Attraction at First Sight
Iya -POV
Summer of 2018
Happy Birthday!!!
Masayang bati ko sa aking pinsan. Debut niya at isa ako sa mga na-invite niya para sa 18 candles. Maaga pa lang, nakagayak na ako with my peach dress,light make-up and half inch sandals na feeling ko GGSS ( gandang ganda sa sarili) sigaw ng isip ko. Sa kabila ng paghahanda ko, umaasam pa din ako na mabilis lang matapos ang party. Hindi pa man nagsisimula, nakaramdam na ako ng pagkainip.
"Ang aga mo kasi gurl gumayak,excited lang?" paninisi ng isip ko
At para naman akong sira na dumipensa.."Nagugutom na kasi ako, tagal naman kasi magsimula"
Nasa kalagitnaan ako ng pagmumuni- muni ng may pamilyar na boses ang tumawag sa akin.
"Iya!" unang tawag niya sa akin, dahil hindi agad ako nakalingon ..
"Alliya Apostol!" muli niyang tawag
"Nay, kailangan buong buo ang pangalan?" reklamo ko..
"Akala ko busy ka sa pag entertain ng bisita?" Ang nanay kasi, para niyang anak ang debutante, nakaraang araw pa siya ang punong-abala sa preparasyon.
"Hindi daw makaka-attend ang partner mo, sabi ni Ate Jenny mo" may pag-aalalang inform niya sa akin.
"Ok lang yun,makikikain lang naman ....ako......"wala sa loob kong hindi matapos ang sasabihin dahil nakita ko mula sa likuran ng aking nanay ang isang lalaki na alam kong hindi taga rito sa amin or kakilala ng debutante kong pinsan.
"Si Neil, siya na lang magiging partner mo,apo siya ni lola Caring" masayang pagpapakilala ng aking nanay.Si lola Caring ay kapitbahay namin na parang kamag-anak na ang turing sa amin. Sabagay dito sa probinsiya, magkakamag-anak talaga ang turingan ng mga tao.
Bakit parang bigla akong nilagnat?nahihilo? At parang liliparin ang tiyan ko?ano itong parang bigla na lamang may sumipa sa dibdib ko at dinig na dinig ko ang mala-drum na tunog ng puso ko?"sobrang gutom ko na ba",tanong ko sa isip ko at namalayan ko na lang napahawak ako sa kinauupuan ko.
"Mabuti nagkataon ang dalaw ninyo ng mommy mo kay Lola Caring, may substitute partner ang aking dalaga"natutuwang dugtong pa ng aking nanay.Hindi ko namalayan na nagpaalam ito at masayang sinalubong ang iba pang mga bisita na dumarating.
"Oh,no! Hindi ko malaman kung paano mag start ng conversation. Nautal yata ang dila ko, at feeling ko inaapoy ako ng lagnat. Nasaan na ang Iya na magaling sa debate at active sa student government noong highschool?
"Hi!" Hindi ko inaasahan na bati niya
Simpleng ngiti naman ang iginanti ko
"Ngiting aso yan girl or ngiting nadudumi?" panunukso ng isip ko
Akma na magsasalita sana siya ngunit tumunog na ng malakas ang microphone.
"Hello,mic test?"
"Good evening everyone"
Haist, sa wakas mag-start na ang Debut Party..
Nakahinga ako ng maluwag at lahat ng atensyon namin nabaling na sa main event.
Oras na ng uwian, parang hindi ko namalayan ang mga naganap. Ang alam ko lang, yung mga moment na nagnanakaw ako ng sulyap sa biglaan partner ko.
"Kalma Iya" remind ng isip ko sa tuwing napapatagal ang mga nakaw kong sulyap.
Magkasama ang nanay at mommy ni Neil na si tita Nida na dumalo sa aming table.
"Are we going home?" tanong ni Neil sa kanyang mommy Nida
"Tita, sabay na po kayo sa amin pag-uwi". pagyaya ni Neil sa aking nanay pero may simpleng pagbaling ng mata sa akin?
"guni-guni mo lang iyon" warning ng aking isip.
Malambing ang boses ni Neil na tila musika sa aking tenga.
"Totoo pala iyon?" bulong ng isip ko sa aking sarili
"Salamat Neil anak, pero mamaya-maya pa ako, paminsan minsan lang ang ganitong celebrations na dumarating ang mga kamag-anak at malalapit na kaibigan kaya susulitin ko na at isa pa tutulong din ako sa pagliligpit. Maiwan muna kami ng mommy mo Neil, matagal tagal na din ng huli kami nakapag bonding.
Inaasahan kong sagot ng aking nanay..
Kung wala siguro si Neil, malamang matukso ko siya na siya ba ang nanay ng debutante sa sobrang pag-eestima sa mga bisita at ibapa.
Pero umurong bigla ang aking dila at bigla akong kinabahan sa posibleng suggestion ng aking nanay. At hindi nga ako nagkamali.
"Mabuti pa Neil, isabay mo na lang aking dalaga at kanina pa niyan gustong umuwi. Kung hindi lang ate Jenny na pinsan niya ang may birthday baka hindi yan mag-attend. Ewan ko ba sa anak kong iyan, active naman sa eskwelahan pero hindi sociable sa totoong buhay." Mahabang litanya ng aking nanay
"Nay, nahihiyang pagpipigil ko sa mga sinasabi niya.
"Tama,iho Neil..mauna na kayo at may part two ang party,may mini reunion pa kami mga oldies. Natatawang dagdag ng mommy ni Neil.
Parang kakilala ko na si tita Nids sa mga kwento ng aking nanay,pero hindi ko akalain na all this time ganito pala ka-gwapo ang anak nitong si Neil. humahangang bulong ng isip ko
"Shall we?" Pagyaya ni Neil sa akin
At parang tuso na nagtama ang aming paningin..Bago pa tuluyang ipahiya ang sarili ko, kumilos ako ng natural at sumang ayon na lang ako,tutal wala pang 5 minutes drive ang layo ng bahay namin..pagkakalma ko sa sarili
Ng nasa loob na kami ng kotse, at parang biglang gusto ko ng bumaba.
"College ka na pala this school year?Anong course mo? Saan University ka mag-eenroll?panimula niyang tanong sa akin.
"Dami tanong,curious din kaya siya about me"? bulong ko sa isip ko
"Asa ka Iya?" bully sa akin ng isip ko
Yes, BS Psychology sa John Wesley University..gusto ko kasi maging mind reader ..natatawang kwento ko with matching super pa- sweet voice sa mga sinasabi ko..
"You're flirting" sita ko sa sarili
Pero bigla din bawi..
"Joke,basta interested ako sa course na iyon ewan ko ba.."
"Ganyan talaga ang feeling kapag mamimili pa lang talaga ng course, parang ako,pero no regrets naman 4 years na naka-survive na ako sa Engineering." kwento niya
Pero si mommy naalala ko noon,lagi niya sinasabi na i-consider ko daw ang...
BS Education! Sabay naming sabi
Pareho kaming natawa...teacher kasi pareho ang nanay at ang mommy niya.
Nagkagulatan pa kami, ng bigla kami nag high-five. At siya naman ding bigla niyang preno na hindi ko inaasahan. Napakapit tuloy ako ng mahigpit sa kanyang kamay.
"Sorry for that, biglang may tumawid na aso"explain niya.
Napatingin ako sa kalsada at nakita ko si Happy,ang aso ng kapitbahay namin.
"Si Happy nakawala na naman, naku hindi siguro namalayan ni Onyok. Hahanapin na naman niya yan bukas". Tuloy-tuloy na kwento ko at bigla kong naalala na magkahawak pa pala ang aming mga kamay. Pasimple kong inalis ito at dahan dahang binuksan ang bintana ng kotse at tinawag si Happy.
Hindi ko sigurado yung nakita ko na mga ngiti mula sa kanya ng pasimple kong hinila ang kamay ko . Ayoko naman maging awkward ang moment kaya ..
"Baba na ako,ilang hakbang na lang naman, ayan na bahay namin oh". kunwaring pa-cool na sabi ko.
Akmang magsasalita sana siya, pero dali dali kong binuksan ang pinto ng sasakyan.
"Thank you sa paghatid ah", sabay pasimple akong kumaway
Ngumiti na naman siya..
"Nice meeting you Iya,have a goodnight..
Tumalikod na ako at mabilis na lumakad patungo ng bahay. Hindi ko pa din naririnig na umalis ang sasakyan hanggang makapasok ako ng gate.
Madilim ang buong bahay, asusual wala na naman ang kuya Alex ko. Tatlo lang kami sa bahay plus si Beauty ang aming pusa. Ang tatay naman ay nasa ibang bansa,every 2years ang uwi kaya sanay na kaming tatlo lang. Most of the time,ako lang ang nasa bahay dahil kahit summer vacation busy ang aking nanay. Madalas siya ma-invite sa mga social gatherings dito sa amin pati ang fiesta namin kasama siya sa committee. Ang kuya Alex naman kapag off sa work,busy siya sa mga barkada at girlfriends niya. Hindi ako magugulat isang araw may magsabi na buntis siya at ang kuya ang ama ng dinadala niya. Napailing ako sa isipin na yun.
Dumiretso ako ng kwarto at nagbukas ng ilaw. Bumati sa akin si Beauty na parang naistorbo ko sa pagtulog. Then tsaka ko pa lang narinig ang sasakyan ni Neil na paalis.
Nahiga ako sa aking kama at wala sa loob na niyakap ang aking unan. Pumikit ako pero tila nanunuksong mukha ni Neil ang nakikita ko.
"Teka,parang nakita ko na siya" naalala ko bigla ang katatapos ko lang panoorin na Kdrama Ang Weightlifting Fairy.
"Tama, kamukha nga niya", excited at kinikilig na sabi ko sa sarili ko.
Bumangon ako at kinuha ang cellphone, nagsearch ako sa google about sa cast ng Kdrama Weighlifting Fairy. Para akong baliw na tumatalon talon sa tuwa at tatawa tawa.
"From now on, Nam Joo Hyuk na ang alias mo sa akin Neil. Ang OPPA ng buhay ko." kinikilig ko pa din usal sa sarili ko.
"Meowwww..biglang tingin ko kay Beauty.
"Pssst, secret lang natin to ha?" bilin ko sa pusa.
Naghanda na ako para matulog,namalayan ko na lang kumakanta ako habang nagsa-shower.
?I think I'm inlove, I think I'm inlove with you...?hahaha tinamaan na yata talaga ng pana ni kupido ang puso ko.
Malalim na ang gabi, namalayan ko ang pagdating ng nanay at kuya Alex. Hindi nakaligtaan ni nanay na i-check ako sa aking kwarto pagdating niya ng bahay. Nagbukas siya ng ilaw pero nagkunwaring malalim na ang tulog ko.
"Meowwww" reklamo ni Beauty
"Ay sorry Beauty..." paumanhin ng nanay sa aming pusa.
Biling baliktad ako sa aking kama,gustuhin ko man matulog hindi ako dalawin ng antok.
Para akong kinikiliti tuwing naalala ko ang unexpected holding hands namin ni Neil. Nakakabaliw nga yata talaga ang pag-ibig. Nakangiti akong nagtakip ng unan,sabay padyak at pigil na tili.
"Meowwwww....reklamo muli ni Beauty
Neil -POV
Sisipol-sipol si Neil na pumasok ng bahay habang iniikot-ikot sa daliri ang susi ng kotse.
"Aba, may maganda yatang nagyari sa Debut party ah" bungad ni lola Caring
Nag-bless muna tsaka humalik at niyakap ng mahigpit sabay isinayaw si lola Caring.
"Aba,mukhang tama ang hinala ko", natatawang nakisayaw na din na si lola Caring
"Basta 'la,ang gaan ng pakiramdam ko..parang nawala yung pagod ng biyahe namin kanina papunta dito". saad ni Neil na hindi maitago ang sigla sa mukha.
"Nasaan ang mommy mo?Nakow, sigurado ako may bonding-bonding na naman sila ng mga teacher doon" litanya ni lola Caring
"Opo 'la,pinauna na kami umuwi at may mini reunion daw sila" saad ni Neil
" KAMI?Sinong kasama mo apo na umuwi?" takang tanong niya
"Si Iya 'la, yung anak ni tita Gina..hindi mo naman naikwento sa akin na meron ka pala kapitbahay dito na maganda" abot-tengang ngiti ni Neil
"Ay si Iya ba kamo?,hindi mo ba natatandaan na magkakalaro kayo noon nadadalaw kayo dito? Maliit pa nga kayo noon, ng magdalaga na kasi si Iya, naging mahiyain na at palaging nasa loob ng bahay. Masipag mag-aral yung batang iyon eh, kaya proud na proud naman si Gina sa anak niyang iyon" mahabang kwento ni lola Caring
"Bakit, type ba ng apo ko ang dalaga naming kapitbahay?"may panunuksong tanong niya
"Ikaw talaga 'la..basta ba ilalakad mo ako eh" nakikisakay namang biro din Neil
"Arugoy ang apo ko, baka naman isama mo lang si Iya sa mga listahan ng pinaiyak mong mga babae?Nakow,parang apo ko na din yung batang iyon, huwag mo na lang ituloy yang binabalak mo kung paiiyakin mo lang." may pagbabantang sabi niya
"Grabe ka sakin 'la, nakaka-hurt yan ah"sabay kunwaring hawak ang dibdib na sumasakit
"Ibahin mo ako pagdating kay Iya...
Ng biglang tumunog ang cellphone ni Neil
"Oh,speaking..nobya mo yata ang tumatawag..Naku Neil apo,binabalaan na kita.."hindi matapos tapos na litanya ni lola Caring
"Panik na ako sa kwarto 'la.." pag-iwas ni Neil
Kasalukuyan pa din nagri-ring ang cellphone. Tinititigan lang ito ni Neil habang nakaupo sa gilid ng kama. Si Beatrice ang caller, ang sosyal, hot at modernang babae na malapit sa kanya ng 4 na buwan na. Walang label ang kanilang relasyon at sang-ayon naman doon si Beatrice. Basta ang alam nila click sila sa isa't isa lalo na sa romansa.
Parang ume-echo pa ang mga huling sinabi sa kanya ni lola Caring tungkol kay Iya. Napailing na lang siya at naisip na baka tama ang kanyang lola.
"Hi Babe"malambing na bati nito sa kabilang linya...