“Asawa ko ba talaga ang lalaking ‘yon?” Napailing si Kyla habang tinatapos ang paghuhugas ng pinggan sa maliit na kusina ng bahay. Para sa isang babaeng nasanay sa magarang buhay, parang nightmare ang ganitong simpleng gawain. Sa bawat tunog ng plato laban sa isa’t isa, ramdam niya ang panghihinayang sa buhay niya. Parang ang bigat ng lahat, at pakiramdam niya’y nasa isang maling universe siya. Sino ba naman ang matutuwa diba? Pinahugas ka ba naman ng sandamakmak na plato kahit hindi naman ikaw ang kumain. Nako, iiyak nalang talaga. “Sa lahat ng lalaki sa mundo, bakit si Watt pa?” bulong niya, pero may kasama nang pagpadyak ng paa. “Kung pwede lang mag-time travel, talagang babalik ako para itama ‘tong kalokohan na ‘to!” Halos mabasag ang hawak niyang baso dahil sa gigil. She still couldn

