"Permission

1337 Words
"Permission" Natapos maligo si Iya,naalala niya na madami pang bilin sa kanya ang kanyang nanay... So far, pagdidilig pa lang ang natapos niya..magliligpit pa siya sa kusina at magtutupi ng mga damit na bagong laba ng nanay niya Naisip niya i-pm si Neil, sabihin na sa hapon na lang sila manood... " Mr. Snuggle, is it ok if mamaya mga 4pm na tayo mag-start ng Kdrama?" " Biktima ako ng child labor eh?, baka malagot ako sa Madam Gina if hindi ako magtrabaho...?" pm ni Iya kay Neil. Napangiti si Neil sa message ni Iya habang nagta-type din ng message niya. " My Cuddle Bear, ok lang basta ba may kiss and hug ako mamaya..." Kinikilig habang binabasa ni Iya ang cheesy message ni Neil. "Baliw...andito na si nanay non, sorry ka na lang..." reply ni Iya. "So, utang muna?"reply ni Neil. "Sige ilista mo sa tubig.." reply ni Iya. " ? " simpleng emoji reply ni Neil. "Actually naunahan mo lang ako,kasi tumawag si mommy, nagpapasundo sila sa akin" inform ni Neil. "Sabay na ako kay tita Gina mamaya papunta diyan.." dagdag pa ni Neil. "Ok, ingat sa pagda-drive Daddy Bear?" message ni Iya. "I will, Mommy Bear❤️.." reply naman ni Neil. Sa tuwing makikita ni Iya ang heart sign mula sa message ni Neil super kinikilig siya.. Dahil masaya ang puso niya, magaan niyang natapos ang homework niya sa kanyang nanay Gina. Naligo siyang muli, knowing na darating si Neil lalo na't pinagpawisan siya sa kanyang mga ginawa. Naisipan niyang magpatugtog ng music...kinuha niya ang kanyang cellphone at nagconnect siya via bluetooth sa speaker nila. Nakita niya ang mga playlist na download ng kanyang kuya sa kanyang cellphone. Nakita niya ang folder ng "The Corrs" ,which is according sa kanyang kuya, magugustuhan daw niya. Intro pa lang ng song, may appeal na nga sa kanya.. (?What can I do is playing?) Kinuha niya ang kanyang laptop at search ang lyrics nito upang pag-aralan at sabayan na din sa pagkanta... Nalibang siya sa mga songs nito pero nakaramdam siya ng pagbigat ng kanyang mga mata...3:00pm pa lang, kaya naisipan niyang mahiga muna sa sofa. Maya-maya tumabi sa kanya si Beauty at hindi na niya namalayan na nakatulog siya. Mula sa gate,madidinig ang pa-music ni Iya, kaya hindi na nag-atubili si aling Gina na kunin ang kanyang susi para buksan ito. "Ang batang iyon talaga, baka nakalimutan na niya ang usapan niyo Neil..." Naku pagpasensiyahan mo na kung minsan kumilos ay parang bata pa..spoiled kasi iyan sa kanyang kuya Alex at tatay niya.." kwento ni Aling Gina. "Natutuwa nga ako at mabilis kayo nagka-palagayan ng loob..matuto siyang mag-enjoy at maki-mingle din at ng hindi naman maging boring ang summer vacation niya..."mahaba pang explain ni Aling Gina. "Nakaramdam ng guilt si Neil kaya sinamantala niya ang pagkakataon na iyon upang kausapin si aling Gina about kay Iya..ayaw naman niya itong mawalan ng tiwala sa kanya...Pero nakahingi na din naman siya indirectly ng basbas mula sa kuya Alex nito.." Naalala pa niya yung tagpong binigyan siya nito ng chance na makausap tungkol sa tumutubong damdamin niya kay Iya.. ( Night before dalhin si Iya sa hospital) Tinititigan lang ni Neil ang nagri-ring na cellphone habang nilalaro ang usok ng sigarilyo niya. Mula sa kanyang likuran nagsalita si Alex Alex: Bro, sinasagot yan,hindi tinititigan...Mukhang malalim ang iniisip natin ah..LQ? Neil:" Bro, honestly speaking walang label ang relasyon namin ni Beatrice, pero yun din ang pumipigil sa akin para maiparamdam ko sa bago kong nagugustuhan yung nararamdaman ko...Gusto ko maging fair kahit parang g*g*ng pakinggan" ...ngisi ni Neil Alex: Bro, nasa desisyon mo yan..timbangin mo kung ano ba talaga yung damdamin mo..Ang sa akin lang, wag mong paasahin sino man sa kanila..Be a man bro.."sabay tapik sa balikat nito Paalis na sana si Alex ng... Neil: si Iya...si Iya yung bago kong nagugustuhan bro...." Alex: Seryoso ka Bro, Anong akala mo hindi ko pansin?...at alam ko, na alam mo, ang damdamin din niya sayo..Bro, sa totoo lang boto ko sayo. Go make a choice and pangatawanan mo...may otoridad na tono ni Alex..... Kasalukuyan.. Hindi man pormal ang paghingi niya ng permiso kay Alex..the moment na gumawa siya ng move about sa damdamin niya kay Iya ay given na sa napag-usapan nila ni Alex. "Tita Gina...pwede ko po ba kayo muna makausap bago tayo tumuloy sa loob?"medyo nahihiya at hesitant na sabi ni Neil "Sure iho, tungkol saan ba iyan?" simpleng sagot naman ni aling Gina. "May... gusto... po ako kay Iya, at mukha pong nagkaka-mabutihan na kami..." sabay hawak sa batok ni Neil na pagtatapat niya. Medyo natameme si aling Gina pero bigla itong tumawa at hinampas siya sa braso.. "Bakit ngayon mo lang sa akin sinasabi yan ah,katagal kong hinintay na kausapin mo ako tungkol diyan..patuloy ni aling Gina. Medyo naguluhan naman si Neil sa reaksiyon ni aling Gina...napahawak siya sa kanyang batok at alanganing ngumiti. "Akala ninyo hindi namin alam?matagal na namin alam ng mommy mo..mother knows best" sabi pa ni Aling Gina. "Pero Neil anak, first time ni Iya sa ganyang sitwasyon, hiling ko lang ay hindi siya masasaktan ng dahil sayo..." seryosong sabi ni aling Gina. "Alam kong mga bata pa kayo,lalo na ang Iya ko,pero may magagawa pa ba ako..napanatag na lamang loob ko at ikaw naman yan Neil..nagkaka-intindihan ba tayo Neil anak..?" dagdag ni aling Gina. Parang nabunutan ng tinik si Neil at magaan ang loob niyang maipapakita ang damdamin nito kay Iya na may permiso mula sa pamilya nito. Nakapasok sila ng loob ng bahay at nakita ni Neil si Iya na natutulog yakap si Beauty. Para itong fetus sa kanyang pagkakahiga at ang ilang hibla ng buhok ay nakatakip sa kanyang mukha. Dumako ang mga mata niya sa mga labi ni Iya at di niya maiwasan manumbalik yung tagpo na 2 beses na maiinit at matatamis na halik na kanilang pinagsaluhan. ?You're irresistible, you're mine....? Intro ng sunod na kanta sa playlist ni Iya.. Nagulat si Neil at parang sinadya yung kanta base sa iniisip niya. Habang nasa ganong pag-iisip si Neil, biglang humina ang music dahil ini-off ni aling Gina ang speaker at mahinang niyugyog ng gising si Iya. "Iya anak, gising..andito si Neil" Pupungas-pungas naman bumangon si Iya at mabilis na inayos ang mga buhok at sarili ng makita niya si Neil... May binili pala akong meryenda, ihanda mo Iya at pag-meryendahin mo muna si Neil. Tumalima naman si Iya at pasimpleng lumingon kay Neil.. Kumindat naman ito sa kanya at ngumiti.. Humaba bigla ang nguso ni Iya sabay warning look.. "Tulungan na kita",sabi ni Neil at sumunod kay Iya papuntang kusina.. "Ano ibig sabihin non?"sabay ngumuso siya gaya ng ginawa ni Iya kanina.. "Magbabayad ka na ba ng utang mo?". dagdag pa na pang-aasar ni Neil. "Sssh, ano ka ba,marinig ka ni nanay.." paninita ni Iya kay Neil. Ngiti hanggang tenga naman si Neil. Kung alam lang ni Iya...may permiso na si Neil.. Napag-kasunduan nila ni Neil at Iya na umpisahan ng manood habang nagme-meryenda sila... Nagpaalam din si aling Gina na magpahinga muna sa kanyang kwarto sa itaas. Masaya silang nanood sa romcom na Weightlifting Fairy habang magkahawak ang mga kamay nila..may time na mapapatawa talaga sila ng malakas at may time seryoso at focus sa panonood. May ilang beses ding hinahalikan ni Neil ang mga kamay ni Iya at sinasaway naman niya ito sa takot na baka biglang bumaba ang kaniyang nanay. Hindi nila namalayan na alas-siyete na ng gabi at bumaba na si Aling Gina. Ini-invite niya si Neil na doon na lamang maghapunan sa kanila at masaya naman itong pina-unlakan ni Neil. Matapos ang hapunan, hindi din nagtagal nagpa-alam na si Neil na umuwi at nagpasalamat kay aling Gina. Inihatid naman siya ni Iya sa gate at bago tuluyang umalis si Neil,lumingon muna ito kung may mga tao sa paligid bago binigyan ng good night kiss sa labi si Iya. "Goodnight Noona..."bulong ni Neil "Uy, kapal mo ah,mas matanda ka kaya sa akin..bweltang biro ni Iya.. "Ingat... OPPA..goodnight" natatawang sakay na biro ni Iya....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD