Chapter 1
You are 3 weeks pregnant, Miss Leonheart." Sabi ni Dra. Sakuraba sa kanya. Siya ang family Doctor nila mula noong ipinanganak siya ni Catherine Leonheart. Isa rin ang Sakurashi Clinic sa mga inendorso niya kaya naman parang pangalawang ina na ang turing niya dito.
"W-what? That's impossible to happen!" Gulat na sabi ni Hershey Thalia noong nalaman niya ang akala'y sakit lamang sa tiyan. Tila gumuho ang mundo niya ng mga oras na iyon. Nang ibinigay sa kanya ang kopya ng resulta ay tila ayaw pa rin niyang maniwala.
"Tell me this is just a frank!" Naiiyak niyang sabi sa doktora pero umiling lamang ito sa kanya. She advised her to tell her situation to her parents but she declined. Hindi niya pa kayang tanggapin ang sitwasyon niya ngayon. – what more from her parents? Malaki ang expectations ng mga magulang sa kanya. Her father was a veteran actor and film director while her mom was a former model. They have their owned properties in Florida and Okinawa but for her, that was just a resthouse.
"Tahan na, Huwag ka nang umiyak. Sige ka papangit ka nyan." Pag-aalo sa kanya ng pinsang si Shaina Dancy na isa rin sa mga kasama nya sa modeling. Ito lang ang close cousin niya sa lahat dahil na rin sa ito ang kasing-edaran niya.
"Ayokong ipagtabuyan ako ni Dad katulad ng ginawa ni uncle Rafael kay ate Ella." She is referring to her elder Cousin named Donatella De Castro na maaga ring nabuntis ng isang 'commoner' ayon sa kanyang ina.
"You have no choice, Then." Makahulugang sambit ni Shaina sa kanya. At ipinakita sa kanya ang isang folder na naglalaman ng mga papeles niya at ng isang lalaking nagngangalang Frank Adamson Williams.
"What's this?"
"You're already engaged."
"Aaahhh... I see..." Pwede naman ang annulment after a year di'ba?
"Ang swerte mo dahil ikaw ang makakatuluyan ng lalaking 'yan. Halos lahat ng mga kabatchmates ko noong Junior high siya ang pinapangarap na mapangasawa."
"Even you?" Namula naman si Shaina kaya napaamin din niya ito.
"I must be lying if I say no. Who wouldn't be?" napairap na lamang sya sa sinagot ng pinsan.
"Ganoon ba kagwapo ang lalaking iyon para pagpantasyahan ng lahat?" Aniya sa isip saka binasa ang profile ng binata na nasa folder.
Frank Adamson Wheeler Williams was born on August 24 1999 in Los Angeles, California, USA. He is the second and youngest son of Jackson Williams and Sunshine Wheeler. He was a one-fourth Filipino. Siya rin ang isa sa mga nasa top list ng pinakabatang milyonaryo dahil sa maraming projects nito mula pa noong baby pa ito. Ilan dito ang pagcommercial sa mga kilalang baby foods and Diapers na talaga namang tinatangkilik sa Pilipinas at maging sa ibang bansa.
Ang galing naman ng lalaking ito. Dinaig pa ako. Samantalang ako 2 years old na ako sinama ni mommy sa mga sit-coms niya at mga commercials. Aniya sa kanyang isip. She also made a research about him and she noticed that he was a private person.
"No wonder marami nga ang magkakagusto sa kanya." Aniya saka hinaplos ang kanyang tiyan. Kailangan niyang maitago ito o kaya ay maipalaglag bago pa mahuli ang lahat.
SAMANTALA ay kauuwi lamang ni Frank Adamson lulan ng kanyang private jet kasama ang kanyang kuya Lucas Clyde. They went to Pennsylvania para sa isang talk show kung saan kinilala ang kuya niyang isa sa mga 'tycoon faces of the year'. Isa iyong karangalan sa pamilya nila at hindi iyon maaaring palampasin.
"Oh my boys! Nandito na ang babies ko!" Salubong ng kanyang inang si Sunshine sa kanilang dalawa.
"Mom. Ano po ba kasi ang dahilan at kailangan na po kaming umuwi sa bahay ng mas maaga ngayon? 2 am palang po dito sa Palawan pala. Literally maaga nga talaga." He just closed his eyes nang makaupo na siya sa sofa.
"Anak, you are already 21 years old and you are destined now to get marry soon. Kailangan na natin ng heir mo." Heto na naman ang mama niya sa topic na pagpapakasal. He hate that topic lalo pa at hindi siya interesado. Hindi naman sa ayaw niya pero para sa kanya ay masyado pa siyang bata at gusto niyang pakasalan ang babaeng mamahalin niya ng panghabambuhay.
"Mom ilang beses ko po bang sasabihing ayoko nga po kay Sandara Matsuzaka. Ayoko sa kanya!" Ilang beses na nilang napag-usapan ang tungkol sa ex girlfriend niyang si Sandara. She cheated on him at hindi niya iyon kayang tanggapin ng ego niya. He is Frank Adamson Williams at walang pwedeng manloko sa kanya. Kaya niyang magkaroon ng maraming babae kung gugustuhin niya at gagawin niya iyon kung kailan niya gusto. But he is loyal to his company at ito ang pinagtuunan niya ng pansin mula noong makapagtapos siya ng kolehiyo sa Madrid.
"Fine! Kung wala ka pang mahahanap na babaeng mapakakasalan this year ikakasal ka sa babaeng para sa iyo! You will marry Hershey Thalia and she will be your wife!" Biglang nanlaki ang mga mata niya nang marinig ang pangalan ng babaeng mapapangasawa.
"What?! Mom did you just mentioned Hershey Thalia? As in Leonhart?" She was his childhood crush and he can't forget her sweet smile. Napayakap siya sa kanyang ina dahil sa sobrang tuwa.
"O napano ka? Hey! Come back here! Frank Adamson!" He just ran to his room and prayed to God. Nagpapasalamat siya dahil tinupad nito ang matagal na niyang kahilingan - ang makasama niya ang childhood crush niyang si Hershey Thalia Leonhart.