Mac and cheese
“Bakit?" Iyan agad ang lumabas sa bibig ko.
Halos mahigit ko ang hininga dahil sa sinabi niya. He's staring at me softly na para bang nahihiya siya pero may iba pa sa ekspresyon ng mukha niya. Nagsalubong ang kilay ko.
He shifted his weight. “Malakas ang ulan sa labas…”
"Ang sasakyan mo?”
He bit his lips abruptly. "I didn't bring my porsche…"
Nag-isang linya ang kilay ko. “Paano ka nakapunta rito?"
“I came by taxi, actually. Nagmamadali kasi ako noong naka-duty ko sa hospital dahil may emergency…”
"Aragon grandé hotel has a lot of rooms. You can stay on that...” ani ko.
Nakita ko ang bahagyang pagnguso ng labi niya. "Wala raw silang bakante. Nagtanong na ako kanina. May malaking event daw kasing mangyayari kaya fully booked sila ngayong gabi.”
“We have an extra room here…” maligayang binalita ni Izzie.
Suminghap ako at bumaling kay Izzie. She was grinning. Lumingon siya sa akin na ganoon ang ekspresyon sa mukha.
“Right, mommy? He can stay here…” aniya.
Binasa ko ng labi dahil nakaramdam ako ng pressure. Hindi sa ayaw ko, pero kasi masyadong biglaan ang nangyayari ngayon. I mean, talaga bang kailangang dito siya matulog?
Wala bang driver o magsusundo sa kaniya rito habang malakas ang ulan? He has a lot of cousins for god's sake! This is just ridiculous!
Yumukod ako ng kaunti para maging magka-level kami ng anak. She pouted her lips and looked at me with her eyes pleading.
“Mommy, please…” she mouthed.
Suminghap ako at nagtaas naman ng tingin kay Cade na nakatitig sa aming dalawa. Nakanguso rin siya at nakakainis mang sabihin pero kagaya siya ni Izzie kung umakto!
Just them, in front of me pouting their lips with pleading eyes! Mag-ama nga sila...
I slowly nodded my head. As if I hve a choice, though. And looking at Izzie right now melt my heart. She wants to be with her dad and I’m a good mother. Hindi ko ipagkakait ang pagkakataong ito sa kanya.
“Okay…” pagsang-ayon ko.
“Yay!" Matinis na tumili si Izzie.
I heard Cade chuckled softly. Lumingon ako sa kanya at nakita ko siyang tumuwid ulit ng tao pero may ngisi sa kanyang labi. He bit his lips abruptly.
Napailing na lang ako pero hindi ko ring mapigilang mapangiti. Izzie's looks just exactly like him!
“Tuloy ka…” ani ko sabay nilawakan ang awang ng pinto.
Ngumiti siya at pumasok sa loob. Izzie instantly went to him.
“Come here… dito po tayo sa sala namin. Mommy's still cooking right now.”
I sighed and closed my eyes firmly. This is for Izzie, Keira. Tumango ako sa naisip. Sumunod ako sa mag-ama.
Izzie invited Cade to sit down in the sofa. Agad namang umupo si Cade roon at tumabi sa kaniya si Izzie. She looks very happy right now.
“Are you okay now?" Marahan na tanong ni Cade. Dumapo pa ang kamay niya sa noo ng bata.
Izzie smiled sweetly. "I’m fine, now… perfectly."
Nakagat ko ang labi habang nakamasid sa dalawa. They look very happy. Kahit papaano’y nakakatuwa rin pala na makita sila. Cade played with Izzie while I was staring at them.
Iniwan ko sila at bumalik sa kusina para ipagpatuloy ang niluluto ko. Nandoon si Yaya Mercy na inaahon na ang cavatappi pasta.
“Ako na diyan," ani ko sabay lapit.
“Ilagay ko lang sa strainer para makatulo na.”
"Okay...”
Nag-apron ako ulit habang muling binuksan ang stove. Pinainit ko ulit ‘yon para ilagay na ang butter. And while waiting for it, I grabbed my phone from kitchen counter. Pinindot ko ang message convo namin ni Steffie.
Ako:
Cade's here!
Mabilis siyang reply.
Steffie:
Babaita ka! Anong ginagawa? Bakit daw nandyan?
Ako:
Dito raw muna mags-stay for tonight...
And I sent her a message explaining Cade’s reason.
Steffie:
Palusot niya. Ano? Naniwala ka?
Kahit hindi ko siya nakikita, pero alam kong natatawa siya ngayon. I scoffed and reply to her.
Ako:
No. I don't know his reasons but Izzie wants to be with him kaya pumayag na ako.
Saglit lang kami nag-text ni Steffie. Nang mainit na ang pan ay nilagay ko na ang butter at doon na nag-focus. Nang matapos ako, pinaayos ko na kay Yaya Mercy ang hapag pati na rin ang niluto ko.
Pumunta naman ako sa sala para tingnan ang mag-ama. Malapit pa lang ako ay naririnig ko ang masaya nilang kwentuhan.
“So, you haven't sleep yet?" Izzie asked.
Nadatnan ko silang dalawa na nag-uusap sa sofa. Nakaharap si Cade sa kanya at naka-indian sit naman si Izzie. And she looks serious while talking to him. Napangiti ako.
I saw Cade nodded. “Yes…”
Ngumuso si Izzie. "You should go home straight after your shift. Okay lang naman po kung sa susunod niyo na lang ibigay ang regalo niyo.”
"Okay lang. I should be saying sorry right now because I broke my promise to you.”
A beam smile plastered on Izzie's lips. "You didn't broke it. You had an emergency… that's reasonable and I’m not mad, though.”
"Don't worry, I won't gonna do it again. I won't break my promises to you anymore.”
"Okay lang po ‘yon. I understand you're situation. You are a surgeon… a good and one of the best cardiothoracic surgeon in the world so it's okay if you break your promise to me. Sa trabaho niyo po, mas mahalaga ang buhay ng pasyente.”
Nakita ko ang paglawak ng ngiti ni Cade. Bakas ang tuwa sa mukha niya.
“Are you really a 7 years old?” He joke.
Humagikhik lang si Izzie sabay taas ng kilay. She looks proud of herself right now.
"My mother taught me to be understanding… sa kahit anong pangyayari sa buhay kasi sabi niya po, if you don't understand people's opinions and their feelings, that will cost a lot of misunderstanding. Sometimes, kailangan mo ring ilagay ang sarili sa posisyon ng isang tao. Because if we, people understand each other, there wil be no fighting and arguing but we're just human being and it’ll be no fun to live in the world with no fight, arguing, and hate. Ito ang bumabalanse sa atin.” Mahabang pahayag ni Izzie na mas lalong kinatuwa ni Cade.
His eyes were bright and shining. Tila ba hindi niya inaasahan na masasabi ‘yon ng anak niya. Napailing naman ako.
Pagkuwan ay ginulo niya ang buhok ni Izzie. Izzie just giggled. Mas kinatuwa ‘yon lalo ni Cade.
“You're so smart."
“You’d be surprise if you get to know be better…” mayabang ani Izzie.
Suminghap si Cade. "Keira is lucky to have a daughter like you.”
Yeah… you too, Cade. We're lucky as hell to have Izzie as our daughter.
"Sobrang proud din naman ako kay mommy. Napalaki niya akong mabuti kahit na mag-isa lang siya.”
“I’m proud of her, too…” ani Cade sa mababang tono.
Napakurap-kurap ako habang nakatingin sa dalawa. Tumaas ang kilay ni Izzie at bakas ang pilyang ngiti niya.
“Talaga?"
Cade nodded. “Yes… she's a strong woman.”
Nakagat ko ang labi para pigilan ng pagguhit ng ngiti. Tumalbog ang puso ko sa sinabi niya. I didn't expect it.
“Indeed…” Izzie agreed.
Bumuntonghininga ako bago napagpasyahan na lumapit na sa dalawa.
“Kakain na…” ani ko habang papalapit sa kanila.
Parehas silang napalingon. Cade stood up, so as Izzie. Ngumiti sa'kin si Cade ng alinlangan. Tinagilid ko ang ulo at naglakad na silang dalawa ni Izzie. Sinundan ko sila papasok ng kusina. Sakto lang na nakahanda na ang pagkain.
"You sit down here…" utos ni Izzie sa kanya na tinuro ang dulo ng hapag.
Cade looks hesitant. Tumingin siya sa'kin na para bang nagpapaalam muna. Tumango lang ako.
He smile before he sat down. Sa gilid niya kami ni Izzie. Tumingin ako kay Yaya Mercy.
“Join us…”
Tumango lang ang matanda saka umupo sa tapat namin. Para tuloy si Cade talaga ang padre de pamilya dahil sa ayos ng upo namin. Umiling lang ako at tumingin kay Cade na nakakunot ang mga mata na nakatingin sa pagkaing nakahanda.
I saw his adams apple move. Kumurap-kurap din siya na parang hindi siya makapaniwala.
“Bakit?" Inunahan ko ng tanong.
Nag-angat siya ng tingin at umiling agad nang magtama ang mga mata namin.
“Wala naman…”
"It's delicious! Mommy cooked it!” Izzie exclaimed as she started digging her favorite mac and cheese.
"Mac and cheese…" sambit Cade na mahina.
Tumaas ang kilay ko sa kanya. Ngumuso naman siya.
“Hmm… mac and cheese is my favorite food!” dugtong pa ni Izzie sabay lingon sa ama.
Napaawang ang labi ni Cade. Nagsalubong ang kilay ko. Later on, I saw a beam smile on his lips. Tumingin siya kay Izzie na may malawak na ngiti.
“Mac and cheese is my favorite too!" He exclaimed.
Ako naman ang umawang labi sa gulat. Ang dalawa ay tila ba tuwang-tuwa sa nalaman sa isa’t-isa habang ako’y hindi mapigilan na sumimangot.
I mean, they're exactly the same! Nakakainis dahil halos lahat nakuha ni Izzie sa kanya! Hugis ng ilong, bibi, magandang kulay ng mga mata, tapos ngayon malalaman ko na pati paboritong pagkain ay nakuha ni Izzie sa kanya? How insane is that?
To think of, ang nakuha lang sa akin ni Izzie ay ang kulay ng balat na kulay gatas at ang hugis ng mukha ko pati ng mata ko. Other than that? Physically? Wala na! Sinong hindi maiinis? Nagmana talaga sa kanya si Izzie at hindi sa'kin!
“We should be buddies by now since we have the same favorite food," ani Izzie na akala mo kasing edad lang si Cade.
Cade chuckled. “Dapat nga, e! We could be a good friends."
I scoffed. Anak mo nga ‘yan, e! Manhid ka ba?
Umirap ako sa hangin at hinayaan silang mag-ama na kumain. Napadami pa nga ang kain nila dahil masarap daw.
“Masarap… sobra,” sinabi ni Cade sabay lingon sa'kin.
“That's an easy recipe."
“Mas masarap nga ito sa mga nakain ko na. Probably, mas masarap itong mac and cheese mo kumpara sa luto ni mommy noong bata ako.”
I snorted and rolled my eyes at him. Ngumisi lang siya sa'kin.
"Nambola ka pa porque’t dito ka matutulog.”
Humagikhik siya at nagpatuloy sa kinakain. I could feel my cheeks hitted right now.
"Nagpapaluto ka rin po sa mommy mo noong baby ka pa?” Tanong ni Izzie.
Nakangiti naman na tumango si Cade. "You won't probably going to believe this, but this is favorite food since I was very young… paborito rin kasi ito ni Daddy. I think I got it from him.” Masayang sinabi niya.
And Izzie got it from him.
Suminghap na lang ako. Sign na nga siguro ito na sabihin ko na sa kanya ang totoo bago pa niya makutuban ang totoo.
Dapat nga ngayon pa lang ay makutuban na siya. Ang dami nilang pagkakaparehas nila Izzie. Hindi ko lang talaga alam kung manhid siya para hindi malaman 'yon.
And I think, he won't going to reject Izzie. Base pa lang sa itsura niya ngayon. He likes her… probably a lot. I don't know but it doesn't matter to me now. Magsasabi na ako sa kanya. Kung anong magiging desisyon niya, hahayaan ko. At kung malaman ng asawa't-anak niya, mage-explain din naman ako sa kanila.
I just want Izzie to know his dad. I want Cade to know that Izzie is existing and she's our daughter. Iyon lang ang gusto ko, magkaroon ng tatay ang anak ko. Hindi ko guguluhin ang pamilya niya.
I sighed and stared at my ceiling. Nakagat ko ang labi bago tumayo sa kama. It's already past 11 o’clock and I'm still wide awake. Hindi ako makatulog sa mga iniisip.
Tumayo ako sa kama at napagpasyahan na lumabas ng kwarto. Tulog na si Izzie kanina pa. Madilim na rin ang paligid nang bumaba ako sa hagdan. Maybe Cade is a sleep by now.
Diretso ako sa kusina para kumuha ng tubig nang mapansin na bukas ang ilaw. Malayo pa lang ako ay nakita ko na ang isang anino. I bit my lips and continue walking.
Nakita ko si Cade na nagulat nang makita akong papasok. He was holding a can beer.
“I’m sorry pinakialam ko ang ref mo," aniya.
Umiling lang ako. “It's okay…"
Gumalaw ang adams apple niya at nakita kong pinagmasdan niya ang suot ko. At halos pamulahan ako ng pisngi dahil nakamanipis na cotton short lang ako at spaghetti straps and I didn't even wear a bra right now!
Nag-iwas siya ng tingin at bumaba naman ang tingin ko sa suot. Bumuga ako ng hangin nang mapansin na hindi naman halata na wala akong bra pero may umbok sa dulo ng dibdib ko.
“I-I’m sorry… p-promise wala akong nakita…”
Umirap na lang ako. Bakit ba ako nahihiya? E, minsan nga naka-panty’t-bra ako sa mga photoshoot at runaway ko?
Kumuha ako ng tubig habang siya’y umupo. Ramdam ko ang titig niya sa'kin habang kumukuha ako ng tubig. Suminghap ako at mariin na pinikit ang mga mata.