Bahala na
“Grabe halos mangisay si Keira!" Tuwang-tuwa si Diego habang nakaupo sa sofa ng penthouse kung saan kami nags-stay ni Izzie.
I glared at him. Ngumisi lang siya.
“Noong nalaman pa lang niya na si Cade ang may-ari ng Florence parang siyang naging statue!" Nakikisawsaw na dugtong ni Steffie.
Umikot na lang ang nga mata ko sa sinabi nila sa akin. I’m just glad Izzie is already sleeping in her room kung hindi ay talagang malilintikan ang dalawang ito sa akin.
“Nagulat din naman kayo," ani ko.
“Syempre, ‘no! Rumors lang ang naririnig ko na Del Fuego ang may-ari ng Florence, totoo pala talaga," tugon ni Diego.
I sighed. “They really a private persons! Ang hirap nilang hagilapin!"
"Ano ka ba! Dapat nga matuwa ka dahil hindi ka na mahihirapan na hanapin si Cade.” Si Steffie.
I sighed again.
"Iyon na nga ang problema! Sa sobrang gulat ko sa mga nalaman, hindi ko na alam papaano haharapin si Cade!”
That is true! Bigla akong natakot na kausapin siya tungkol sa anak namin. He's literally my boss right now tapos ano? Bigla-bigla akong eeksena sa kanya na may anak kami?
I just don't know how to face him kung magkita na kami. Magiging sobrang awkward ‘yon panigurado lalo na magkasama kami sa trabaho. Kahit na wala kaming naging relasyon, may anak naman kami!
"Don't think about it right now. Next month pa naman daw ang uwi niya,” umiling si Diego.
"I just…" nakagat ko ang labi. “I’m scared he might reject Izzie."
“Gaga ka! Huwag ka munang mag-isip ng negative riyan!" Bulyaw sa akin ni Steffie.
Ngumuso ako sa kanila. “E, paanong hindi? Remember what Elle said earlier? He's busy with other things! Paano kung may pamilya at anak na siya? Tapos biglang papasok si Izzie sa buhay niya?"
I don't want Izzie to get hurt. Okay lang na ako ang masakyan, huwag lang talaga ang anak ko. At kung totoo man na may pamilya na si Cade, there's a tendency he might reject Izzie.
Like what I’ve said, wala kaming relasyon. We just had a one night stand at nabuo si Izzie. Ayokong matawag na anak sa labas si Izzie kung magkakataon.
“Ang nega mo talaga, Keira! Let's just wait for him to come back."
Umayos ako ng upo. “Huwag ko na lang kayang sabihin na may anak kami?" It suddenly came out of my mouth.
“Bruha ka kung ganoon! Ano? Hindi mo pagbibigyan makita ng anak mo ang tatay niya?" Bulyaw ulit sa akin ni Diego.
“E, kesa naman na masaktan si Izzie?"
“Keira, itigil mo ‘yan, okay? Uuwi si Cade next month. Hintayin mo tapos kung makita mo na walang asawa, doon mo kausapin. Tapos ang problema mo!" Si Steffie.
Napanguso lang ako ulit. Bahala na nga! Matagal pa naman ang uwi niya. Hindi ko muna iisipin pa ‘yon.
"Ang problemahin mo ngayon, paano kung magtanong si Elle sa’yo? Izzie really looks a Del Fuego lalo na sa mata. Iyon ang trade mark ng mga Del Fuego's, iyong asul na mga mata nila. Halos lahat sila ganoon ang mata,” muling sinabi ni Diego.
"Iyan din ang naisip ko, e. The way Elle looks at Izzie yesterday, alam mo ‘yon parang may lukso na agad ng dugo.”
Napahawak ako sa sintido. Feeling ko sa sobrang stress ko sa bagay na ‘to, malala na ang eyebags ko.
“Luckily, hindi pa naman siya nagtatanong," sagot ko sa dalawa.
Diego smirked. “Ihanda mo na ang sarili pag nagtanong. Halata kasi talaga Keira na may Del Fuego’ng dugo si Izzie."
“Please, sana hindi muna kasi wala pa akong masasagot."
Sana lang talaga. Lalo na't nagiging maayos na ulit ang relasyon namin ni Elle. We already exchanged numbers at gusto ko ring maging malapit kami ulit.
She's my best friend since I can remember. Ngayon na alam ko na hindi siya galit sa pag-alis ko noon, masaya ako dahil alam kong pwede kami ulit maging malapit.
When my first shoot came, Izzie came with me. Private naman gaganapin ang photoshoot kaya okay ako. Sa Florence building ang location ng shoot. Maaga pa lang ay pack up na kami dahil ayoko ring ma-late.
When we arrived at the place, I saw Chelsy Allison Chavez, anak nila Chelseah at Gus. Siya na ang presidente ng BSSM ngayon.
Ngumiti ako agad sa kanya. “It's good to see you, Ms. Chavez," I greeted her.
Kinuha niya ang kamay ko. “Likewise, Ms. Senvaños. I’m excited to work with you."
“Ako rin."
“After your shoot, I was going to asks you some questions na ilalagay sa magazine. Don't worry, binigay ko na sa manager mo ang mga tanong, so you can prepare for it.”
Tumango ako. " Diego already gave it to me.”
"Good! Pasabi na lang kung may babaguhin ka.”
Hawak ko ang kamay ni Izzie na pumasok kami sa sariling dressing room ko. Simple lang naman ang shoot ngayon. Ife-feature lang ako dahil sa paglipat ko sa Florence at kaunting interview na rin.
Izzie was playing with her toys when Elle came inside the dressing room. Agad na sumilay ang ngiti niya sa akin at bumaling kay Izzie. Sa bata siya lumapit.
“Hi, Izzie! I brought you something," malambing na sinabi.
"Really? Thank you, Tita Elle!”
Nakita ko si Izzie na agad na natuwa sa dinala ni Elle. Napangiti ako ng wala sa oras. Izzie is already fond of Elle kahit na sa maliit na panahon pa lang silang nagkikita.
Elle pinched her cheeks. "Ang cute-cute mo talaga!" Pinanggigilan niya ang bata.
I chuckled. Napansin niya yata dahil lumingon siya sa akin.
“Ang cute ng anak mo, Keira! Gusto ko na tuloy manganak na!" Tumawa siya.
“You’ll get there soon." Ngumisi ako sa kanya.
Lumapit siya sa akin. "Ang ganda mo rin…"
Natawa ako. “Nambola ka pa!"
“Totoo ‘yon! Mas lalo ka yatang gumanda ngayon. Blossoming… may boyfriend ka na?”
Umiling ako agad sa kanya. "Wala.”
"E? Kasi nabasa ko sa mga article tungkol sa’yo, meron ka na raw asawa.”
Palihim akong umiwas ng tingin sa kanya. “They think I have a husband because I have a daughter."
Sana lang talaga hindi pa siya magtanong tungkol doon.
“O? So, wala ka talagang boyfriend? Walang nambabakod sa’yo?"
Natawa ako. "Wala.”
Ngumisi siya pagkuwan. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kung ano sa ngisi niya. Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya.
"Bakit?” Tanong ko.
"Walang magagalit kung may manligaw sa’yo ngayon? Kahit ang tatay ni Izzie?” Malisyosong tanong niya.
Umiling ako sa kanya. "Wala nga!” Tanging nasagot ko lang.
Ayokong may masabi tungkol sa tatay ni Izzie. Not in front of Elle! Ayokong may makutuban siya.
Lumawa ang ngisi sa labi niya. "Alright then. Matutuwa si…"
“Sino?" Tanong ko ulit.
Nakangisi siyang umiling. “Wala. Anyway, Kuya Cade will be here later.”
Halos mamulagta ako sa sinabi niya. Gulat akong bumaling sa kanya. At nakangisi naman siya na tumititig sa akin.
“What?" Gulat na tanong ko na.
“Umuwi agad dahil kailangan siya sa Del Fuego General Hospital. They needs a high profile cardio surgeon. Mamaya ay dadaan yata siya rito pagkatapos ng surgery niya.”
Hindi ako nakagalaw agad. Elle just smile at me before she leaves my dressing room. Agad akong napatingin kay Izzie na nakatitig sa akin.
She doesn't know Elle and Cade are cousin. Hindi ko pa rin nasasabi sa kanya na daddy niya ang boss ko ngayon. I was shocked noong nalaman ko at gusto ko sanang malaman muna kung pamilya na si Cade bago ko sabihin sa anak ko.
I know, I’m lying to my daughter right now. Ayoko lang talaga na umasa siya. I should talk to Cade first before I tell her. Mabuting ganoon at sigurado ako.
Napabuntonghininga na lang ako. Gusto ko mang itago si Izzie sa tatay niya para mamaya ay alam kong hindi pwede ‘yon. Izzie is longing for her father at ayokong ipagkait ‘yon sa kanya. That's too much!
“Cade is coming here?" Bulong ni Diego nang makapasok sa loob ng dressing room ko.
Tumango ako. "Yes. Elle told me earlier.”
Humagikhik siya. "Hindi sumusunod sa’yo ang tadhana. Anong plano mo ngayon?”
I sighed. Hindi ako sumagot sa kanya dahil hindi ko alam ang sagot sa totoo lang.
Bahala na.
My shoot started and it was fine. Elle was there to check on everything. Nakakahanga nga dahil nandoon din si Nolan sa tabi niya palagi. I noticed that he was very protective to his wife which I find it cute.
And they looked so in love. Newly weds. Sobrang clingy din ni Elle pag napapansin ko sila at masaya ako na nakikita. She very different back then.
Typical city girl. Matalino pero tanga sa pag-ibig dahil ilang beses na siyang niloloko ng mga ex-boyfriends niya. Well, hindi naman siya nakikipagbalikan pa dahil nga niloko na siya pero kung malakas ang tama niya sa lalaki, she can be pretty pathetic.
Izzie was inside my dressing together with her Yaya Mercy. Kanina ay pinapanood niya ako at bakas ang tuwa sa mukha niya. She always see me how I work and she has this proud look sa mga ganitong ginagawa ko.
Nang matapos ang kami sa unang shoot ay bumalik ako sa dressing room para magpalit ng pangalawang susuotin ko. Dalawang theme kasi ang photoshoot ko. Simple lang at hindi masyadong revealing ang mga dinamit ko.
“Mommy, you're so good!" Papuri sa akin ni Izzie habang nire-retouch ang makeup ko.
Napangiti ako. “Thank you. Aren't you tired?"
Mula sa salamin ay nakita ko siyang umiling. “Nope. I’m just gonna play here with Yaya Mercy while waiting for you."
“After this, ipagluluto kita ng mac and cheese sa bahay," I said to her happily.
Bumungisngis siya. Napangiti na lang ako lalo. Nagpalit ako ng simpleng high waist trousers and black tube. Nakalugay ang unat kong buhok nang lumabas ako ng dressing room.
I saw Diego walk toward me. “He’s here now!” Bulong niya.
Napalunok ako. Agad na gumala ang mga mata ko sa paligid. I saw some staff greeting the man who's wearing a plain white polo shirt and pants. Hindi ko siya masyadong maaninag pero bumilis ang kabog ng dibdib ko.
"Kuya, tapos na surgery mo?" Narinig kong sinabi ni Elle at lumapit sa kanya.
Halos mapasinghap ako ng bumaling siya sa pwesto ko. He's blue eyes darted on mine and my body shiver. He's unreadable but he was smiling.
“Yes. Kakatapos lang," mabaritone na sagot niya sa pinsan.
Elle turned her head to me. “Keira, Kuya Case is here. You still haven't met him.”
I saw Cade smirk. Hindi nawala ang mga mata niya sa akin. Tumikhim naman ako para pakalmahin ang sarili.
"He is so mcdreamy!” Maharot na bulong ni Diego sa akin.
Sinimangutan ko siya bago ako lumapit sa magpinsan. Para akong tuod nang makalapit sa dalawa. Elle smile didn't fade, kagaya ni Cade.
"Kuya, of course, you already know Keira. Keira, this is my cousin, Cade. He's the owner of Florence.”
Ayoko mang tumingin sa kanya pero kailangan ko. I tilted my head and smile lightly. Nakangisi naman siya habang nakatitig sa akin.
"It's nice to meet you, Mr. Del Fuego.” I formally greeted him.
Amusement cross over through his blue eyes. Napakunot ako ng noo dahil doon.
"It's good to see you again, Keira,” may himig ng kung ano sa boses niya.
Nanliit ang mga mata ko sa kanya. He just chuckled softly and I could feel my cheeks hitted. Nag-iwas ako ng tingin.
“Patapos na ba kayo? I was planning to have a small celebration of welcoming Keira," dugtong ni Cade.
Muli akong nagtaas ng tingin sa kanya. He's so tall… and dark and handsome.
“It’s fine, Mr. Del Fuego…” ani ko.
His eyes held my gaze. "I want to, Keira. Gusto ko ring makilala ka…”
Hindi ko alam kung may meaning ang sinabi pero halos pamulahan ako ng pisngi. Narinig ko ang mahinang bungisngis ni Elle. Bumaling ako sa kanya at nanliit ang mga mata.
"Unless if you have other plans…" Cade flicked his tongue.
“Keira, pumayag ka na. Minsan lang ‘to. Kuya Cade is nice, I promise," ani Elle.
Napabuntonghininga na lang ako. "Fine. Pero saglit lang sana. I made a promise to Izzie,” sagot ko kay Elle.
"Who's Izzie?” It's Cade voice.
"Si Izzie, iyong anak ni Keira, Kuya,” masayang sinabi ni Elle.
Halos mariin kong napikit ang ang mga mata. I bit my lips as I felt Cade’s gaze over me. Ayaw ko mang tingnan siya pero lumingon ako ulit sa kanya. I saw his eyes looked shocked pero sandali lang. He was calm and very composed right now.
"Your daughter...” He stated.
I nodded and composed myself. "Yes, and she's here…"
“There she comes."
Ang sunod na narinig ko ay ang matinis na boses ni Izzie. Bahala na talaga.