Blue eyes
Suminghap ako bago pumasok sa loob. I saw Izzie on the couch. Tumingin siya sa gawi ko at ngumiti.
“Umalis na po?"
Tumango ako bago lumapit sa kanya. Umupo ako sa tabi niya at marahan siyang tiningnan. Ngumuso siya sa'kin at bahagyang nakakunot ang noo.
“Mommy, what are you thinking?" She asked softly.
Suminghap ako. Tinaas ko ang isang kamay at dumapo ‘yon sa pisngi niya. Marahan kong hinaplos ang may katabaan niyang pisngi.
“You’re not angry at your father knowing he has a girlfriend?” Marahan kong tanong.
Nakakunot pa rin ang noo niya ng tumango siya. Napangiti ako.
"No, I’m not. I’m just shocked because you're expecting him to have a wife…”
Napatango ako. "Mali ako. Akala ko meron na siyang asawa dahil may anak siya… maybe they haven't married yet because their daughter is sick?”
I don't know the whole story but I’m thinking rationally to be honest. Baka kaya hindi pa sila kasal dahil kay Allison na may sakit. I also don't know her condition but she seems seriously ill.
Ngumuso siya. “I’m kinda hurt earlier when he said he has a girlfriend…” aniya sabay buntonghininga.
"Bakit?”
"Mommy, I know that he has a daughter and I don't have a problem with that… it just that… I thought we can be together? Me, him, and you… like a family.”
Napatitig ako sa sinabi ng anak. I didn't expect her to say that, especially when I already made it clear to her na sobrang komplikado ng lahat. But then, she's just a child who wanted a complete family.
Huminga ako ng malalim at hinapit siya palapit sa’kin. Ayokong isipin niya na hindi kumpleto ang pamilya niya dahil hindi mangyayari ‘yon. Pero sinong niloloko ko? She wants a complete family. Paano ko gagawin ‘yon kung may girlfriend at anak si Cade?
“I’m sorry kung hindi kita mabibigyan ng ganoon…” malungkot na sinabi ko.
She may understand our situation right now but she's still a young. Umaasa siya na magiging kompleto ang pamilya niya pero mukhang hindi mangyayari ‘yon.
“I understand it now, mommy. I may have him as a father but we're not going to be a family… masakit lang po.”
Niyakap ko siya ng mahigpit. A lone tears escaped from my eyes. I feel sorry for her. This is really my fault. I let this happen.
“Shh… I will tell him about you now. I already talked to him so we can meet. Magsasabi na ako sa daddy mo. At gagawin ko ang lahat para kahit na may girlfriend at anak niya, gagawin ko ang lahat para mabigyan ka pa rin ng maayos na pamilya. I’ll do everything…” binubulong ko ang mga katagang ‘yon habang pinipigilan ang sarili.
I don't want to cry in front of her. I don't want to be weak. I have to be strong for her. Ako lang ang masasandalan niya at ako lang pamilya niya kaya kailangan na tatagan ko ang sarili.
Is she see me at my weakest point, she’ll be devastated about it. At ayokong mangyari ‘yon. Ayokong makita niyang mahina ako dahil masasaktan siya.
Humiwalay siya sa'kin at nakita ko ang bahid ng luha sa mga mata niya. Nakaawang ang labi niya.
“You're gonna tell him? Is his daughter okay now?"
Umiling ako. “Hindi ko alam pero hindi ko na iisipin pa ‘yon, anak. I have to think about you. You need a father figure and he deserves to know you. You both deserve to know each other. Ayokong maging unfair sa inyong dalawa."
I don't want her to think that her family is not complete. Pag nasabi ko na ang totoo kay Cade, we can co-parenting with Izzie so at least she can feel we're family. Marami namang ganoong nangyayari sa mundo. Cade and I can work things out lalo na sa girlfriend at anak niya.
That's why as soon as possible, I need to talk to him. Para naman ma-explain ko rin ng maayos sa girlfriend at anak niya. Hindi ako manggugulo sa relasyon nila.
“Thank you, mommy. Thank you for always considering my feelings... for everything you’ve had to me…”
I smiled at her. "You are my baby. I’d do everything for you.”
"Sorry po kung nag-isip ng ganoon kanina. I just thought, we can be really a family…”
"Hey…" pukaw ko sa atensyon niya. “Everything you felt earlier were understandable. You're still young and may mga bagay na hindi mo pa naiintindihan ngayon, pero ipapangako sa’yo na ipapaintindi ko sa’yo lahat."
Ever since I was young, I always thought my life was perfect. I have a good family. I was raised to be good. I didn't lied to my parents ever since then. I was very open to them. Akala ko hanggang sa huli ay maiintindihan ako ngunit nagkamali ako.
My parents raised me to be good that's why when I made a mistake, halos ipahiya nila ako. Hindi raw nila ako pinalaki ng maayos para lang ibigay ang sarili sa iba habang may karelasyon ako. I know my mistakes and I’m ready to kneel in front of them kung kailangan para lang mapatawad nila pero wala… they didn't even listen to me and they abandoned me instead.
Tapos ngayon malalaman ko na ang babaeng tinuring kong kaibigan pero niloko ako, inaangko na nilang anak. Hindi ko alam saan napunta ang kinikilala kong pamilya noon pero wala na akong pakialam pa roon ngayon. That's why when I became a parent, with what happened to my life, naging open reminder 'yon sa'kin.
I want her to know that she can share everything with me. I want to be good with Izzie because I don't want to be like my parents.
“Mabuti nga ‘yon para maayos na ang kailangan na maayos sa inyong dalawa…” ani Diego.
"Wala namang kailangang ayusin sa amin ni Cade. Kay Izzie lang…” giit ko sa kanya.
“Kailan mo ba siya balak kausapin?" Si Steffie ang nagtanong.
"Kung kailan hindi siya busy.”
Parang sa aming dalawa, siya ang pinaka-busy. Sa hospital pa lang ay nakita ko na kung paano siya magtrabaho. Tapos CEO pa siya ng Florence. I can't imagine how busy he is.
"May sasabihin din naman siya sa’yo kaya baka siya ang unang magtanong kailan,” ani Diego.
"Siguro pagkatapos na nitong launching para iyon lang ang iniisip ko.”
I want to focus on my career right now. Ang dami kong kailangan na asikasuhin dahil may mga upcoming photoshoot na ako sa susunod na buwan.
Tumango si Steffie. “Para maayos din kayong makapag-usap."
"Meeting na lang naman para sa building ang schedule mo bukas.”
Suminghap ako. Si Diego na ang nagha-handle ng building na pinapatayo ko dahil sa sobrang busy ko sa launching ng products ko.
"Thank you…" sabay ngiti ko sa kanya.
He just chuckled. “You owed me one."
“Fine. Hahanap kita ng maraming lalaki…” ani ko sabay halakhak.
"Hoy! Ako rin!” Habol ni Steffie.
Humalakhak ako lalo.
“Naku, Keira! Siguraduhin mo lang ‘yan. Sobrang busy ako ngayon sa schedule mo kaya dapat marami ‘yan!"
“Oo na! I’ll give you two weeks off. You can travel if you want.”
“Isama mo na lang kami sa birthday party nila Seven. For sure, some of his relatives and common friends will be there. Doon na lang ako hahakot ng lalaki…” humagikhik si Steffie.
Umirap ako sa dalawa. "Hayok na hayok kayo sa lalaki, a!”
"Gan'yan talaga pag walang dilig ng ilang buwan!”
Lumagapak ako ng tawa sa kanila.
"Fine! Sasama ko kayo kaso hindi ko pa alam saan location ng party pero private raw.”
Steffie giggled. "s**t! Kailangan nating magpaganda, Diego!"
Diego already agreed. Umiling na lang ako sa dalawa. Liniko ko ang kotse sa school ni Izzie. She started going to school last week at ngayon ay nangako akong susunduin ko siya dahil kakain kami sa labas.
Bukas ang soft launching ng products ko at naging busy ako nitong mga nakaraang araw kaya nawalan ako ng oras sa kanya. Babawi lang ako ngayon bago maging busy ulit.
Tumayo agad ang anak ko nang makita ang kotse ko. She was waiting patiently kasama ang isang batang lalaki sa waiting area ng school niya.
After I park my car, I immediately stepped outside my car. Lumapit ako sa kanya.
“Mommy, I want you to meet Nicolas. He's my classmate and my new friend.”
Tumango ako sabay lingon sa batang kasing edad lang niya. He seems familiar with his features. May kamukha siya ngunit hindi ko lang matandaan kung sino.
Ngumiti siya ng marahan sa'kin. "Hi! I am Nicolas Sandoval.” He greeted.
Napaawang labi ko. He's a Sandoval?
Bago ko pa siya mabati rin ay narinig ko na ang isang maboriton na boses na tumawag sa kanya.
"Nandyan na ang Tito ko…" aniya.
Lumingon ako sa boses na ‘yon. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si David na palapit sa'min. Natigilan din siya nang makita ako pero ngumiti pagkuwan.
“Keira…” he trailed off.
Suminghap ako at ngitian siya. "Hi…" I greeted him.
Kumurap-kurap siya sabay tingin kay Nico. Lumapit siya sa bata at hinawakan ito.
“Pamangkin ko si Nico. Anak siya ni Kuya Dave…” aniya.
That's why he looks familiar.
Napatango ako. “Ah… kinasal na pala siya.”
He nodded at smiled softly. "Yes. Matagal-matagal na rin.”
"Tito, I have a new friend. Si Izzie…" ani Nico sabay nuwestra ng kamay kay Izzie.
Napatingin si David kay Izzie. Bumakas na naman ang gulat sa mukha niya nang makita ang bata. He looked very shock to see my daughter.
"Hello po! I am Isobel Madison Senvaños, 7 years old. But you can call me Izzie.”
Napalunok si David sabay tingin sa'kin na hindi makapaniwala sa nakita. Tumango lang ako sa kanya.
"Anak ko siya David…" sinabi ko.
Umawang ang labi niya at marahan na tiningnan si Izzie. Ngumiti siya sa bata pagkuwan.
“Ang laki na pala ng anak mo…” he was amused when he said that.
Tumango lang ulit ako sa kanya. Lumapit naman siya kay Izzie at bahagyang yumukod para magka-level sila. Ngumiti siya rito at nakita kong kumislap ang mga mata niya.
Nagsalubong ang kilay ko sa paraan ng pagtingin niya kay Izzie. While Izzie were just smiling at him.
“You have a blue eyes…” may iba sa tono ni David na hindi ko nagustuhan.
Izzie nodded happily. "I got it from my father."
Umawang ulit ang labi ni David sa pagkamangha pero walang lumabas na salita roon. Umiling ako sa nakikita sa mukha niya dahil baka kung anong isipin niya.
He also has a blue eyes but not as deep as Cade’s. At sa nakikita ko sa kanya ngayon ay hindi ko nagugustuhan.
“Izzie, came here…” utos ko sa anak.
Agaran na sumunod siya sa'kin. I held her hand and David stared at me. Tumaas ang kilay niya at may munting ngisi sa labi niya.
This is not so good…
“Scared, Keira?" Ngumingisi na tanong niya.
Kumunot ang noo ko sa kanya. “Why would I scared? Sa iyo?"
He scoffed with so much conceited. "Bakit? Sino bang tatay ni Izzie? Care to tell me?”
Gusto kong matuwa sa inaakto niya ngayon. Nilingon ko si Izzie at marahan na tumingin sa kanya.
“Diego and Steffie are inside the car. Go now…” ani ko.
Tumango siya at muling tumingin sa harapan. She smiled at them.
"Bye, Nico! See you tomorrow!” She then look at David. "Bye po!”
Umalis agad si Izzie at doon ko pa lang hinarap si David na mas lumapad ang ngisi ngayon.
"You hide her really well, huh? Bakit kaya?” Lumaki lalo ang ngisi sa labi niya.
Napalabi ako at suminghap sa kanya. “Whatever you're thinking, David, is wrong. Stop it right now!”
Humalakhak siya. "Bakit ano bang iniisip ko?” May paghahamon sa boses niya.
Umiling ako sa kanya. Wow! Talagang iniisip niyang sa kanya si Izzie. This guy is unbelievable!
"You better stop thinking whatever you're thinking, David because you're being delusional.”
Hindi ko na siya hinintay na magsalita at tinalukuran ko siya. Ngunit sa pagtalikod ko’y agad niyang hinawakan ang braso ko at pinaharap sa kanya.
"Bitawan mo ako!” Angil ko sa kanya.
His eyes were intense. "We did it so many times, Keira. Huwag mo akong gawing tanga ngayon.”
Halos manlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Marahas kong binawi ang kamay sa kanya at galit niyang tiningnan.
“Stop it, David! Pwede ba? Itigil mo na ‘to dahil ngayon pa lang sinasabi ko na sa’yo na mali ka!"
Tumango-tango siya habang matalim na nakatingin sa akin.
“Siguraduhin mo lang, Keira… dahil pag nalaman kong tama ako, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko…”