“Kuya, sino naman siya?” tanong ni Dan habang nakatingin kay Kyla na mahimbing na natutulog sa sofa. Ang mga mata niya ay punong-puno ng pagtataka habang pinagmamasdan ang babaeng ito na tila prinsesa na nagpapahinga, pero halata sa mukha ang bakas ng pagod at siguro ay komplikasyon na rin ng kanyang temporary memory lost. Napatingin si Watt kay Dan, at ay bahagyang ngumiti. Kung tutuusin, malaki ang pasasalamat niya na ang kanyang masungit na boss ay malayo na sa anumang panganib. Bagamat masalimuot ang kanilang pinagdadaanan, ang kaligtasan ni Kyla ang nananatiling nasa unahan ng kanyang listahan. After all ito naman talaga ang tunay na motibo niya kung bakit lagi niyang pinapakealaman ang buhay ng babae: to make sure she's safe. “She's Kyla…” sagot ni Watt sa mahinang tinig, sabay ba

