CHAPTER TWO
NABIGLA ako ng may sumigaw sa labas ng condo kaya dali-dali ko namang binuksan at nakita si Levi na lasing. Hindi s'ya nagpahawak sa'kin ng kamay upang alalayan ito, nilock ko ang pinto at nakita s'yang nakahiga sa sahig. Hinawakan ko ang kamay nito upang dalhin s'ya sa kwarto.
Nang marating namin ang kwarto ay pinahiga ko s'ya sa malambot na kama bago lumabas upang kumuha ng maligamgam na tubig at bimpo.
“Bakit kaba kasi nagpapaka lasing ha? Alam mo namang masama iyon e.” usal ko at sinimulan s'yang punasan.
Nagtaka ako kong bakit wala itong damit, ngayon ko lang din napansin ito. Hinubad niya ba o baka may katalik s'ya tapos nabilin sa bar? Ahh never mind basta ang importante ay umuwi s'yang ligtas.
“Sana magbago kana alang-alang sa pagsasama natin.” bulong ko.
Niligpit ko lahat iyon at natulog katabi niya, nilagyan ko s'ya ng kumot bago niyakap ng mahigpit. Alam kong ayaw niyang ginaganito ko s'ya pero ngayon lang ito, lasing naman s'ya.
Aakma ko na sanang ipikit ang mga mata ko ng maalala si Shiana ang ex-girlfriend nito na sobra niyang minahal.
Shiana is a rich girl and beautiful kaya nagustuhan ni Levi. Bukod sa matalino ito ay may angking din s'yang kasuplada, akalain mo iyon nag-away kami dahil lang sa kumakalat noon na issue about sa scandal na meron ako pero nalinis iyon kasi hindi naman ako ang babaeng may katalik ng lalaki. Hindi ko batid na ganun pala ugali niya, sobrang bait sa mga mata ng ibang tao pero demonyo din pala.
Pero bakit nasaan naba talaga si Shiana? Bakit hindi s'ya nagpapakita kay Levi simula nong maghiwalay sila? May bago naba iyon? Argh ano bang overthink ito, kailangan ko na talagang matulog para bukas.
Btw, I'm Lyka Cyzelle Sandoval a 3rd year college in Ust or Unibersidad ng Santo Tomas. Private ito sa manila, maraming chupapi and you know sikat. Bihira lang makapasok rito ang mahihirap kasi sabi ng iba mga pang mayaman lang talaga ang puwede rito. Ngunit ako? Nakapasok kahit mahirap ang buhay.
—
Napabalikwas ako ng bagon dahil sa araw na tumama sa mukha ko, bumangon ako at tiningnan sa gilid si Levi na mahimbing pang natutulog.
“Good morning mahal ko.”
Nagtungo ako sa lababo at naghilamos bago nagluto ng miryenda naming dalawa. Napapaisip tuloy ako na baka bumalik si Shiana at guluhin niya kaming dalawa, ano kaya ang magagawa ko. Mag eeskandalo ba dahil lang kay Levi? Hmm!
Tumingin ako sa kalendaryo at nakita ang petsa ngayon, May 10, miryerkules. Ngumiti ako dahil dalawang buwan na lang ay balik eskuwela na, nakakamiss talaga pumasok lalo na noong inaabangan ko ang basketball rehearsal sa court nandoon kasi ang crush kong si Vyndelle Aciene Villanueva. Ang ultimate campus crush ng buong Ust, gosh gwapo talaga non hindi ko maipaliwanag.
“Gusto mo makipag hiwalay sa'kin hindi ba?” biglang tanong sa likod ko.
Tumingin ako, “A-ah wala iyon! Nagbago na isip ko.” saad ko.
“Are you sure?” aniya habang nakataas ang kabilang kilay at nag cross arm pang nakasandal sa haligi, “Or maybe you just really want my money?”
Nagulat ako sa sinabi niya, ako? Pera lang ang habol sa kaniya? Porket ba mayaman ka ganito na talaga ang pinamumukha sa'kin?
“H-hindi sa ganun, may pera naman ako. Saka hindi ko iyon magagawa no!” malumanay na turan ko.
Ngumisi itong pumunta sa kinaroroonan ko, lumakas bigla ang kabog ng dibdib ko sa baka kong anong gawin niya sa'kin. Sasaktan ba niya ako?
“Napaka mukhang pera mo, alam mo ba ha! Salot ka sa buhay ko. Sana hindi na lang kita nakilala at sana namatay kana!!” sigaw nito sa'kin na nagpatulo ng luha ko.
“At itong tatandaan mo! Kahit kailan hindi kita mamahalin kahit magmakaawa ka.” aniya at lumabas ng condo.
Napaupo ako sa sahig habang hawak-hawak ang aking dibdib, hindi ko akalain na sabihin niya iyon sa'kin. Ganito naba ako ka walang kwentang asawa niya? Mabait naman ako ah, ginawa ko naman lahat pero bakit ito ang nadanas ko?
—
Nag-luluto ako rito sa kusina habang isip-isip ang sinabi sa'kin ni Levi. Masakit pero kailangan kong tanggapin na hindi niya ako mahal at mas lalong hindi kilalanin bilang asawa.
“Kailan mo ba ako balak mahalin? Kapag nawala na'ko sa mundo?” tanong ko sa sarili.
“Oo, mawala ka sa buong buhay ko. So! Ano pang ine-expect mo? Mahalin kita ng todo? Ibuhos lahat ng oras at atensiyon ko sa‘yo? Nagkakamali ka sa inaakala mo Lyka.” isang litanya ang narinig ko sa aking likod.
Bumaling ang tingin ko sa kaniya, “Kong ganun lang pala ang relas'yon na meron tayo ay dapat hindi mo na'ko pinakasalan pa. Pareho lang kayo ng nanay m--” hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng sinampal niya ako na nagpahapdi sa aking pisngi.
“Don't involve mama in this. S'ya ang dahilan kong bakit kita pinakasalan kahit labag sa loob ko. How dare you to say that to me huh?! Nasa kamay kita lyka kaya huwag na huwag mo'kong subukan.” duro nito at pumasok sa kwarto.
Napaiyak ako, wala akong magawa kundi ang tanggapin na lang na hindi niya ako mahal.
Lumabas ako ng condo at nagtungo sa kalapit na coffee shop sa kabilang highway. Pumasok agad at nagtungo sa counter.
“Isang cappuccino.” wika ko saka nag-abot ng bayad bago pumunta sa pinakadulo ng upuan.
“Here ma'am.” sabi ng waitress at nilapag ang inorder ko.
Habang iniinom ko iyon ay iniinda ko din ang sinabi sa'kin ni Levi, Hindi ko maintindihan na ganun pala ako sa kaniya. Well, kung hiniwalayan ko s'ya noon siguro hindi magiging kalbaryo ang buhay na pinagdaanan ko sa kaniya, kasalanan ko din naman. Napakamartyr ko masyado sa taong walang pakialam sa'kin. Paano nalang kapag ka bumalik ang Shiana na minahal niya? Paano na lamang ako? Magiging tanga ulit sa kaniya para pagkawaan at mamahalin ng lubusan kahit na labag sa loob niya.
Pagkatapos kong uminom ay bumalik na'ko sa condo at naglinis upang pag-uwi niya hindi ako ma sermonan ng napakasakit na salita.