Surge of Emotions
Warning: There are certain parts and words that are not suitable for a very young readers. Read at your own risk.
Mabilis na inayos ni Iya ang sarili at hinanap ang tumutunog nitong cellphone.
Nag-clear throat muna siya bago sumagot...
"Hello 'nay..sa mahinang boses ni Iya.
"Anak, nasan na kayo?tumila na ba ang ulan diyan?" nag-aalalang tanong ni aling Gina kay Iya.
"Nagpapa-tila po kami dito sa Central Liberty Park nay.."may guilt na sabi ni Iya sabay tingin kay Neil.
"Sige mag-iingat kayo ha?" bilin ni aling Gina.
Pagkatapos ng usapan ni Iya at ng kanyang nanay, saglit na nangibabaw ang katahimikan sa pagitan nila Iya at Neil.
"Gusto mo ng maiinom?" -Neil
"Nagugutom ka na ba?" - Iya
Sabay na tanong nilang dalawa sa isat-isa.
Nagkatawanan na lang sila at eventually nawala ang awkwardness.
Ng tumila na ang ulan, nakita nila na nag-alisan na ang mga sasakyan na kagaya nilang stranded at nagbaka sakali na din sila.
Hindi man sila nag-uusap sa biyahe nila pauwi, alam nila sa isa't isa na connected sila at mas nagkakaintindihan sa kabila ng katahimikan nila..hinayaan ni Iya na focus si Neil sa pagda-drive at siya naman ay nagkasya ng tumanaw sa tanawin sa daan.
Inihatid siya ni Neil sa bahay at nagpaalam ng hindi ito makababa pa..Alam ni Iya na napagod din ito sa maghapon nilang lakad kaya hindi na niya ito pinilit pa.
Bago siya bumaba, hindi nakaligtaan ni Neil na mag-good night kiss sa kanya..simpleng smack lang ito pero nagdudulot sa kanya ng munting kabog sa dibdib.
"Napapadalas na yata ang kiss niyo ah.." sita ng isip ni Iya.
Excited naman at nawala ang pag-aalala ni aling Gina ng makita niya si Iya bitbit ang gown nito pagpasok ng bahay.
Nagpaalam muna si Iya na maligo bago sumalo sa hapunan.
Kinagabihan, naalala niya na i-forward kay Neil ang picture nila sa messenger.
Pinusuan naman iyon ni Neil at nag- message.
"I think I'm crazy for you Iya..I had really fun today despite ng weather and others..have a goodnight my sweet honey♥️"
"Goodnight my Pooh Bear" ?..reply ni Iya..sa dami ng gusto niya sabihin tanging yun lang ang nai-send niya.
Dahil sa mix na pagod at kasiyahan ni Iya,mabilis siyang nakatulog ng mahimbing at may ngiti sa mga labi...
Ilang araw bago ang Flores de Mayo, naging abala si Iya at Neil sa pagtulong sa pag-aayos at dekorasyon ng kanilang arko na naging dahilan ng araw-araw nilang magkasama.
Sa loob ng ilang araw, naging routine nila na mag-asikaso ng flores de mayo related sa umaga at sa hapon ay Kdrama marathon. Doon na din ilang gabi nagdi-dinner si Neil dahil na rin sa pagpupumilit ni aling Gina.
Araw ng Flores de Mayo
"Nay, handa ka bang may umakyat na ng ligaw kay Iya?" Pagkatapos ng sagala, baka dumugin ang bahay ng mga manliligaw ni Iya.." may pagmamalaking sabi ng kuya Alex niya.
Natapos na siya ayusan ng beautician na nag-home service sa kanya. At maski siya ay na-amaze sa beauty niya today.
Bukod sa natural na maganda siya, at bumagay ang gown niya sa kanya..kitang kita ang glow sa mukha ni Iya..ganon nga yata kapag inlove ang isang tao.
"Ang ganda talaga ng anak mo Mam Gina" dagdag paghanga ng baklang beautician na si Carla.
"Aba kanino pa ba magmamana iyan.. siyempre ako lang naman ang kanyang nanay.." natutuwa at proud na sabi ni aling Gina.
Maya-maya ay tumunog ang doorbell.. alam ni Iya na si Neil iyon at excited siya na makita siya nito...Gusto niya ma-confirm na maganda nga siya base sa mga sinasabi ng kanyang nanay, kuya Alex at Carla sa pamamagitan ng reaksiyon ni Neil. Para sa kanya ang sasabihin ni Neil ang pinaka-importante ngayon.
"Ayan na yata ang eskorte mong si Neil, teka ako naman ang magbibihis sandali.." nagmamadali na panik ni aling Gina sa itaas.
Hindi pa kasi ito nakakapag-ayos dahil binantayan niya si Iya habang inaayusan ito. Metikulosa si aling Gina at ayaw niya umanong makapal ang make-up ni Iya.
Si Alex ang nagbukas ng gate at pinatuloy si Neil sa loob.
"Iya sinusundo ka na ng prince charming mo.." sigaw ng kuya Alex niya.
Tumatawa ito at alam ni Iya na nag-uumpisa na naman ito sa pang- aalaska sa kanya.
Pero hindi niya ito pinansin at ayaw niya masira ang feeling beauty queen moment niya..
Pagka-kita ni Neil sa kanya,hindi maikakaila ang obvious na paghanga nito kay Iya.
"Bro, humanda ka..pagkatapos nito dadagsa ang karibal mo.." birong pagbabanta ni Alex kay Neil.
"Naku wag mong pansinin ang sinasabi ni Alex.." putol ni aling Gina na mabilis na nakabalik na nagbihis.
"Mabuti pa ay umalis na tayo baka ma-late tayo sa assembly ng sagala..."pagmamadali ni aling Gina sa kanila.
Iniabot naman ni Neil ang kamay niya kay Iya upang alalayan siya sa paglalakad at naramdaman ni Iya ang simpleng pagpisil nito.
Tumingin si Iya kay Neil at simpleng bumulong ito sa kanya..
"You're so lovely.."
Lumulukso ang puso ni Iya at pinisil din niya ang kamay ni Neil..
Simpleng gesture na sila lang ang nagkaka-unawaan.
"Nay, baka gabihin ako mamaya ha.." habol na sigaw ni Alex
"Naku kelan ka ba hindi ginabi.." balik sigaw naman ni aling Gina.
At nagkatawanan silang lahat ...
Nag-umpisa na ang sagala..
4 na mga batang binatilyo na pawang mga kapitbahay nila ang may hawak sa arko ni Iya. Maningning sa dami ng ilaw ang kanyang arko na talagang pinag-tuunan ng pansin ni aling Gina.
"Ate Iya, kapag 15 na ako pede ba kita ligawan?" lakas loob na sabi ng isa.
"Hindi ka pa nga tule, panliligaw na iniisip mo" pang-aasar naman ng isa pa.
"Naku mga iho, pag-aaral muna isipin ninyo.." natatawa na saway ni aling Gina sa kanila.
"Mukhang totoo ang banta ni Bro Alex ah.." sabi naman ni Neil kay Iya at bumulong pa ito sa kanya.
"You are mine na, gusto ko isigaw.." bulong ni Neil kay Iya.
Extra sweet at protective si Neil sa kanya na para bang iyon ang paraan niya to pass the message that "this girl is mine".
Super proud din si Iya kay Neil na escort niya, nakita din niya kung pano makatingin ng paghanga ang mga kababaihan na bumabati sa kanya. Gaya ni Neil, gusto din niya ipabatid sa lahat na "taken" na ang escort niya.
Kung pagbabasehan ang kanilang mga gesture at tinginan... obviously, there is something going on between them.
Matapos ang sagala,nakaramdam si Iya ng pagod at sakit ng paa. Dahil dito, nagpaalam siya sa kanyang nanay na mauna na siyang umuwi.
Pumayag naman si aling Gina dahil alam nitong ihahatid ni Neil si Iya. Nagbilin pa ito na baka ma-late din ng uwi..
"Asusual, after kasi ng Santa Cruzan ay coronation night ng mga lakambini sa bawat purok ng kanilang barangay at siyempre ang kanyang nanay ang isa sa mga punong abala"...buntong hininga sabi ni Iya.
Pagdating nila sa bahay, nilambing ni Iya na mag-stay muna si Neil hangga't hindi dumarating ang kanyang nanay or kuya Alex para may kasama siya umano tutal maaga pa din naman..walang duda na pumayag si Neil kasunod ng paghila sa kanya at hinalikan siya ng madiin sa mga labi.
"Kanina ko pa gustong gawin to.. pagkakita ko pa lang sayo gusto kong tumakbo palapit sayo at halikan ka..kaya lang baka mabugbog ako ng kuya Alex mo.." sabay kamot sa ulo ni Neil.
Pinunasan naman ni Iya ang lipstick na dumikit sa labi ni Neil dahil sa pagkakahalik sa kanya.
"Iwan muna kita sandali at gusto ko ng magbihis ang bigat ng gown na 'to.." reklamo ni Iya.
Pagpanik ni Iya sa kwarto,naalala niya na hindi niya kayang hubarin ang gown ng mag-isa dahil sa zipper nito sa likod...Hindi siya mapakali, kung tama ba na humingi siya ng tulong kay Neil.
"Anong difference ng ngayon at noon na pagpapa-assist kay Neil diyan sa zipper ng gown mo.." bulong ng isang parte ng isip niya.
Bumuntong hininga at pikit mata siya sa kanyang gagawin. Bumaba siya at sinabi kay Neil ang munti niyang problema.
Medyo hesitant naman si Neil at lumunok muna bago tuluyang ibaba ang zipper ng gown ni Iya.
Pagkatapos gawin iyon, babalik na sana si Iya sa itaas ngunit kinabig siya muli ni Neil.
Madiin na may pagtitimpi na hinalikan ni Neil si Iya, kasabay ng pagyapos nito sa kanyang hubad na likuran. Napasinghap naman si Iya sa ginagawa na iyon ni Neil ngunit ayaw niya itong tumigil.
Tila nag-aapoy ang mga katawan nila sa init at pareho silang ayaw bumitaw sa isa't isa. Hindi na nila alam kung tama ba ang ginagawa nila..ang mahalaga sa kanila ngayon ay ang gusto ng puso,isip at katawan nila.
Sa kabila ng mga agresibong halik, natagpuan nila ang kanilang mga sarili sa kwarto ni Iya.
Tuluyan ng nahubad ang gown ni Iya at tumambad kay Neil ang magandang katawan niya. Hinalikan ni Neil ang bawat parte nito at dama niya ang lambot at kinis ng kutis ni Iya.
Tuluyan na silang nagpadala sa bugso ng kanilang mga damdamin...
Kasabay ng pagkawala nila sa kanilang katinuan ay ang pagbuhos ng malakas na ulan at kasunod nito ang biglaang pagkawala ng kuryente.
Hindi nila alintana ang lahat at sa mabilis na sandali na iyon ay naibigay ni Iya ang buong pagkatao niya kay Neil..ang kanyang puso at ang kanyang katawan lalo na ang kanyang pagka-babae.
Pareho silang hinihingal na nahiga sa kama pagkatapos ng magical moment na iyon. Hinalikan siya ni Neil sa noo at bumulong..
"I love you very much Iya.."
"I love you too Neil.." malambing na sagot naman niya.
Sa lakas ng kulog at kidlat sa labas ay parang nagising sa kasalukuyan si Iya..Bigla niyang naalala na baka anytime ay dumating na ang kanyang kuya Alex at nanay.
Mabilis niyang pinagbihis si Neil at pina-una niya ito sa ibaba.
Hinanap naman niya ang rechargeable lamp nila at sumunod kay Neil.
Tahimik sila pareho ni Neil na nakaupo sa sofa..
"Iya, we have to talk about what happened between us.." panimula ni Neil.
"Bakit nagsisisi ka ba..?" maikling sagot ni Iya.
"No!mabilis na sagot ni Neil..forever kong ite-treasure ang moment na iyon Iya..." malambing na sabi ni Neil.
"Gusto ko maging manly enough to take responsibility hindi dahil sa anuman na dahilan or dahil may nangyari sa atin, kundi dahil mahal kita Iya...mahal kita.." explain ni Neil.
"Mahal na mahal din kita Neil kaya pumayag akong magawa natin iyon.." Pero ayoko na maging hadlang iyon sa mga gusto pa natin gawin sa buhay.." assurance ni Iya.
Ayaw ni Iya na maging obligasyon siya ni Neil ng dahil sa nangyari sa kanila. Isa pa, gusto niya makatapos ng pag-aaral at madami pa siyang pangarap na gustong abutin.
"Ganon pala eh,bakit isinuko mo na ang Bataan, pano kung mabuntis ka..pano na ang mga pangarap mo.." pananakot ng isip niya.
"I know, pero sinira ko ang tiwala ni tita at ng kuya mo..." Kaya mo ba na hintayin muna maabot ang mga pangarap natin bago ko panagutan ang nangyari sa ating dalawa..."explain ni Neil
"Are you suggesting na..." naputol na sabi ni Iya
"Yes Iya, will you marry me?" seryosong tanong ni Neil sa kanya.
"Neil, please..hindi ganito ang pinangarap ko na proposal..Huwag tayong magpadalos-dalos ng decision dahil lang may nangyari sa atin.." Ni wala ka ngang singsing...meaning hindi ka or ako ready sa sinasabi mo..explain ni Iya
"Ayoko na magkaroon tayo ng regrets in the end.."explain ni Iya.
Si Iya ang babae at siya ang nasa dis-advantage sa sitwasyon,pero firm ang decision ni Iya na hindi siya susuong agad sa kasalan ng dahil sa nangyari. Mahal niya si Neil at kung talaga na mahal din siya nito, maghihintay siya ng right time para sa mabigat at sagradong decision. Ayaw niya na parang napilitan lamang ito or wala ng choice ..Yun ang paniniwala ni Iya.
Hinawakan ni Neil ang mga kamay ni Iya
"Basta tandaan mo, anytime magbago ang isip mo...willing ako i-sacrifice ang lahat ng mga pangarap ko, kung kapalit non ikaw Iya.."I love you so much at pangako ko, hihintayin kita until you're ready.. mahinahong sabi ni Neil.
Bumalik na ang suplay ng kuryente at maya-maya lang ay dumating na si aling Gina.
Nagpaalam na din si Neil na umuwi dahil malalim na din ang gabi..Gaya ng dati hinatid siya ni Iya sa gate at binigyan ng matamis na halik sa mga labi..