Iya -POV
It's Sunday and given na it is a Family day. Expected na ni Iya na hindi maka-pupunta si Neil para maka-panood ng Kdrama.
Hindi man naging totally masaya ang naging start ng Kdrama marathon ni Iya with Neil, as a whole happy siya except sa part na Beatrice...
Well, na-realized niya na with Neil's good looks and age hindi naman imposible na meron na siyang girlfriend...
"Wala ako sa lugar para magselos", paulit ulit niyang pag-console sa sarili.
"Ultimate crush lang 'to,lilipas din..i-enjoy ko na lang while may chance"..isa pa bata pa ako, madami pa akong makikilala...kumbinsi niya sa sarili
"Tsaka hindi ko naman confirmed kung girlfriend nga niya yung Beatrice na yun, baka barkada lang,buddy buddy..ganon!
"Hmmmmp!!!, sabay sabunot niya sa sarili
at pukpok ng mahina at paulit-ulit ng kanyang ulo sa study table.
Sa gitna ng pagse-senti niya, biglang tumunog ang notification ng kanyang facebook..
She click it anyways in a lazy manner...
At nabuhayan siya ng dugo ng makita na meron siyang friend request from Neil James Hernandez.
Naghintay siya ng 15minutes bago ito i-accept..Yun na yata ang pinaka-matagal na 15minutes sa buhay niya..
"Pakipot pa kasi", ..bulong ng isip niya
Umasa siya na may matanggap agad na message mula kay Neil..pero wala.
Sa inis niya, nag-log out siya sa f*******:, shut down ang laptop at nahiga na lang sa bed.
Nagulat pa siya ng bigla may tumunog sa cellphone niya..naka-log in nga pala ang sss niya sa kanyang cellphone.
"Para akong tanga", usal niya sa sarili
But to her disappointment, hindi galing kay Neil ang pm...instead, kay Jimuel na barkada ng kuya niya.
"Hello Iya☺️" message ni Jimuel
Tinatamad man siya at hindi interesado sana magreply, pero naisip niya na kaibigan yun ng kuya niya.
"Hello po", simpleng reply niya
Gusto niya i-emphasize yung PO to deliver yung message na older ito sa kanya na parang kuya na niya ito.
"Grabe maka-PO??" reply muli ni Jimuel
Bumuntong hininga lang si Iya at wala naman siyang interest na ituloy ang convo.
"I saw you sa debut ni Jenny, lalapitan sana kita kaya lang mukhang busy ka.."dagdag pa nito.
"Anyway you look so gorgeous that night pero para sa akin everyday ka naman maganda"?...
"Napairap si Iya sa nabasa, at wala talaga siya balak mag-reply.
"Bolero", inis na sabi niya sa sarili
"Are you still there?"..kulit ni Jimuel
"Can I call you"? Ayaw kasi ibigay sa akin ni Alex yung number mo eh.."pangungulit pa ni Jimuel.
Nangiti si Iya sa nabasa na iyon, inaasar lang talaga siya ng Kuya Alex niya, pero protective talaga yun sa kanya..
"The best ka talaga Kuya",sigaw ng isip niya..
Dahil hindi siya nagreply, tumatawag na si Jimuel..
"Shocking, ano gagawin ko?" Bigla naman siya nahiya na hindi ito sagutin..
"Hmp,bahala na nga...
Tumagal din ng 10 minutes ang pakikipag-usap ni Iya kay Jimuel. Hindi naman kasi siya nagku-kwento,nagre-respond lang siya ng OPo, hindi po, baka Po, siguro po,kaya nga po, kay Jimuel.Napansin din siguro ni Jimuel na naiilang at nahihiya siya, kaya end na din niya yung convo nila.
Nakahinga ng maluwag si Iya...ngunit wala pa din message from Neil na inaasahan niya.
Ibinaling na lang ni Iya ang sarili sa pagliligpit at paglilinis ng kwarto niya,kaya hindi niya namalayan lumipas na ang maghapon...
Balak niya matulog na lang ng maaga tutal wala naman siya gagawin, wala din siya sa mood mag-umpisa manood ng Kdrama.
Nagpatay na siya ng ilaw ng tumunog ang message alert ng sss niya.
Hesitant siya na basahin ito,dahil iniisip niya baka galing lang kay Jimuel yung message.
Biglang parang tumalon yung puso niya ng makita ang pm galing kay Neil.
Napaupo siya sa kanyang kama..
"Hi..still up"? message ni Neil
Hindi na siya nagpalipas ng oras, reply agad siya.
"Yes..simpleng reply niya..
"What's up"? follow up pm pa niya
"Wala naman, na-miss ko kasi yung Kdrama marathon natin today..may simple family gatherings kanina dito..explain ni Neil
"Akala ko pa naman ako yung na-miss", bulong na naman niya sa sarili niya
"Ok lang,madami pa naman time na manood..reply na lang niya
"Mga ilang araw pa kaya natin yun panonoorin"? tanong ni Neil
"Mas interesado siya sa Kdrama gurl kesa sayo", asar na naman ng isip niya
"Depende kung ilang episode kaya natin panoorin in a day, 1 episode kasi is 1hour"..explain niya
"Sana before kami umuwi? matapos natin.." reply muli ni Neil
Bigla nakaramdam ng lungkot si Iya sa thought na matapos na ang vacation nila Neil sa kanilang lugar. Dahil don, hindi agad siya nakapag-reply ng mabilis ..
"Malulungkot ka ba,kapag umuwi na ako.."agresibong tanong ni Neil
Nangiti naman si Iya pero gusto niya cool ang sagot niya...
"Why naman ako malulungkot?..pikit mata niyang send
"Aw!,sakit naman non..?" mabilis na reply ni Neil
Hindi pa nakaka-reply si Iya ng tumawag na lang si Neil..
"Hello, usal ni Iya sa malambing na tono
"Hi, ok lang ba na tumawag na lang ako?, Mas gusto ko marinig boses mo eh"?
Bigla na naman may sumipa sa dibdib ni Iya?dinig niya yung malakas na t***k nito..
"Hello, naririnig mo ba ako?" tanong ni Neil sa kabilang linya..
"Yes, mahinang sabi ni Iya..
"Inaantok ka na ba?" tanong ni Neil
"Hindi, naalala ko lang kasi yung kausap ko kanina,parang ikaw napaka-bolero"..
pagbibiro ni Iya.
Hindi agad nakakibo si Neil..
"Ikaw yata ang inaantok na eh"pang-aasar ni Iya
"Hindi ah, gusto ko kasi sana sabihin na yung kausap mo kanina bolero talaga, pero ako hindi"..pagtatanggol ni Neil sa sarili..
"Uy ang sama mo,hindi mo nga kilala kung sino kausap ko eh,judgemental ka..Joke...." natatawang biro ni Iya
"Uy ipinagtatanggol niya, sino ba kausap mo, boyfriend mo or manliligaw?"
"May bahid ng lungkot ang boses?" bulong ni Iya sa sarili
"Umaasa ka naman gurl"? biglang sita din niya sa sarili.
"Hoy barkada lang ni Kuya yun..ano ka ba.." explain ni Iya
"Wala akong boyfriend, single ako at available hindi gaya mo may Beatrice.."tuloy-tuloy na litanya niya
"Bitter ka gurl?" sita niya muli sa sarili
"Kaibigan, pero may plano diskartehan ang kapatid ng barkada niya?"pagkompirma ni Neil.
"Hoy hindi no, ikaw nga may Beatrice na eh"..singit na naman niya.
Kinagat niya ang lower lips niya,expecting na mag-react ito sa gusto niyang i-point na issue..si Beatrice.
Hindi din nakapag-react agad si Neil..ayaw naman niyang magsinungaling about kung anong meron sila ni Beatrice pero ayaw din niya na isipin ni Iya na taken na siya..
So, iniba na lang niya ang topic..
"What time nga pala ako pwede makinood ng Kdrama bukas?"pag-iwas niyang sabi
Lalo naman na-disappoint si Iya,somehow natuwa na din siya na-brought up niya about Beatrice pero wala siyang nakuhang sagot mula kay Neil. Sa inis niya...
"If you like,ipapahiram ko na lang sayo yung laptop ko at ng matapos mo ng panoorin...Goodnight na, medyo late na kasi, kailangan ko ng matulog "..walang gatol na pinindot ni Iya ang end call button.
"Puro ka Kdrama...ewan ko sayo! Sabay sabi ni Iya after ng call..
Bakit ba siya naiinis? May karapatan ba siya na magalit or magselos?
"Ang obvious mo gurl.." sita na naman ng isip niya
"Wala akong pakialam"sagot niya na akala mo may kaaway siya
Dahil sa inis niya, bumaba siya bitbit ang laptop..
Naabutan niya ang kanyang nanay na nanonood ng tv at kuya Alex na mukhang kadarating lang.
"Nay,bukas pupunta dito si Neil..pakibigay na lang 'tong laptop baka hindi pa ako gising non", may pagka-irita na sabi niya sa nanay niya.
"Ang taray naman ng 'lil sis ko, meron ka 'no?" pang-aasar ng kuya niya
Hindi niya pinansin ang sinasabi ng kuya niya,dali dali siyang pumanik pabalik ng kanyang kwarto..May period nga siya,kaya din siguro super unproductive ng araw niya at ang ikli ng pasensiya niya today.
Neil -PO
Napabili ng yoshi si Neil after ng call niya kay Iya..Basta frustrated or may pinagdadaanan siya, sigarilyo ang outlet niya. Habang nilalaro ang usok ng sigarilyo, halatang malalim ang kanyang iniisip.
Sakto naman tumatawag muli si Beatrice..
Tinitigan lang niya ang kanyang cellphone..
"Sinasagot yan bro,hindi tinititigan", boses ng lalaki mula sa kanyang likuran
Paglingon niya, nakita niya si Alex ang kuya ni Iya..
Kinabukasan...
Hindi na hinintay ni aling Gina na kunin ni Neil ang laptop sa kanilang bahay. Nagpasya siya na dalhin na lamang ito, without any idea kung anong nangyayari between the two ( Neil & Iya ) Isa pa, gusto din niya makausap si Nids na mommy ni Neil about sa darating na fiesta sa kanila. Na-iprisinta pala nila si Iya na maging Reyna Elena at escort nito si Neil at wala pang kaalam-alam ang dalawa tungkol dito.
Tumawag siya sa bahay ni lola Caring at saktong si Neil ang nagbukas ng gate.
"Good morning! masayang bati niya kay Neil sabay abot ng laptop.
"Good morning po tita, tuloy po kayo sa loob" bati ni Neil at wala sa loob na kinuha niya ang iniabot sa kanya na laptop.
Sinalubong naman ni Aling Nids si Aling Gina na parang expected na din niya ang pagdating at niyaya niya eto sa veranda para magkape.
Deretsong dinala ni Neil ang laptop sa kwarto at hindi niya akalain na seryoso talaga na ipapahiram ni Iya ang laptop sa kanya..
"So wala ka ng passes para makasilay", tukso ng isip niya.
Nagdesisyon siyang ibalik ang laptop at ipinaalam niya yon kay aling Gina.
Ibinigay naman ni aling Gina ang susi ng bahay nila para hindi na ito umano maghintay ng matagal at tamad daw si Iya magbukas ng pinto lalo na kapag wala itong inaasahan na bisita
Excited siyang lumakad patungo sa bahay nila Iya...at buo ang loob na may gusto din siyang sabihin dito.
Iya - POV
Bumaba si Iya at hinanap ang kanyang nanay,ngunit nakita niya ang note nito. Alam niyang nakaalis na ang kanyang kuya para sa trabaho kaya bumalik na lamang siya muli ng kanyang kwarto pero nahinto siya sa ikalawang baitang pa lamang ng hagdanan nila. Nanghihina siya at namimilipit sa sakit.
Mukhang kailangan na naman niya magpadala sa hospital dahil sa dysmenorrhea niya. Yes, totoo nga, ilang beses na siya isinugod ng hospital dahil dito,hinding-hindi niya makakalimutan yung nagdiwang siya ng Pasko sa hospital dahil sa kanyang dysmenorrhea.
Dumaan siya sa madaming test, kagaya ng rectal ultrasound para masigurado kung anong pinagmumulan ng case niya. May time na uminom din siya ng mga tableta na parang pills para lang ma-regularize ang kanyang hormonal imbalance.
Meron ding mga ironic suggestions siya na nabasa at narinig... magpa-devirginize na lang daw siya,sigurado daw na yun ang gamot sa sakit niya. Siyempre, may pagka- conservative ang family nila at bata pa siya kaya hindi niya kino-consider ang idea na yun..Isa pa wala naman siyang boyfriend kung sakali man
Hindi na yata niya kakayanin, nasaan na ba ang nanay...sigaw ng isip niya.
Narinig niya na may nagbubukas ng pinto, inakala niya na yun na ang kanyang nanay,pero bago siya makasigaw para humingi ng tulong, nawalan na siya ng malay...
Nagising si Iya na nakahiga na sa hospital bed. Namulatan niya ang kanyang nanay at Kuya Alex na siguradong nag-undertime mula sa trabaho.
Although hindi na bago sa kanila ang kanyang sitwasyon, mababakas pa din niya ang pag-aalala ng kanyang nanay at ng kanyang kuya Alex.
"Kumusta pakiramdam mo Iya anak?" concern na tanong ng nanay niya sabay haplos sa kanyang buhok..
"Mabuti at ibinalik ni Neil yung laptop,nakita ka niya agad, kaya naisugod ka namin dito sa hospital"..kwento ng kanyang nanay
"Si Neil?" yun lang ang kanyang nasambit
Nakita ng kuya niya na parang hinahanap ng kanyang mga mata si Neil..
"Kakauwi lang ni Neil, andito siya kanina pa at kasama siyang nagdala sayo dito sa hospital pero babalik din daw siya" inform ng kuya niya.
Bukod sa nabigyan na siya ng pain reliever, knowing na nasa paligid lang si Neil made her feel better.
Naghahanda na sila pauwi,after makausap ng nanay ni Iya ang doctor at maresetahan siya ng gamot, dumating si aling Gina.
May dala itong isang bouquet of flowers at get well soon balloon. Kinumusta siya nito at ibinigay ang dala nito.
"Kumusta pakiramdam mo Iya?, galing pala ang mga ito kay Neil...ipinaabot niya at kailangan daw niya umuwi muna sa amin at may importante daw siyang aasikasuhin..baka bukas na iyon makabalik..."mahabang explain ni aling Nids
Hindi alam ni Iya kung matutuwa ba siya or madi-disappoint..Pero pilit niyang pina-sigla ang sarili at kunwari'y hindi niya hinahanap ang presence ni Neil.
Binasa niya ang nakalakip na card sa bulaklak.
"Get well soon Iya..see you later ♥️, Neil"
Parang naririnig pa niya ang boses ni Neil habang binabasa ang note nito..Hinawakan niya ito at dinama ang bawat stroke ng pagkakasulat nito.. Un-aware siya sa pag-aliwalas ng kanyang mukha...
"Mahal na nga yata talaga kita Neil", bulong ng isip niya..