Warning: There are certain parts and words that are sensitive and may not be suitable for a very young readers. Read at your own risk.
Dumating ang araw ng Sunday...Nagising si Iya sa banayad na haplos at dampi ng mga labi ni Neil. Sa bawat nagdaang gabi, ay iba-iba ang level ng init sa magdamag na magkasama sila...at kagabi na yata ang pinaka-intense at wild!
"Hmm" mahinang ungol ni Iya sa paghalik ni Neil.
"We need to pack our things na, kaya kahit ayoko pa sana, kailangan na natin bumangon.." malambing na bulong ni Neil kay Iya habang tila nagsisimula na naman mag-init ang kanilang katawan.
Nagmulat ng mata si Iya at sa pagkakataon na iyon ay nakaibabaw na sa kanya si Neil.
"How I love this man" bulong ng puso niya habang tinititigan si Neil.
"Akala ko ba kailangan na natin gumayak? Ano yang ginagawa mo?" kunwari'y inosenteng tanong ni Iya kay Neil na busy na sa paghaplos sa kanyang mga dibdib at paghalik sa kanyang leeg.
"First things first.." seductive na bulong nito bago sinakop ng kanyang labi ang isang dibdib niya.
Napaliyad naman si Iya sa sarap ng sensasyon na dulot non.
At tuluyan na naman silang nagbiyahe patungo sa kabilang mundo ng kaligayan.
Pabalik ng Maynila, dala nila ang ligayang hatid ng ilang araw na magkapiling.
Si Iya sa kabila ng abot-langit na saya ay kinakabahan sa sikreto niya na ilang oras na lang ay kanyang isisiwalat kay Neil. Natatakot siya sa magiging reaksiyon nito ngunit somehow, gumaan ang loob niya na sa wakas ay matutuldukan na ang ilang taon niyang agam-agam at finally makikita na ni NJ ang kanyang daddy Neil hindi na sa mga litrato lang kundi sa personal..
Sa kabila ng determinasyon ni Neil na ipaglaban ang relasyon nila ni Iya, hindi mawala ang takot sa consequences na kanyang gagawin. Magiging home-wrecker ba siya? At paano kung hindi naman pala siya ang piliin ni Iya?
Sa gitna ng kanilang unspoken worries, walang nagbago sa sweetness nila simula ng unang araw ng sila ay muling nagtagpo...
Huminto ang sasakyan ni Neil sa harapan ng bahay nila Iya at ilang minuto muna sila parehong walang imik.
Hindi naman naitago ni Neil ang pagbuntong-hininga nito sa pinagsamang kaba at excitement sa sinasabing desisyon ni Iya. Sana tama ang mga hint na nakikita niya mula kay Iya...
"Tara sa loob.." hindi inaasahan ni Neil na invite ni Iya.
"Teka, sigurado ka na ok lang na pumasok ako sa loob ng bahay?Paano si Jimuel..at ang anak mo, baka kailanganin niya ng enough time para sa mga bagay na gagawin natin" hesitant na sabi ni Neil.
"Just trust me, and promise me na anuman ang malaman mo today, sana makuha mo akong mapatawad.." explain ni Iya.
Naguluhan man si Neil sa sinaad ni Iya, parang wala sa sarili na nagpatianod siya na pumasok sa loob ng bahay.
Sa huling pakikipag-usap ni Iya sa kanyang nanay ay binigyan na niya ito ng heads-up about kay Neil. Pagbukas ni Iya ng pinto, bumungad ang kanyang nanay at tatay. Hindi naman nag-atubili si Neil na magmano sa mga ito kahit naiilang siya dahil sa nangyari sa nakaraan. Mataman naman siya tinitingnan lang ng tatay ni Iya at hindi naman mababakas dito ang anuman galit pero aloof ito sa kanya. Si aling Gina na hindi mapigil ang luha ay bigla na lamang siyang niyakap.
"Kaytagal kong hinintay ang pagkakataon na ito Neil.." Bakit ang tagal bago mo hinanap si Iya..."emosyonal na sabi nito..
"Nay..."simpleng saway ni Iya.
"Sabagay, nagtago talaga itong si Iya pano mo nga naman mahahanap agad.." bawi naman ni aling Gina.
Naguguluhan man si Neil sa mga ginagawi at sinasabi ni aling Gina, na tila hinihintay siya? Hindi niya nakalimutan humingi ng sorry sa mga ito...
"Alam ko po, madami akong atraso lalo na kay Iya, pero sana po hindi pa huli ang lahat para makahingi ng sorry.."
"Para sa apo ko, mapapatwad kita basta babawi ka sa mga panahon na nawala.."hindi inaasahang sabad ng tatay ni Iya.
Lalo ng gumulo para kay Neil ang takbo ng usapan ng bigla na lamang...
"Mommy...!" takbo ng bata kay Iya.
Sinalubong ni Iya ang bata at mahigpit na yumakap sa kanya...
Maya-maya pa ay nabaling ang tingin nito kay Neil na tila din na-shocked pagkakita sa bata.
Hindi maintindihan ni Neil ang kanyang biglang naramdaman pagkakita sa mukha ng bata...Hindi maikakaila ang kanilang splitting image..Tila nakita niya ang batang version ng kanyang sarili..at nakaramdam siya ng kabog ng dibdib.
"Daddy?!" You are finally home....! masayang sabi ng bata sabay yakap sa kanya...
"Neil, si NJ nga pala...anak natin.." singit ni Iya.
"Dahil yumakap ang bata kay Neil automatic din siya na napayuko dito at niyakap ang bata...Hindi niya namalayan na may luha na tumulo sa kanyang mga mata.
Naunang kumalas ang batang si NJ sa pagakakayap nila..
"Why are you crying daddy?"tanong nito sabay punas ng luha sa pisngi ni Neil.
Hinalikan naman ito ni Neil at kinarga..
"I'm just so happy to see you.." sabi ni Neil na nakangiti pero tumutulo ang mga luha.
"Are you going back to abroad? I wish, you will stay with me..and play with me.." malambing na sabi ni NJ.
"From now on, daddy will always here with you and we will play anytime you want!"
"Yey....!" sigaw ni NJ sabay taas ng mga kamay na tila nagchi-cheer.
Gustuhin man ni Iya na kausapin si Neil at ipaliwanag ang lahat, hindi niya muna ito magawa dahil si NJ ay hindi na umalis sa tabi ng kaniyang daddy Neil.
Pinagbigyan lahat ni Neil ang lahat ng laro na hiling ng kanilang NJ hanggang sa mapagod ito at makatulog.
Binuhat ni Neil si NJ sa kwarto at matamang pinapanood ang anak na mahimbing ng natutulog. Nakasunod si Iya sa kanya at pabulong na niyaya siya sa labas. Humalik muna si Neil sa anak at sumunod kay Iya.
Binigyan sila ng privacy makapag-usap na mabuti kaya sila lamang ang nasa sala.
"Iya, sana kahit gaano kalaki ang naging kasalanan ko sayo noon, nagawa mo sanang ipaalam ang sitwasyon mo.." Hindi ko alam kung mapapatawad ko ang sarili ko, katagal na panahon ang nawala na dapat andito lang ako sa tabi mo, lalo na sa anak natin.." umpisa ni Neil
"Natakot ako Neil noon, matapos kong makita ang mga pictures niyo ni Beatrice at ng maabutan ko pa kayo sa bahay niyo.." naluluhang explanation ni Iya.
Agad naman niyakap ni Neil si Iya ng makita nito ang nagbabantang luha sa mga mata nito.
"I'm so sorry...hindi yata matatapos ang sorry ko sayo..can I have second chance para makabawi sa lahat ng pagkukulang ko?" bulong ni Neil
"Pano nga pala si Jimuel?"bigla nitong naalala
"Never naman naging kami ni Jimuel...at wala akong naging ibang karelasyon bukod sayo.." maikling sagot ni Iya.
"All these time na magkasama tayo hindi mo talaga sa akin sinabi yan.." sabay pindot ni Neil sa ilong ni Iya.
"Paano, iniisip mo pala na unfaithful wife at mother ako..?parusa mo yan" pang-aasar ni Iya.
"Kung alam mo lang ang mga plano ko, maitakas lang kita kay Jimuel..."
"Teka, ikaw, binata ka pa ba? Ilang araw tayong magkasama hindi ko naitanong yun, or baka may karelasyon kA?"biglang naalala itanong ni Iya.
"So unfaithful din ako..?" balik tanong ni Neil.
"Sagutin mo na lang kasi yung tanong ko.." giit ni Iya habang nagpupumiglas sa pagkakayakap sa kanya ni Neil.
"Sayong-sayo lang ako, my sweetlove" nakangiti na sabi ni Neil sabay halik sa labi ni Iya.
"Ano ka ba, andito lang sila nanay at tatay.."iwas ni Iya.
"Mahihiya ka pa ba naman eh nakabuo na nga tayo ng NJ.." teka, NJ stand for? tama ba naiisip ko.."tanong ni Neil.
"Ano pa nga ba sa tingin mo?ehdi NamJoo.."biro ni Iya.
"Ano?" Isinunod mo ang pangalan ng anak natin sa korean oppa mo?"tila shocked na tanong ni Neil.
Hindi naman maiwasan ni Iya na mapahalakhak dahil sa nakita niyang reaksiyon ni Neil kaya hindi niya ito masagot.
"Hindi nga? seryoso?pumayag si tita Gina at si Alex?" seryoso na tanong ni Neil.
"Ano kaba, siyempre Neil James yun, si nanay ang nagpangalan sa kanya..at alam mo ba bakit ka kilala ni NJ?" tanong ni Iya.
"Magpasalamat ka kay nanay, dahil simula baby pa si NJ lagi niya ipinapakita ang picture mo.." explain ni Iya
"Naalala ko tuloy, ng pumunta ako sa bahay niyo sa Sta Elena at ng makita ako ni Nica...sabi niya ay kamukhang-kamukha ni Nj..tsaka diyan sa tindahan si manang nakatingin sa akin nung bumili ako...sabi niya nga kamukha ko daw si NJ..wala sa loob ko noon yung mga yun kasi pre-occupied ang isip ko..akala ko talaga may pamilya ka na.." mahabang kwento ni Neil.
Hindi namalayan ni Neil at Iya ang pagtawag sa kanila ng kanyang nanay Gina. Nakatayo sila na magkayakap habang nagkuwentuhan..
"Ahem....! malakas na sabi ng kanyang nanay.
"Kumain na muna kayo..hindi pa kayo nakakain kanina dahil sa nangyari, sigurado akong nagutom kayo sa biyahe.." sabi nito
Si Iya na biglang kumalas sa pagkakayakap kay Neil ang sumagot...
"Nay, kanina ka pa diyan?"tanong nito
"Nahiya ka pa ba naman na abutan ko kayo na ganyan ni Neil eh nakabuo na nga kayo ng NJ ng wala akong kamalay-malay.." hugot ng kanyang nanay Gina.
"Nay naman eh.." maktol ni Iya
Sabay nagkatawanan si aling Gina at Neil.
"Ginabi ka na masyado.." sabi ni Iya ng ihatid niya si Neil sa gate.
Ng magising kasi si NJ, si daddy Neil nito ang agad na hinanap..Naglaro at bonding ang dalawa hanggang sa inabot na sila ng gabi.
"Kung hindi lang ako excited na ibalita kay mommy ang lahat ng ito, hindi pa sana ako uuwi..yun eh kung papayag si tito.." sabi ni Neil.
"So pano, pumasok ka na sa loob at gabi na masyado..may work ka pa bukas.." remind ni Neil kay Iya.
Yumakap naman muli si Iya kay Neil tsaka humalik ng mabilis sa mga labi nito.
Ngunit hinila siya ni Neil at hinalikan muli siya...tila ayaw na naman paawat ng kanilang mga labi at bago pa hindi makapagpigil si Neil ay nauna ng kumalas ito...
Patuloy silang nagsasabi ng bye sa isa't isa pero still magka-hawak pa din ang kanilang mga kamay.
"Iya, tama na yan..pauwiin mo na si Neil at baka gabihin masyado sa daan" sigaw ni aling Gina na pareho nilang ikinagulat..
"Nay talaga.."maktol na naman ni Iya.
Natawa si Neil at tuluyan ng nagpaalam ng may masarap na ngiti sa mga labi.
Kinabukasan...
Maagang gumayak si Iya pagpasok sa trabaho kahit napuyat ng nagdaang gabi dahil sa tagal ng phone call nila ni Neil.
Nakausap din nito ang mommy ni Neil at pinapaabot nito ang overdue na sorry dahil sa ginawa ni Neil at pasasalamat daw umano nito at binigyan siya ng apo..
Hindi niya nakalimutan mag good morning message kay Neil at inaasahan naman niya na wala pa itong magiging reply dahil sigurado siya na natutulog pa ito.
Maganda ang mood niya at may kakaibang glow na dumating sa office na pansin naman lahat ito ng kanyang mga officemates.
Ngunit dumating na ang lunch ay wala pa din siya nare-receive na kahit text mula kay Neil. Dahil naging busy din siya sa maghapon dahil sa ilang araw na wala siya dahil sa convention, hindi na din niya napansin ang oras.
Ginabi na siya sa office at nagdesisyong umuwi ng makaramdam siya ng gutom..alas-otso na pala ng gabi.
Tsaka niya naalala tingnan ang kanyang cellphone upang i-check kung may message sa kanya si Neil. Pero tila bigla siya nakaramdam ng stress sa pagod at sa walang paramdam na call or text buhat kay Neil.
Umaasa pa naman sana siya na susunduin siya nito at eventually kakain sa labas.
"Hmpf, may nalalaman pa siya na miss na miss na niya ako, eh ni hindi ako maitext.." maktol ni Iya habang naghihintay ng taxi.
Iritable siyang pumara ng taxi at sumakay na tila nagdadabog.
Pagdating sa harapan ng kanilang bahay, nagtataka siya kung bakit walang ilaw sa loob..
"Naputulan ba kami ng kuryente?" Imposible naman.."tanong niya sa isip niya.
"Nay...Tay?kumakatok si Iya pero tila wala doon ang kanyang nanay at tatay..
Hinanap niya ang susi sa bag niya habang tila pikang-pika sa mga nangyayari.
"Nakaka-embiyerna naman ang araw na ito.." reklamo niya habang binubuksan ang pinto.
At pagbukas niya ng pinto, sa sobrang gulat niya, naihagis niya ang hawak na susi...
Bumukas ang ilaw at nakita niya ang kanyang nanay, tatay, kuya Alex, ate Nika, tita Gina, si Nj at si Neil na sabay-sabay sumigaw ng
"Surprised"
Nasurprised talaga siya...nakita din niya ang mga handang pagkain sa mesa at mamaya pa aylumapit na si Neil sa kanya..
"Ano bang meron?" takang tanong niya
At lumuhod si Neil sa harapan niya sabay bukas ng maliit na box
"Iya...Sa unang pagkakataon na nakita kita during my Summer Vacation, alam ko na agad na yun ang magiging pinaka-masayang summer para sa akin. At hindi nga ako nagkamali..naalala ko na walang araw na hindi ako nakangiti at excited noon maisip ko lang na makakasama kita kahit sa simpleng panonood ng kdrama, basketball at paglakad ng malayo sa Santa Cruzan. Kahit medyo mga bata pa tayo noon, hindi ko nakikita ang sarili ko na hindi ikaw ang babae na aking pakakasalan at makakasama habang buhay. Madami man nangyari at lumipas man ang mahabang panahon... Thankful ako na pinagtagpo pa din tayo ng tadhana! Iya, my sweet summer love..hayaan mo sana mahalin at makasama kita all season dito man sa Pinas or ibang bansa ... Will you marry me? malambing na na tanong nito.
Nangilid na kanyang luha at hindi niya agad makuhang sumagot..
Niyakap niya si Neil ng mahigpit..
At matapos kumalas ni Neil sa pagkakayakap nila..tinanong muli siya nito..
"Marry me please Iya.." tila nagsusumamo na sabi ni Neil
Lahat sila ay hinihintay ang kanyang sagot kaya nang sabihin niya ang magic word na "Yes, I will marry you Neil" lahat sila ay nagpalakpakan.
"Akala ko, tatanggihan mo pa si Neil, napaka tagal mong sumagot Iya..ako na sana ang sasagot para sayo eh..' litanya ng kanyang nanay Gina.
"Nay naman eh..moment ko 'to.." reklamo ni Iya.. at nagkatawanan na lang silang lahat.
*****
Tatlong buwan matapos ang marriage proposal ni Neil, ginanap ang kanilang intimate at simple wedding ceremony...bago pa mahalata ang tiyan ni Iya?
Nakabuo sila ni Neil sa kanilang Tagaytay moments pero hindi naging dahilan iyon upang hindi matuloy ang kanilang out of the country honeymoon---sa South Korea.
Hindi na bumalik pa si Neil sa abroad at dahil malaki na din ang kaniyang ipon, nagpasya na lamang siya mag-negosyo sa Pilipinas. Bumili sila ng kanilang sariling bahay na malapit sa kanilang mommy Nida. Ang nanay at tatay naman ni Iya ay sa Sta. Elena na din na naninirahan ngunit madalas ding dumalaw sa kanila sa Maynila. Alam ni Iya na mas prefer ng mga magulang nito ang buhay sa probinsiya ngunit dahil sa kanya ay nasa Maynila ang mga ito. Kaya ngayon na nasa tabi na niya si Neil, binigyan niya ito ng assurance na wala na dapat pang ipag-alala sa kanya.Na-convince niya ang mga ito lalo na at magkakaroon na din ng anak ang kanyang kuya Alex.
Si Nj na kahit nalungkot sa pagkawalay sa kanyang nanay lola at tatay lolo..naging masaya na din sa piling ng kanyang mamita Nida at daddy Neil.
***************the end**************
"Hindi sukatan ang ikli o tagal ng pagkakakilala...
Upang masabi na tunay na pag-ibig ang
nadarama.
Magkawalay man ng matagal sa isa't-isa...
Gagawa ng paraan si tadhana.
Anuman ang naging pagkukulang at kasalanan..
Pagpapatawad ay magaan...
Kapag totoong nagmamahalan."
❤️,
Neil&Iya