Sabrina's POV KAYA PALA parang di sure si Gabin kung Mommy niya nga ba o hindi ang nasa ibaba dahil si Tita Clarice ang kasama ng Daddy niya. Ang biological mother niya. Mabilis itong napatayo ng makita silang pababa ng hagdan at sinalubong ng yakap. Gumanti rin siya ng yakap dito. Matagal naman na niyang natanggap na ito ang tunay niyang ina. Base na rin sa kwento ni Mickey, sapilitan daw siyang kinuha ng Lolo Damian niya dito. Siya ang nakuha dahil siya ang hawak noon ni Tita Clarice. Hindi raw alam ng Lolo niya na kambal sila ni Mickey. Nagdamdam siya sa Lolo niya. Lalo na nang malaman kung ano-ano ang mga kinailangan ni Tita Clarice para lang mahanap siya. Napabayaan nito si Mickey. Siya ang nawala pero parang si Mickey ang nawalan. Nawalan si Mickey ng kapatid at Ina. "S-Si Mick

