“So you two lost against Watt Yabro, do you?” Ang boses ni Don Deather ay malamig, malalim, at nakakatakot. Parang hayok ito sa bawat salita na kanyang binibitawan habang nakatitig siya kay Dice at Crowbar. Nasa loob sila ng isang madilim na silid, at tanging isang ilaw lang mula sa itaas ang nagbibigay-liwanag. Ang anino ni Deather ay nagmumukhang mas malaki kaysa sa aktwal na laki niya, at ang kanyang presensya ay parang pumupuno sa buong kwarto. Well, after all, siya ang pinuno ng isang malaking grupo ng mga criminal kaya walang dudang nakakatakot ang kanyang aura. Habang kausap ang kanyang dalawang crew, ang tingin niya ay parang gusto nang lumamon ng sino man. Ang kanyang malalalim na mata ay halos sumisilip na sa mga kaluluwa nina Dice at Crowbar; at ang kanyang scar sa mukha ay dum

