Habang papalapit sa opisina, tahimik pa rin si Watt. Kahit steady ang kanyang mga kamay sa manibela, hindi maikakaila ang tension na bumabalot sa loob ng sasakyan. Paminsan-minsan, sinisilip niya si Kyla sa rearview mirror. Tahimik ito, ngunit halatang may mabigat na iniisip habang nakikinig sa tawag kanina. Although Watt couldn't really understand what they were talking about , but he really felt there was something off. Kakaiba kasi ang aura ni boss Kyla ngayon– she's tensed.
Kanina pa niya napapansin ang kakaibang seryosong aura ni Kyla. Kahit madalas super bossy at super over-acting si boss, alam ni Watt na kakaiba ang atmosphere ng hangin ngayon. Iyon bang parang may bumabagabag dito, at alam niyang hindi lang basta simpleng business matters ito.
"Everything okay, Ma’am Kyla?" tanong ni Watt, pilit na binabasag ang tensyon.
Nagulat si Kyla sa tanong, pero agad siyang nagcompose ng sarili. Pilit siyang ngumiti, bagamat halata ang pagka-distracted. "Just some business matters," sagot niya nang maikli. Ipinakita niyang kalmado siya, pero hindi na siya nag-elaborate. Alam niyang hindi siya handang magkwento, lalo na’t hindi niya pa alam kung sino ang dapat niyang lapitan.
Hindi na muling nagtanong si Watt, pero ramdam niyang hindi ordinaryong trabaho ang iniisip ni Kyla. Something felt off. Tumahimik siya, pero ang utak niya ay nagtatanong. "Ano kaya ang nalaman niya? At bakit parang bigat na bigat ang pakiramdam niya ngayon?"
Sa kabila ng katahimikan nila, patuloy na naglalaro sa isip ni Kyla ang lahat ng narinig niya mula sa informer. The Scarface Cartel, ang notorious na leader nilang si Scarface, at ang kanilang secret operations sa Roadside Club. Parang puzzle pieces na dahan-dahan niyang binubuo, ngunit ang buong larawan ay tila napakadelikado.
"This isn’t just a story anymore," sabi niya sa isip. She clenched her fist, ang mga kuko halos bumaon sa kanyang palad. Masyado na siyang malayo para umatras. Alam niyang ang impormasyong hawak niya ay hindi lang headline-worthy. Isa itong mission—isang battle for the truth na posibleng magbago ng takbo ng kanyang kompaya.
Habang nakatitig siya sa labas ng bintana, ang ganda ng skyline ng lungsod ay hindi nagbigay sa kanya ng kahit kaunting aliw. Iniisip niya ang mga risks na kaakibat ng kanyang ginagawa. "Was it worth it?" tanong niya sa sarili. Kaya ba niyang harapin ang isang cartel na kayang magpatahimik ng kahit sino? Ang pangalan pa lang ni Scarface ay sapat na para takutin ang kahit sinong taong may plano laban sa kanya.
Nakarating sila sa opisina ni Kyla ilang minuto bago magtanghali. Malamlam ang kanyang mga hakbang pababa ng sasakyan. Binuksan ni Watt ang pinto para sa kanya, gaya ng lagi niyang ginagawa, ngunit ngayon ay may halong pagka-seryoso ang kanyang kilos. Alam ni Watt na may mabigat na nangyayari. Hindi man siya magsalita, kita iyon sa kanyang mga kilos at mata.
“I’ll call you later kung may errands,” sabi ni Kyla habang papasok siya sa building. Ang boses niya ay matigas, pero halatang distracted.
“Sure, Ma’am,” sagot ni Watt, bagamat sa isip niya ay tila may warning bell na tumutunog. Kung anuman ang impormasyong hawak ni Kyla, alam niyang ito ay mas mapanganib kaysa kaya nitong dalhin. He could feel it in his gut.
Habang nakaupo si Watt sa sasakyan, tumitig siya sa dashboard. Hindi mapakali ang kanyang isip. Ang trabaho niya ay simpleng driver lamang, pero ramdam niyang may mas malaking papel siyang gagampanan. "Maybe she needed more than just a driver, or maybe I am just putting so much trust on my guts. She's probably right, thou. Baka business matters lang din after what happened to her and her business partner–Dark." bulong niya sa sarili, habang pasimpleng inikot ang kanyang tingin sa paligid.
Pagpasok ni Kyla sa kanyang opisina, agad siyang sinalubong ni Katty, ang kanyang palaging hyper na secretary. Ang lakas ng energy nito ay parang kabaligtaran ng kanyang sariling mood.
“Good noon, Ma’am Kyla!” masiglang bati ni Katty, na parang wala itong napapansin sa seryosong aura ng kanyang boss.
Tiningnan lang siya saglit ni Kyla at napabuntong-hininga. “Anong meron, Katty?”
“Ah, ma’am, si Sir Dark po. Kanina pa siya dito. Hinahanap kayo, pero hindi ko po alam kung nasaan kayo kaya sinabi ko na lang na bumalik siya maya-maya.”
Napakunot ang noo ni Kyla. “Bakit daw?”
“Hindi ko rin po alam, ma’am. I guess it’s about business matters? Mukha naman siyang normal.”
“Oh…” tugon ni Kyla, bahagyang ngumiti. Sa totoo lang, hindi niya naisip si Dark mula nang maghiwalay sila sa restaurant kanina. Napatigil siya sa paglalakad, sabay bulong sa sarili, “So he chooses business over me. Good choice.” Puno ng sarcasm ang kanyang tono, pero halata ang bahid ng irritation.
“Huh? Over you, Ma’am Kyla?” usisa ni Katty, halatang na-curious.
“Never mind, Katty. It’s not important.” Napailing si Kyla, sabay balik sa seryosong tono. “By the way, call my new driver sa parking lot. Sabihin mong umakyat siya dito. Gabayan mo siya, para hindi malito.”
“Ay, Ma’am, diba alam na ni Kuya Bado ang pasikot-sikot dito sa office?” tanong ni Katty, nagtataka.
“No. I fired him.” Mabilis ang sagot ni Kyla, sabay tingin kay Katty na para bang sinasabing, "Huwag mo nang usisain."
Napakislot si Katty. “Ah… Okay po. Right away.” Dali-dali itong tumalikod, nagmamadaling pumunta sa parking lot.
She couldn't believe na ang simpleng araw na ito ay biglang naging puno ng komplikasyon. Between Scarface, Dark, at ang stress ng kanyang trabaho, she felt a heavy weight pressing on her shoulders. Pero kahit ganoon, hindi niya pwedeng ipakita ang kahinaan niya. Umupo sya sa kanyang elegant na chair matapos niyang taasan ang pressure ng air-con, at huminga ng malalim; iniisip kung ano at sino ang kanyang lalapitan sa kanyang mga nalaman.
Sa parking lot, nag-aalangan si Watt habang hinihintay ang susunod na instruction. Biglang dumating si Katty, habol ang hininga mula sa pagtakbo. “Hi, ikaw ang bagong driver ni ma'am Kyla, ‘di ba?” tanong nito, nakangiti.
Tumango si Watt, bahagyang nagulat sa energy ng babae. “Yes, ma’am. Bakit po?”
“Ugh…Ghad… Ma'am Kyla bakit hindi nito naman sinabi na ganito pala ka hot ang bagong driver mo. Muntin tuloy along malaglagan ng pantyliner.” Paglalaro ng isip ni Katty nang makita niya ng mas malapitan si Watt. Inayos niya ang kanyang suot na blazer at hinawi ang kanyang buhok sabay smile ng very flirty.
“Uh… I'm Katty by the way– Kyla's secretary…” Hindi na niya hinintay na makalabas si Watt sa sasakyan dahil kaagad na niya itong kinamayan.
Watt Yabro, somehow, shocked dahil napaka-jolly ng babaeng ‘to. She was totally the opposite of her boss.
“Inutusan ako ni Ma’am Kyla na dalhin ka sa office niya. Para daw makasama mo ako… at para hindi ka rin malito.” Ngumiti si Katty in the flirtiest way possible. Sabay open door at hinatak si Watt palabas. “Come on…” muling sabi nito sabay lip bite.
Inilibot muna ni Katty si Watt sa loob ng building. Ipinakita niya ang iba’t ibang sections ng office habang panay ang kwento tungkol sa mga colleagues nila. Halatang aliw na aliw si Katty sa presence ng bagong driver. Nang makarating sila sa opisina ni Kyla, bumungad ang tahimik na boss na nakasandal ang ulo sa kanyang chair, parang may iniisip na malalim.
Pagkapasok, agad na sumugod si Katty papunta kay Kyla. "Grabe ka naman, Ma’am Kyla! Bakit hindi mo sinabi na super gwapo at hot pala nitong bagong driver mo?" biro nito habang panay ang tawa. “Nakaka-we—uhm, nakakakilig tuloy…” dagdag pa niya, sabay kindat kay Watt.
Natawa nalang si Watt sa kanyang narimig at umupo na lang siya sa sofa sa gilid at ngumiti ng hilaw.
Napatingin si Kyla, asar na asar. “Katty, tumigil ka nga diyan, baka gawin ko rin sa’yo ang ginawa ko sa last driver ko!” madiin niyang sabi.
“Grabe naman, Ma’am. Compliments lang naman ‘yon!” sagot ni Katty, nagtatampong kunwari.
“Get out. Now,” madiin na utos ni Kyla.
“Opo, Ma’am…” pero bago umalis, binigyan muna ni Katty ng super flirty smile si Watt, sabay kindat. Napatakip na lang ng mukha si Watt, habang pilit pinipigilan ang mapangiti.
“Oh ikaw! Anong nginingiti-ngiti mo d'yan? Gusto kong sumunod!?”
“Ghad, this woman is crazy!” Isip ni Watt at hindi na lang tumugon pa.