Ang lalaking nag-ngangalang Rivor Zion ay isang architect sa De La Salle University. S'ya ay sikat at pinagkakaguluhan ng mga kababaihan dahil sa taglay nitong gwapong mukha at matipunong katawan. Wala pang babae ang naka-bighani sa kaniya dahil lahat ng nagpapansin na nga babae ay binabalewala niya. Ngunit sa pagkakataong pinakasalan s'ya sa babaeng bulag nagbago ang buhay nito. Tunghayan ang story ng isang Architect at babaeng bulag.
PROLOGUE
“Levi, kumain kana huwag mo na iyong alak.” malumanay na sabi ko sa aking asawa.
Tumingin ito sa akin at tumayo papunta sa direks'yon na kong saan ako ngayon.
“Ano bang pakialam mo? Huwag mo'kong turuan ok? Gusto mo kainin mo na iyang niluto mo.” sabi nito at hinawakan ang kamay ko.
Unti-unting nang-gigilid ang mga luha ko dahil sa sobra niyang pagkapit. Tila namamanhid na ang kamay ko dahil sa singsing nitong suot.
“A-aray, m-masakit Levi. Please b-bitiwan mo'ko.” pilit ko.
Hindi siya nakinig sa akin ng dinala niya ako sa kama at doon na naman binugbog hanggang sa umiyak na ako.
“Wala kang kwentang asawa.” nguso nito at bumalik sa ginagawa niya.
Napaupo ako bigla sa sahig dahil sa hapdi ng pag-suntok nito sa mukha ko at tiyan. Napapaisip ako na baka lumala pa ang pagsasama naming dalawa dahil lang sa bisyo niya.
—
Nagising ako dahil sa may humagis ng tubig sa mukha ko kaya dali-dali naman akong bumangon para tignan kong sino.
Pagpunas ko ng mukha, bumungad agad ang ngiti ni Levi sa akin.
“Ano hindi ka magluluto? Tutulog kalang d'yan?” tanong nito.
Tumayo ako at pumunta sa kusina upang mag-hain ng makakain niya. Para akong yaya dito at hindi asawa. Ginagawang parausahan, total hindi naman niya ako pinagmamalaki bilang asawa, sino ba naman ako diba?
Ilang minuto na ay natapos na ako at nilagay iyon sa plato bago binigay sa kaniya.
“M-may sasabihin ako.” kabado kong sabi.
Tumango s'ya at kumain.
“Huwag ka sanang magalit ah, ano kasi puwede bang m-maghiwalay na tayo? Pagod na ako e.” diretso kong sabi habang s'ya ay nagulat.
Tumingin itong may galit, “Hiwalay? Gusto mo bang mamatay ka? Mag desisyon ka sa buhay mo Lyka ayoko ng gan'yan.” lamig nitong sabi.
“Ayoko na kasi Levi, maawa ka naman sa'kin kahit ngayon lang.” iyak ko habang tinitigan s'ya.
Nabigla ako ng itapon niya sa sahig ang pinggan na may lamang kanin at hinawakan ako sa leeg.
“Tigilan mo ang kahibangan mo Lyka, hindi mo alam ang ugali ko.” sigaw niya sa mukha ko at ako naman ay naghahabol hininga.
“Lev--” usal ko ng sinuntok niya ang tiyan ko hudyat na ako ay mapaupo sa sahig.
“Kapag sinabi mo pa sa'kin iyong makikipag hiwalay ka, hindi lang iyan ang aabutin mo.” aniya at bumalik sa sala.
Umiyak akong pinagmamasdan ang maamo kong mukha sa salamin habang hawak hawak ito.
“Bakit kaba gan'yan Levi? Hindi na ikaw iyong kilala kong Levi.” bulong ko at humagulgol ng iyak dahil sa sakit.