"Upo ka," sabi ni Kyla, habang patuloy sa pag-higop ng kanyang kape. Nagkaroon ng kaunting linya sa kanyang noo, halatang may laman ang kanyang iniisip. "And have something to eat. May importante akong sasabihin sayo."
Umupo naman agad si Watt Yabro, medyo nahihiya. Ang kanyang fitted na suit ay bagay na bagay sa kanya. He looks exactly far beyond his background. Samantalang si Manang Karen ay pasimpleng pumunta sa eleganteng kusina para kumuha ng pagkain.
Maya-maya, bumalik si Manang Karen dala ang tray na may almusal at isang tasa ng coffee. "Coffee for a man like you, Mr. Watt Yabro," sabi niya na may bahid ng landi sa boses, sabay ilapag ng kape sa harapan niya.
"T-thank you, Manang Karen..." sagot ni Watt, medyo ilang sa tono ng matanda. Kinuha niya ang tasa ng kape, pero mukhang hindi siya sigurado kung iinumin ba agad dahil sa init nito.
"No, just call me Karen, okay? Wala nang 'Manang' Manang. And by the way, may chika ako sayo," dagdag ni Karen, sabay ngiti kay Watt. Parang hindi niya napansin ang malamig na tingin ni Kyla na nakatutok sa kanya mula pa kanina. O baka naman hindi niya talaga pinansin.
Sa isip-isip ni Karen, "Subukan mo lang akong pigilan, Madam Kyla. Sasampalin talaga kita ng isang milyong beses. Pero syempre, pasimple lang dapat ako. Kailangan ko ang charm ko. Watt Yabro, magiging ama ka ng future babies ko." Puno siya ng kumpiyansa habang nagpapaligoy-ligoy sa harapan ng mesa.
Si Kyla namang ay halatang malapit nang mawalan ng pasensya. Tumikhim siya nang malakas. "Alam mo, Manang, umalis ka na kaya sa harapan ko. Baka masampal kita ng dalawang milyong beses," iritadong sabi niya.
Natauhan si Karen sa sinabi ni Kyla, pero sa isip niya: "Hala, bakit dalawa ang sa kanya? Eh sa akin isang milyon lang? Ang unfair naman! Nako, lugi naman ako rito." Napatingin siya sa paligid, tila naghahanap ng sagot sa universe.
"Oo na, ma'am Kyla. Aalis na po..." sagot ni Manang Karen at pilit na pilot ngumiti. Dahan-dahan siyang naglakad pabalik sa kusina, pero halata ang bigat ng kanyang loob. Sino ba namang ang hindi kung aagawan ka ng eksena, diba? Chances na sana ‘yon eh. Sus!
Nagpatuloy si Kyla na parang walang nangyari. "So, Watt..." Simula niya, "There’s something I need to know about you. Why do you think... you’re here?"
Medyo nagulat si Watt sa tanong. Hindi niya alam kung paano sasagutin iyon. Para siyang estudyante na natawag ng teacher nang hindi nagbabasa ng libro. He's not ready, tho, pero hindi naman ‘yon halata dahil astig namang si Watt Yabro, diba?
"Well," sagot niya, nag-aalangang tumikhim. "I think it’s because you need a driver, right ma'am Kyla?”
Napangiti si Kyla, pero may halong suya. "you’re always so composed and calm, parang walang nangyayari kahit obvious na meron.”
Ngumiti lang si Watt at hinigop ang kanyang kape. Sa isip niya ay wala namang siyang ibang nakikitang dahilan maliban sa paghi-hire ng isang CEO ng having driver. “I kinda know kung bakit lagi kang naghahanap ng naging driver, Kyla…” Biking Niya sa kanyang sarili.
"Okay, I’ll be straightforward," sabi ni Kyla, sabay tikim ng kanyang coffee. " You are not a company driver. You are my personal driver. Lahat ng privileges na nakukuha mo sa company hindi mo makukuha sa akin. Diretso akong kausap, Watt Yabro. Kapag gusto ko, ano mang oras o araw, dapat ipagmaneho mo ako. Ayaw na ayaw ko sa nalalate baka maaga mong makasama si San Pedro.”
“Nako, sabi ko na nga ba at super sungit nitong si boss. Kaya pala walang driver na nagtatagal. Well anyways, I'm here to work so I'll see it through.” Wika namang ng isipan niya. Napangiti na lang siya ng super hilaw dahil sa bunganga ng kanyang boss Kyla. Maaga pa masyado para sa isang bulyaw, tsaka hindi ba pwedeng pataposin mo na syang uminom ng coffee?
Tumikhim siya at inayos ang kanyang sarili sa pagkakaupo sa isang eleganting table.
“Do you understand, Watt Yabro!?”
“I think you're not hiring a driver, ma'am Kyla. You're buying a life…” Sarcastiko namang sagot ni Watt. “Well, if that's your terms then I'll bear with it.”
“Good! Akala ko aangal kapa. Hoy, Watt, just because you pass the test doesn't mean you won, okay!?”
“Test?” Pagtataka naman Watt. “Anong test?” Sa isip niya.
“I mean… just because you helped me yesterday doesn't mean regular ka na agad. Hoy, to tell you things straight, if you do something wrong, papalitan agad Kita!”
“I get it… alright.”
"I'll get change. Finish that and call Manang Karen para ligpitin 'yan," sabi ni Kyla bago umakyat sa hagdan. Mukhang papunta siya sa kanyang kuwarto. Suot pa rin niya ang kanyang silk robe na parang sinadya para ipakita kung gaano siya ka-elegant kahit nasa bahay lang. Pero wala namang paki-alam si Watt kung saan siya pupunta. Ang mahalaga lang sa kanya ay magawa ang trabaho, kumita ng marangal, at masuportahan ang mga pamangkin niyang naiwan sa probinsya. Kung tutuusin, kung wala ang mga iyon, hindi niya alam kung nasaan siya ngayon. Malamang bangkay na siyang inuuwi sa kanila.
Napatingin siya sa tasa ng kape na hawak niya. Medyo malamig na pero ininom pa rin niya. "You're right, ma'am Kyla," sabi niya sa sarili, halos bulong lang. "Sanay na ako sa ganitong trabaho. Pero mas mabuti nang maglingkod sa isang bossy boss kaysa sa kanila. At least ikaw ma-booty naman." Napangiti siya nang konti sa sariling biro, pero agad din niyang iniwasan ang pag-iisip ng kung anu-ano. Hindi niya kailangan ng komplikasyon sa buhay.
Nasa kalagitnaan siya ng pag-inom ng kape nang biglang lumitaw si Manang Karen mula sa likuran.
"Oh, Mana—"
"Shh! Manang na naman!" putol ni Karen, sabay taas ng isang kamay na parang may dramatic flair. "I told you, huwag mo na akong tawaging Manang! Bata pa kaya ako! Tsaka, mabenta pa ako sa mga Australiano 'no!"
Natigilan si Watt, pero hindi niya napigilang sumingit, "Australiano? Talaga ba, Karen?"
Nag-cross-arm si Manang Karen at tumingin sa kanya na parang may inaasahang kapani-paniwalang sagot. "Oo naman! Alam mo ba, yung isa, muntik na akong yayain magpakasal nung nasa Australia ako dati. Kaso sabi ko, 'Wait lang, hindi pa ako ready, you know!' Tsaka gusto ko rin muna mag-focus sa career."
"Career? E ano pong career 'yon, Karen?" tanong ni Watt, hirap itago ang ngiti. "Yung pagiging expert sa pagtiklop ng bedsheet?"
Tumawa si Karen, pero halata sa mata niya na medyo tinamaan. "Grabe ka naman, Mr. Yabro! Kung gusto mo, we can hang out para malaman mo ang mga achievements ko. Libre kita. Ako bahala sa'yo. Parang date na rin!"
"Ah… eh… hindi na siguro, Karen. Busy kasi, alam mo na. Baka ma-late pa ako sa susunod na schedule, hindi na ako sisikatan ng araw," sagot ni Watt, pilit na umiwas. Sa totoo lang, hindi niya alam kung paano tumanggi nang hindi nakaka-offend.
"Natatakot ka kay ma'am Kyla, ano?" tanong ni Karen, sabay taas ng isang kilay. "Naku, huwag kang mag-alala. Ako bahala sa kanya! Pag tinanggalan ko 'yan ng nguso, tingnan ko lang kung makapag-malaki pa siya!"
Napatigil si Watt sa kanyang iniinom at napangiti, habang si Karen naman ay tuloy-tuloy lang sa kanyang saloobin. "Ang dami na ngang inaagaw ni ma'am Kyla, pati ba naman ikaw? Che talaga 'yang babaeng 'yan! Humanda siya sa akin. Ako ang reyna ng bahay na 'to!" Sa isip lang niya iyon, pero kitang-kita sa kanyang mukha na may sarili siyang away kay Kyla kahit hindi siya pansin nito.
Napailing na lang si Watt. "Oo eh, medyo maldita siya."
Biglang may narinig na malambot ngunit malamig na boses mula sa likod. "Sinong maldita, Mr. Watt Yabro?"
Parang natanggal ang kaluluwa ni Watt. Gulat siyang napalingon at nakita si Kyla na nakatayo sa may hagdan, suot na ngayon ang isang simpleng pang office na may isang iconic na oversized sunglasses. Pero kahit simpleng outfit lang, parang runway model pa rin siya.
"Ginulat mo naman ako…" sabi ni Watt sa isip, pero sa labas, wala siyang ipinakitang reaksyon. Halata sa mukha niya na composed pa rin siya, kahit parang naputukan ng firecracker ang dibdib niya.
"Diba, Karen, maldita minsan 'yong mga sports car ni ma'am Kyla?" mabilis na sabi niya, pilit na idinadaan sa biro.
Napalingon si Kyla kay Karen, na agad namang tumungo sa lamesa, kunwari busy. "At paano mo namang nasabi, Mr. Yabro?" tanong ni Kyla, tumititig kay Watt na parang binabasa ang kanyang kaluluwa.
Nagkibit-balikat si Watt, iniwas ang tingin at tumingin sa kape niya. "Because they're so elegant, ma'am Kyla. Sometimes, elegant is maldita, right, Karen?" Lumingon siya kay Karen, pero mukhang si Karen ay bigla nang naging abala sa pagligpit ng hapag.
"Basta wala akong alam d'yan," sabi ni Karen, sabay lakad papunta sa lamesa at nagsimulang magligpit. Pero halata naman na pilit niyang iniwasan ang pagtingin kay Kyla.
Habang nagliligpit si Karen, napansin ni Watt na nakatitig pa rin sa kanya si Kyla. Napaisip siya kung narinig kaya nito ang sinabi niya.
"Akala ko ba matapang ka, Karen?" biro ni Watt sa isip niya. "Takot ka pala sa bossing."
Napangiti si Kyla nang bahagya, pero halata na iritado siya. "Karen, ayosin mo 'yang trabaho mo ha. Kung gusto mo ng relaxation, bakit hindi ka mag-break sa trabaho mo?"
Biglang naglakad si Karen palayo, kunwari wala siyang narinig. Pero sa isip niya, "Hindi pa tapos ang laban natin, Ma'amKyla. Tingnan natin kung sino ang tunay na reyna dito."
Samantalang si Watt naman ay tahimik lang na nakatingin, iniisip kung paano siya napunta sa ganitong sitwasyon. "Ito ba ang kapalit ng maayos na trabaho? Parang arena ng drama ang bahay na 'to."