Summer Sunshine

1328 Words
Iya -POV Hindi mapawi-pawi ang ngiti at ningning sa mga mata ni Iya. Dinama niya ang kanyang mga labi at tila ramdam pa din niya ang mainit na halik na pinagsaluhan nila ni Neil kanina. Magiging dahilan ba ito ng magandang tulog niya ngayong gabi? O maging gising siya magdamag dahil sa umaapaw na saya ng puso niya? "Eto na yata yung sinasabi nilang Cloud Nine" kinikilig na usal niya sa sarili. Tumunog bigla ang kanyang cellphone...mabilis niya itong sinagot ng makita niyang si Neil ito. "Hello...bati niya. "Hi Ms. Kissy Face..."malambing na sagot nito. "Oh well, Hi Mr.Smoochy.." natatawang pang-aasar niyang sagot. Pareho silang natawa sa asaran nila. "Nagising ba kita?" tanong ni Neil "Hindi naman, halos kapapanik ko lang din, tinulungan ko si kuya sa pagliligpit" explain ni Iya. "Ok ka na ba para magkikilos?"may bahid ng pag-aalalang tanong ni Neil. "Oo naman, nakainom naman ako ng gamot and patapos na din naman ang ...period... ko.."medyo nahihiyang explain ni Iya. "Anyways, ikaw bakit gising pa?" mabilis na bawing tanong ni Iya. "Kasalanan mo kung bakit pa ako gising" palambing na pang-aasar ni Neil. "Ha? bakit ako ba ang tumawag para istorbohin ko ang supposed to be pagtulog mo"?bwelta agad ni Iya. Tumatawa si Neil sa kabilang linya..parang nakikinita niya ang facial expression ni Iya habang bumu-bwelta sa simple niyang pang-aasar. "Sige kasalanan ko na...kasalanan ko na hindi ako makatulog kasi naiisip kita.."malambing na tinig ni Neil. Natameme si Iya at kahit sa telepono lang lumabas ang mga salitang iyon buhat kay Neil, nag-init bigla ang kanyang mga pisngi. Biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ni Iya. "Iya anak, gising ka pa?sabay bukas ng pinto.." ang kanyang nanay Gina. "Ah, sorry may kausap ka pala"? tanong ng kanyang nanay.. "Ahm, nay si Neil po...ini-inform lang niya kung san niya nailapag yung laptop..."palusot ni Iya. "Si Neil ba kamo iyan, ay tamang-tama may itatanong nga muna ako sa kanya.." sambit ng nanay niya. Iniabot naman ni Iya ang cellphone na curious sa sasabihin ng kanyang nanay kay Neil. "Hello Neil, tanong ko sana kung may nabanggit na ba sayo ang mommy mo sa darating na fiesta?" tanong ni Aling Gina kay Neil. "Good evening po tita..yes po,actually kasasabi lang po niya sa akin kanina pagdating ko po galing diyan sa inyo.." magalang na inform ni Neil. Napakunot naman ng noo ni Iya na nakatuon ang nagtatanong na mga mata niya sa kanyang nanay. "Ay mabuti, nakaligtaan nga namin masabi sa inyo ng dahil sa nangyari kay Iya..Makisuyo na din pala ako,pakisabi sa mommy mo,mas mapapaaga kami ng alis bukas, puntahan ko na lang siya diyan.." "Ok po tita, don't worry inform ko po siya agad after this call" sagot ni Neil. Iniabot ni Aling Gina ang cellphone kay Iya.. "Ano yun nay?" mabilis na tanong ni Iya. "Ikaw ang Reyna Elena sa darating na fiesta, hindi na ako tumanggi ng gaya ng gusto mo at ilang beses na akong inaawitan ng pamunuan ng fiesta..." "Bago ka matuntong ng kolehiyo at maging busy ay ma-experience mo maging Reyna Elena..katagal na ng huli kang nasama sa Sta. Cruzan ah.."mahabang litanya ng nanay niya. Simula yata nagka-isip si Iya natatandaan niya na palagi siya may part sa Sta.Cruzan dahil lagi siyang isinasali ng kanyang nanay. Ng magdalaga, marami siyang ginagawang dahilan para hindi makasama. Lagi niya kasabwat ang kanyang kuya Alex at kanyang tatay para makumbinsi ang kanyang nanay. "Nay naman eh..."pagmamaktol ni Iya. "Hindi ka na makakatanggi, nakagawa na ng invitation program at nakalista na ang pangalan mo tsaka si Neil nga pumayag na maging escort mo.." dagdag ng kanyang nanay. Sa lahat ng sinabi ng kanyang nanay, si Neil bilang escort niya ang nakapagpa talima at nakapagpa-excite sa kanya. "O siya, matulog na tayo at maaga ang lakad namin bukas ni Nids.."paalam ng kanyang nanay. Pagkasara ng pinto, narinig niya ang boses ni Neil..nasa kabilang linya pa pala ito. "Hello, andiyan ka pa pala?"tanong ni Iya. "Yes,hindi pa ako nakakapag-goodnight sayo eh"malambing na saad na naman ni Neil. "So pano, wala ka na magagawa, ako ang escort mo at ikaw ang Reyna Elena.." tatawa-tawa muling pang aasar ni Neil. "May magagawa pa ba ako"buntong hininga ni Iya na ikinukubli lang ang excitement. "Goodnight Ms. Reyna Elena..." paalam ni Neil "Goodnight Mr. Escorte.."malambing na sagot ni Iya. Kinabukasan, maaga din bumangon si Iya. Sabay-sabay silang masayang nag-almusal habang ang nanay ni Iya ay madaming bilin sa kanya. "Ikaw na muna ang magdilig ng mga halaman ngayon at huwag na huwag mong kakalimutan at matindi ang init ngayon baka mamatay sila.." isa sa mga kabilin-bilinan ng kanyang nanay. Ilang minuto ng nakaalis ang kanyang kuya Alex at nanay, naisip niyang unahin ang pagdidilig ng mga halaman. "Makapag-dilig nga muna at mainit na mamaya.." saad niya sa sarili. Hindi na muli siya nakabalik ng kanyang kwarto dahil gusto niya maagang asikasuhin ang mga bilin ng kanyang nanay. Nagsimula ng magdilig si Iya at may time na kinakusap niya ang mga halaman na gaya ng ginagawa ng kanyang nanay. Napansin din niya ang butas ng lupa sa paso ng paboritong Calathea plant ng kanyang nanay. Hinala niya na palaka ito na isa sa pangunahing salarin sa pagkasira ng mga halaman nila. Ilalapag muna sana niya ang hose upang tingnan maigi ang butas... Ng bigla may humawak sa kanyang bewang... "Ay palaka...!" malakas na napasigaw at napatalon siyang baling sa likuran niya. Si Neil na nagulat din, dahil sumagitsit sa kanya ang tubig mula sa hose. "Neil...ginulat mo naman ako..ayan tuloy nabasa ka" paninita ni Iya. "Sorry..masyado ka kasing busy hindi mo namalayan ang pagpasok ko..may message kasi ako sayo this morning and hindi ka nagre-reply..Alam kong nakaalis na si tita at Kuya Alex mo kaya nag-alala ako baka may nangyari na naman sayo. Kaya eto, pinuntahan kita..tumuloy na ako kasi nakita ko naka-uwang yung gate"mahabang explain ni Neil. "So thoughtful and sweet naman" bulong ng isip ni Iya. "Naku si nanay talaga,sa sobrang pagmamadali .."nasabi na lang niya para maikubli ang kilig. "Sorry uli nabasa ka na..with apologetic smile na sabi ni Iya. "Ah sorry pala ah, hindi ako papayag..pilyong ngiti ni Neil. Bago pa ma-gets ni Iya ang gusto gawin ni Neil, mabilis na kinuha nito ang hose mula sa kanya at binasa din siya nito.. Napasigaw siya pero pilit niya itong kinukuha kay Neil.. Dahil matangkad si Neil,hirap siyang kuhanin ito at patuloy siya nitong binabasa.. Nag-aagawan sila sa hose habang nagtatawanan at sigawan ng biglang natumba si Iya. Mabilis naman nag-rescue si Neil ngunit na-out of balance na din siya. Natumbang nakadagan siya kay Iya at pareho silang hinihingal sa kakatawa at pag-aagawan. Maya-maya pa ay nagtama na ang kanilang mga mata at sa ikalawang pagkakataon, sinakop muli ni Neil ang kanyang mga labi. Nasa kalagitnaan sila ng mainit na halik ng bigla may narinig sila sa gawi ng kanilang ulunan. "kokak, kokak..isang bull frog.. Natawa silang pareho at si Neil ay iiling-iling na tumayo at inalalayan din niya si Iya sa pagtayo.. Kahit basang- basa ng tubig si Iya, ramdam pa din niya ang init ng pisngi niya sa pamumula. "Magbihis ka na,baka magka-sakit ka pa.." sabi ni Neil habang inaalis ang mga tuyong dahon sa buhok ni Iya. "Ikaw din.."mahinhin at nahiya pa na usal ni Iya. Lumakad na palabas si Neil,pero bago tuluyang makalabas ng gate... "Ok lang ba bumalik ako mamaya?" Ituloy na natin yung Kdrama na pinapanood natin"alanganing tanong ni Neil. "Bakit kasi isinauli mo agad yung laptop,ehdi sana natapos mo na panoorin yun..."pang-aasar muli ni Iya. "Pinahiram mo nga,pero hindi mo naman ako ini-inform sa password ng laptop mo, pano ko mabubuksan yun." balik ni Neil na nakangiti. "Ah,ganon..sabihin ko na lang sayo password..Alliya_..... "Mas gusto ko,kasama kitang nanood," putol ni Neil sa sinasabi ni Iya. Nangiti na lang si Iya at pabirong itinaboy si Neil palabas ng bahay.. "See you later My Summer Sunshine" pahabol na sigaw ni Neil... "See you, My Sweet Summer Love" bulong naman ni Iya sa isip niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD