Nang tuluyan kaming makababa ni Franz, makalipas ang mahigit sampung minuto ay puno ang sala ni Laureen ng mga panauhing naghihintay sa'min. Maliban sa mga Ramirez ay naroon din ang mga magulang nila. Iyong mga pinsan kong magagaling, kung makatingin sa'kin ay parang ako iyong may ginawang masama. Pati si Kuya Vincent, hinuhusgahan na ako ng mga tingin nito. "Take a seat, Franz," seryosong wika ni Daddy. Nang magsalubong ang mga tingin namin ay kinindatan niya ako at pasimpleng iminuwestra ang katabing si Mommy. "Inay ko po," bigla kong bulalas sabay kapit sa braso ni Franz. Paano ba naman kasi, iyong tingin ni Mommy parang gusto akong balatan nang buhay. "Upo, Julie Faye," nandidilat na utos sa'kin ni Mommy na tahimik kong sinunod. Doon ako naupo sa tabi ni Franz, malayo sa mommy

