"Pwede, bababa na ako?"malamig at walang emosyon na sabi ni Iya.
"Iya,please mag-usap tayo.." pakiusap ni Neil habang nagmamaneho ng sasakyan.
"Sige, ano ba pag-uusapan natin?"
"Yung tipong kagabi lang, magka-siping tayo tapos ngayon may ibang babae na nakayapos sayo..?" Hindi naman ako manhid Neil...Naiinis ako sa sarili ko..hindi ko lang alam kung tama ba na nagkaka-ganito ako, kasi baka wala naman akong karapatan.." usal ni Iya na nagpipigil ng luha.
"Maniwala ka sana sa akin, wala na kami ni Beatrice..napag-usapan na namin iyon. Even before the day na naabutan kita sa bahay niyo ng walang malay,nakapag decision na ako to end things between me and her..
Bago ako formally magparamdam sayo ng feelings ko, I made sure na ikaw lang ang babae sa buhay ko..." sagot ni Neil pagkatapos i-park ang sasakyan sa gilid ng kalsada na ilang metro lang ang layo sa plaza.
"So, wala na pala kayo ng lagay na yun? Makapulupot siya sayo, daig pa ang sawa and take note..mukhang gustong-gusto mo din naman.." sarcastic na sagot ni Iya.
Hindi napigilan ni Neil ang mangiti dahil sa selos na nahihimigan niya.. nagdiriwang ang puso niya..pero iba ang naging dating non kay Iya.
"Seriously?ngumingiti ka pa niyan sa sitwasyon na to?Ewan ko sayo..."sabay mabilis na bumaba ng sasakyan si Iya.
Bumaba din si Neil at hinabol si Iya na mabilis naglakad.
"Iya sorry na... nagustuhan ko lang kasi na nagseselos ka.." explain ni Neil na humahabol sa kanya.
Ngunit mas binilisan pa ni Iya ang kanyang paglalakad ng maramdaman niya na huminto si Neil sa paghabol sa kanya at di niya inaasahan ang ginawa nito.
"Iya...sorry na! Ikaw lang ang mahal ko..ikaw lang Alliya Apostol!!!!! malakas na sigaw ni Neil.
Sa lakas ng boses ni Neil, napukaw nito ang atensiyon ng mga tao na nasa paligid at napatakip ng namumulang mukha si Iya.
"Uy, Iya patawarin mo na kasi yung boyfriend mo..diba siya yung escort mo kagabi sa sagala?" Sabi ko na nga eh, mag-jowa kayo.." panunukso kay Iya.
"Ang sweet naman...oo,nga patawarin mo na kung ano man kasalanan niya.."dagdag pa ng iba na pawang mga kakilala niya dahil sa kanilang barangay ay magkaka-kilala naman ang mga tao.
Parang gusto ni Iya na lamunin siya ng lupa sa moment na iyon..
Namalayan na lang niya na nasa tapat niya ang sasakyan ni Neil at wala na siya nagawa kundi sumakay at pumasok sa loob.
"Kailangan talaga naka-broadcast ang pagso-sorry?" irap ni Iya kay Neil.
"Sorry na, wala na akong maisip na paraan para makinig ka sa akin eh.." paglalambing ni Neil.
Anumang selos ang naramdaman ni Iya kanina, nawala ito ng parang bula..
Marupok nga ba siya pagdating kay Neil..
"Mahal ko lang talaga siya.." depensa ng puso niya.
Kinuha ni Neil ang kamay niya at dinampian iyon ng halik...
"I love you...hindi ako gagawa ng bagay na ikasisira ng magandang tinginan natin..promise,ikaw lang.." sincere na sabi ni Neil.
Inihatid ni Neil si Iya sa kanilang bahay ngunit hindi na din ito bumaba.
Pilit naman niya inintindi na may mga bisita ito na naiwan..
Usapan nila na susunduin siya nito mamaya para manood ng Zarsuela sa plaza kasama ang mga kaibigan nito.
"So, ganon na lang?bumigay ka agad? hello isa sa mga bisita niya si Beatrice.." sita ng isip niya.
Maaga pa lang nakagayak na si Iya at inaasahan niya na anumang sandali sa oras na iyon,dadaanin siya ni Neil.
Ngunit lumipas ang isang oras, wala pa din si Neil at hindi din ito nagre-reply sa pm niya.
"Iya anak, manonood ka ba sa plaza? Abay kanina pa yata iyon nagsimula..wala pa ba ang sundo mo?"tanong ni aling Gina sa kanya.
Pinagpapawisan na siya sa pinagsamang inis at inip..wala pa din si Neil.
Kaya naisipan niya na siya na lang ang sumaglit at hindi na din siya mapakali..knowing na kasama nito si Beatrice kung ano-ano ang tumatakbo sa isip niya na hindi maganda.
Samantala sa bahay ni lola Caring...
Habang masayang nag-iinuman, napag-katuwaan na maglaro ng truth or dare sila Neil kasama ang mga kaibigan nito including Beatrice.
Napatingin sa relo si Neil ng bigla niyang maalala ang usapan nila ni Iya.
"s**t,mga 'tol anong oras na pala..manonood nga pala tayo sa plaza diba? Baka hinihintay na pala ako ni Iya.." sabi ni Neil.
"Wait lang, sayang naman 'to ubusin na natin, isang round na lang.." singit naman ni Beatrice sabay ikot sa bote.
Nataon naman na kay Neil ito huminto..
"Truth na lang at ng matapos na.." nagmamadali na sabi ni Neil.
"Wala na ba talaga kayo ni Beatrice..?" mabilis na tanong ni Tin.
"We're friends..right Beatrice..?"baling ni Neil kay Beatrice.
"Oh talaga, wala ng feelings na natira?" Kiss nga, walang malisya kung totoo.." gatong ni Tin sabay pilyang tingin kay Beatrice.
"We're cool..diba Beatrice and I'm with Iya now..." masayang announce ni Neil.
Hindi man nila ito ikinagulat dahil sa mga tagpo kanina, nasundot naman ang ego ni Beatrice.
Kaya walang kaabog-abog na hinalikan nito si Neil ng madiin at may katagalan...
"Yes, we're cool.." proud na sabi ni Beatrice matapos ang ginawang paghalik kay Neil kasabay ng pagpunas niya sa lipstick na nasa labi ni Neil.
Sa ganong tagpo dumating si Iya..
Gusto sana niya umalis ng tahimik habang walang nakaka-pansin sa kanya pero nataon na napatingin si Mark sa kinaroroonan niya..
"Iya.."? pag-kompirma ni Mark.
Napalingon bigla si Neil at nakita nga niya si Iya na mabilis na umalis.
Pigil ang luha ni Iya na mabilis lumakad palabas ng bakuran ni lola Caring.
Tila wala ito sa sarili na tumawid ng kalsada ng hindi namamalayan ang parating na sasakyan..Mabuti na lang ay hindi mabilis ang takbo nito kaya nakapag-preno ito ng mabilis.
Sa sobrang takot ni Iya at sa sakit ng nararamdaman..hinimatay siya sa harap ng sasakyan.
"Iya...! sigaw ni Neil ng makita niya ito na muntik ng masagasaan ng sasakyan. Hindi din niya naabutan ang pagbagsak nito sa kalsada.
Mabilis naman lumabas ang may-ari ng sasakyan at binuhat si Iya at mabilis nilang dinala ito sa hospital.
Nagising si Iya na nasa ospital at pagmulat ng mata niya, si Neil ang nabungaran nito..
"Iya...may masakit ba sayo?" alalang tanong ni Neil.
Ngunit hindi kumibo si Iya at narinig niya ang boses ng kanyang nanay.
"Iya..anong nangyari? May masakit ba sayo..?" alalang tanong ni aling Gina.
Lumapit ang isang lalaki na halos kaedad ni Neil.
"Sorry po, muntik ko na siya masagasaan.."Nagulat po ako sa biglaan niyang pagtawid mabuti na lang po hindi mabilis yung takbo ko.." pacencia na po uli..paumanhin ng binata.
"Nay, ok lang po ako.. tsaka ako ang may kasalanan..bigla akong tumawid.." katwiran ni Iya.
Lumapit ang doctor at kinausap si Aling Gina.
"Sorry uli..muntik na kita masagasaan" muling paumanhin ng binata kay Iya at baling din kay Neil.
"Ako nga ang dapat mag-sorry dahil sa kapabayaan ko baka mapahamak ka pa.." mahinang sabi ni Iya.
Iniuwi na din si Iya dahil wala naman siyang natamo na serious injuries..munting gasgas lang sa kanyang tuhod at siko..
Hindi naman pumayag si Iya na hindi sila ang magbayad ng bills dahil siya daw umano ang may kasalanan.
Iniwan naman ng binata ang kanyang buong pangalan, address at telepono just in case daw kailanganin nitong ipagamot.
"Tita, pwede po ba muna akong mag-stay sandali?" paalam ni Neil kay aling Gina ng makarating sila ng bahay.
Pagpanik ni aling Gina, lumapit si Neil kay Iya..
"Iya, let me explain please?"..pagsusumamo ni Neil.
"Gusto ko na sanang magpahinga Neil.." malamig na tugon ni Iya.
"Please Iya..makinig ka lang sa akin.."pilit ni Neil.
"Pwede ba Neil, itigil mo na..anong gusto mo makinig na naman ako sayo tapos ako na si tanga maniniwala agad at tanggapin ka open arms and then what?
Back to Beatrice ka when I'm not around?"may pait na pagkakasabi ni Iya
"Nabigla din ako sa ginawa niya and part lang ng game yun.." explain ni Neil.
"So ine-expect mo na wag akong magalit kasi game lang na nakikipag-halikan ka sa iba ganon ba? Just tell me, baka ako part lang din ng game mo.." sarcastic na sagot ni Iya.
"Iya please,hindi ko magagawa sayo yun.." frustrated na explain ni Neil.
"Nagawa mo na Neil..kaya please lang wag mo na akong paikutin...I'm giving you freedom na gawin ang lahat ng game mo.." umiiyak na sabi ni Iya.
Mabilis na tumakbo sa itaas si Iya dahil ayaw niya sana na makita ni Neil na umiiyak siya.
"Bro, bigyan mo muna si Iya ng time kumalma tsaka kayo mag-usap maybe bukas?" biglaang singit ni Alex na nasa pintuan pala.
Bumuntong hininga naman si Neil
"I'm sorry bro, nasaktan ko si Iya.." baling ni Neil kay Alex.
Tinapik lang ni Alex si Neil sa balikat tsaka sinabi..
"Bumalik ka bukas ng umaga at mag-usap kayo.."
Sa loob ng kwarto ni Iya inilabas niya ang lahat ng sakit na kanyang nararamdaman...itinakip niya ang unan sa kanyang mukha tsaka humagulgol ..Ayaw kasi niya na marinig siya ng kanyang nanay na nasa kabilang kwarto lang..
Hindi niya akalain na sa ikli ng Summer mararamdaman niya ang lahat ng emosyon related sa pag-ibig. Binigyan siya ng saya at damdamin na kasing init ng panahon . Unfortunately sa kalagitnaan ng init, bumalot sa kanya ang lamig dulot ng sakit at pait ng damdamin...