Warning: There are certain parts that is not suitable for very young readers. Read at your own risk.
"Mag-iingat kayo..Neil anak, dahan dahan lang sa pagpapatakbo ng sasakyan ha?"bilin ni Aling Gina.
Dahil nalalapit na ang fiesta kung saan Reyna Elena si Iya at eskorte si Neil, kailangan nila mag-sadya sa modista para sa kanilang isusuot.
Dahil sa sobrang excitement ni Aling Gina sa partisipasyon ni Iya, hindi siya pumayag na magsuot ito ng gown na hindi gawa ng pinaka-kilala at mahusay sa lugar nila.
Isang oras ang biyahe papunta doon. Napagpasiyahan nila na si Neil at Iya na lamang ang pumunta dahil kailangan pa asikasuhin ni Aling Gina ang arko na gagamitin. Isa pa, ilang beses na din nakarating si Iya doon dahil ang kanyang junior at senior prom dress at ibpa ay gawa ng Fashion deSigns by Lady Renee.
"Tumawag ako kahapon kay Madam Ren, meron na siyang available na gown para sayo Iya, tutal wala naman ipinagbago ang sukat mo nung huli ka nagpatahi doon. Ang para sa isusuot ni Neil ang titingnan niya kung meron..kaya kailangan masukatan siya.." dagdag bilin ni Aling Gina.
Dahil hindi mataas ang sikat ng araw, hindi gumamit si Neil ng aircon ng sasakyan. Gaya ng request ni Iya na buksan na lang ang mga bintana para malanghap nila ang sariwang hangin. Bago makarating sa mismong siyudad, mula sa bayan nila, dadaan sila sa bayan ng Sta. Monica kung saan kilala ito bilang mini Baguio dahil sa malabundukin at dami ng puno dito.
"Alam mo ba, may mini accident kami dito sa lugar na ito 2 years ago..."kwento ni Neil habang bumusina.
"Ha, anong nangyari?" nabiglang tanong ni Iya kay Neil.
"Hindi ka ba aware sa kwento dito sa kalsada na 'to?"Hindi ko alam kung coincident lang or what..Kasama ko mga kaibigan ko non, since malapit kami sa area naisip kong dumaan kay lola Caring and para maipasyal ko din mga kaibigan ko. Actually ilang months pa lang ako non natutong mag-drive. "
"Hindi ko alam, parang bigla nawalan ng preno yung sasakyan,mabuti na lang at wala din masyadong ibang sasakyan that time. Bumangga kami sa poste,pero minor injuries lang naman.."mahabang kwento ni Neil.
"Nung nalaman ni lola Caring ang nangyari, bilin niya sa akin na tuwing dadaan daw kami dito,bumusina daw muna ako..I don't know what's the story behind pero accident prone pala yung lugar.." pagkukwento ni Neil.
"Ah parang narinig ko na pala yung story na yun, and sabi pa meron daw celebrity na naaksidente din sa lugar na yon, parang kagagaling daw yata non sa show nila sa isang Fiesta malapit don." respond naman ni Iya.
"According din sa mga balita, mostly ang naaksidente don ay mga binata...dahil sabi sa mga kwento ng mga matatanda meron daw babae nakikipag-away sa loob ng sasakyan sa kanyang boyfriend at nagpumilit na bumaba ito sa lugar daw na iyon and then sadly nahagip daw ng sasakyan and eventually namatay mismo doon sa area.." mahabang kwento ni Iya.
"So, parang revenge pala ang mga nangyayaring aksidente don.." pahayag naman ni Neil.
"Kaya ikaw, 'wag kang mang-iiwan ng girlfriend sa kalsada baka masagasaan..." pang-iiba na biro ni Iya.
"Una, hindi ako nang-aaway ng girlfriend, and most importantly hindi kita kaya iwan nowhere kahit mag-away pa tayo.."depensa ni Neil.
"Ang sarap pala sa tenga na yung lalakeng gusto mo nang-aangkin sayo as girlfriend" kilig na iniisip ni Iya sa mga tinuran ni Neil.
Hindi nila namalayan ang isang oras na biyahe dahil sa saya ng kanilang pagku-kwentuhan.
"Iya...masayang salubong ni Madam Ren sa kanya.
"Siya ba ang maswerteng konsorte?Hindi naman nabanggit sa akin ni Aling Gina na napaka-gwapo mo naman pala...baling ni Madam Ren kay Neil.
Nahihiyang ngumiti at napahawak na lamang sa batok si Neil.
Niyaya sila ni Madam Ren sa fitting room at binigyan si Iya ng tatlong nag-gagandahang gown. Isukat daw niya umano ang lahat ng iyon at mamili kung alin ang pinaka-babagay sa kanya.
Iniwan sila nito at kukuha umano ng para kay Neil na pu-pwede sa kaniyang sukat.
"Ahm, dito na lang ako para makapagbihis ka...medyo naiilang na sabi ni Neil.
Namula naman si Iya sa tinuran ni Neil.
"Malisyosa ka gurl.." bulong ng isip ni Iya.
Unang isinukat ni Iya ang sa tingin niya na pinaka-nagustuhan niya sa tatlong gown.
Ang kaso, hindi niya maisara ang zipper nito sa likod..Kailangan niya ng katulong para dito.
Sumilip siya sa pinto at walang nakita na assistant ni Madam Ren na pwedeng mag-assist sa kanya..
Nakita siya ni Neil kaya lumapit ito sa kanya..
"Iya, may problema ba?tanong ni Neil
"Ahmm,favor naman please baka pwede pakisabi kay Madam Ren, need ko may mag-assist dito sa gown.." pakisuyo niya kay Neil.
Tumalima naman si Neil at pinuntahan si Madam Ren.
Ngunit may kausap ito na mukhang klieyente din na magpapagawa ng gown kasama ang assistant nito.
Bumalik si Neil kay Iya at ini-inform niya ang sitwasyon.
"Di bale hintayin ko na lang siguro na matapos sila" sagot ni Iya.
Pero lumipas na ang ang ilang minuto hindi pa din tapos si Madam Ren sa pakikipag usap na may kasamang kwentuhan at tawanan.
Makikita ang pagkainip sa mukha ni Iya ng muli itong sumilip.
Napansin naman ito Neil.
"You know what, let me assist you.."mukhang matatagalan pa si Madam Ren..sabi ni Neil.
Hesitant naman si Iya..
Una,makikita ni Neil ang buong likod niya kapag ito ang nag-assist sa kanya.
"Eh ano naman kung makita niya...hello likod lang yan.."bulong ng isip niya.
Dahil sa inip,pumayag na din si Iya..naisip niya ilang beses na nga sila nagsalo ni Neil ng matatamis na halik..ano na lang ang makita nito ang kanyang likod..
"Mabilis lang naman yun...pampalakas ng loob niya sa sarili.
" Ahm,ok"..pasimpleng sabi ni Iya.
Pagpasok ni Neil sa fitting room.
"Ano ang kailangan gawin?"tanong ni Neil
"Ahmm..hindi ko kasi maisara yung.... zi...pper sa likuran...nahihiyang sabi ni Iya sabay talikod.
Bumungad naman kay Neil ang flawless na likod ni Iya at hindi niya namalayang napalunok habang unti-unti nitong itinataas ang zipper.
Pakiramdam naman ni Iya, nag slow motion ang paligid sa pagsasara ni Neil ng zipper ng gown niya. Tila may boltahe na gumagapang pataas kasabay ng pagdaan ng zipper ng gown sa likuran niya. At ng maramdaman niya na tapos na ito, mabilis siyang humarap kay Neil.
Titig na titig naman si Neil sa kanya..
Para mawala ang awkward moment, nagsalita si Iya..
"Pangit ba?hindi ba bagay sa akin? Di bale meron pa akong dalawa na ita-try.."sunod sunod na sabi ni Iya.
Akma siyang lalakad upang kunin ang isa sa dalawang natirang gown..
"You're so gorgeous"...mahinang bulong ni Neil sa kanyang tenga at binigyan siya nito ng petty kiss sa leeg na ilalim ng kanyang tenga.
Tila natulala si Iya sa sensasyong hatid ng halik ni Neil ngunit mabilis din natauhan sa malakas na boses ni Madam Ren.
"Wow! Iya,you look fabulous!" diba Mr.Pogi.. tuwang-tuwang baling ni Madam Ren kay Neil.
Hindi naman maalis ang tingin ng paghanga ni Neil.
"So alin ang nagustuhan mo?"tanong ni Madam Ren.
Actually eto pa lang po ang naisukat ko, since ito din po yung pinaka-gusto ko..explain ni Iya.
Nagpasya si Iya na hindi na isukat pa ang natirang dalawang gown at satisfied naman silang lahat sa fitting nito sa kanya.Nagpaalam sila kay Madam Ren pagkatapos mahanapan din si Neil ng barong na match din sa gown ni Iya.
Lunch time na,at napagkasunduan nila na kumain bago bumiyahe pauwi.
Dumaan sila sa Pacific Mall at kumain sa Leticia's Bakeshop and Restaurant.
"Baka hindi na magkasya yung gown ko sa dami ng nakain ko" pagbibiro ni Iya.
"Gusto mo mag-arcade muna tayo para ma-burn agad kinain natin..at tsaka maaga pa naman" suggestion ni Neil.
"Sure?"masayang sagot ni Iya.
Sa dami ng arcade games na naipanalo nila, nakakuha sila ng madaming tickets at nai-redeem nila ang mga ito ng isang grizzly bear keychain at 1 malaking stuff toy na si Ice Bear.
Ibinigay sa kanya ni Neil lahat iyon,pero ibinalik niya ang grizzly bear keychain.
"Unfair 'no, kasi sa akin yung malaki.."sabi ni Iya.
Mabilis naman siya hinalikan ni Neil sa mga labi.
"Ayan, even na tayo.." bawi ni Neil sa kanya.
"Ikaw talaga bigla ka na lang nagnanakaw ng halik,mamaya may makakita sa atin..."paninita ni Iya.
"Bakit may batas ba nagsasabi bawal halikan ang girlfriend?" dagdag asar ni Neil at aakma pa sana siya ng halik..
Umiwas si Iya at tumakbo ng tatawa-tawa.
"Halika na nga, uwi na tayo para hindi tayo gabihin..."dagdag ni Iya
Nahabol siya ni Neil at automatic na nag-holding hands sila habang naglakad patungo ng parking lot..
Lumipas ang ilang minuto ng pagbibiyahe, biglang bumuhos ang malakas na ulan.
Naging mabagal din ang pagda-drive ni Neil dahil mahaba ang traffic ng sasakyan.
"Hindi pa tayo nakakapag-celebrate ng Flores de Mayo ayan na ang hiling na ulan.." kwento ni Iya na nakatanaw sa lakas ng ulan.
"Lakas natin sa itaas eh, imagine parang ito ang first date natin outside Santa Elena, bine-bless agad NIYA, ulan is sign of blessings diba?" sweet na sabi ni Neil sabay halik sa kamay ni Iya.
"Amen" kunwaring pabiro ni Iya.
Maya-maya ay napansin nila na madami ang traffic enforcer sa paligid.
Lumapit at kumatok ang isa sa bintana ng sasakyan nila.
"Sir, pasensiya na, kailangan niyo mag U-turn at hindi passable ang tulay papunta ng Santa Elena. May alternative bridge naman na pansamantala gagamitin pero dahil sa lakas ng ulan hindi muna safe dumaan.."explain ng traffic enforcer.
"Hala, pano iyan? Mag-aalala si nanay niyan hindi tayo makauwi agad.." worried na sabi ni Iya.
Sinabihan siya ni Neil na ipaalam na niya agad ang sitwasyon nila upang hindi na ito mag-alala kaya tinawagan agad niya ang kanyang nanay.
Kabilin-bilinan ni aling Gina na h'wag silang mangangahas na dumaan sa tulay hanggat hindi sigurado na safe ng dumaan dito.
Napagpasiyahan nila na magpatila ng ulan sa Central Liberty Park,kung saan karamihan ng mga stranded na gaya nila ay doon din tumungo. Kilala ang park na iyon dahil sa mga magagandang halaman na namumulaklak na gaya ng Botanical Garden at madaming matataas na puno. Isa din sa attraction ang pagkakaroon ng food park nito kung saan dinadayo dahil sa masasarap na mga pagkain.
Pumarada si Neil sa hindi crowded area.
"Gusto mo baba muna tayo at tumambay sa mga food stall?" tanong ni Neil.
"Hindi pa ako gutom eh, pero sige kung gutom ka na..tara.." yaya ni Iya.
"Actually hindi pa din ako gutom.." assurance ni Neil kay Iya.
"Ahmm..so ano bato-bato pik na lang muna tayo habang nagpapatila ng ulan.."pagbibiro ni Iya.
"Pwede, ang matalo may parusa ha.." sakay naman ni Neil.
"Seriously?" joke ko lang yun.." depensa ni Iya.
"Not a bad idea,tutal wala naman tayo gagawin ...natatawang sabi ni Neil.
Nagkasundo sila Iya at Neil na parang mga bata..Expectedly talo si Iya sa usapan nila.
"Hmm ano kaya parusa ko sayo.." nang-aasar na sabi ni Neil.
"Pitik bulag na lang at ng matapos na.." suggestion naman ni Iya.
"No, isip muna ako ng mas mahirap..." nakangiti na sabi ni Neil.
Habang nagkukunwaring nag-iisip si Neil, na-realized ni Iya na ngayon lang niya natitigan ng mas matagal ang mukha ni Neil para mapag-aralan mabuti ang facial features nito. Actually sa isip niya, hindi na niya nakikita si Neil as Nam Joo Hyuk dahil napansin niya na mas bilugan ang mata nito na bumagay ang eyebags lalo na pag ngumingiti ito. Ang mga mapuputi at pantay pantay na ngipin ay dagdag appeal sa makapal na lower lips nito.
Kinuha ni Iya ang kanyang cellphone at biglang kinuhanan ng picture si Neil..
"Oops wait lang hindi ako prepared.." biro ni Neil.
"Ang daya mo ha..gusto ko sana dalawa tayo...ako kukuha ng picture.." sabi ni Neil.
Umayon naman si Iya sa gusto ni Neil at iniabot ang cellphone sa kanya.
"Ready, 1..2.. click" ,sabay halik ni Neil kay Iya sa labi..
Nagulat man si Iya, wala na siya nagawa kundi kiligin na lang..
"Forward mo sa akin later ha, gawin ko screenwall paper ng cellphone ko"..nakangiti na baling ni Neil.
"Baliw..gusto mong mabugbog ni kuya Alex pag nakita niya yan.." natatawang sabi ni Iya.
"Para sayo willing ako magpabugbog" palambing na sagot ni Neil.
"Bolero..i-delete ko na nga lang ng walang ebidensiya para mabugbog ka.." sabi ni Iya.
Hinablot ni Neil ang cellphone ni Iya..
"Yan eh kung makukuha mo itong cp mo"pang-aasar ni Neil.
Nag-agawan sila sa cp habang nag-aasaran at nagtatawanan ng biglang kumulog at kumidlat ng malakas..
Nagulat silang dalawa at natahimik bigla..
"Ayan, nagalit na ang langit..kulit mo kasi..." kunwaring paninisi ni Iya sabay hablot sa cellphone.
Ngunit mabilis si Neil at naiiwas niya agad ito na naging dahilan para mapasubsob ang mukha ni Iya sa kanya.
Sa tagpong iyon, muli na naman sumiklab ang damdamin nila sa isa't isa.
Hinawakan ni Neil ang mukha ni Iya at tuluyan ng sinakop ang mga labi nito.
Kasabay ng lakas ng ulan, umaapaw ang kapusukan sa kanilang dalawa. Mas malalim na mga halik ang kanilang pinagsaluhan. Ang mga kamay ni Neil ay banayad na humahaplos sa katawan ni Iya...Bawat haplos nito ay nagbibigay ng matinding sensasyon sa paglalim ng kanilang halik.
Napa-ungol na lang si Iya ng ang mga kamay ni Neil ay humaplos sa kanyang mga legs...Dahil alam niya na magsusukat siya ng gown , ipinasya niya na mas komportable suotin ang simpleng above the knee t-shirt dress with white sneakers.
Nagtatalo ang isip ni Iya kung san hahantong ang ginagawa nila ni Neil,pero mas nangingibabaw ang bugso ng kanyang damdamin.
Ngunit bago sila tuluyang maanod sa init ng mga pangyayari at mapadpad sa ibang level ng kapusukan bigla nag-ring ang cellphone ni Iya.
Pareho silang nagising sa kasalukuyan at awkward na naghiwalay sa pagkakayapos sa isa't isa....