Chapter 6: His Angel

986 Words
Chapter 6: His Angel Flint KINUHA ko ang cellphone ko at tinawagan ang secretary kung si Shanaiah. I want to check if nagawa na niya ang trabaho niya. Hindi sa wala akong tiwala, I just want to know coz until now, I'm still curious sa kung paano niya naitataboy ang mga babaing yun. Knowing their personality, hindi sila basta-bastang mapapalis. Girls are stubborn and hard headed, except kung mas higit sa kanila ang isang babae. "Hello, sir?" Napangiti ako ng marinig ko ang beses ng secretary ko. Kung hindi ko pa siguro nakakita at nakikilala si Shanaiah at narinig ko ang beses niya sa phone ay mai-in-love ako sa kanya. Ang sexy ng boses niya sa phone, parang nakaka-engganyong pakinggan ito ng paulit-ulit. Kaya lang ay kilala ko na si Shanaiah at bistado ko na ang itsura niya sa likod ng mapang-akit at magandang beses. Naalala ko nanaman yung time na binigyan ko siya ng gift check. Para talagang pinangingilagan niya ang tungkol sa make-over. Napailing na lang ako dahil sa kung ano anong pumapasok sa isip ko. "Hello, Naya. Napaalis mo na ba siya?" "Yes, sir. Kanina pa umalis si Miss Samantha. Pabalik na nga ho ako ngayon sa office." "Really? You're an angel Naya. Your my angel." "Bibigyan n'yo ulit ako ng bunos, sir?" Parang may kumislot sa kalooban ko ng marinig ko ang sinabi niya. That was half laughting. Of course, dahil sa bonus at malaking sahod kaya niya yun ginagawa. It's nothing to do with me personally. It is a purely work. 'Damn!' Inis akong napapiksi. Na in love na ba ako sa boses ng secretary ko? "Sir? Are you still there?" "Yeah, bibigyan kita ng bonus. Magkita tayo mamaya sa office." "Okay sir. Bye." Matapos kung makipag- usap sa secretary ko ay nagtataka ako. Bakit pakiramdam ko'y nagpapa charming sa akin ang secretarya ko? Gusto niya ba ako? Is she flirting with me? Wala naman sigurong babae ang hindi maa-attract sa akin, lalo na ang mga plain looking na katulad ni Shanaiah. Napailing na lang ako dahil sa kung ano-anong pumapasok sa isip ko. Hindi pa naman ako nauubusan ng babae, pero bakit parang nawalan na ata ako ng taste? But this is impossible... The way she ask a bonus... I doubt about it. Idag-dag pang malaki akong mag pasahod. "Hey, kanina ka pa pangiti-ngiti at pailing-iling diyan. Para ka ng baliw." Puna sa akin ni Matt na kanina pa ata ako pinapanood. Kasunod niya ang maid na may dalang dalawang tasang kape. "Tinawagan ko lang 'yung secretary ko. Itinanong ko kung wala na si Samantha sa bahay ko." "At ano ang sabi ng angel mo?" "Nai-dispatsa na niya." "Mahusay talaga siyang dumispatsa ng mga babaeng pinag sawaan mo na. Pero hindi mo ba naisip na baka kaya nagagawa ng secretary mo ang ganoon sa kabaro niya ay hindi dahil sa dobleng sahod na ibinibigay mo sa kanya every fifteen days at extrang bonus?" "Anong ibig mong sabihin?" Taka kung tanong. "Baka mahal ka no 'n at kaya niya ginagawa ang ganoong bagay para sayo ay dahil sa pag-ibig." Natawa ako sa tinuran ng akong pinsan. Napaka imposible ng sinabi niya. "Huwag ko nga akong biruin ng ganyan, Matt. Baka bigla kung maisipang mag palit ng secretary." Natatawa kung wika. "Bakit hindi mo ba type si Naya kahit kunti?" Sunod sunod na napailing ako. Di ko alam kung anong nakain nitong si Matt at kung ano ano ang pumapasok sa utak niya ngayon. "Alam mo namang magaganda at seksing babae na my flawless skin ang weakness ko. Nakita more naman ang itsura ni Shanaiah, 'di ba? Bukod sa huling-huli na sa fashion ay napaka manang talaga. Baka puno ng peklat ang buong katawan no 'n kaya laging naka suot ng long sleeves na blouse at mahahabang skirt. Mandalas ay naka pants pa ng maluwang." "E, hindi ba 't sa probinsiya iyon ipinanganak at lumaki?" Napa kunot noo ako dahil sa takbo ng usapan namin. What does he just trying to pinpoint? "Ano ka ba naman, Matt? Ang daming taga probinsiya na fashionable." "Baka mahirap lang siya, kaya walang pamboli ng pang-porma niya." Napatitig ako kay Matt dahil sa tila kakaiba nitong mga sinasabi. Sa lahat ng pinsan ko, kami ni Matt ang pinaka malapit sa isat-isa. At lahat ng problema ng isat-isa ay alam namin. Maging tungkol sa personal na bagay kagaya ng love life. O maging sa ibang bagay. "May gusto ka ba sa secretary ko?" Di ko maiwasang itanong sa kanya. Napa ubo si Matt, "Ano ka ba, pinsan? Bakit naman kita susulutan?" "Sira! Anong susulutan? Kung gusto mo siya, walang problema sa 'kin." "Bakit mo siya sa 'kin pinapasa?" Naka tawang tanong ni Matt sa 'kin bago niya kinuha ang isang tasang kape at inilapit sa bibig. "Bakit hindi mo siya pagbigyan? Lahat ng babaing nagkaka gusto sa 'yo ay pinagbibigyan no, pero iyong pobre mong sekretarya na sunod ng sunod sa iyo 'y  dinededma mo?" Humigop siya ng kape na siyang ginawa ko rin. Dito na ako nag-breakfast sa condo ni Matt matapos kung umalis sa bahay ko kaninang alas-singko. "Kung pinatulan ko iyon ay ano na lang ang sasabihin sa akin ng iba? Na wala na akong taste at wala akong delikadesa?" "Sobra ka naman, pinsan. May itsura naman si Shanaiah. Konting make over lang dun ay magandang maganda na iyon." "Sabihin na nating pagbibigyan ko ang kapritso niya, and then what? Baka pikutin ako non. Alam mo namang hindi ako naniniwala sa pag-ibig at lalong hindi ako kumporme sa kasal. Magyeyelo muna sa impyerno bago nangyari na ma-in-love ako at magpakasal. Kaya nga pangit ang kinuha kung secretary ay para walang hassle." Ang lakas ng tawa ni Matt dahil sa sinabi ko. Ano nga bang magagawa ko kung matagal ko ng binura sa puso't  isipan ko ang salitang LOVE. For me that word became a big JOKE. There's nothing special at all. •••••To be continue
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD