Getting to know you more

2606 Words
Iya-POV Napabalikwas ng bangon si Iya.. 10:30 am na! Lumingon siya sa higaan ni Beauty ngunit wala na ito don. Agad siyang pumasok ng banyo para maghilamos,mag toothbrush at mag ayos ng sarili..Dali-dali siyang bumaba at parang excited ng di malaman ang dahilan. Nakita niya ang nakatakip na pagkain sa mesa, ang paborito niyang egg with cheese,bacon and fried rice. Kumuha siya ng plato at magsisimula ng kumain ng marinig niya ang boses ng kuya Alex niya. "Good morning, lil sis" bungad nito sa kanya. "Lil sis mo mukha mo,dalaga na kaya ako 'no" with matching belat sa kanyang kuya. "Dalaga daw oh, eh pabelat belat pa akala mo bata" dagdag tukso ng kuya niya. "Sabagay, kagabi ah ang ganda ganda naman ng 'lil sis ko,akala mo dalaga na talaga. Hiningi nga ni Jimuel yung number mo..." may pilyong ngiti at pakindat pa ang kuya Alex niya Hindi na naituloy pa ang sunod na subo ni Iyah.. "Whatttttt? At ibinigay mo naman?" Nayyyyyy! si kuya oh, ipinamimigay ako sa mga barkada niya" Sigaw ni Iya sa kanyang nanay na busy sa pagdidilig ng mga halaman habang may ka-kwentuhan. "Ano ba iyan Iya, kakabangon mo lang sigaw ka ng sigaw diyan!" di pansin ng nanay niya ang mga sinabi niya. "Matagal ka na type non ni Jimuel, nagpaalam sa akin kapag dalaga ka na daw liligawan ka niya" Eh diba sabi mo dalaga ka na?" pang- aasar pa lalo ng kuya Alex niya. "Oo dalaga na talaga ako, pero hindi siya ang type ko noh? Ang gusto ko yung kamukha ni Nam Joo Hyuk,excuse me!" pakikipagtalo pa ni Iya sa kanyang kuya "Sino naman yun?Ano nga uli pangalan?" naku-curious na tanong ng kuya Alex niya "Hindi mo kilala yun..."sabay ngiti ni Iya na akala mo nagde-day dreaming.. "Uy, may secret na ang lil sis ko, Nay si Iya may boyfriend na!" sigaw na pang-aasar ng kanyang kuya. "Ano ba kayong 2 diyan,sigaw ng sigaw.." reklamo uli ng kanilang nanay na sumisigaw din at patuloy pa din sa pakikipag-kwentuhan. "Si nanay talaga, nagagalit kasi sumisigaw daw tayo eh siya din naman wala ginawa kundi sumigaw" sabi ng kuya Alex niya Sabay tuloy silang natawa na mag-kuya. At nabaling na ang topic nila sa kanilang nanay na patuloy nilang pinag-uusapan at ginagaya ang mga gawi nito tsaka sila magtatawanan. "Tingnan mo itong mag-kuya,kanina nagbabangayan lang,ayun nagtatawanan na"wala sa loob na nasabi ng nanay sa kausap. Maya-maya tinawag ni aling Gina si Iya... Iya...! Halika nga dito kunin mo nga ito oh. "Tawag ka,sabi ng kuya Alex niya.. "Kumakain pa ako" balik sigaw ni Iya "Ako na nga lang kukuha" sambit ng kuya ni Iya Pagkalabas ni Alex, nakita niya ang kanyang nanay may kausap na binata, mas bata siguro ito sa kanya ng 2-3 na taon. May dala itong mga minatamis at chicharon na galing ng Bulacan. Ipinakilala naman ng nanay nila si Alex. "Natatandaan mo ba Alex etong si Neil kalaro mo noon mga bata pa kayo, apo siya ni lola Caring" "Tinanguan naman ni Alex si Neil dahil parang natatandaan naman niya iyon" "Bro, kumusta?parang ngayon lang uli kita nakita dumalaw dito ah".. nakangiting bati ni Alex. "Anong sinasabi mong ngayon lang?tuwing bakasyon, Pasko at birthday ni lola Caring dumadalaw sila" ikaw kasi ang laging wala ng bahay kaya hindi mo sila nakikita". mahabang litanya pa ng kanyang nanay Napakamot na lang ng ulo si Alex at pareho sila ni Neil na natawa sa sinasabi ng kanyang nanay. "Kanina ka pa dito bro? Tara pasok ka muna sa loob" pag-anyaya ni Alex "Oo, kanina pa siya dito at dinig na dinig niya yung kulitan at sigawan ninyong magkapatid" sabad na naman ng kanyang nanay. "Babalik na lang ako bro mamayang hapon, ipag-drive ko daw si mommy sa bayan mag-grocery at mukhang matagal tagal kami dito." "Sure bro, sakto nood tayo ng basketball.." dagdag ni Alex. "Sige bro mauna na ako,inihatid ko lang yung pasalubong ni mommy kay tita.."paalam ni Neil "Salamat uli Neil ha,pakisabi din sa mommy mo, sumama kamo siya mamaya kapag pumarito ka at ng hindi siya mainip, sakto magbe-bake ako ng lasagna." pahabol pang sabi ng nanay niya. Pumasok na ng loob ng bahay si Alex bitbit ang mga pasalubong goods at ipinagpatuloy naman ng kanilang nanay ang pag-aayos at pagdidilig ng mga alaga nitong halaman. "Ano yan?bungad ni Iya sa kuya niya ng makita ang bitbit nito.Bakit ang tagal mo?" tanong pa nito bago uminom ng tubig. "Bigay ng apo ni lola Caring, si Neil" wala sa loob na saad nito habang inilapag ang bitbit sa ibabaw ng mesa. Pagka rinig ng pangalan na Neil, naibuga ni Iya ang iniinom niyang tubig at tsaka siya nasamid. Nagulat ang kanyang kuya Alex pati si Beauty na nasa ibabaw ng mesa. "Aha, bakit ganyan ang reaction mo?narinig mo lang ng pangalan na Neil?" nang-aasar na naman ang kuya niya. "Nay...si Iya, may crush..kay...Ne... Hindi na naituloy ng kuya niya ang sasabihin dahil dali-daling tumakbo si Iya para takpan ang bibig nito. Nasa ganon silang tagpo ng pumasok ang kanilang nanay. "Ano na naman ba iyang ginagawa ninyong dalawa, oh bakit may tubig dito?" paninita ng kanilang nanay Tatawa-tawa si Alex habang pikon na pikon na si Iya.. "Subukan mo, isusumbong ko lahat ng alam ko na hindi alam ni nanay na mga ginagawa mo.."pagbabantang pabulong ni Iya sa kuya. Wala naman plano si Alex na ibuking si Iya sa kanyang nanay, gustong-gusto lang niya asarin ang nakababatang kapatid. Ngayon lang niya kasi ito nakita na ganon ang reaction sa opposite s*x. Dalaga na nga talaga ang bunso nila. Neil -POV Nangingiti si Neil habang naglalakad pabalik sa bahay ng lola Caring niya. Naalala kasi niya ang narinig niyang kulitan ni Iya at ng kanyang kuya. Na-amuse siya sa narinig niya, except sa part na may humingi ng number ni Iya na barkada ng kanyang kuya. Nagseselos ba siya? Iiling-iling na lang siya na sumagi ito sa isip niya. Hindi kasi siya yung tipong seloso..pero ano to? Iya -POV Dumating ang hapon, nakapag-luto na ng lasagna ang kanyang nanay, nakatambay din ang kanyang kuya sa sala habang naghihintay ng oras ng panonoorin niyang baskeball. Sinabi sa kanya ng kuya niya na inimbitahan daw nito si Neil na manood ng basketball sa bahay nila. "Magbihis ka mamaya ng maganda my lil princess kasi bibisita ang prince charming mo". naalala pa niyang pang-aasar ng kuya niya sa kanya. Ang tagal din niya naghanap ng susuotin pero ayaw naman niya na maging OA sa damit at baka lalong asarin pa siya ng kuya niya. At the end, simpleng shorts at white shirt lang ang suot niya,pero hindi niya nakalimutan mag spray ng cologne at mag gargle ng ilang beses ng mouthwash. Bumaba siya at saktong may nag doorbell. "Iya buksan mo yung gate", sinadya ng kuya Alex niya na utusan siya. "Uy, ang bango ah..sambit pa nito sa kanya..mukhang hindi talaga siya tatantanan ng kuya niya sa panunukso. Inungusan naman niya ito at ayaw na niyang gatungan pa ang pang-aasar nito sa kanya..Dali siyang lumakad palabas ng pinto pero simple niyang sinipat ang sarili sa salamin sa kanilang entry way. Pagbukas niya ng gate, si Neil lang ang nabungaran niya may bitbit itong ice cream. "Hi again, sabi nito na nakangiti. "Susunod na lang daw ang mommy, may dadaanan daw siya na isa pa nilang friend." kwento nito sa kanya. Pinapasok niya ito at niyaya sa loob. Nauna siya naglakad papasok ng bahay at bigla siyang na-conscious knowing na si Neil ang nasa likuran niya. Flawless at mahahaba naman ang kanyang mga biyas. "As if naman interesado si Neil sa legs mo" paninita na naman ng isip niya. Pagdating sa loob, bumati si Neil sa kanyang nanay at kuya Alex. Iaabot sana ni Neil ang ice cream sa kuya niya pero... "Iya samahan mo na siya ilagay muna sa ref yung ice cream baka matunaw" mabilis na utos nito sa kanya. "Tara, sabi na lang ni Iya kay Neil. Pagtalikod ni Neil, binalikan niya ng tingin ang kuya niya with poker face pero nginisihan lang siya nito. Binuksan na ng Kuya Alex niya ang tv at ilang minutes na lang mag-uumpisa na ang PBA na panonoorin nila. "Upo ka bro," sabi ng kuya Alex niya sabay turo sa upuan kung saan walang choice si Iya kundi magkatabi sila ni Neil. Naupo sila at nag-umpisa ng manood. Maya-maya sumampa si Beauty sa lap ni Iya na pumukaw din sa pansin ni Neil. Ng mag- commercial sa tv, sinamantala iyon ni Neil na balingan si Iya. "Ang cute naman ng pusa mo, ano name niya?"tanong ni Neil na akmang hahaplusin si Beauty. Bago makasagot si Iya, nagulat siya ng slight ng magdikit ang kamay na naman nila ni Neil sa paghaplos kay Beauty. Tila may maliliit na kuryente dumadaloy sa mga daliri niya. "Beauty po ang name ko", pa-cute na boses ni Iya as if siya yung pusa na nagpapakilala ng sarili. "Hi Beauty, ang ganda naman ng name mo kasing ganda ng amo mo", sabi ni Neil na nakatuon lang kay Beauty. Napatingin si Iya sa mukha ni Neil at kunwaring patay malisya siya sa narinig pero deep inside nagdiriwang siya. Dumating ang mommy ni Neil kasama ang isa pang middle aged na kaibigan. Ang mga oldies ay masayang kumain at nagkuwentuhan sa dining table. Si Iya, Neil at Alex naman ay nagkasya ng kumain sa sala habang patuloy na nanood ng basketball. After kumain, automatic na si Iya ang nagligpit ng mga pinagkainan at dinala niya iyon sa kusina. Mag-uumpisa na siyang maghugas ng maramdaman niya na nakasunod si Neil bitbit ang ilang baso na hugasin din. "Pakilagay na lang dito,ako na bahala sa lahat ng mga iyan", mahinhin na sabi ni Iya. "Tulungan na kita, tutal patapos na din yung basketball..wala na talo na ang team ko", usal ni Neil "Hindi na,carry ko na 'to,doon ka na baka hanapin ka ni kuya.."pagpupumilit ni Iya Nasa gitna sila ng pilitan ng pumasok si Alex ng kusina kumuha ng baso. "Bro talo na ang team mo, pano ba yan?" hayaan mo na Iya tulungan ka niya diyan at ng maibaling niya sa hugasin yung pagkatalo ng team niya", tatawa-tawang Kuya Alex niya. Pero alam ni Iya na iba ang iniisip ng kuya niya,kaya pasimple niya itong tinitigan ng masama. Kumindat lang ang kuya niya sa kanya at umalis na agad. Napagkasunduan nila na si Iya ang magsasabon at si Neil naman ang banlaw ng mga hugasin. Tahimik sila ng una, focus lang sa ginagawa nila. Si Neil na ang unang bumasag ng katahimikan... "Mabuti mahilig ka din manood ng basketball?"pauna niyang tanong. "Hay,wala naman ako choice eh,kapag si kuya na nauna sa tv, pero nagustuhan ko din naman..pero paborito ko talaga Kdrama sa laptop nga lang ako nanonood.."mahabang kwento ni Iya. "Ah mahilig ka din pala don, buti natitiyaga mong basahin ang sub-title habang nanonood..nakangiting sabi ni Neil habang binabanlawan ang huling plato na iniabot ni Iya. "Sanayan lang, tsaka nakaka-addict kasi ang Kdrama medyo kakaiba yung setting at twist ng stories nila", ang gwapo pa ng mga Oppa.."parang kinikilig na kwento ni Iya habang naghuhugas na ng kamay. "Talaga? baling ni Neil sa kanya sabay bigla niyang hinawakan ang buhok ni Iya. "May bula", explain ni Neil dahil napansin niya na medyo nagulat din si Iya sa ginawa niya. Nag-init bigla ang pisngi ni Iya at feeling niya namumula siya kaya pasimple siyang tumalikod at niyaya na si Neil pabalik ng sala. Ngumiti naman si Neil sa naging reaction ni Iya.."ang cute," bulong ng isip niya. Pagbalik nila ng sala, wala doon ang kuya Alex niya..Ang mga oldies naman ay napagkasunduan magpahangin at magkape sa mini kubo nila sa gilid ng bahay kung saan nakapaligid ang mga alagang halaman ng nanay ni Iya. Overwhelmed pa si Iya sa pamumula ng pisngi niya kaya tahimik siya naunang umupo sa sofa. Si Neil na nakasunod sa kanya ay nasalubong si Alex na bihis na bihis mula sa itaas ng bahay. "Bro, pasensiya ka na,maiwan na muna kita..may biglaang lakad ako eh", paumanhin ni Alex. "Naku tinawagan ka naman ng isa sa mga girlfriends mo 'no?"pambubuska ni Iya. "Ang 'lil sis ko nagseselos na naman", pang-aasar ng kuya Alex niya sa kanya. Nakaalis na ang kuya niya at naiwan silang 2 ni Neil sa sala. "Ipakilala mo nga sa akin yung mga Oppa mo"..nakangiting sabi ni Neil "Ha? medyo naguguluhang sagot ni Iya "Manood na lang tayo ng Kdrama..mukhang gusto ko makita yung twist ng story nila at yung mga pinagmamalaki mo na mga OPpa..nakangiting panghihikayat ni Neil "Series yun eh,hindi kakayanin ng isang upuan lang like ngayon anong oras na baka 1-2 episodes lang mapanood natin,mabibitin ka lang sa kwento..explain ni Iya. "Ok lang yun, panoorin na lang natin sa mga susunod na araw yung iba hanggang matapos,yun eh kung ok lang sayo na pumunta ako araw araw dito para makinood ng Kdrama". pagkumbinsi ni Neil "Araw-araw" mga salita na ume-echo pa sa tenga ni Iya,meaning lagi niya makikita at makakasama si Neil? Pagkakuha ni Iya ng laptop,inilapag niya iyon sa center table at pinindot ang on button. Naalala niya kumuha ng kutkutin at softdrinks kaya iniwan muna niya si Neil na naghihintay ma-open ang laptop. Pabalik na siya bitbit ang isang tray na may laman na isang bowl ng cheetos, isang small pitcher ng softdrinks at 2 baso na madaming yelo. Bigla niyang naalala na pinalitan niya kaagad ang welcome screen at buong home screen ng kanyang laptop ng mukha ni Nam Joo Hyuk sa sobrang kilig niya kagabi. "Hindi naman niya siguro iisipin na kamukha niya si NJH,pag-papakalma niya sa sarili. Nakampante siya ng madatnan niya si Neil na hinihintay siya at wala sa laptop ang atensiyon niya.. Nagtype si Iya ng password sa laptop at pagka-access bumungad sa knila ang mukha ng korean actor at may initial na "NJH♥️Iya"... "Ako ba yan"? pabirong tanong ni Neil Naging mabilis naman ang depensa ni Iya.. "Uy,mas gwapo naman siya noh.." sabay irap pang sabi ni Iya.. "So, gwapo pala ako,pero mas gwapo nga lang siya..pagbibiro pang dagdag ni Neil. Hindi agad naka-apuhap ng sasabihin si Iya.. "I mean eto..,sabay turo sa initial na NJH,Neil James Hernandez..dagdag pa ni Neil. Nagulat din si Iya sa sinabi ni Neil pero mabilis siyang bumawi at sinabi... "Hoy FYI, Nam Joo Hyuk ang meaning niyan..namumulang pagpipilit ni Iya.. Lalo naman na-amuse si Neil sa ginawi ni Iya,pero ayaw din niya na mahiya ito sa kanya.. "So ano ba ang panonoorin natin?ano Kdrama ang bida si NJH?paibang tanong na lang ni Neil... Iba na lang, wag na yung starring siya..sabi ni Iya Gusto ibaling sa iba ni Iya ang attention ni Neil sa NHJ issue at sa fact na kahawig nito ang korean actor na kanyang pinapantasya ng dahil din sa kanya.. Ngunit consistent ang pangungulit ni Neil kaya sumunod na lang din siya sa flow baka kasi mas lalong maging obvious pa siya. Tahimik sila nanonood lalo na at may sub-title ito. Si Iya ay focus pa din ang attention sa panonood kahit lately lang niya natapos itong panoorin. Hindi tuloy niya napansin ang ilang beses na malalagkit na titig sa kanya ni Neil. Halos hindi pa tapos ang episode 1, pumasok na ng tatlong oldies sa loob ng bahay at naki-osi din sa pinapanood nilang dalawa. Maya-maya may tawag sa cellphone ng mommy ni Neil..si lola Caring ang nasa kabilang linya.Matapos makipag-usap ay bumaling ito kay Neil. "Neil, hindi mo pala dala ang iyong cellphone? Naka-ilang tawag na daw si Beatrice... "Si Iya na seryosong nanonood ay biglang bumaling ang tingin at tila binuhusan siya ng malamig na tubig sa narinig na "Beatrice".
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD