Tattoo
I drank the water. Naglagay pa ako ng isang basong tubig. Nakatalikod ako sa kanya but I could fee his gaze all over me and it's making me hot!
Palihim akong bumuntonghininga bago dahan-dahan na humarap sa kanya. I saw the way his eyes are sparkling with so much admiration as he stares at me.
I cleared my throat. “H-hindi ka pa ba matutulog?” I tried to be casual pero natalo ako.
Umiling siya. "I can't sleep..."
I bit my lips. His eyes never leave mine. His eyes is very pleasing to look at. Tila ba may gusto siyang sabihin pero pinigilan lang ang sarili.
“Ikaw?" He asked slowly with his husky voice.
“Can't sleep also…”
Tumango siya bago muling uminom ng beer. Pinagmasdan ko siya ng mabuti ngayon.
He’s just wearing a simple white sando na hapit sa katawan niya at medyo manipis kaya kita ko ang ganda ng katawan niya. His biceps are firm, same as his chest. Hindi pa nakaligtas sa mga mata ko ang itim na ink sa parteng dibdib niya.
Manipis ang sando niya kaya kahit papaano'y medyo visible na may tattoo siya doon. Hindi ko lang mawari kung ano ‘yon.
When he noticed my gaze, napaiwas na lang ako tingin. Suminghap ako at kinagat ang labi. Nakita ko pa ang pagsunod ng mga mata niya sa ginawa ko.
“I’ll go now…” paalam ko.
He nodded and sighed. He closed his eyes and drink again. Umalis na ako agad dahil malakas na ang kabog ng puso ko.
As soon as I went inside my room, halos mapahawak ako sa puso ko. God! My heart is racing and it's crazy!
Pinilig ko ang ulo bago humiga sa kama. Nang makalma ang sarili ay agad kong pinilit ang sarili na makatulog.
The nexy morning, nagising ako ng pasado alas-sais na ng umaga. Mabilis akong bumangon para maligo dahil magluluto pa ako ng agahan namin. I took a quick shower and put my clothes on.
Isang maong na short at t-shirt lang ang sinuot ko at hindi pa tuyo ang buhok na bumaba ako. I went straight to the kitchen because I heard Izzie's voice.
“Wow! Magaling ka po talagang surgeon!” Boses iyon ni Izzie.
Napakunot ang noo ko. I saw two silhouette coming from the kitchen. When I went inside, I saw Izzie and Cade. Halos napaawang ang labi ko sa gulat.
Si Cade ay nakasuot ng apron habang nakaupo sa kitchen counter si Izzie. Nag-uusap ng casual ang dalawa.
I saw Cade smirked. "In order to save people, you really need to be smart. I took an oath.”
Izzie nodded. She was amazing sa kung anong pinag-uusapan nila.
"Being a surgeon looks cool. Nasa lahi niyo po ba ‘yon?” Tanong pa niya.
"Yep! My Dad is currently the chief of surgery. He's a general surgeon.”
"Wow! Ang cool ng pamilya niyo!”
Ngumiti si Cade na abot tenga. Amoy ko na rin ang niluluto niyang bacon at hotdogs. I bit my lips and stared at the two.
They're looked very closed kahit na ngayon lang sila nagkausap ng ganito katagal. And Izzie looks very happy and contentment. Napangiti tuloy ako.
“It's runs in my family… the Del Fuego's.”
Izzie eyes sparkles pero may lungkot pa rin na dumaan. Napabuntonghininga na lang ako dahil alam ko ang ibig sabihin no’n.
Lumapit na ako sa kanila. Napatingin sila sa'kin at ngumiti sa'kin si Izzie. I smiled also.
“Mommy, he cooks for our breakfast."
Tumingin ako kay Cade. “Dapat ako na lang… nakakahiya sa’yo…”
Umiling siya. "Wala ito, Keira. This is the least I can do for letting me stay here last night."
“Tapos ka na? I’ll prepare the table."
“Malapit na..."
Tumango ako. “Maghahanda na ako…"
Tumalikod na ako para ihanda ang lamesa. Kumuha ako ng mga plato habang nag-uusap pa rin ang dalaw. I just listen to them.
“You have a tattoo on your chest?" I heard Izzie asked.
Nagdahan-dahan ako sa paglalagay ng plato sa lamesa.
“Yes. Napansin mo pala…”
Izzie just giggled. “I noticed everything…”
I heard Cade chuckled.
"Pangalan po ‘yang tattoo niyo?”
"Yep. Do you want to see it?”
"I would love to!”
Gusto kong lumingon dahil gusto ko ring malaman kung anong tattoo niya. I just want to know something but I didn't turned my head. Nanatili akong nakatayo.
“It's not a name. It’s roman numerals.” Bakas ang paglito sa boses ni Izzie.
"It's a name written in roman numerals,” sagot ni Cade.
"Is that the name of your wife?”
Napaawang na ang labi ko sa sumunod na tinanong ni Izzie. Doon na ako humarap sa kanila at lumapit sa kanya.
"Izzie…" tawag ko.
But she didn't move. Nakatingin lang siya kay Cade ng seryoso. Like she wants an honest answer from him. Lumingon ako kay Cade na nagtataka naman ngayon.
“I am right?" Si Izzie ulit.
Pinagmasdan ko si Cade na umiling ng ilang beses.
“I don't have a wife, Izzie…” he said in low tone.
Napakurap-kurap ako ngayon. He doesn't have a wife? So sino si Lilliene? And what about Allison? Anak niya ‘yon, ‘di ba? Naguluhan ako bigla.
“A girlfriend perhaps?" Izzie asked again.
Lumingon sa'kin si Cade. He looks hesitate to answer and I got nervous because of that. Bakit ayaw niyang sagutin? Napalunok siya bago tumango.
“Yes, I have a girlfriend…” he said while still looking at me attentively.
Napalunok ako. So, he doesn't have a wife but a girlfriend? What about Allison? Hindi pa sila kasal ni Lilliene kaya girlfriend pa lang pero may anak na sila?
“Hmm… okay…” ani Izzie.
I stared at him. Pinakita ko talaga na parang wala akong pakialam pero halos magdabog ang puso ko ngayon. I don't know why I’m feeling like this… I’m not hurt, though. I mean, for what? Wala kaming relasyon noon.
We just had a one night stand and boom! Nabuo si Izzie. Si Izzie lang tanging magiging koneksyon naming dalawa. Bukod doon, wala na. But why do I feel like I rejected by him?
Or maybe I just felt this way because we have a daughter. We have Izzie. Suminghap ako sa naisip.
Maybe that is…
“Let eat now…" ani ko sabay kuha kay Izzie.
Nilapag ko siya at agaran siyang pumunta sa lamesa. Cade was still looking at me like I’m some kind of book na gusong niyang basahin. Pero hindi ako nagpakita ng kahit anong ekspresyon sa kanya.
I intend not too. Para saan ba?
I slowly smiled at him. "Kain na…"
Umawang ang labi niya pero walang lumabas na salita. His adams apple moved before he shifted his weight and nodded.
“Okay…”
Pumunta na ako sa lamesa at upuan. Kinuhaan ko ng pagkain si Izzie. Nang matapos akong kumuha ng pagkain para sa aming dalawa ni Izzie, saka siya kumuha ng sa kanya. And we eat that way.
Naging tahimik ang apat na sulok ng kusina. Izzie's focus on her food and I noticed she was silent. At alam ko bakit…
I sighed and looked at Cade. I found him staring at me unconsciously. Nag-iwas siya ng tingin ay nagpatuloy sa pagkain. Natapos kaming ganoon.
“Are you leaving after?" Si Izzie na nagtanong kay Cade ng matapos siyang kumain.
Lumingon sa kanya si Cade. “Yeah… may surgery ako mamayang hapon.”
Izzie nodded. Natahimik ulit. Niligpit ko ang pinagkainan namin. Izzie went to the living room. Nakita ko si Cade na sumunod.
I sighed before I went to the sink. I composed myself and think the rationally. Hindi ako pwedeng makaramdam ng ganito dahil hindi pwede. Dapat dahil kay Izzie lang… si Izzie lang… hindi pwedeng ako.
I don't know what I'm feeling right now to be honest. I thought he has a wife but I was wrong. Girlfriend pa lang ang meron siya at baka ikakasal pa lang sila. Who knows, right?
Ewan ko. Ang dami tuloy pumapasok na scenarios sa utak ko. I should think clearly and what is right and the right thing to do is to tell him the truth.
Ayoko ng patagalin pa ‘to. He has a girlfriend and a daughter. Mas maganda kung magsabi na ako ngayon para ma-explain ko pa ng maayos sa girlfriend at anak niya. I should be glad he hasn't married yet because it will cause a lot of problem and a damage to his family.
Kaya tama lang na masabi ko ngayon ang totoo. It’ll be good. Wala naman akong intensyon sa kanila ng girlfriend niya o ng anak nila. Para lang talaga kay Izzie…
Suminghap ako. Tinapos ko ang ginagawa sa kusina para makausap ko pa si Cade. I washed the dishes and clean myself after.
Nang matapos ako’y diretso ako sa sala. I found them together, talking seriously again.
“Can I to go with mommy when she has a photoshoot again?" Tanong ni Izzie ng marahan.
Cade looks amused. Tuwang-tuwa siya habang kinakausap si Izzie.
“Of course, you can. You're always welcome there."
Izzie smiled sweetly. “Nandoon ba ulit sila Louis at ibang pamangkin niyo?"
“It depends on their moms schedule but let's see…”
"I want to play with them. They're nice and I really love Ate Sage. She took a good care of me last time.”
Cade chuckled softly. "I’ll tell Sage you said that. Matutuwa ‘yon.”
“Do you live together?" Izzie asked again.
Manghang umiling si Cade. “Nope but we're living in one subdivision. Nando’n lahat ng relatives namin…”
Izzie's eyes sparkles. Umawang pa ang labi nito at bakas ang pagkamangha sa mga mata.
"That's cool! Now I know why you're close with your nephews.”
"Yep. Do you want to visit there? I’ll show you around if you want."
“I want to! I love to!"
Nagtatalon siya sa tuwa. Napangiti rin ako habang palapit sa kanila. Talagang kailangang masabi ko sa kanya.
I want them to stay like this. Nakakatuwa sa puso. My heart feel save and at ease.
"Hindi ka ba aalis na para pumunta sa hospital?” Singit ko sa dalawa.
Lumingon sila sa'kin. Ngumuso si Cade.
"Pinaalis mo na ba ako?” May bahid ng lungkot ang boses niya.
I chuckled. "No… but if you have a surgery, you should be going now."
He signed and nodded. “Paalis na ako."
Tiningnan ko ang suot niyang damit. He didn't change his clothes.
“Nang gan'yan?"
Ngumisi siya. "There's nothing with it. Sa hospital na ako magpapalit.”
"You didn't take a shower yet…"
“Masanay ka na… minsan nga umaabot ang surgery ko ng 48 hours."
Napakurap-kurap ako sa harap niya. I can't imagine how busy he is. Hindi pala talaga biro ang isang doctor. Lumawak lalo ang ngisi niya.
He flicked his tongue. “But… I can take a shower if you want…”
"Mabuti… kung hindi ka male-late. What about your car?”
“Pinahatid ko na kay Fely ang kotse ko. She's on her way here. Sabay na lang kami papuntang hospital."
Napatango na lang ako. "Halika. Ihahatid kita sa labas.”
He nodded before he tilted his head to Izzie. Yumukod siya ng kaunti at tinapik ang ulo ng bata.
"I’ll go ahead now… I’ll see you again next time," nakangiting sinabi niya.
Izzie smiled too. “I can't wait for that. Bye! Ingat sa biyahe."
“Bye, Izzie!"
Marahan siyang kumaway bago tumalikod na. Sumunod ako sa kanya. Nang makarating sa pinto ay agad kong binuksan ‘yon. Lumabas siya at humarap sa'kin.
“I’ll see you on your next photoshoot, Keira…” he said with amusement.
Hindi ko mapigilang ngumisi. "Talaga bang kailangang pumunta ka? I mean, you're might be busy…”
Pinaglandas ng dila niya ang ibabang labi saka ngumisi rin.
"It's my job. I have to observe you...”
Humalakhak na lang ako. Suminghap naman siya at marahan akong tiningnan.
“Pupunta ka sa birthday nila Seven?"
“Oo. Elle invited me."
He nodded. “Busy ka sa mga susunod na araw?” He then asked slowly.
"Yes… the whole two weeks probably. Why?”
He bit his lips again and sighed. Nagtaas ako ng kilay dahil ganito siya noong unang beses na nagtanong siya ng ganito.
"Say it Cade.”
Ngumuso siya. "I just wanna ask when is your free time? May sasabihin lang ako sa’yo…”
Suminghap ako at tumango.
“Ako rin may sasabihin sa’yo…” I trailed off.
Nanlaki bahagya ang mga mata niya. His adams apple move, nag-iwas ako ng tingin doon.
"T-talaga?” He sounds excited.
"Hmm… it's important and I want to say it to you in private as much as possible…”
Napalunok siya ulit. Tila ba hindi inaasahan ‘to. Halata ang excitement sa mga mata niya. Kumikislap ‘yon.
“I’ll just text you the location at kung kailan ang free ko. Medyo busy ako sa mga susunod na linggo pero gusto ko sana sa lalong madaling panahon kaya gagawa ako ng paraan."
Ngumiti siya. "Okay. Okay… I-I’ll wait for your text… I’ll be there, Keira. I promise."
you should be...