "Pero sa tingin ko? Hindi niya gagawin ‘yon… he cares for Izzie, that's for sure.” A woman can hope… Sumabit ang gabi at nagpaalam din sila Diego at Steffie sa akin. Pinuntahan ko si Izzie sa kwarto niya at nakitang gising na siya. She's watching TV while hugging her stuffed toys. Tumingin siya sa’kin. Ngumiti ako sa kanya at tinabihan siya sa kama niya. Sinapo ko ang noo niya at mas lalong napangiti ng wala na siyang lagnat. “Your fever’s gone…” masayang sinabi ko sa kanya. She pouted. "But my nose is still itchy and mouth is dry." "Magluluto ako ng pagkain natin para maka-inom ka na ng gamot mo. Soon, you’ll get better.” She nodded and hugged me. "I want mac and cheese…" malambing na sinabi niya. I chuckled. “If that's my baby's request…” Humagikhik siya. We stayed inside her room for a few minutes. Nang sumapit ang ala-sais ng gabi ay tumayo na ako para magluto ng mac and cheese niya. “I’ll come with you…” aniya. Ngumiti lang ako at sabay kaming lumabas ng kwarto. Bumaba kami sa unang palapag ng penthouse ko at dumiretso sa sala para makasama niya si Yaya Mercy. "Ako na magluluto ng pagkain natin, Yaya Mercy." “Sige, Ma’am. Patawag na lang ako kung may kailangan ka sa kusina." I nodded before I went to the kitchen. Sa ref ako agad dumiretso para kunin ang mga ingredients na kailangan ko. Mac and cheese na lang din ang kakainin namin ni Yaya kaya dinamihan ko na ang pagkuha ng cavatappi pasta. I was busy cooking when I heard the buzz from the door. Kumunot ang noo ko dahil wala akong inaasahang bisita. “Yaya, pakitingin naman kung sinong tao!" sigaw ko mula sa kusina para marinig. Inabala ko ulit ang sarili sa pagluluto. Pinakuluan ko na rin ang cavatappi pasta nang maaninag ko si Yaya Mercy na papasok sa kusina. “Sino raw?" Tanong ko ng hindi siya nililingon. “Ma’am, Cade raw po ang pangalan." Natigilan ako sa paglalagay ng butter sa pan. Nagsalubong ang kilay na nilingon si Yaya. "Nasa labas?” Tumango siya. "Opo…” Suminghap ako bago pinatay ang stove. Tinanggal ko ang apron at lumabas ng kusina. I immediately went to the door and open it. Nandoon nga sa labas si Cade, nakatayo habang may hawak na fox stuffed toy. Umayos siya ng tayo ng makita ako at marahan na ngumiti. “Hi!" “May kailangan ka?" Tanong ko. He pursed his lips. “Gusto ko lang kumustahin si Izzie. I got your address from Elle and I’m here to give this to her…” Muli akong tumingin sa hawak niya. I smiled lightly and nodded. "Tatawagin ko lang…" Lumawak ang ngiti niya. Hindi ko sinarado ang pinto at agad na pinuntahan si Izzie sa sala. Nakatingin na siya sa’kin ng makita ako. Lumapit ako sa kanya. “You're daddy's here…” Kumislap ang mata niya. "Siya ang iyong tao sa labas?” I nodded. "Halika… may ibibigay siya sa’yo." She giggled. Napangiti rin ako at sabay kami muling pumunta sa pinto. Nandoon pa rin si Cade na nakatayo ng tuwid. When he saw Izzie, his eyes sparkles. “Hello, Izzie! How's your feeling?" Marahan na tanong niya. “I’m fine now…” you can hear the excitement to her voice. "That's good to here. Anyway, I brought you something. Hindi ko nabigay sa’yo kasi may emergency akong pinuntahan… and I’m here to give it now.” "Wow!” Izzie exclaimed as she show the stuffed toy. Kinuha niya ‘yon at niyakap agad ng mahigpit. Nakamasid lang ako sa dalawa na mukhang masaya na nagkita ulit sila. "Thank you so much po! I love it! It's cute!” She giggled. Cade smile didn't face. Ginulo niya ng bahagya ang buhok ni Izzie. Humagikhik lang ang bata na mas kinatuwa ni Cade. "I’m glad you love it. Pasensya na pala kung ngayon ko lang nabigay. I got busy with other things… I’m sorry…” My heart soften. I know he's busy. And I thought he already forgot about it dahil si Izzie ay hindi nakalimutan ang sinabi niya… nagkamali ako. “It's okay. I understand. You're a surgeon…” Tumango si Cade at lumingon sa akin. Umayos ako ng tao at suminghap. "Aalis ka na?” Tanong ko. Nakita kong dumaan ang lungkot sa mga mata niya. Suminghap din siya at tumayo. He put his hands on his pocket. He's wearing a simple black shirt and black pants Mukhang bagong ligo lang dahil ang fresh niyang tingnan. "Kakatapos lang ng shift ko sa hospital. Dinaanan ko lang kayo…” Napatango ako. "Pauwi ka na?” He pouted and shook his head. Napakunot ako ng noo pero ngumisi lang siya. “Iyon na nga ang problema, Keira…” I frowned. "Bakit?” He shifted his weight. Ngumiti siya ng nahihiya sa akin. Tumaas ang kilay ko. "Can I stay here tonight?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD