Kabanata 5

2403 Words
Daughter “Mommy!” I heard Izzie's exclaimed as I tilted to my head towards her. Nakita ko siyang nakangiti at patakbong lumapit sa akin. The next thing I knew, she was already in front of me. She instantly wrapped her small hands around my hips and looked at me in the eyes with her soft gaze. "Can I go play outside with Yaya Mercy?” Malambing na tanong niya. Ngumiti ako bago tumango. "Yes, you can. I’ll just call her once we're done here, okay?” Her smiled widened. “Yay!" Maligaya ang tinig niya bago tumingin sa paligid niya. Doon lang niya yata napansin na may mga kasama ako. I saw her eyes widened and I knew she already saw her father in front of her. I sighed and composed myself. Ayokong mag-breakdown lalo na’t maraming tao at nandito si Cade. Lumingon ako sa kanya at nakita siyang nakatitig din kay Izzie. His eyes are soft and calm. Wala akong nakitang gulat doon o kahit noong sinabi niya na may anak ako. I bet he was aware that I have a daughter. “Hello, little girl…" Cade said as he stared at Izzie. Ngumiti siya at marahan ang bawat titig niya sa batang nakatingin din sa kanya. I bit my lips. “Ahm… Izzie—” "Hi! My name is Isobel Madison Senvaños, 7 years old. But you can call me Izzie. And I am very pleasant to meet you, Sir.” Gulat akong napatingin kay Izzie. She wasn't looking at me. Nakatingin lang siya ng diretso kay Cade at bahagyang nakangiti. I wasn't expecting her to say that. I couldn't find a word to say anything. I heard Cade’s little chuckled. I looked up to him. Nakangiti siya at marahan na lumapit kay Izzie. Bahagya siyang yumukod at manghang tiningnan ang anak namin. “I am very happy to see you too, Izzie. I am Cade Maddox Del Fuego and you can call me Tito Cade," Cade said softly. Halos mahigit ko ang hiningi sa nakikita ngayon. The father of my daughter is in front of us! Now what should do I? Tiningnan ko ang reaksyon ni Izzie. Nawala ng bahagya ang ngiti sa labi niya. “Tito Cade…” She whispered with disappoinment. Tumaas ang kamay ni Cade at pinatong ‘yon sa tuktok ng ulo ni Izzie. He gently tapped her head. “Yes. Call me Tito Cade.” Halos mapikit ko ang mariin nang makitang lumayo si Izzie sa kanya. Nagtaas ng tingin ang bata sa akin at halos madurog ang puso ko ng makitang malungkot ang mga mata niya. “Mommy, can I go with Yaya Mercy now?" Paalam niya sa mahinang boses. My eyes landed on Cade's. Nakita ko siyang nakatingin lang kay Izzie at nakakunot na ang noo. Hindi niya siguro ini-expect na lalayo sa kanya si Izzie— ang sarili niyang anak. I nodded. “You can go now. Patapos na rin ako," marahan na sagot ko sa kanya. She nodded and without looking back at Cade who's still staring at her, umalis siya at tahimik na bumalik sa dressing room ko. “Napagod yata,” narinig kong sinabi ni Elle. Tumingin ako sa kanya at pilit na ngumiti lang. She doesn't have any idea what's going on right now and neither Cade. At hindi ko na rin alam kung anong gagawin sa ngayon. A few weeks I was ready to face him and finally tell him that we have a daughter. Ngayon na nasa harapan na namin siya mismo ni Izzie, para akong natakot. Natakot para sa maraming bagay lalo na sa reaksyon ni Izzie kanina. I saw it in her eyes. Malungkot siya. Sinong hindi malulungkot kung malaman mong Tito ang gustong itawag ng sarili mong tatay? Ngayon pa lang alam kong nasaktan na siya paano pa kaya kung may malaman niyang pamilya na si Cade? "She can play outside. We have a plenty of rooms here. Hindi naman ginagamit ang iba." Ani Cade. Umiling ako. "Huwag na. She'll be fine with Yaya Mercy?” Lumingon siya sa akin. "You sure? Okay lang naman sa akin. I mean, Allison play here a lot especially when I’m working.” "Oo nga, e, Keira. Nasa 3rd floor si Kuya Seth kasama si Lizie. May photoshoot din kasi si Snow…” Elle chuckled. Tumango na lang ako. “I’ll get her." I went straight to my dressing room. I found Izzie playing with her toys. Napangiti ako ng wala sa oras at lumapit sa kanya. When she noticed my presence, tumingala siya sa gawi ko. She smiled too. I kneel in front of her and cupped her cheeks. “Do you want to go there somewhere?" Marahan na tanong ko sa kanya. “Where?" “Tita Elle said there's a playroom here and you can be there right now, if you want. I’ll just pick you up after my shoot.” Nakatingin lang siya sa akin bago tumango. "Okay. Can I bring Yaya Mercy?” "Yes, you can. At may mga bata rin yata roon ngayon.” She smiled more. "Great!” Yaya Mercy gathered all her toys. Hinawakan ko naman ang kamay niya at sabay kaminv lumabas ng dressing room. Sa paglabas namin, sumalubong agad si Cade. Saglit siyang tumingin sa akin bago bumaba ang mga mata kay Izzie. His smile is very gentle and soft. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya pero mukha namang masaya siya na makita si Izzie. Hindi ko lang alam kung magiging masaya pa rin ba siya kung malaman niyang anak niya si Izzie. "Hey, there, Isobel. Doon ka muna kasama si Louis, he's nephew.” I saw how Izzie scrunch her nose. Nakagat ko na lang ang labi dahil sa naging reaksyon niya. "Don't call me Isobel, Sir. It's Izzie,” Izzie said authorial. Halos umawang labi ko sa kanya. Cade seems shock also. "Izzie…" tawag ko sa kanya. “Just call me Izzie, Tito Cade." Hindi ako sure pero halata ang sa sarkastiko sa boses ng anak ko. Cade stared at her confusedly. He was taken a back earlier. Ngayon naman parang siyang nalilito. Tumango siya pagkuwan. Nagpaalam naman ako sa kanila na dadalhin ko lang si Izzie sa sinasabi nila. Hindi naman ako nahirapan na nahapin ang daan dahil sinamahan ako ni Elle. I saw three kids there. Mga pamangkin daw nila. Hindi na ako nagtanong pa at bumalik din kami agad para ipagpatuloy ang shoot ko. My photoshoot continue and Cade was there the whole time. Kinakabahan ako dahil kanina pa siya nakatingin sa akin. I know he was watching me because I’m new here at parte lang ‘yon ng trabaho niya pero hindi ko pa ring hindi pigilan na pamulahan ng pisngi. He was looking at me like I was a prey na matagal na niyang pinamatiyagan. I couldn't help but felt my heart race everytime he was eyeing me with his deep blue eyes. Ngayon ko lang napagtanto kung gaano siya kakisig. “Damn his biceps! Ang sarap kurutin!" Diego exclaimed. Tapos na ang shoot ko at hinihintay na lang ako nila Elle para sa dinner na sinasabi ni Cade. It's just a small dinner with them. Pumayag ako dahil nakakahiya naman kung hihindi ako lalo na kay Cade. I know he just wants to know me. We haven't talk before. Siguro oo, pero hindi ko masyadong maalala. “Surgeon na CEO pa ng Florence." Dugtong ni Steffie habang inaayos ang gamit ko. Hindi ko sila pinansin at pinagpatuloy lang ang pagtanggal ng makeup ko. I’m wearing a simple yellow dress and heels para sa dinner. “So, ano na plano natin ngayon, Keira? Cade and Izzie already met earlier," Ani Diego. I sighed. “I don't know yet. Base sa reaksyon ni Izzie, something's off." I heard Steffie scoffed. “Nagtampo ‘yon panigurado. Ikaw ba naman sabihan ng sariling mong tatay na tawagin siyang Tito, ewan ko na lang talaga." Natawa si Steffie sa sinabi. “Hindi rin naman kasi alam ni Cade ang totoo. Kaya nga mabuti pang magkausp na sila ni Keira.” "Diego, Izzie looks like him. May hawig sila lalo na sa mga mata. I bet if he feels something with her earlier." Ngumuso ako. “Izzie looks sad earlier. I need to talk to her first. Kailangan kong malaman kung anong nararamdaman niya ngayon saka ko kakausapin si Cade." Tumango si Diego. “Tama ‘yan. Dahil habang tumatagal, mas magiging mahirap ‘yan sa’yo." Humarap ako sa dalawa. “May pamilya na kaya siya?" Wala sa sariling tanong ko. “Based what happened earlier?" Steffie raised her brows. “I bet wala pa. Saka surgeon siya. Sabi ng mga tao, ang mga taong surgeon, hirap magkaroon ng pamilya dahil career nila ang inuuna." Umikot ang mga mata ko. “He's a Del Fuego. Baka meron na ‘yon." “Ayan ka na naman sa mga what-if’s mo!" Bulyaw ni Diego sa akin. Napalabi ako. “I mean, he looks happy and steady earlier. Baka meron nga…” "Happy nga lalo na noong nakatingin lang sa’yo hanggang sa matapos ang shoot mo,” bira ni Steffie. Inirapan ko lang siya. Natawa silang dalawa na halos kinamula na ng pisngi ko. "Yep! Kung wala siyang asawa, baka hinihintay ka niya. Iyong tingin kanina, e. Mukhang matagal ng naghihintay.” Hinampas ko si Diego sa braso siya. Tumawa lang siya lalo. I could feel my cheeks burned. "Halika ka na nga!” Tumayo na ako at inalayasan silang dalawa. Izzie didn't want to come with me. Halata na ang pagod niya sa mukha kaya hindi ko na pinilit pa. Pinauna ko sila ni Yaya Mercy sa penthouse namin habang diretso naman kami sa isang restaurant. When we get there, Cade was the one who made a reservation for us. Sa S.B Restaurant kami at si Chef Blake Ivan Herrera pa talaga ang nag-assist sa amin. He’s the owner of this famous restaurant. Tahimik lang ako hanggang sa makarating ang appetizer namin. Si Elle ang nagbubukas ng topic namin while Cade was busy eating. Kung minsan nagtatanong siya sa akin pero pansin ko rin ang palaging pagtingin niya sa akin. “I’m not closing my door, Mr. Del Fuego," sagot ko sa kanya nang buksa niya ang kagustuhan na mag-collab ang products namin. He smiled. "Cade na lang.” I nodded. "We’ll be waiting for you. It’s really good to have you in my company.” "Thank you.” Dumating ang fifth course namin na maayos naman ang usapan. "So, you're here for good?” Cade asked again. Tumingin ako sa kanya. "Yes. And I’ve been planning to bring my company here kaya doon muna ako magfo-focus ngayon at sa mga magiging projects ko sa Florence. After that, we can talk about the collaboration.” "That's great. And thank you.” "Maganda rin na rito mo mapalaki si Izzie. Para naman makasama ko rin siya. I really find your daughter cute, Keira.” Elle giggled. Napangiti ako. "She really likes you a lot, Elle.” "Of course, I am her best Tita kaya!” Natawa na ako habang pinagpapatuloy ang pagkain. Elle was one who always brightened up my mood before. Ganoon pa rin pala hanggang ngayon. "You have a lot of upcoming shoots and you’ll be joining the runaway for this year gala kaya okay lang kung dalhin mo si Izzie sa mga shoots mo. Lalo na kung sa kompanya. She can stay in the playroom,” Ani Cade. "Can I ask why you have a playroom at Florence?” Tanong ni Diego sa tabi ko. Tumingin sa kanya si Cade. Diego cleared his throat. "I’m just curious, that's all,” dugtong niya. Cade shifted his weight. “I have a lot of cousins and most of them are model or already married to one. Talagang nagpagawa ako ng playroom sa Florence para sa mga pamangkin ko.” Paliwanag ni Cade. I stared at him. "Dinadala mo rin ba ang anak mo roon?” Tanong ko. Nakita ko si Elle na nagulat sa tanong ko. I felt Diego’s hand squeeze my arms under the table pero ang tingin ko’y na kay Cade lang na nakatitig na rin sa akin. And I could feel he didn't expect me to asked him that. Elle scoffed. “Keira, Kuya Cade d—" “Dinadala ko roon minsan si Ali," sagot niya. Napalunok ako. I sighed and shifted my weight. I want an answer. “Allison? The one who you mention earlier." Tumango siya. "Yes.” “Is Ali your daughter?" Tanong ko ulit. "You can say that,” sagot niya ulit. Parang nagbara ang kinakain ko sa lalamunan ko. I composed myself and acted like nothing. Nguniti ako sa kanya pagkuwan. "Oh… so, you have a family?" Para ako bobo na nagtanong ulit kahit na obvious naman sa sagot niya. I could feel my heart stopped at ramdam ko ang kirot doon. Anyway, ini-expect ko naman talaga na pamilya na siya. Nakatitig lang din sa akin at parang binabasa ako pero hindi ako nagpakita ng kahit anong emosyon sa kanya. “Kuya…” Elle said. Ngumiti ako sa kanya. "A-ahm…" napalunok siya at parang hindi alam ang isasagot sa akin. Binawi ko ang tingin sa kanya at pinagpatuloy ang pagkain kahit na wala na akong gana. I feel like I’m gonna cry right now at hindi ko alam bakit ako nagkakaganito. Maybe, because of Izzie. She gonna hurt if she knew about this. His phone ring. Agad niyang sinagot ‘yon. “Yes?" Rinig ko sabi niya. Nakatingin lang ako sa pagkain ko. I don't want to look at him because I might breakdon but I know he's still staring at me. “Is she okay? Okay, just don't panic! Papunta na ako riyan!" Halata ang takot sa boses niya. Doon ako nagtaas ng tingin sa kanya. He still looking at me and I saw his bloodshot eyes. "What happened?” Elle asked when he hang up the phone. "Ali… she was rush in the hospital. She passed out again!" Nakita ko ang panlalaki ng mga ni Elle. Nalito naman ako sa kanila. They seemed so scared. “Call Brentt! Ang chopper!” "Already did! Let's go now!” Cade turned his head to me. He was scared at ramdam ko ang lungkot doon. “I’m sorry, Keira. It's Ali… babawi ako sa susunod.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD