bc

HE HURTS ME A LOT

book_age12+
26
FOLLOW
1K
READ
another world
cheating
like
intro-logo
Blurb

PROLOGUE

“Levi, kumain kana huwag mo na iyong alak.” malumanay na sabi ko sa aking asawa.

Tumingin ito sa akin at tumayo papunta sa direks'yon na kong saan ako ngayon.

“Ano bang pakialam mo? Huwag mo'kong turuan ok? Gusto mo kainin mo na iyang niluto mo.” sabi nito at hinawakan ang kamay ko.

Unti-unting nang-gigilid ang mga luha ko dahil sa sobra niyang pagkapit. Tila namamanhid na ang kamay ko dahil sa singsing nitong suot.

“A-aray, m-masakit Levi. Please b-bitiwan mo'ko.” pilit ko.

Hindi siya nakinig sa akin ng dinala niya ako sa kama at doon na naman binugbog hanggang sa umiyak na ako.

“Wala kang kwentang asawa.” nguso nito at bumalik sa ginagawa niya.

Napaupo ako bigla sa sahig dahil sa hapdi ng pag-suntok nito sa mukha ko at tiyan. Napapaisip ako na baka lumala pa ang pagsasama naming dalawa dahil lang sa bisyo niya.

Nagising ako dahil sa may humagis ng tubig sa mukha ko kaya dali-dali naman akong bumangon para tignan kong sino.

Pagpunas ko ng mukha, bumungad agad ang ngiti ni Levi sa akin.

“Ano hindi ka magluluto? Tutulog kalang d'yan?” tanong nito.

Tumayo ako at pumunta sa kusina upang mag-hain ng makakain niya. Para akong yaya dito at hindi asawa. Ginagawang parausahan, total hindi naman niya ako pinagmamalaki bilang asawa, sino ba naman ako diba?

Ilang minuto na ay natapos na ako at nilagay iyon sa plato bago binigay sa kaniya.

“M-may sasabihin ako.” kabado kong sabi.

Tumango s'ya at kumain.

“Huwag ka sanang magalit ah, ano kasi puwede bang m-maghiwalay na tayo? Pagod na ako e.” diretso kong sabi habang s'ya ay nagulat.

Tumingin itong may galit, “Hiwalay? Gusto mo bang mamatay ka? Mag desisyon ka sa buhay mo Lyka ayoko ng gan'yan.” lamig nitong sabi.

“Ayoko na kasi Levi, maawa ka naman sa'kin kahit ngayon lang.” iyak ko habang tinitigan s'ya.

Nabigla ako ng itapon niya sa sahig ang pinggan na may lamang kanin at hinawakan ako sa leeg.

“Tigilan mo ang kahibangan mo Lyka, hindi mo alam ang ugali ko.” sigaw niya sa mukha ko at ako naman ay naghahabol hininga.

“Lev--” usal ko ng sinuntok niya ang tiyan ko hudyat na ako ay mapaupo sa sahig.

“Kapag sinabi mo pa sa'kin iyong makikipag hiwalay ka, hindi lang iyan ang aabutin mo.” aniya at bumalik sa sala.

Umiyak akong pinagmamasdan ang maamo kong mukha sa salamin habang hawak hawak ito.

“Bakit kaba gan'yan Levi? Hindi na ikaw iyong kilala kong Levi.” bulong ko at humagulgol ng iyak dahil sa sakit.

chap-preview
Free preview
HE HURTS ME A LOT
CHAPTER ONE — LYKA'S POV NATULOG ako ng may sakit na nararamdaman, hindi lang kasi iyon ang unang beses akong sinaktan ngunit madami na hindi ko mabilang sa daliri ang nadanas ko sa sarili niyang kamay. Ni minsan wala akong laban sa kaniya kasi mahal ko s'ya. “Gising na! Ano tutulog kalang diyan ha?! Tangina ipagluto mo'ko ng makakain.” isang sigaw agad ang bumungad sa'kin. “Sandali lang!” tanging sambit ko at bumangon na. Nakita ko naman s'yang iba kong tumitig tila daig pa iyong bastos sa kanto. Nanlilisik ang mga mata nito habang sinusundan ang kinikilos ko. “Bilisan mo naman, napakabagal e.” aniya muli. Hindi ko s'ya pinansin at nauna ng pumunta sa kusina upang ipagluto muli s'ya. Sobrang nakakapagod ang ganitong sitwas'yon. Pilit ko mang kayanin ay wala akong magawa, pilit ko ngang iwan s'ya ay hindi niya ako pinapakawalan. Parang gusto niya yata akong mamatay na lang ng tuluyan. Ayoko ng pagsasama na toxic. Naramdaman ko naman s'yang umupo sa hapag-kainan. At alam kong nakatingin s'ya sa'kin, natatakot ako! sobra. “Ilang years kapa matatapos d'yan?”malamig na tanong ang binigay niya sa'kin. Tumingin ako sa kaniya habang nanginginig ang katawan dahil sa takot na gagawin nito sa'kin. “A-ah malapit na m-matapos, maghintay ka muna kahit ilang minuto lang.” wika ko at binaling ang tingin sa niluluto kong tocino. “Prito lang iyan diba? Bakit pa matagal? Ginagago mo ba ako?” Hindi ako umimik at pinagpatuloy ang ginagawa. Kahit anong salita ko nanlalaban s'ya, napaka pilosopo niya pagdating sa'kin e. 2 minutes na ang nakalipas ay natapos ko ng iluto lahat, nilagay ko iyon sa mesa bago kumuha ng kutsara at pinggan para sa kaniya. Pinunasan ko narin ang pawis sa mukha ko dahil natutulo ito. “Akala ko bukas kapa matatapos.” aniya at sumandok ng kanin at ulam. “Kakainin din ba ako Levi? Nagugutom din ako e.” Tumingin ito sa'kin na para bang papatayin na'ko. Napalunok ako ng makita ang kamao niya na unti-unting nakakuyom. “Pasensya na, doon lang ako sa sala.” yuko kong sabi at naglakad na. Umupo ako sa sofa at hinawakan ang kamay ko na sumasakit dahil sa hindi ako kumain buong araw. Wala akong magawa e kundi ang iganito niya ako palagi. Kahit magsumbong man ako kina mama at papa ay hindi naniniwala kasi mabait daw talaga si Levi at malaki ang respeto nila sa kaniya. Kaya hanggang may buhay pa ako titiisin ko lahat ng pang aabuso sa'kin at kong ano-ano pang sakit na nabibigay niya ay tatanggapin ko na lang. Naglakad ako patungong kusina upang tignan kong meron pabang pagkain ngunit nadatnan ko na lang roon ang wala ng lamang pinggan. Napaiyak ako bigla. “Bakit ka umiiyak?” biglang tanong niya. Pinahid ko lahat ng luha na lumabas sa mga mata ko bago s'ya tiningnan. “Wala.” “Gutom ka? Kumain ka. Nandoon lahat ng ulam na natira sa ref saka iyong mga hugasin alam muna kong anong gagawin mo diba?” aniya. Tumango ako bilang pag-sang ayon. Umalis ito sa harapan ko bago sinarado ang pinto ng condo na tinitirhan naming dalawa. Kinuha ko ang ulam sa ref at sumandok na rin ng kanin upang makakain na'ko at matulog ng mahimbing. “Mamahalin mo pa kaya ako?” bulong ko sa hangin at tinapos ang pagkain. Nabigla ako ng tumawag sa akin ang pinagkakatiwalaan kong kaibigan na si Janice. Sinagot ko naman agad,“Hello? Bakit ka napatawag?” tanong ko. “Nangangamusta lang naman ako. Saka, inaalagaan kaba ni Levi diyan? Hindi kaba niya sinasaktan?” sunod-sunod na tanong niya. Huminga ako ng malalim.“Hindi naman, napakabait niya nga e.” walang emosyon na sabi ko. “Tse! Baka minamaltrato ka niyan ha? Ako talaga sasapak sa lalaking iyan.” tawa niya kaya napatawa nalang din ako. “Wala naman. Oh s'ya nga pala mamaya na muna maglilinis pa ako ng bahay.” Turan ko. “Sige! Ingat ha?” aniya at pinatay ang tawag. Napalunok ako ng laway sa sinabi ni Janice. Alam na alam niya kasi ang ugali ng Crenson at kung ano ba talaga ang pagkakakilanlan sa kanila. Lalo na si Levi na isang sikat na Ceo sa pilipinas ngunit sa ganun s'ya kasikat hindi ko akalain na iyong ugali niya mas masahol pa sa demonyo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
177.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.9K
bc

His Obsession

read
104.6K
bc

The naive Secretary

read
69.9K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook