Habang nasa kalagitnaan ng kalsada, mabilis ang takbo ng SUV papunta sa opisina ni Kyla. Halos walang imik ang dalawa sa loob ng sasakyan, si Watt ay seryosong nakatutok sa pagmamaneho, habang si Kyla naman ay abala sa pagi-scroll sa kanyang cellphone. Sa labas ng bintana, tanaw na ang modernong skyline ng lungsod, pero si Kyla ay tila wala sa mood para humanga sa tanawin.
Biglang tumunog ang cellphone ni Kyla, nagbigay ng bahagyang ingay sa tahimik nilang biyahe. Napatingin si Watt sa rearview mirror at sumulyap sa kanyang boss na agad namang sinagot ang tawag. Hindi siya nagtangka na makinig, pero hindi rin maiiwasang makarinig dahil sa lakas ng volume ng speaker ng telepono.
“I got the information you need, Kyla…” sabi ng lalaking nasa kabilang linya.
Napakunot ang noo ni Watt. Hindi niya maintindihan, pero ang tono ng kausap ni Kyla ay seryoso. “Information? What could it be…” bulong ni Watt sa kanyang sarili. Sa kabila ng kanyang pagdududa, ibinalik niya ang atensyon sa kalsada. Sa isip niya, trabaho lang ito ng kanyang boss. Writer kasi ito at CEO pa ng isang kilalang publishing company. “A private informer, huh, Ma’am Kyla…” dagdag niyang bulong sa sarili, habang nakatuon pa rin sa pagmamaneho.
Napansin naman ni Kyla na naririnig ni Watt ang usapan, kaya pinahinaan niya ang volume ng kanyang cellphone para magkaroon sila ng privacy. Wala siyang balak ipaalam kay Watt na ang impormasyong hinihingi niya ay may kinalaman sa isang kilalang mafia group—ang Scarface Cartel. Isa itong organized crime group na sinusubaybayan Niya para sa isang explosive exposé na siguradong magpapa-ingay sa kanyang kumpanya.
“Tell me the information... I'll pay big. I'll double it if I'm satisfied,” sabi ni Kyla sa kausap niya. May urgency sa kanyang boses, halatang desperado siyang makuha ang detalye. “Start with the Scarface Cartel.”
Tahimik na nakinig si Kyla habang sinisimulan ng informer ang kanyang salaysay.
“Scarface Cartel is one of the most notorious organized groups dito sa Pilipinas,” simula ng informer. “Ang kanilang sentro ng operasyon ay dito mismo sa Giuliano City. They are fearless at sangkot sa maraming kaso ng pagpatay, kabilang na ang brutal na pagkamatay ni Mr. Wong, isang wealthy businessman. Their operations include human and drug trafficking, as well as arms smuggling. Their operations involve human and drug trafficking, and arms smuggling. Sa kasalukuyan ay mayroon na silang connection sa ilang mafia organization ng China, Japan , at Italy.”
Nanlaki ang mga mata ni Kyla sa mga narinig. “Are you saying that the Cartel has a bond with the Triad of China and the Yakuza of Japan?” tanong niya, puno ng kuryosidad.
“Hindi lang basta bond, Kyla,” sagot ng informer. “They do business. The Scarface Cartel extorts Filipinos at binebenta ang body parts nila sa China at Japan. They also import drugs from the Triad and sell them here in the Philippines, habang nags-smuggle naman sila ng armas mula sa Yakuza para sa kanilang mga tauhan. They are heavily armed at mahirap silang kalabanin.”
Napabuntong-hininga si Kyla habang pilit iniintindi ang bigat ng impormasyong ibinibigay sa kanya. “I don’t understand. Why do the people here not know about the existence of mafia organizations? Bakit ganitong klaseng impormasyon ay hindi napapahayag sa publiko?”
“Simply because the country is already flooded with gangs and fraternities,” paliwanag ng informer. “Kung malalaman ng mga tao ang tungkol sa mga mafia organizations, there’s a high chance na mas marami pa ang sasali sa kanila. Positive ang tingin ng maraming Pinoy sa mga mafia, parang romantisado ang idea nila sa organized crime. Kaya nga mahirap ibunyag ang mga ito sa publiko—lalo lang lalaki ang impluwensya nila.”
Tahimik na napatango si Kyla habang nilalagay ang mga bagong impormasyon sa kanyang isipan. Naalala niya bigla ang sinabi sa kanya ng kaibigan niyang si Police Lt. Colonel Hidalgo noong huli silang magkita.
“Shoot! This is really gonna be a huge hook!” bulong niya sa sarili, sabay ngiti.
"How about their leader?" tanong ulit ni Kyla sa kanyang informer, ang boses niya ay halatang puno ng curiosity at determination. Alam niyang ang pagkuha ng impormasyon tungkol sa pinuno ng Scarface Cartel ang magiging susi sa kanyang exposé.
"The Scarface Cartel is headed by their fearless Don—Deather a.k.a Scarface," sagot ng informer mula sa kabilang linya. Tumigil ito saglit, parang sinusukat kung gaano karaming impormasyon ang puwedeng ibahagi. "May malaking peklat siya sa kaliwang bahagi ng kanyang mukha, dahilan kung bakit tinawag nilang 'Scarface' ang kanilang organization. Pero alam mo ba? There's a deep story behind that scar. Hindi lang simpleng aksidente o away ang pinagmulan nito."
Napakunot-noo si Kyla, "What kind of story? Tell me more," utos niya, ang excitement at kaba ay halatang nararamdaman sa kanyang boses.
"Kahit na anong gawin ko, wala akong mahanap na solidong impormasyon tungkol sa detalye ng kanyang peklat," sagot ng informer. "Pero ang sabi-sabi, it involves betrayal. Scarface didn’t earn that scar from a rival gang—someone from his inner circle gave it to him. And after that incident, everything changed. Hindi Scarface ang unang pangalan ng organization nila. Nagbago lang ito noong magkaroon ng malaking internal conflict. They used to call themselves La Sombra, which means 'The Shadow.'"
“La Sombra?” ulit niya, ang salitang iyon ay tila sumundot sa kanyang interes. “Why?”
"Symbolic daw, sabi ng mga nakakaalam," paliwanag ng informer. "Yung peklat ni Scarface ay naging simbolo ng pagbabago at pagkakaisa nila. Kung dati ay patago ang mga galaw nila, ngayon ay mas hayagan na ang operations nila. Parang naging mantra nila na kahit sino ang lumapit, kailangan nilang matakot—because Scarface and his men no longer hide in the shadows."
Napalunok si Kyla. She could feel the weight of what she was uncovering. Scarface wasn’t just a name—it was a statement.
"Interesting," sagot ni Kyla, pilit na pinapakalma ang kanyang boses kahit na ang kaba sa kanyang dibdib ay hindi maikubli. "What else do you know about him?"
"Scarface is ruthless. Walang sinisino. There are rumors na kaya niyang ipapatay ang kahit sino—kaaway man o kakampi—kung sa tingin niya ay threat ito sa kanya o sa organization. Pero ito ang mas nakakagulat: he’s also extremely strategic. Hindi siya basta-basta nagpapaapekto sa emosyon. Lahat ng kilos niya, calculated. Mayroon siyang isang magaling na counselor– si Drako, at isang magaling at brutal din na underboss– si Cobra.”
Napaisip si Kyla. Hindi lang ito basta kriminal na galit at marahas—Scarface was a leader na may utak at puno ng isang tunay na strategies. At iyon ang dahilan kung bakit hindi madaling buwagin ang kanilang grupo.
"The Roadside Club," dugtong ng informer, boses nito ay bahagyang bumaba na parang natatakot na baka may makarinig mula sa kabilang linya. "Isa sa mga pagmamay-ari ng organization. Madalas silang nagtitipon at gumagawa ng transactions sa club na 'yan."
Nagsimulang maglaro ang isip ni Kyla. The Roadside Club. It sounded harmless, like a typical night spot sa lungsod. Pero kung ito pala ang epicenter ng mga maduming gawain ng Scarface Cartel, it held more secrets than its flashing neon lights let on.
"Where is it located?" tanong niya, pinipilit ang informer na maging mas detalyado pa.
"Sa outskirts ng Giuliano City, malapit sa industrial zone," sagot nito. "Mukhang ordinaryong club lang ito sa labas, pero sa loob, ibang usapan na. May private lounge doon para sa high-profile clients nila. Doon nila ginagawa ang mga major deals."
Napahawak si Kyla sa kanyang ulo. Kung gusto niyang i-expose ang Scarface Cartel, kailangan niyang makapasok sa lugar na iyon. Pero paano? Hindi siya basta-basta puwedeng sumugod nang walang plano. At kung totoo ang sabi ng informer tungkol sa mga heavily armed na tauhan ng cartel, isang maling hakbang lang ay maaaring ikapahamak niya.
"I see," sabi ni Kyla, pilit na pinapakalma ang kanyang sarili. "Any advice on how I can infiltrate that place?"
Tumawa ang informer sa kabilang linya, pero halatang puno ito ng nerbiyos. "Kyla, are you sure about this? Scarface doesn’t play games. You mess with them, you don’t get out alive. They don’t just kill people—they make them disappear. Kung tutuloy ka man, you’ll need more than guts. You’ll need someone on the inside."
Kyla bit her lip. Alam niyang totoo ang sinasabi ng informer, pero hindi niya kayang umatras ngayon. The Scarface Cartel wasn’t just a story anymore—it was a huge mission. At sa kabila ng panganib, she felt a deep responsibility to uncover the truth.