Maganda naman ang first impression ni Kyla sa kanyang mysterious driver—matangkad, moreno, at may pagka-intense ang aura na parang leading man sa pelikula. Pero habang tumatagal, hindi niya maintindihan kung bakit parang unti-unting nababawasan ang admiration niya kay Watt Yabro. Masyado kasing calm and composed ang lalaki, isang bagay na nakakainis para sa isang taong tulad ni Kyla, na sanay na lahat ng tao sa paligid niya ay tila naglalakad sa eggshells para lang hindi siya ma-offend. Siguro, naiirita siya dahil hindi nito ina-admire ang kanyang pagka-super pretty at witty. At siguro rin, hindi niya matanggap na ang driver niyang ito ay parang literal na dream guy—maliban sa mabango, magaling manamit, at laging sharp tingnan, may tindig rin na parang laging handa sa kung anong mangyari. Pero deep down, Kyla felt it: may tinatago si Watt. Something interesting.
"Could you please avoid the traffic, Watt? Malalate na ako, eh!" bulyaw ni Kyla mula sa likuran ng sasakyan. Naglagay siya ng mga bracelets sa kamay habang sinisigurado ang kanyang make-up sa maliit na salamin. "Darating pa naman 'yong business partner ko from a very important business trip. I need to have a good impression!"
Tahimik lang si Watt sa driver's seat. Hindi niya kailangang lingunin ang amo niya para maramdaman ang tensyon sa likod. Pero sa kasamaang-palad, napilitan siyang biglang umapak sa preno dahil sa bumper-to-bumper traffic.
"Ano ba yan! Watt!" Umuntog si Kyla sa sandalan ng backseat, tumingin sa kanya na parang gusto siyang lunukin nang buhay. "Could you at least drive properly?! You made a good first impression nung unang araw mo, but you better keep it up! Otherwise, I'm gonna fire you!"
Sa isip-isip ni Watt, napangiti siya ng bahagya. "Kung hindi ka lang maganda, ma'am, baka itinapon ka na ng ibang tao sa ilog at ipinalapa sa mga pirana." Pero siyempre, hindi niya iyon sinabi. Nanatili siyang composed, kagaya ng laging ginagawa niya.
"Hindi po maiwasan ang traffic, ma'am," mahinahon niyang sagot habang nakatutok ang mga mata sa daan. "We have to wait kung kailan ito luluwag."
Pero hindi iyon ang sagot na gusto ni Kyla. She crossed her arms and let out a loud sigh. "Ugh! Bakit ba kasi sobrang traffic ngayon? Hindi naman ganito dati ah! This is so irritating!"
"May burial parade po sa unahan, ma'am," sagot ni Watt, kalmado pa rin. "At the very least, we have to wait and pay our respects."
Biglang pumaling si Kyla, parang hindi makapaniwala sa sinabi ng driver niya. "Wala akong pakialam sa burial parade na 'yan ha! At bakit nila ako inaabala? Sino ba sila?!" Pigil na pigil na sa galit ang tono niya.
Tahimik lang si Watt, pero ramdam niya ang tension sa sasakyan. Iniwasan niyang sumagot, dahil alam niyang anumang sasabihin niya ay baka lalong magpagalit sa amo niya.
"Hoy, ikaw ha! Gumawa ka ng paraan! Kung hindi, fired ka na bukas na bukas!" dagdag ni Kyla, tila hindi mapakali. "Respect-respect… pati trabaho ko dinadamay nyo sa mga ganyan-ganyan nyo!"
"Yes, ma'am," sagot ni Watt, halos robotic ang tono. Tumango siya ng bahagya, naghanap ng space sa trapik, at nag-overtake kahit parang imposible. Sa gitna ng busina ng ibang sasakyan, sinubukan niyang singitan ang ibang kotse para lang mabigyan ng shortcut ang amo niyang tila naubusan na ng pasensya. Napanganga si Kyla, tila impressed at nagulat sa ginawang pagsingit ni Watt, pero hindi niya ito inamin nang diretso.
"Good job," sabi niya, pero halata pa rin ang inis. "Next time, gawin mo na agad para hindi mo na kailangang pagsabihan."
Habang nagpapatuloy si Watt sa pagmamaneho, tahimik lang siyang nagbilang sa isip niya. Init na init na kasi siya at parang sasabog na sa sobrang kabastosan ng boss niya "Kalma lang, Watt. Bear with it. Kailangan mo ng trabaho. Ito ang chance mo na patunayan sa sarili mo na kaya mo ‘to." Alam niyang against his principle ang ginawa niya, pero hindi niya kayang mawalan ng trabaho, lalo na't kailangan niya ng pera para sa mga pamangkin niya sa probinsya. "Swallow your pride, Watt. Do it for them."
Habang nasa biyahe pa rin sila, biglang sumilip si Kyla mula sa likod at tinitigan si Watt sa rearview mirror. Masyadong tahimik si Watt at tila malalim ang iniisip. Whatever it is, she wanted to dig it deeper. He wanted to know about his driver's life. "You’re too quiet, Watt," she commented. "Do you even talk to anyone?"
Napataas ang kilay ni Watt, pero nanatili siyang kalmado. "I only speak when necessary, ma’am." Obviously he's a bit shaken dahil biglang nagbago ang ihip ng hangin. At some point, he felt it na hindi na ganon ka iritado ang kanyang boss.
"Hmm," Kyla hummed, tila nag-iisip. "You know, you’re kind of mysterious. Parang tahimik ka lang pero deep inside, may tinatago ka. I can sense it."
Hindi sumagot si Watt. Sa halip, tinutukan niya ang daan habang pilit na ini-ignore ang tingin ng amo niya mula sa salamin. Pero hindi siya tinigilan ni Kyla. He couldn't hide the fact that his boss has pretty and elegant eyes, sobrang sungit nga lang.
"What’s your story, Watt?" tanong niya, tila curious talaga. "Why did you end up as my driver? I mean, you don’t look like the type who drives for a living."
Medyo natawa si Watt sa sinabi ni Kyla. "It’s a long story, ma’am. And not that interesting."
"Ghad, ang boring mo, Watt," sagot ni Kyla, sabay irap. "Hindi man lang exciting ang sagot mo. Pero sige, pagbibigyan kita. I’ll find out eventually."
Napabuntong-hininga si Watt, "You’re very persistent, ma’am."
"Of course. That’s what makes me the best journalist." sagot ni Kyla na tila proud na proud sa sarili.
Habang nag-uusap sila, unti-unting nawala ang traffic, at nakakita si Watt ng mas maluwag na daan. Tumahimik si Kyla habang nakatingin sa labas ng bintana. Sa isip niya, hindi niya maintindihan kung bakit kahit iritadong-irita siya kay Watt, may kakaibang dating ito sa kanya.
"He’s so calm, parang wala siyang problema sa mundo," sabi ni Kyla sa isip niya. "And that makes me want to shake him up a bit."
Samantalang si Watt naman, tahimik lang pero nasa isip niya ang mga tanong ni Kyla. "Why am I here? Because I need this job. Hindi ko kailangan ng ibang dahilan." Pero hindi rin niya maiwasang mapaisip kung bakit parang napaka-complicated ng amo niyang ito.
Nakarating din sila sa destination ni Kyla, isang high-end na restaurant kung saan magkikita sila ng kanyang business partner. Huminto si Watt sa harap ng entrance, at mabilis na lumabas ang valet para kunin ang kotse.
"Finally," sabi ni Kyla, inaayos ang kanyang blouse bago bumaba. "Make sure to wait for me, Watt. I won’t take long."
Tumango lang si Watt bilang sagot, pero habang pinagmamasdan niyang pumasok si Kyla sa restaurant, napangiti siya nang bahagya. "She’s a handful, but at least, she’s not boring," sabi niya sa isip.
Habang naghihintay siya sa labas, biglang tumawag ang isa sa mga pamangkin niya mula sa probinsya. Saglit siyang tumabi para sagutin ang tawag. "Hello Dan? Oo, dito pa rin ako sa trabaho. Huwag kayong mag-alala, okay lang ako."
“Miss na miss ka na namin, Tito…” Sagot naman mula sa kailangan linya.
“Oh, tama na yan, Dan, Den, Din. Nasa trabaho pa ang Tito Watt nyo baka mapagalitan ng boss yan.”
“Peggy? Pards!” Sagot naman ni Watt Yabro. “Ikaw na muna ang bahala sa mga bata ha? Uuwi ako kapag sa mismong kaarawan ni Dan. Ikaw na muna ang bahala sa kanila.”
“No worrynesses pards! Everything is control underness the table! Tsaka yong mga bata ang gagaling na nila mag-English. Syempre may lahing Albert Einstein ‘tong pinsan mo. Alam mo na genius runs in the blood!”
Habang nakikipag-usap siya, hindi niya napansin na may ilang tao sa restaurant ang nakatingin sa kanya mula sa loob. Isa na rito si Kyla, na tila napansin ang seryosong ekspresyon ni Watt habang may kausap sa telepono. "Huh," sabi niya sa sarili. "What could he be talking about?" For the first time, Kyla felt genuinely curious about Watt Yabro—hindi lang bilang driver niya, kundi bilang tao.