Chapter 5: Queen's poisonous word
Shanaiah
SABADO kinabukasan. Dapat ay maaga akong papasok sa opisina. Pero naka tanggap ako ng text message mula sa boss ko, kay Flint. Na bago ako pumasok sa sa office ay kailangan ko munang dumaan sa bahay niya upang idispatsa si Samantha.
Just like what I assumed. Hindi mag tatagal ang babaing yun sa buhay ng boss ko.
Nag-taksi na lang ako patungo sa bahay ni Flint. Kilala na ako ni kuyang guard sa may gate dahil halos araw-araw akong naririto. Kaya pagbaba ko palang sa taxi ay agad na akong pinag buksan ng gate.
"Good morning Miss Shanaiah." Masayang bati sa akin ng security guard na si kuya Rico.
"Good morning din sayo kuya Rico. Andiyan ba si Sir Flint?"
"Maagang umalis si sir. Madilim dilim pa." Sagot niya.
Agad ay dumiritso ako papasok sa loob. Ten minutes past eight na. Baka gising na si Samantha.
Sinalubong ako ng isa sa mga maid na si Lyra pàgpasok ko mula sa main door.
"Good morning Miss Shanaiah." Masiglang bati niya sa akin.
"Good morning." Ginantihan ko siya ng isang matamis na ngiti. Lyra is like a sister to me. Napaka masiyahin niya at talaga namang kasundo ko siya, because she didn't look at my appearance. Gayon din ang iba pang mga kasambahay ni Flint. Kung ituring nga nila ako ay parang isa sa kanilang amo. I don't know why, but they're respecting me like how they respect their boss.
"Nag breakfast ka na ba Miss Shanaiah? Nagluto ng masarap na almusal si manang Lupie. Pero hindi naman kumain si sir Flint bago umalis." Pagbibigay alam niya sa akin.
Tinanguan ko na lang siya. "Eh iyong babae?" Sa halip ay tanong ko. After all si Samantha naman talaga ang ipinunta ko dito.
"Tulog pa yata."
"Pupuntahan ko muna." At agad kung tinungo ang hagdan papunta sa second floor.
"Sige, hihintayin ka namin ni manang Lupie sa kitchen, ha?" Pahabol na wika ni Lyra.
"Okay..."
Pumanhik ako sa hagdan habang iniisip kung saan sa tatlong guest rooms dito sa second floor dinala ni Flint ang babae. Alam ko ang master bedroom na inoukupa ng boss ko. Pero never pang nagdala ng babae doon si Flint. Wala akong matandaan na naging ka relasyon niyang pinatulog sa kanyang personal sa silid. Laging sa isa sa mga guest rooms dinadala ni Flint ang mga babae niya.
O, baka sa attic niya dinala ang babae? May isa pang bedroom sa attic. Ang adjacent room naman niya ay nasa may library. Which is masyadong malayo para sa mga taong excited gumawa ng milagro.
Papanhik na sana ako patungong attic ng biglang bomukas ang pinto sa guest room na malapit sa hagdan. Lumabas doon si Samantha na panty at bra lang ang suot.
Ako pa ang tila naeskandalo sa itsura niya. Wala ba talagang delikadesa ang babaing ito? Gesh! She's really a complete prosty... Mas masahol pa sa bayarang babae. At least yung bayaran ginagawa iyon para mabuhay, unlike her... It's so gross! Paano kaya nasisikmura ni Flint na patulan ang kagaya niyang babae.? Well... It's not my business anymore.
"Bakit andito ka?" Naka pameywang na tanong niya sakin ng makita niya ako.
Parang gusto ko siyang taasan ng kilay. Alam ko sa sarili ko na walang sinuman ang mananalo pagdating sa barahan at pagmamaldita kung ako ang kalaban. No one can stand over me. I'm a Queen, at kahit na binago ko ang itsura ko ay nasa nature ko na yun. No one can surpass me.
"Lagi akong napaparito Miss Samantha. Ang pagiging secretary ko ay hindi sa opisina lang ang limitasyon. Bukod sa pagiging office assistant ng boss ko'y personal assistant din niya ako."
"Really..?" Parang na-aamuse na sambit niya. "Doing what? Ikaw ba ang naglalaba ng underwear ni Flint? Ikaw ang unang tumitikim ng food na iniluto ng cook para kapag may lason ay bibig mo ang unang bubula?"
Napatiim bagang ako sa kanyang sinabi. Kaunting kunti na lang talaga at baka di ako makapag timpi sa babaing to. 'This woman really doesn't have a manners. Let see if oobra ka saakin.' Napa smirk ako sa isiping iyon. She really want to taste the poisonous word of a Queen, huh? Then let it be...
"Nagtitimpla ako ng kape niya at minsan ay ako ang pumipili ng isusuot niyang damit. At ang pagiging personal assistant ko ay may mas mabigat na responsibilidad. Disposer din ako. I'm good at disposing garbage that was dumped by my boss."
Nakita ko ang pag dilim ng anyo ni Samantha. 'Tsk! Serve her right. Don't underestimate me. She didn't know me...'
"Ikaw, pangit ka- anong karapatan mong pagsalitaan ako ng ganyan, ha? Gusto mong isumbong kita kay Flint para masisante ka na?"
Napatawa ako ng wala sa oras dahil sa tinuran niya. Like seriously? Ako pa talaga ang isusumbong niya, huh! Akmang magsasalita na ako ng biglang lumapit si Lyra sa akin.
"Miss Shanaiah..."
Napalingon ako kay Lyra. Napansin ko ang dala niyang dress ni Samantha kaya kinuha ko iyon. Mabilis namang pumanaog si Lyra sa takot marahil madamay sa galit ni Samantha. Of course, if ever na mangyari yun. I won't let that happen. Maybe I'm a b***h, but not to the point na manglalait ako o mang aapak ng ibang tao. Hindi ko iyon ugali, ang mang maliit at humusga. But sometimes hindi ko nga lang mapigilan ang aking sarili. Pero sa piling tao lang naman.
"Here's your dress---"
Galit na hinablot ni Samantha ang damit niya mula sa kamay ko.
"Where's Flint?" Tanong niya.
"Kanina pa siya umalis, almost dawn pa lang." Matabang kong sagot.
"I'll wait for him."
"Don't do that. Dahil hindi siya uuwe ng bahay hanggat nandito ka pa."
Naningkit ang mga mata niyang sumulyap sa akin dahil sa aking sinabi. But I'm just telling her the truth.
"What are you trying to say, ha? Na pagkatapos ng nangyari sa amin last night ay ayaw na akong makita ni Flint?" Samantha
Ganon talaga ang boss ko. Gustong-gusto niya ang isang babae ngayon. But after na makuha na niya ang gusto ay nanlalamig na siya at parang ibig niya ng sipain ito palayo sa kanya. Wala siyang puso at baka nga wala rin itong kaluluwa." Nagkibit balikat kung wika. "Pero marami parin siyang nadedenggoy." Baliwalang dagdag ko pa.
"Call him." Mariing utos niya sa akin.
"Hindi niya ba ibinigay ang number niya sa iyo?"
"Uutusan pa ba kita kung alam ko ang number niya?" Pagigil na tanong niya sakin.
"I won't do that. Your not my boss kaya di kita susundin." Malamig kong saad na lalong dahilan ng panggigigil niya sa akin. But that's make me enjoy this scene.
"Give me his number."
"Lalong hindi pwede. Hindi niya ibinigay sa iyo kaya ibig sabihin ay ayaw niyang malaman mo ang number niya. Baka nga naman kulit-kulitin mo lang ang boss ko. Alam more bang kahit magkita pa kayo sa sosunod na pagkakataon ay hindi ka niya papansinin? Na parang hindi ka niya nakilala at nakasama minsan? Kaya you better leave."
Matalim na matalim ang mga mata ni Samantha na tumitig sa akin. Kung naka mamatay lang siguro ang titig ay baka kanina pa ako nangisay dito.
Pagkaraan ng ilang sandali'y muli siyang pumasok sa guestroom. Pagka pasok niya ay pumanog na rin ako patungong salad. Naupo muna ako sa sopa habang nagbasa-basa ng magazine. Maya-maya'y nakita kung bumaba na rin si Samantha.
Hindi siya sa akin nagpaalam bago lumabas ng bahay. Ni hindi rin niya ako tinapunan ng tingin.
Sumilip ako sa bintana. Nang makita at masiguro kong palabas na ng gate ay saka ako napatawa ng machina. Nakakatawa kasi ang itsura ng babaing yon kanina habang binabara ko ito in a way na parang normal lang.
Well... My job here is done.
"Miss Shanaiah.."
Nilingon ko si Lyra na may malawak na ngiti sa mga labi niya. "Bakit?"
"Tara ng mag-breakfast."
"Ok." Nakangiti kung tugon sa kanya bago sumunod sa kaniya patungo sa kitchen. Kung ang iba ay katulong ang tawag sa mga nagta-trabaho sa isang bahay o mansion. Par sa akin ay hindi maganda ang kahulugan niyon. I don't want to call them katulong, kasi parang 'alipin' ang ibig sabihin non. I prefer kasambahay. It is like 'kasama sa bahay' and it's like they are part of the family. Lumaki man ako sa mayaman at marangyang pamilya ay marunong parin naman akong mag malaskit at magpahalaga sa mga mas nakakababa sa akin.
Nang maka-upo ako ay saka ko lang naalala na hindi ko naalok man lang ng breakfast kanina si Samantha bago ko siya pinaalis. Ginalit niya kasi ako agad.
•••••To be continue