Sabrina's POV AKALA niya okay na sila ni Gab pagkatapos nang namagitan sa kanila pero balik na naman uli ito sa dati. Kibuin dili siya. Doon na sila natutulog ni Leticia sa masters bedroom pero hindi na uli siya hinawakan ni Gab. Minsan gabing-gabi na ito umuuwi at napaka-aga kung umalis kapag naman nasa bahay ito laging kasama ang mga anak nila. Parang gusto niya tuloy mainggit sa mga anak. Katulad na lang ngayon nasa kusina ang mag-aama niya habang tinutulungan si Gab na magluto ng pananghalian nila. Samantalang siya nandito sa sala at nanonood ng talk show sa korean channel kahit di naman niya maintindihan ang mga sinasabi. Hindi niya rin binabasa ang subtitle basta nakatunganga lang siya sa T.V. gusto niya sanang makisali sa mag-aama kaya lang out of place naman siya. Naiinis na

