“Oh, Dan…” wika ni Watt habang nakasandal sa sofa sa sala. Relaxed ang postura niya, nakangisi habang pinapanood ang pamangkin na si Dan na naglalaro sa sahig. Sa kusina naman, si Kyla ay muling abala sa paghuhugas ng mga pinggan. Kahit halata mong inis na inis na siya, hindi niya maiwasang magmukhang elegante sa kahit anong ginagawa niya—kahit pa simpleng hugas lang ng pinagkainan. Well, galing kaya siya sa mayamang pamilya at half American pa. Not to mention na isa siyang CEO ng K Newspapers and Magazines Company. “Kailan nga ulit ang birthday mo?” tanong ni Watt habang pilyong nakatingin kay Dan. Tatlong silang magkakapatid at si Dan ang nag-iisang babae. Siya rin ang pinakamatalino sa tatlo. Si Den naman ay walang iniisip kundi pagkain, habang si Din ay laging may dalang storya kung

