Summer Breeze

2403 Words
Warning: There are certain parts and words that are not suitable for a very young readers. Read at your own risk. Nagising si Iya sa lakas ng Banda na dumaan sa harapan ng bahay nila. Ang araw na iyon ang official barangay fiesta nila. Madaming mga ganap sa plaza, isa na ang inter-brgy Basketball na siguradong hindi palalampasin panoorin ng kuya Alex niya, mga peryaan , rides at mga tiangge. Sa gabi naman ay meron Zarsuela ang main event kung saan may show ang maiimbitahan nilang artista. May mga time kung malaki ang budget ng kanilang barangay, medyo sikat ang makukuha ng mga ito para sa show,kung hindi man ay mga baguhan or mga artista na hindi kataasan ang mga talent fee. Pagmulat ni Iya, mabigat ang pakiramdam niya,kung ikukumpara sa handa nila siya ay parang overcooked pasta. Feeling niya may slight fever siya.Para siyang nag- mountain climbing dahil sa sakit ng mga binti niya..naisip niya na baka iyon ay dahil sa haba ng nilakad nila sa sagala kagabi.. "G*g* yan ang after-effect ng first time s****l i*********e" singit ng kabilang isip niya. Pagbangon niya,napansin niya ang dugo sa bedsheet niya..ang sign ng virginity niya. Nanumbalik sa isip niya yung mga intimate moment na pinagsaluhan nila ni Neil. Dali-dali niya pinalitan ito sa takot na makita ng kanyang nanay. Naligo siya sa pag-asa na mawala ang sinat niya..Ngunit matapos siya maligo, hindi talaga kaya ng katawan niya. Parang nais niya bumalik sa pagkakahiga. Bumaba siya at naghanap sa nanay niya ng paracetamol.. Kinapa naman ni aling Gina ang noo niya at napansin nga nito na may lagnat na siya. "Napagod ka ba masyado kagabi anak sa Santa Cruzan at ganyang sumama pakiramdam mo?" Naulanan ba kayo ni Neil kagabi?punong-puno ng pag-aala na tanong ni aling Gina. Bigla naman nakaramdam ng guilt si Iya sa pag-aalala ng kanyang nanay..kaya pinilit niya kumilos ng masigla para hindi na ito masyadong mag-worry sa kanya. "Galing nga pala dito kanina si Neil, ibinigay itong mga kakanin.." kwento ng nanay niya. "Gigisingin sana kita, pero babalik na lang daw siya.." patuloy na pagkukwento ng nanay niya habang nag-aayos ng kanilang mga handa sa mesa. "Panik na lang muna ako 'nay, tawagin niyo na lang ako kung kailangan ninyo ng tulong ko.."hindi maikukubli na tamlay ni Iya. "Magpahinga ka na lang, andiyan naman ang kuya mo, siya na lang ang gisingin ko.." pantataboy ng kanyang nanay. Pagpanik niya ng kanyang kwarto, kinuha niya ang kanyang cellphone at nahiga.May message mula kay Neil. "Good morning sleeping beauty.." pm nito sa kanya 1 hour ago na. "Morning prince Philip, Sleeping Beauty will back to sleep... Maleficent made her sick.." reply ni Iya. "Bakit ngayon araw pa talaga ako nagkasakit.." sisi ni Iya sa sarili Dahil hindi talaga maganda ang pakiramdam niya at epekto na din ng pag-inom niya ng gamot, nakatulog muli siya. Nagising si Iya na may naghahaplos ng bimpo sa noo niya..akala niya parte lang ng panaginip niya ng makita si Neil. "Neil, bakit andito ka?" takang tanong ni Iya. "Nabasa ko ang pm mo, then pina-derecho na ako ni tita dito dahil may mga bisita siya sa ibaba.." explain ni Neil. "Naabutan ko na ito dito.." turo ni Neil sa bimpo. "Pero mukhang mainit kapa kaya, ayun..pinunasan kita.." nag-aalalang sabi ni Neil. "Magkaka- baby na ba tayo?" pabirong sabi ni Neil. "Ssshh...anong sinasabi mo,baka marinig ka nila nanay.." pagsita ni Iya kay Neil. " Magpagaling ka na,kasi ipapakilala kita sa mga darating kong mga bisita.." pag-iiba ni Neil ng usapan. "Wrong timing, tingnan mo naman ako..I'm a mess.." matamlay na sabi ni Iya. "You're always beautiful in my eyes.." lambing ni Neil. Maya-maya kumatok si aling Gina.. "Iya anak,kumusta na pakiramdam mo?,siya nga pala Neil..tumawag ang mommy mo, may mga bisita ka daw na naghihintay sa bahay.." inform ni aling Gina. "Sige na, asikasuhin mo na mga bisita mo, pm na lang kita, sigurado mamaya ok na ang pakiramdam ko nakainom naman na ako ng gamot.." pagtataboy ni Iya kay Neil. "Siyanga Neil,nakakahiya sa mga bisita mo,kalayo ng biyahe nila para pag-antayin mo.."dagdag convince ni aling Gina Ng makaalis si Neil, tinanong ni aling Gina kung nagugutom na siya. Dadalhan na daw siya umano nito ng pagkain sa kwarto niya... Sa sobrang guilt na nararamdaman ni Iya sa nakikita niyang pag-aalala ng kanyang nanay, naiyak siya at tsaka niyakap ang kanyang nanay.. Lalo naman nag-alala si aling Gina sa ginawa niya at tinanong siya kung may iba pa ba siyang nararamdaman na hindi maganda.. Umiling lamang siya at patuloy ang agos ng kanyang luha..May mga salita na gusto niyang banggitin at humingi ng sorry dahil sa kapusukan niya ngunit hindi iyon lumabas sa kanyang bibig. "Wala po 'nay..ok naman na ako, sorry hindi kita matulungan ngayon ang dami mo pa namang bisita.." pilit na tumawa si Iya sa huli niyang sinabi. "Ikaw talagang bata ka, akala ko naman napapano ka na..wag mo ng intindihin yun..magpahinga ka lang dito.." assurance ni aling Gina sa kanya. Sa tagpong iyon,sumilip ang kanyang kuya Alex.. "Anong drama meron dito bakit hindi ako kasali"? pagbibiro nito sa kanila. "Nay, yung mga bisita mo sa ibaba hinahanap ka.." inform ng kuya Alex niya. Bumaba na ang kanilang nanay at binilinan muli si Iya na magpahinga para mabilis gumaling. Binalingan naman siya ng kanyang kuya Alex "Ano ba yan lil sis,kahapon lang mala-beauty queen ka, bakit ngayon para kang misis na iniwan ng asawa.." pang-aasar ng kuya Alex niya. "Kuya naman eh..." pagbubugnot niya dito "Seryoso na Iya,may problema ka ba na gusto mong sabihin kahit sa akin na lang?" matiim na tanong ng kanyang kuya Alex. "Ano naman magiging problema ko overnight..?" kunwaring maang na tanong ni Iya. "Sige sinabi mo eh, may tiwala naman ako sayo.." baling ng kuya niya.. "Tiwala" salitang sumundot sa puso niya dahil alam niya na sinira na niya iyon kagabi..pero desidido na siya na sarilinin na lang muna nila ni Neil ang nangyari sa pagitan nila. *************************************** Neil -POV "Tol, walang hiya...san ka galing? kanina pa kami dito"...bungad ni Mark kay Neil. "Pasensiya na 'tol may dinalaw lang...sino- sino ba kayo na natuloy..?" tanong ni Neil kay Mark. "Neil!" masayang boses ni Beatrice.. Napalingon muna si Neil kay Mark sa nagtatanong na mga mata.. "Tol, nagpumilit na sumama,kinuntsaba pa si Tin para pumayag si Jason.."bulong ni Mark kay Neil. Si Mark at Jason ang mga kaibigan ni Neil, si Tin naman ay girlfriend ni Jason at si Beatrice ay siguradong problema ni Neil ngayon.. "Uh..what's with the long face babe?,para naman hindi ka happy na makita ako.."kunwaring maktol ni Beatrice. "Tol, don muna ako sa loob,mukhang mahaba habang usapan yan.." exit ni Mark sabay tapik sa balikat ni Neil. "Beatrice anong ginagawa mo dito?"agad na tanong ni Neil. "Ouch! sumosobra ka na Neil, ang layo ng biyahe namin tapos ganyan lang ang isasalubong mo sa akin?"para naman wala tayong pinagsamahan niyan.." nakasimangot na sabi ni Beatrice. Nakaramdam naman ng guilt si Neil. "I mean, hindi ba nagkaintindihan na tayo last time..we both agreed to end kung anong meron tayo..remember?" paninita ni Neil. "Yeah, I know...and diba nagkasundo din tayo to remain friends?"remember?" balik paninita ni Beatrice. "Ok, fine.."maikling sagot ni Neil. "Tara na sa loob, ang sarap ng mga pagkain na inihanda sa amin ni tita and si lola Caring nakakatuwa kausap..tsaka nadaanan namin kanina sa plaza napakadaming rides at may peryaan...."excited na sabi ni Beatrice. Naunang naglakad si Neil papasok ng bahay habang nakasunod sa likuran niya si Beatrice na excited sa mga sinasabi ngunit wala siya naintindihan sa mga ito dahil ang nasa isip niya ay si Iya. ************************************** Iya - POV Alas -3 ng hapon Naging maayos na ang pakiramdam ni Iya kaya nagpasya siyang magbihis at bumaba para makahabol sa celebration ng fiesta. Bago siya bumaba, nag-pm siya kay Neil. "Busy with friends?" "I'm feeling good na.." "Thank you for tlc" "See you later" Naabutan niya ang iba pang mga bisita ng kanyang nanay na pawang mga co-teachers sa kanilang distrito. Magalang siyang bumati sa mga ito at panay papuri patungkol sa kanya ang narinig niya mula sa kanila. "Ok ka na anak?Ikaw na lang kaya ang magdala nitong chicken galantina kay Nids, baka hindi makabalik agad si Neil dito at may mga bisita.." suggestion ni aling Gina. "Sige po nay.." tugon ni Iya. Tila na-excite din siya sa idea na yun, dahil simula ng magka-mabutihan sila ni Neil, ito ang lagi pumupunta sa bahay nila. Wala pang 2-minuto na lakarin, nasa harap na siya ng bahay ni lola Caring. Pinindot niya ang doorbell at ine-expect na si Neil ang magbukas non. "Ahm, Hi.." nakangiti na bati ni Mark. "Hi, ibibigay ko lang ito kay tita Nids.." alanganing ngiti ni Iya dahil hindi niya kilala ang kausap. "Pasok ka, mukhang busy sila sa loob eh kaya ako na ang nagbukas ng gate..by the way I'm Mark..sabay abot sa kamay nito na nakangiti. Awkward na ngumiti si Iya at sumenyas sa hawak niya..na hindi siya makapag shake hands dahil may dala siya. Natawa sila pareho.. Pagpasok ni Iya,napansin niya wala ang sasakyan ni Neil. "Taga-rito ka ba?" Would you mind kung tanungin ko pangalan mo..dagdag na tanong ni Mark. "Iya...." Naku pasensiya ka na, si Mark na nagbukas ng gate at medyo busy kami sa loob..maayos na ba pakiramdam mo?may sakit ka daw sabi ni Neil?masayang salubong at sunod-sunod na tanong ni aling Nids. "Ahm magkakilala sila ni Neil tita?"singit naman ni Mark. "Ay, siyanga pala si Mark, kaibigan ni Neil..umalis nga pala si Neil kasama yung iba pa niyang mga kaibigan,may errand lang sabay bibili din daw sila ng maiinom.." explain ni aling Nids. "Ganon po ba, hindi na din po ako magtatagal, inihatid ko lang po itong chicken galantina.." simpleng sagot ni Iya. "Naku,buti pa antayin mo na si Neil, padating na ang mga yun..tsaka para may kausap itong si Mark at ng hindi mainip puro kami oldies dito...bakit nga ba hindi ka sumama sa kanila" baling ni aling Nids kay Mark. "Naku tita, ma-OP lang po ako sa mga yon, maging 5th wheel.... lang.. ako.." paputol -putol na sabi ni Mark ng senyasan siya ni aling Nids. Alanganin naman ngumiti si aling Nids kay Iya.. "Dalhin ko lang ito sa loob ha,mukhang masarap ah..pakisabi kay Gina salamat...iwan ko muna kayo.." pang-iiba ni aling Nids. "Oy Mark, wag ka na magpa-pogi pa kay Iya at taken na iyan.."biro ni aling Nids kay Mark bago tuluyang pumasok sa loob. Napakamot naman si Mark sa tinuran ni aling Nids... "Totoo ba? Late na pala ako" Kung alam ko lang na may kagaya mo na maganda na nakatira dito,noon pa ako sumama kay Neil.."pagbibiro ni Mark. "Bolero ka din pala" nakangiti na sabi ni Iya. "Kilala mo na si Neil diba?Yun ang tunay na bolero sa aming tatlo .." kwento ni Mark. "Oy, ang sama mo..kaibigan ka ba niya talaga?" sakay naman ni Iya. Dahil jolly ang personality ni Mark, naging masaya ang kanilang kwentuhan. Napapayag siya ni Mark na sumama daw sa kanila pagpasyal sa plaza mamayang gabi. Hindi nagtagal nakarinig sila ng busina ng sasakyan. "Sila Neil na yan, iwan muna kita sandali ha,buksan ko ang gate.." Yun yata ang purpose ko dito eh..taga-bukas ng gate.." pagbibiro pa ni Mark bago tumakbo patungo ng gate. Nakangiti na naiwan sa Veranda si Iya,pero hindi maalis ang curiousity niya sa nabanggit ni Mark na "5th wheel" ..parang hindi niya mahintay na makita ang mga lulan ng sasakyan at umiiral ang kanyang woman instinct... Wala sa loob na ini-iling niya ang ulo dahil sa takbo ng iniisip niya.. "Shake it off Iya.." bulong niya sa sarili. Hindi napansin ni Neil si Iya sa Veranda pagbaba ng saksayan dahil malalim ang iniisip niya. At hinahayaan niya lang si Beatrice na clingy sa kanya dahil nakapag-usap naman na sila...pero yun pala ang isa sa malaki niyang pagkakamali that moment. "'Tol, andiyan pala si Iya..." inform ni Mark kay Neil. Ng marinig ni Neil ang sinabi ni Mark, napatingin siya sa veranda kung saan nakaupo si Iya na nakatingin sa kanya..actually sa kanilang dalawa ni Beatrice na naka-angkla sa braso niya. Pero huli na bago siya makakilos at maalis ang pagkaka-kapit sa kanya ni Beatrice..nakita na sila ni Iya. Mula sa kinauupuan ni Iya, nakita niya ang pagbaba ni Neil ng sasakyan at ng babae na nakaupo sa tabi ng driver's seat. Bigla siyang sinukuban ng insecurities at selos?na sa gitna ng napakainit na panahon,tila nabalot ng lamig ang kanyang emosyon... Nakasuot ito ng ripped sexy shorts at top tank na lalong nag-emphasize sa ganda ng hugis ng katawan nito. Well, maganda din naman ang katawan niya pero usapang dibdiban..talo na siya agad. Siya na simpleng short at at ringer tee na mula sa paborito niyang Penshoppe na suot ay magmu-mukhang nene sa tabi nito. "Iya, mga kaibigan pala namin ni Neil..si Tin girlfriend ni Jason..at tsaka si Beatrice.."pabibo na pakilala ni Mark na hindi alintana sa tension between Iya and Neil. "Hi..simpleng bati ni Iya.. "Mauna na din ako, kanina pa din kasi ako dito baka hinahanap na ako sa bahay.."paalam ni Iya na kay Mark lang nakatingin. "Iya..wait...mabilis na sabi ni Neil. Mabilis naman lumakad si Iya patungo ng gate na parang hindi niya narinig ang tawag ni Neil. Pero nahabol siya ni Neil at hinawakan ang kanyang braso na ikina-palag niya. "Please Iya, mag-usap tayo.." pakiusap ni Neil. Pikit mata na hinarap ni Iya si Neil at sa pagkakataon na iyon inakay siya ni Neil sa sasakyan at pinapasok sa loob. Hindi na siya nagpumiglas at gusto niyang maging cool sa kabila ng sitwasyon kahit na deep inside gusto niya sumigaw. "Mark,paki-bukas ang gate.."sigaw na paki-usap ni Neil kay Mark. "What the heck...sabi na eh, eto ang silbi ko sa bakasyon na 'to.." kakamot-kamot sa ulo na si Mark sabay ngiti kay Iya. Kung hindi lang siguro ganon ka-intense ang sitwasyon,napa-hagalpak ng tawa si Iya dahil sa tinuran ni Mark. Humarurot na umalis ang sasakyan lulan sila Neil at Iya ..siya naman paglabas ni aling Nids.. "San ang punta ni Neil?Kadarating niyo lang diba?Nasan na nga pala Mark si Iya,umuwi na ba?"sunod-sunod na tanong ni aling Nids. "Si Iya po yung kasama ni Neil na umalis tita.." explain ni Mark. Parang naunawaan naman ni Aling Nids ang mga nangyari ng mapansin niya si Beatrice na hindi maipinta ang magandang mukha nito.. Niyaya niya ang mga ito sa loob na tila walang big deal na naganap..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD