Call “Ang kapal din pala ng mukha ng ex mo na ‘yon!" Halata ang inis sa boses ni Steffie. Umingos siya sa sofa ng bahay at nakasimangot ang mukha habang katabi ako. Si Diego naman ay nasa isahang sofa na inis din sa nalaman. Sinabi ko sa kanila ang nangyari sa school ni Izzie. Nakita rin kasi nila iyong nangyari kaya sinabi ko na ang totoo. And besides, I’m actually scared of David. “Ang delusional niya sa totoo lang! Baka kung anong gawin no’n, Keira…” ani Diego habang nakatingin sa'kin. I sighed and composed myself. Actually, I’m kinda scared. Lalo na sa sinabi niya kanina and I know him. Makulit siya at gagawin niya ang gusto kahit na anong mangyari. And what happened earlier, I didn't expected it. Ni isa roon ay hindi ko rin nagustuhan. Sa tingin pa lang niya kay Izzie, iba na an

