Sweet First Kiss

1245 Words
"Opo tatay.." "Don't worry po okay na okay na ako..." "Ikaw din po lagi mag-iingat..." "Ok po,bye..love you tatay.." Natapos ang mahabang telephone call niya sa kanyang tatay...Hindi naman niya masisisi ito na napaka-tagal siya nitong kinukumusta na puno ng pag-aalala. Kahit matagal na hindi sila nagkakasama, lumaki siyang malambing at malapit dito. Tuwing may tatawag at kukumustahin siya, she's making sure na wala sila dapat ipag-alala. "It's not big deal.." "Hindi na kayo nasanay"...nahihiya niyang assurance sa mga ito. Mabilis lang ang balita sa lugar nila kaya lahat halos ng kakilala niya,ng nanay niya,ng kuya Alex niya nagpapaabot ng pangungumusta. Feeling super loved siya sa kasalukuyan pero parang may kulang.. She's longing for someone... Isang araw ang lumipas simula non, wala pa siya naririnig mula kay Neil.. "May sss messenger, naman na pwede niya ako i-chat kahit hindi na nga tawag" pagmamaktol niya.. "May pa-bulaklak pa siyang nalalaman, MIA(missing in action) naman.." bugnot niya. Dahil sa expression ng kanyang mukha,inakala ng kuya niya na may sumasakit sa kanya. "Ok ka lang 'lil sis?pag-aalalang tanong nito sa kanya. "Kuya nako-cornihan na ako sa pag-aalala niyo...lalo na si nanay...common lang naman sa aming mga babae yun" "Oo nga common pero hindi tolerable yung sayo..madadala ka ba ng hospital kung simple lang yun?" ma-otoridad na sabi ng kanyang kuya. "Gaya niyan, bakit kailangan may get well party pa at hinakot mo pa ang buong barkada mo?"nagrereklamo pa din sabi ni Iya. "Actually matagal na namin plano mag-bbq party dito sa bahay,nataon lang yung nangyari sayo.." "Push lang ni Jimuel ng todo para matuloy at gusto din niya makadalaw at mangumusta.." explain ng kanyang Kuya Alex "Kuya naman eh,bakit ka pumayag?" "Hindi mo man lang ako tinanong muna..." tuloy na reklamo niya. "Bakit naiilang ka ba kay Jimuel?" "Eh diba hindi naman siya yung type mo"? "Tsaka may ipapakilala ako sa inyo ni nanay.."seryoso ng boses ng kuya niya. "Wow, seryoso na ba yan kuya?" excited niyang tanong "Oo naman,kelan ba ako hindi seryoso..ako kaya lagi ang iniiwan.." depensa ng kuya Alex niya "Tsk,tsk tsk..talaga lang?" Sige,sabi mo eh, ano maganda ba?sexy? Sino mas maganda sa amin?" sunod-sunod na tanong ni Iya. "Baka ma-hurt ka lang sis sa sagot ko,no comment na lang ako.."asar ng kuya niya "Salbahe.." inis na sabi ni Iya sabay magaan na suntok sa braso ng kanyang kuya. Dahil dito,hindi nila napansin ang paglapit ni Jimuel "Hi Iya.." maikling bati ni Jimuel May dala itong bulaklak at cake.. "Mukhang magaling ka na, binubugbog mo na ang kuya mo..para sayo"sabay abot sa kanyang dala. "Tiningnan naman ni Iya ang kanyang kuya at tinanguan naman siya nito kaya kinuha na rin niya ang mga iniabot nito.." "Ehem, 'tol aakyat ka na ba ng ligaw niyan"?pang-aasar ni Alex kay Jimuel Sabay narinig nila na tumunog ang doorbell.. "Tol iwan ko muna kayo ha, sila Nica na yata yung dumating"-paalam ni Alex "Good luck na lang 'tol, pero alam ko may NJH na si Iya" pahabol na sabi ni Alex sabay kindat at ngiti kay Iya. Nanlaki naman ang mga mata ni Iya sa narinig niya mula sa kanyang Kuya Alex. Hindi niya yun ine-expect... "Ow, sino naman si NJH"?usisang tanong ni Jimuel "Darating ba siya ngayon?"dagdag pa nito "Nagpapaniwala ka diyan kay Kuya" maikling sabi niya Ayaw din kasi niya magkwento pa or humaba ang usapan nila ni Jimuel. "Thank you dito ha.." nahihiya pa niyang sabi "Ouch, ayan na naman yung PO, mas bata pa kaya ako sa kuya Alex mo"pagbibiro ni Jimuel Nagkatawanan na lang din silang dalawa. Mabait at gentleman naman pala si Jimuel...nabawasan yung pagka-ilang niya dito dahil madaldal at palabiro ito. Silang dalawa halos ang magka-kwentuhan dahil may kanya-kanyang girlfriend na kasama ang mga barkada na bisita ng kanyang kuya Alex. "Ikaw lang pala ang lonely sa barkada niyo" pang-aasar niya kay Jimuel. Naalis na din niya ang pagsasabi ng PO dito dahil naka-gaanan na din niya ito ng loob. "Bakit mo naman nasabi?" tanong ni Jimuel. "Ikaw lang walang kasamang girlfriend oh"..sabi ni Iya sabay turo sa mga magkaka-partner. "Eh yung gusto ko, hindi yata ako gusto eh.."umpisa ni Jimuel. Napawi ang ngiti ni Iya, nailang na naman siya bigla. "Hindi pa ako nag-uumpisa eh mukhang busted na yata ako"hirit pa ni Jimuel. Tahimik pa din si Iya. "Uy, natahimik ka na? Ok lang yun, basta ba papayag siya na friends kami at hindi na talaga siya mag po at opo sa akin"- pabiro ni Jimuel Sabay abot ng kamay ni Jimuel para makipag-shake hands kay Iya. "Friends?" sabi ni Jimuel Tinanggap naman iyon ni Iya at nagkatawanan silang dalawa. Sa ganoong tagpo naabutan ni Neil si Iya. May katawanan at mukhang enjoy na enjoy sa pakiki pag-kwentuhan.Dagdag pa ng magka-hawak ang kanilang kamay. "Bro" malakas na tawag ni Alex kay Neil. "Kelan ka nakabalik?" masayang tanong ni Alex. Sabay na napalingon si Jimuel at Iya... Ng makita ni Iya si Neil,mabilis niyang hinatak ang kamay niya sa pagkaka-hawak ni Jimuel. Napansin naman iyon ni Jimuel. "Kadarating ko lang bro,dito agad ako dumerecho"sagot ni Neil na titig na titig kay Iya. "Iya..tawag ni Alex "Tara bro", yaya ni Alex kay Neil Lumapit sina Alex at Neil sa kinatatayuan nila Iya at Jimuel. "Tol si Neil nga pala, kababata namin na bakasyunista.. "Bumati naman si Jimuel at nakipag-shake hands kay Neil." "Tol, kuha tayo ng maiinom", simpleng abiso ni Alex kay Jimuel Mukhang may hint na din si Jimuel kung sino si Neil,kung pagbabasehan ang ikinilos ni Iya kanina at malagkit na tingin ni Neil kay Iya. "Sige iwan muna namin kayo" paalam ni Jimuel Tumango lang si Iya at simpleng ngumiti. "Kumusta na ang pakiramdam mo" naunang tanong ni Neil "Ok na ako...thank you pala sa pag-rescue tsaka sa mga pinadala mo". mahinang tugon ni Iya "i-pm nga sana kita para mag-thank you,pero mas gusto ko sa personal tsaka baka hindi mo din mabasa, mukhang busy ka masyado" may himig tampo na si Iya. "Ikaw nga yata ang busy" balik ni Neil kay Iya. "Oo,pareho tayong busy sa kanya- kanya nating buhay.."medyo naiinis na sabi ni Iya. "Mokong na 'to,siya nga ang hindi maka-alalang magpm man lang.."bulong ng isip ni Iya sa sarili Nagulat na lamang si Iya at biglang kinuha ni Neil ang kanyang mga kamay at niyakag siya palabas ng bahay. Nakita ni Neil ang kubo at don niya magaan na hinila si Iya. "Bakit tayo andito?" inis na tanong ni Iya "Bumalik na tayo sa loob, nandon lahat ng mga bi.... Hindi na natapos ni Iya ang mga sinasabi niya dahil bigla na lamang siya hinalikan ni Neil sa mga labi. Nabigla siya at nanlaki ang mga mata pero nanaig ang kanyang damdamin. Napapikit na lamang siya at dinama ang tamis ng mga halik ni Neil. Naramdaman niya ang paghawak ni Neil sa kanyang leeg at ipinagpatuloy ang passionate kiss nito. Para siyang nakalutang at ang kanyang mga kamay ay kusang kumapit sa bewang ni Neil dahil mukhang bibigay ang tuhod niya. Bugsong kumawala ang damdamin nila sa isa't isa hanggang sa pareho sila na parang kakapusin ng hininga. Habang hawak ni Neil ang kanyang mukha, hinalikan din siya nito sa tuktok ng kanyang ilong, noo at tsaka mahigpit siyang niyakap. "Oh, God, hindi mo alam kung gaano mo ako pinag-alala...I miss you so much" bulong ni Neil sa kanya. Niyakap din niya ito ng mahigpit at doo'y dinig na dinig niya ang malakas na t***k sa dibdib ni Neil. "I miss you too...sobra" bulong din ni Iya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD