Naging matiwasay ang usapan sa panig ng bawat pamilya namin ni Franz. Ngayon ay pareho nang malinaw sa bawat pamilya namin ang tunay naming relasyon. Sinang-ayunan ni Daddy ang kagustuhan ni Franz na pakasalan ako pagka-graduate ko ng college kaya parang gusto ko tuloy magsisi kung bakit sinadya ko noong magpabalik-balik sa second year. Ang haba pa tuloy ng hihintayin ko bago ako maka-graduate. Gusto kong magprotesta pero buo na talaga ang desisyon ni Franz. Medyo kabado tuloy ako at baka bigla ay may sumingit pa kahit wala ng pila. Eight years pa iyong hihintayin ko! Di ko na kayang maghintay nang gano'n katagal! Kailangang may gawin na ako! Kung pwede nga lang na ngayon agad ang kasal ay papayag ako, kaso hindi! Walang kasalang mangyayari ngayong araw kundi ay iyong sinasabing

